Horrible Boss
Masaya ako sa trabaho ko ngayon. Kung hindi niyo napupuna, madalang nalang ako kung mag-update ng blog. Ganyan naman siguro tayong lahat. Pag masaya na sa buhay, tinatalikuran nalang ang blog na dati’y naging “stress reliever”.
Kailangan ko pang pilitin ang sarili ko ng ilang beses para lang magsulat ng bago. Parang macaroni soup na ginawa ko ngayon. Pilit ako sa pagkain kasi ang pangit ng pagkagawa. At dahil nasimulan ko na, kailangan kong tapusin.
Bago ang boss ko. Syempre, bagong kompanya, bago lahat. Ang nanatili nalang siguro sakin na luma ay yung tiyan ko na mukhang vinulcanize.
Yung relasyon namin ni boss ay parang relasyon ko din sa Teddy Bear. Nakyukyutan ako. Sa sobrang kyut, gusto ko siyang sakalin ng wagas at walang pag-iimbot. Gusto kong iipit yung mga matatabang daliri niya sa pintuan. Pero hindi sa lahat ng panahon ay galit ako sa kanya. Lalong lalo na sa tuwing nililibre niya ako ng pagkain. Natutunan ko siyang mahalin sa mga panahon na ganyan.
Don’t get me wrong. Hindi ako patay gutom o hampas lupa. Nagkataon lang na mahilig talaga ang pagkain na lumapit sakin. Ganyan kalakas ang alindog ko.
Hindi masyadong strict si boss. Sa katunayan, madalas niya akong pag-tripan. Alam niyo kung ano ang problema dun? Yun yung feeling mo na hindi ka makakaganti kasi pikon si boss. Isang pagkakamali lang, makikita mo nalang sarili mo na nag-eempake ng mga picture frames na nilagay mo sa station mo.
Minsan, nagkwento si boss.
“Alam mo, noong elementary ako, nakidnap na ako.”
“Huh? Sure?” Nagduda ako. Hindi naman kasi si boss mukhang mayaman.
“Oo. 3 araw akong ikinulong sa warehouse”.
Gusto ko na talagang tumawa, pero pinipigilan ko lang.
“Tinawagan nila yung nanay ko.”
“So nagbayad din ba yung parents mo?”
“Hindi”
“Eh anong nangyari?”
Umiyak daw ang nanay niya. Tapos sinabihan ang mga kidnapper na…
” Maawa naman po kayo samin. Hindi naman kami mayaman. Mataba lang talaga siya…hu hu hu”
Hindi ko alam kung may hu hu hu ba talagang naganap. Pero pabayaan niyo nalang ako na ilagay yan.
Sa oras na yon, gusto ko na talagang isabog sa mukha niya ang coke na iniinum ko.
“Alam mo kung ano ang nag udyok sakin para sumama sa mga mama na yon?”
“Syempre hindi sir. hi hi hi”
“Pinakitaan nila ako ng isang…………….lata ng Milo“.
Hulaan niyo kung ano ang ginawa ko. LOL
PS: Kamusta nalang pala diyan sa dalawang blogger na ikinagulat ko, Pareho pala kami ng kompanya. Hahahaha…













Zarraga, Spain circa 1987 



