The Great Maldito

Thou shall not bitch

Little Monsters

Bwesit na ulan, napapawet ako at napapa-emo. Sa mga panahong ito, malamig at medyo mamasa-masa, gusto ko nalang tumambay sa kwarto ko sa Iloilo habang kayakap ko ang mga little rascals ko.

Meet Drowi and Gencyl. My two little monsters.

Sa mga panahong malungkot ako, sila parati ang iniisip ko para mawala ang pagka homesick. At kung tatanungin niyo kung san nagmana ang mga niyan…ehem….ehem…..ehem…

Maraming bloopers ang mga litte monsters ko na yan. Minsan ako nalang ang nahihiya sa ibang tao kasi daig pa ako kung magsupalpal. Kung hindi lang talaga sila bata, matagal ko na silang nilagay sa sako at iniwan sa isang bakanteng subdivision.

Isinama ko minsan si Drowi sa isang party ng kaibigan ko na nagkataon merong alagang parrot. Inabot ko ang buong mais sa kanya sabay sabi:

“Drowi, pakainin mo ang parrot”.

Iniwan ko lang sandali, nakita ko ang parrot na nakahandusay sa sahig.

“Drowi, anong ginawa mo!”.

“Ayaw kumain e. Tigas ng ulo kaya pinalo ko”.

Imbes na magalit ako, natawa ako. Gusto ko siyang kurutin sa singit ng very soft.

“Sige. Pag ikaw ayaw kumain, hahampasin din kita ng mais”.

Kawawa ang parrot. Parang na amnesia at nakalimutang parrot siya.

Feeling niya kasi ngayo isa na siyang Peacock.

Si Gencyl naman, sinama ko noong bumili ako ng cake para sa graduation party ng sister ko. Habang nilalagyan ng pangalan ang cake, that spells as “Congratulations yana”,  biglang nagtanong:

“Daddy, ano ang ginagawa sa cake?”.

“Nilalagyan ng pangalan ng tita yana mo”.

” Bakit nilalagyan? Para ba hindi mawala?”.

Ha ha ha… Baka akala niya para lang notebook ang cake.

Next month, I’ll see my little monsters again. Im sure, meron na naman akong kwentong baon para sa inyo. I just cant wait.

About these ads

Single Post Navigation

19 thoughts on “Little Monsters

  1. mga pamangkin ko din palaging napapatawa ako kapag kausap ko.. yung mga simpleng kuwentuhan namin sa almusal ung namimiss ko sa kanila.. baka nga pagbalik ko ng bacolod next time, mga dalaga na at binata.. di na ko makakauwi this year sa bacolod…

  2. Kawawang parrot. naimagine kong mahilo hilo pa syang naglakas (oo, naglakad!) pabalik ng cage nya. Haha.

  3. poor parrot. Pero mautak ang mga little monsters mo. Wais. Paluin ang ayaw kumain at lagyan ng name ang cake. heheh.

    Enjoy your day with your kids sa pagbalik mo. :D

  4. hangkyut ng mga little monsters mo, biatch. ba’t di nagmana sa’yo? bwahahaha! XD

    teka lang, ‘yang mga chikiting patrol ba na ‘yan eh pamangkin mo o kapatid mo? di mo kasi sinabi. imposible namang anak sa pagkadalaga. wala ka namang matris.

  5. ang kyot kyot nila feeling ko mag kakasundo-sundo kame, coz we’re like chums and stuff. bwahihihi

  6. Bwesit na ulan, napapawet ako at napapa-emo. Sa mga panahong ito, malamig at medyo mamasa-masa, gusto ko nalang tumambay sa kwarto ko sa Iloilo habang kayakap ko ang mga little rascals ko.

    — feeling the same here.. i wish merong train bound to Dubai – zambales…at lalarga na ako to be with the kids.. NOW NA!… btw, the kids are cute and looking smart :)

  7. Ahahaha I just love how kids are so silly and they can get away with it…

  8. naawa naman ako dun sa parrot. parang yung alaga ko lang.

    kulit ng mga monsters mo!! :D

  9. Nakakatawa yung huling hirit! Haha. Sya nga naman. Akala ko nung tinanong niya na anu ginagawa sa cake tapos sinabi mong nilalagyan ng pangalan eh babarahin ka. Haha. Nilalagyan ng pangalan? Hindi na kinakain ang cake ngayon? Haha.

  10. ang kukyut!!! di nagmana sayo manoy! gumising ka sa katotohanan, hanubah! haha. anong pasalubong mo sa akin galing ilo-ilo? pwedeng batchoy? nyahaha.

  11. hahaha! natawa ko dun sa bakit nilalagyan ng pangalan ang Cake. lol. Di ko na maalala pero malamang nung bata ako, naisip ko rin yan.

  12. Ah talaga, may anak ka na pala! Hindi kasi ako nagba backread eh. Yan tuloy, kastilyong buhangin na ang aking pag-asa… Rakenrol brad, mabuhay ka!

  13. mas kawawa yung cake.. may pangalan na, mabilis pang mawala. tsk. nakakatuwaat nakakamiss talaga ang mga kainosentehan at kakulitan ng mga bata.

  14. haay. i can totally relate, ang mga pamangkin ko ganyan din. teka, baket daddy ang tawag ng isa sayo?

    i love kids! kaya nga di ko maintindihan baket ayaw pa ko bigyan ng sarili kong healthy baby girl e. hehehe.

  15. are they yours? hang kukyut naman ng mga chikiting na yan! XD mahilig ako sa bata, pero galit ako sa batang sobrang makukulit…(wala lang akong pasensya). XD

  16. ahahaha natawa naman ako dun, hampasin ba naman yung parrot at nagplay dead naman yung hinayupak na parrot na yun feeling nya nasa teleserye sya at nagacting actingan sya ahahahaha. ag kyukyut nila :P

  17. mabenta din sakin mga jokes ng mga bata eh..yung anak ko nung isang beses tinanong ako kung bakit daw pag boy eh may titi tapos pag girl wala. siguro mga 3 beses ko na sinagot yang tanong na yan..inuulit pa rin.

  18. suss aho jd gi check kay abi ko ug ni stop na jd ka ug suwat ky mag welga ko dong.heehe. ka cute aning mga chikitinga oii. imo ni mga anak sa pagka daga?hehehe.or imo mga pag umangkon?

  19. akalain mo naman yan at may mga monsters ka rin pala. ako rin maraming mga ganyang kwento. lahat nga halos ng mga status ko sa FB puro sa kakulitan ng mga chikiting patrol ko e. nakakatuwa sila. their innocence actually is refreshing.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 233 other followers

%d bloggers like this: