The Great Maldito

Thou shall not bitch

My Own Corathon Review

Paunawa lang, ang review na to ay galing sa sariling puna ng manunulat at wala po tong kaugnayan sa kahit sino mang haters ni Erich Gonzales o sa mga pinaslang na baboy ramo sa pelikula. Wala po akong kahit ano mang koneksyon sa gobyerno para buhayin ang isyu na aswang si Pokwang. At huli, hindi po to pangungutya sa mga kinuhang supporting actress/actors  na kung maka arte dinaig pa si Richard Gutierez. Para lang na culture shock at hindi alam na nasa set. Again, hindi po to pangungutya sa kakayanan ni papa Rechard na umarte.

Ang Imbitasyon

Simula noong nakatanggap ako ng text galing kay Tabian at wacky  na nag-aayang manood ng pelikulang Ang Unang Aswang hindi na ako mapakali sa sobrang excited. Wala akong sariling telebisyon kaya sa ganito nalang ako nakikiupdate sa nagaganap sa showbiz world. Ang huling nood ko ata ng tv ay noong sumabog ang issue ng dayaan sa Metro Manila Film Fest care of sa aking idol na si Manay Lolit Solis. That beyotch, I mean yung mga alaga niyang aso.

So dumating ang takdang panahon na manonood na kami. Hindi ako masyadong prepared sa araw na yun. Nag long sleeve lang naman ako at black shoes. Feeling opening night at maglalakad sa pulang carpet.

Noong makita ko ang poster, napasigaw ako….

“Potah!! Asan si Lilia Cuntapay?!”.

Pag aswang ang pelikula Lilia Cuntapay agad? Hindi ba pwdeng si Erich muna?

Lesson 1: Bawal ang walang TV at hindi updated sa showbiz.

Cinematography

Wala akong alam sa cinematography. Ni hindi ko nga alam kung ano ang meaning niyan. Pero noong narinig ko ang officemate ko na nag-eexplain tungkol sa cinematography, para lang akong tinutukan ng limangdaang spotlight sa sobrang “enlightenment”.

Sabi niya: “Yung Ang Unang Aswang, Indie film yun. Kaya lang mahal ang ginamit na camera, kaya mukhang hindi Indie film. Mahal siya na Indie film”

Gusto kong pagsuntukin ang matres niya. Degree holder ako, kung makaexplain tatanga-tanga lang.

Soundtrack

Maganda ang background music na ginamit sa pelikula. Hanga ako sa composer dahil talagang pinag-isipan talaga ang pag-ungol, from start to finish. Kung may ikakasal na kaaway ko, yun yung isusuggest ko na gamitin. Nakakatakot pakinggan. So eerie. Kaya nga sabi ko, sana puro soundtrack nalang yung pelikula, natakot pa ako.

Derek Ramsey

May tanong lang ako, bakit sa tuwing iiyak si Derek sa paghahanap kay Corazon (Cora-thon), parating lumuluhod , tapos iiyak na nakaharap sa  lupa ang mukha? May tinatago ba kayo sa mukha ni Derek? At sa tuwing may love scene, bakit puro baba ni Erich yung kinakain, I mean hinahalikan? Isang beses ko lang nakita si Derek na umiiyak sa pelikula, pagkatapos nun, natakot na ako.

Baboy ramo

Oo, simula kay Rechard mapunta naman tayo sa baboy ramo. Potah, Damay-damay na to. Hindi ako natuwa sa kanila. One minute buhay na buhay yung baboy ramo, tapos noong pinatay na ni Derek Ramsey naging styro. Ano yon? Lokohan?

Pero kung kukumpara ko naman ang baboy ramo kay Rechard Gutierez, eh mukhang may facial expression pa yung  baboy ramo.

Bat ba pinag iinitan niyo si rechard ha?!

Estatwa

Total pinag-usapan din naman natin yung baboy ramo eh bakit hindi nalang natin idamay ang estatwa na pinasan ni Corazon para lang mabigyan ng anak. Kung papipiliin ako kung anong scene ang kinatatakutan ko, yung ay yung pinakita ang mukha ng estatwa.

Naalala ko kasi si Kuya Germs ang at kanyang clown collection.

Extras

Kung may ikakatuwa ako sa pelikula maliban sa mabilis na pagtakbo ni Corazon kahit walang kain, nakakatuwa talaga yung mga extras na hindi ko alam kung saan kinuha. Yung iba mukhang inutusan lang bumili ng suka tapos nawala sa set ni derek.  Natuwa ako sa isang mama na sinilipan ni Tetchie Agbayani habang natutulog. Kahit walang eye contact sa camera, ang lakas makahatak……

Ng init sa ulo.

Erich as Aswang

Hindi ko kayang kutyain si Erich at ang kanyang kakayahan na umarte.Para lang kasing pinagtawanan ko yung taong mahal ko. Lol. Kahit na aswang si Erich maganda parin. Superb acting, lalo na yung pasan niya yung rebulto. Natatangahan lang kasi ako. Niyahahahaha… Okay naman yung mga love scenes nila ni Derek. Puro lapaan ng baba. bwesit. Wala man lang penetration scene, I mean inspirational scene.

So ano yung hatol ko?

For me,  the best comedy movie of the year!

About these ads

Single Post Navigation

18 thoughts on “My Own Corathon Review

  1. Wahahahah Da best review to!!!! Mai-twitter nga! hahaha

  2. dahil sa review mo, hinding hindi ko panonoorin yang lintek na pelikulang yan. kahit comedy pa yan. salamat sa heads up pre! haha!

    busy busyhan ba? sus, wag kang magpapaniwala sa mga boss mo! lols!

  3. di ko pa to napapanuod. at wala akong balak panuorin.

    trailer pa lang, fail na.

  4. hahaha …. lagot ka kay anabel dung. lolz

    mukang ok siya ayon sa review mo ah :)

  5. Hhehehe, buti di ako nanood nito

  6. haven’t watched it… pero sa review mo, parang gusto kong sabihin “buti na lang, di ko pinanood”.. am so bad.

    hindi naman sa di ko tinatangkilik ang mga local movies. pero napaka-predictable kasi ng story. at yun nga.. minsan parang tinipid masyado ang props and effects. kita mo yung flaws.

    hintayin ko na lang na lumabas sya sa mga local channels. dun ko na lang din husgahan! :)

  7. Tungkol ba sa ano to? Literal?

  8. procopia marie on said:

    hehehe parang gusto ko tuloy panoorin kasi puro sa baba…yung iyak ni derek. kaya ganun yun kasi walang luha. di naman kaya ni derek mag-ala Jacklyn Jose na kahit anong linya kayang humarap sa kamera na tumutulo ang luha. kaya lang talagang wala ba si Lilia Cuntapay?

  9. Bakit ang saya saya laiitin ng mga pelikulang pinoy? Yung Harry Potter ang hirap pintasan. I-level ba ang Harry Potter sa Carathon? (:

  10. TAWA AKO NG TAWA sa review mo. SUSME! HAHAHA, kaya nga lahat ng mga ininterview (yung mga lumalabas sa sinehan na nagccomment) eh, nakabungisngis. wagas kung makapagsabi ng “NAKAKATAKOT! (Laki-laki naman ng tawa)” wahahaha! ayos. XD

  11. love this review =))) parang di nkakatkot eh! mukhang comedy =))

  12. kailan lalabas sa torrent ito? gusto kong matawa ng bonggang-bongga! hehehehe great review!

  13. hataw ang review! hindi ko malilimutan ang ang transformation ng baboy ramo, ibang klase.

  14. Di ko pa napapanood ang movie pero base sa review mo… d hamak n nakakatuwa sya. Pero bakit gnun na lang ibuild-up ang movie sa mga reviewsa sa TV. Ah basta hintayin ko n lang to sa Cinema one!

  15. Natawa ko sa billboard nito sa EDSA. Corazon ang unang aswang… pero ang picture si Derek Ramsey lang nagpapacute sa camera. Reminds me of the DVD ng Feng Shui na nakita ko noon, ang cover ng DVD eh si Kris Aquino sa luma nyang talk show at si Jay Manalo na topless ala Totoy Mola.

  16. nakakatawa ka, grabe feeling ko mahal na kita! hahaha (o di ba, nakakatawa tlga)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 232 other followers

%d bloggers like this: