The Great Maldito

Thou shall not bitch

Horrible Boss

Masaya ako sa trabaho ko ngayon. Kung hindi niyo napupuna, madalang nalang ako kung mag-update ng blog. Ganyan naman siguro tayong lahat. Pag masaya na sa buhay, tinatalikuran nalang ang blog na dati’y naging “stress reliever”.

Kailangan ko pang pilitin ang sarili ko ng ilang beses para lang magsulat ng bago. Parang macaroni soup na ginawa ko ngayon. Pilit ako sa pagkain kasi ang pangit ng pagkagawa. At dahil nasimulan ko na, kailangan kong tapusin.

Bago ang boss ko. Syempre, bagong kompanya, bago lahat. Ang nanatili nalang siguro sakin na luma ay yung tiyan ko na mukhang vinulcanize.

Yung relasyon namin ni boss ay parang relasyon ko din sa Teddy Bear. Nakyukyutan ako. Sa sobrang kyut, gusto ko siyang sakalin ng wagas at walang pag-iimbot. Gusto kong iipit yung mga matatabang daliri niya sa pintuan. Pero hindi sa lahat ng panahon ay galit ako sa kanya. Lalong lalo na sa tuwing nililibre niya ako ng pagkain. Natutunan ko siyang mahalin sa mga panahon na ganyan.

Don’t get me wrong. Hindi ako patay gutom o hampas lupa. Nagkataon lang na mahilig talaga ang pagkain na lumapit sakin. Ganyan kalakas ang alindog ko.

Hindi masyadong strict si boss. Sa katunayan, madalas niya akong pag-tripan. Alam niyo kung ano ang problema dun? Yun yung feeling mo na hindi ka makakaganti kasi pikon si boss. Isang pagkakamali lang, makikita mo nalang sarili mo na nag-eempake ng mga picture frames na nilagay mo sa station mo.

Minsan, nagkwento si boss.

“Alam mo, noong elementary ako, nakidnap na ako.”

“Huh? Sure?” Nagduda ako. Hindi naman kasi si boss mukhang mayaman.

“Oo. 3 araw akong ikinulong sa warehouse”.

Gusto ko na talagang tumawa, pero pinipigilan ko lang.

“Tinawagan nila yung nanay ko.”

“So nagbayad din ba yung parents mo?”

“Hindi”

“Eh anong nangyari?”

Umiyak daw ang nanay niya. Tapos sinabihan ang mga kidnapper na…

” Maawa naman po kayo samin. Hindi naman kami mayaman. Mataba lang talaga siya…hu hu hu”

Hindi ko alam kung may hu hu hu ba talagang naganap. Pero pabayaan niyo nalang ako na ilagay yan.

Sa oras na yon, gusto ko na talagang isabog sa mukha niya ang coke na iniinum ko.

“Alam mo kung ano ang nag udyok sakin para sumama sa mga mama na yon?”

“Syempre hindi sir. hi hi hi”

“Pinakitaan nila ako ng isang…………….lata ng Milo“.

Hulaan niyo kung ano ang ginawa ko. LOL

 

 

 

PS: Kamusta nalang pala diyan sa dalawang blogger na ikinagulat ko, Pareho pala kami ng kompanya. Hahahaha…

 

 

About these ads

Single Post Navigation

26 thoughts on “Horrible Boss

  1. mukha palang milo boss mo eh. hulaan ko kung paano sya pinakawalan — dahil naubos na puhunan ng mga kidnapper ng pampakain sa kanya? lols!

    uy wala bang clue ang mga bloggers na yun? game! :D

  2. Hahahaha. Kumusta Maldits. Haha. Bat ka naman nansasakal ng Teddy bear bad yun. LOL

  3. Pumasok ba yung comment ko? Puki netong wordpress pahirap bat kase kelangan pa mag log in. :|

  4. Meron akong kilalang ganyan! Majubis pero dukha. Blogger din, bigyan kita ng clue:

    _ittle _iss _ataki

  5. haha tuluyan mo na siyang nabugahan ng coke? TNT

  6. napa tumbling ako sa post na to hhahaha. kakapost ko lang din sa blog ko ng story about sa horrible bosses. last sem nag ojt sa 3 company. pero mas sever pa jan na-experience ko,bukod sa di sila nanlilibre hindi nakaktuwa ang ugali nila. Na-bully ako ng very hard. malapit na ko ako mag sumbong sa DOLE nong mga time na un baka di ako makapag- marcha kung ginawa ko un haha. pinapakakin nila ako ng bubog, pinag hehele ng mga HS student, pinag bubuhat ng bangko papuntang 3rd flr. #LOL eksaherada na yun. pero seriously horrible bosses sila :0

  7. Welcome to blogging ulit… parang tagal lang nawala… oo pansin ko pag happy ako madalang n rin ako magblog. kakaiba ang boss mo idol! Nsa bagong company ka na pala… Da hu ang mga bloggers na yun… syempre d ko kilala! At least d k nag-iisang blogger sa inyo.

  8. Tumbling ako sa kwento mo maldito…waaaaaaaa….workmode ka pala ah…

  9. anong ginawa mo? wha pabitin ka naman, noh ba yan x))))

  10. Haha. So wala ka ng trabaho ngayon at nag-empake ng mga picture frames? LOL

  11. mahirap nga namang tanggihan ang tukso ng isang latang milo. maski ako, mapapasama sa kanila nang di oras. inuulam ko kaya ‘yan sa kanin nung bata ako. yum yum!

  12. totoo ngang nababawasan na ng time mag blog kapag nasisiyahan na sa buhay. dati lang luha puhunan ko para magblog. ngayon papetiks petiks na lang sa harap ng computer at puro social networking sites.

    Anyway, nung sinabi niyang ikinulong siya sa warehouse for 3 days, akala ko babanat na yung sir mo na ikinulong siya sa kusina. hahahaha. :)

  13. Sana noong sumunod na araw me stock ka ng Milo sa me desk mo. Pang asara lang sa boss. Parang alam ko kung anong company yan. Dati ako sa company na yan.wehehe acn

  14. Dami kong tawa dto! LOl. buti nlan napadpad ako dto sa blog mo :D

  15. napahagulhol na naman ako sa sobrang tawa Sir ahahahaha, with yugyog balikat pa…

    NB: and still beri curious…

    1. kung pano nakawala / pinakawalan ang boss mo
    2. kung peborit nya pa rin ba ang Milo o ngkaphobia na sya

    hehehehe, salamat!

    napadaan mula sa Gitnang Silangan,
    lea

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 231 other followers

%d bloggers like this: