The Great Maldito

Thou shall not bitch

Level up

Para akong tae, minsan lulubog, minsan lilitaw. Sa katunayan nga, kailangan ko pa magreset ng password para lang makalog-in dito. Kinakalawang na ata yung utak ko.

So anong balita sakin?

Ito na siguro yung pinakahihintay kong taon.  Yung masasabi mo na, Ako na. Ako na talaga.

Naging trainer ako for a couple of months, tapos ngayon gearing up for Supervisory level naman. So ngayon niyo na sabihin, ako na. Lol

Mahirap, sa totoo lang. Yung alam mo na may nagmamasid na mas mataas sayo, tapos may umaasa na lower sayo.  In short, maliit lang ang margin for errors.  At kung maka pormal ako sa office, akala mo perpek na.  Namimiss ko na yung mga panahon na pumapasok sa office na lasing.

Nag mature na ako. Sa outlook sa buhay, sa kilos, sa mga desisyon at kahit na sa mga sinusulat dito. Kung napupuna niyo, medyo limited nalang yung mga kwentong kalokohan ko. Hindi ko na nga naiimagine yung sarili ko na gumawa pa ng mga kalokohan. Totoo nga yung sinabi ng mga kanto boys samin na hindi minamadali yung pagiging mature. Magugulat ka nalang isang araw na nag-iba ka na.

Unang tingin pa lang ng mga trainees sakin, natakot daw sila. Mukha daw akong strict at mysterious. Kung maka mysterious sila wagas, pina spell ko naman hindi na makasagot. But I proved them wrong when I started speaking. Dahil kunti lang naman yung oras ko sa pagsusulat, sa training ko nalang dinala yung witty antics ko. And I guess hindi ko naman sila na fail.

I apologize if this blog is missing a lot of updates. Nakakatuwa parin na kahit minsan lang mag-update, mga tao paring panay ang bisita dito. Hindi ko alam kung saan hahantung ang blog na to, pero salamat parin sa mga nagbabasa.

See you all around!

About these ads

Single Post Navigation

16 thoughts on “Level up

  1. littlemisspataki on said:

    Aaaay, ikaw na! Ikaw na talaga! Haha. Kahit naman siguro ako matatakot din sa unang tingin sayo. Chos. :p

    Maldiiiits! :D

  2. bosing! ibang level ka na ah. matured ka na!? weh!? lols! masaya ako para sau pre. keep it up!

  3. Idol lumevel-up ka na nga talaga! Masrap maging supervisor especially if u have young minds around you tapos ipopolute mo este imomotivate mo sila sa work nila. Amazing! Pa-inom ka naman celebrate na natin yan! hehehe! Wish u all the best sa matured life! =)

  4. Hindi ko ma-imagine! Kung ikaw ang trainer ko baka matawa ako. Haha!

  5. hope to see u in cebu this weekend, im an avid fan of ur writings

  6. nakakapanibago nga…but still may ngiti pa rin habang binabasa itong post mong ito..keep it up sir!

  7. naks naman… kaya pala MIA ka these past few months.

    Congrats!!! Libre!!!

  8. ikaw na!!!! ikaw na nga! congrats sa inyo! yay!!!

  9. oo ikaw na tlga boss ..hehe

    ayos ang takbo ng buhay at karera …^__^

  10. congrats at pa autograph!!

  11. Ill give you a clap pare koy!..kaya pala medyo hindi napapadalas at mas nauuna ang carreer…GOOD JOB for you! siguro nga nagiiba lang talaga tayo ng mga pamantayan at pananaw sa buhay. Mas mature and no room to commit mistakes..Keep it up brad! ;-)

  12. Hi! Napakasarap sa pakiramdam kapag alam nating malaki na pinagbago natin at nag mature na tayo bilang tao. Iniisip natin na mas maraming responsibilidad, pero mas kaya na natin ngayon, dahil sa improved outlook sa buhay. Cheers!

  13. Hindi naman ako nag-level up to a supervisory position pero lumubog na lang ako at di na nakabalik sa blog. Haha. Congrats! Ayus lang yan, minsan talaga kailangan magset ng priorities.

  14. Hello sir maldito!!! Super tnx 4 never failing to make me smile everytime I visit ur blog. hahahah! You are absolutely fantastic! Keep up d good work Idol! Tnx 4 sharing! God bless always! :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 233 other followers

%d bloggers like this: