The Great Maldito

Thou shall not bitch

Baliw

Minsan na akong na in-love sa isang sira ulo o baliw. Palagi ko siyang nakikita sa daan tuwing pupunta ako sa Colon para magtinda ng mga repolyo. OK, the repolyo part is just a joke.

Iwan ko ba pero madali akong mainlove sa mga kawawa. Yung tipong loser ang dating.  Yung tipong pwede mong lapitan at sabihan na…

“ Alam mo, naaawa ako sayo. Masyado kang marupok at parang hindi tatagal sa mundong ito. Halika, seks tayo”.

Yung sira ulo na yun ay may schizophrenia. May nakuha pa naman pala akong lesson sa pagiging Psychologist ko. Hindi ko alam ang kanyang pangalan kasi ni minsan hindi kami pinagtagpo ng tadhana para mag usap. Siguro nga hanggang tingin nalang ako sa loob ng jeep habang tinatanaw siya sa isang sulok at nag momonologue sa apat na kataohan. Tawagin nalang natin siyang Paris Helton.

Ang dungis niya. Kulay tambutcho na siya na nagsisimbolo kung ilang taon na siya nakatayo sa gilid ng daan.Pero kahit gaano kakapal ang dumi sa katawan niya, kita parin kung gaano siya kaganda, compare mo sa iba na kahit ilang gramo pa ng make up ang ilagay, hindi parin nagbabago ang mukha. Mukha paring squid rings.

Sa isip ko, ilang paligo lang siya pwde na.Pero walang halong malisya ang pagtingin ko sa kanya. Promise. Walang halong kalibugan. Hindi ko siya pakikialaman o gagalawin. Not unless hindi pa siya amoy safeguard. Wahahaha. (Tawa ni hudas)

Totoong pagmamahal to, na kahit na hindi siya tanggap sa bahay namin papakilala ko parin siya sa nanay ko. Kahit sabihin ni nanay na..

“Pohtangenangmokang bata ka! Sira ulo ka na nga nagdala ka pa ng isang sira ulo!”.

Masakit man sa damdamin tatangapin ko. Kahit na sabihin na nila na nasisiraan na ako ng bait. Minsan lang nga ako umibig sa baliw pa. E di  ba ganun naman talaga ang pag-ibig? Nagiging abnormal sa ibang tao ang ginagawa mo para sa minamahal mo kahit na alam mo naman na tama ang mga ito.

Potah, ang tindi ng tama ko sa kanya. Sa tuwing dumdaan ang jeep hindi ko mapigilan na hindi tumingin kanya. Yung mga curves.tsarap!. Ha ha ha. Palagi kong iniisip kung kumain na ba siya at baka malipasan ng gutom. Pero ang mga baliw sanay na pala dun. Hindi ko rin alam kung nagugutom din ba sila kagaya nating normal na tao. Kagaya ng pagkagutom ko sa kanya. Sige Eba, diligan mo ang turon ko.

Sa palagi kong pagdaan sa lugar na yun, naisip ko na kahit na dalhin  ko siya sa bahay darating din ang panahon na iiwan niya ako. Kahit gaano ka komportable ang kwarto ko, hindi maiiwasan na babalik siya sa kung saan siya nababagay. Sa isang sulok ng highway kung saan siya nakikisabay sa usok ng tambutcho.

Kagaya ng normal na tao, kahit anong pilit mo na ibigay sa kanila ang mundo mo, wala kang magagawa kung gugustuhin nilang manatili sa sarili nilang mundo….

na hindi ka kasama.

Single Post Navigation

41 thoughts on “Baliw

  1. aw… may ganyan pala talaga ano?
    natanong mo na pangalan??

    at talagang may curves sya kahit taong tambay at taong kalye sya ano.. idol nya si kim chiu sa diet…

    basta bago mo dalhin sa bahay, paliguan muna at bihisan.. baka mapagkamalan pang prinsesa..

    o kaya naman baka yung babaeng yan, nag tetest lang ng kung sino ang tatanggap sa kanya tapos mang susurprise sya sa huli na isa itong reality showw!!!!!

  2. Seryoso?? pero cguro nga..

    Nung bata ako, angka-crush ako sa isang pilay na lagi ko nakikita sa may sta. mesa tuwing pupunta kme ng SM Centerpoint… naisip ko nasisiraan na ata ako ng ulo para magkagusto sa kanya.. di lang pala ako naiisa :p hahaha

    well goodluck naman! lapitan mo na at alamin mo pangalan, wish ko lang wag ka makagat :p joke!

    • Wendy, Magkapareho tayo. Siguro nga we are the kind of people who sees beauty behind disability. It simply shows kung pano ka pinalaki ng magulang mo.🙂 Sta. Mesa ka rin pala? I’ve got lots of memories sa place na yan.ahahahhaa

  3. pare, may alam akong maari nateng pagdalhan sa kanya sa unang beses na kukunin naten sya sa lansangan…

    gusto ko to: Kagaya ng normal na tao, kahit anong pilit mo na ibigay sa kanila ang mundo mo, wala kang magagawa kung gugustuhin nilang manatili sa sarili nilang mundo….

    na hindi ka kasama.

  4. Bina balikan ko ang bllgs mong nagpaluha ng aking damdamin. Nasaan na ang mag luma mo di ko na makita? 2010 na lang ito?

  5. HAHA repolyo

    Happy new year!

    (pahabol)

  6. ang tindi ng hinithit mo bro..pati sa baliw nagkagusto ka at paris helton pa ang name bka secret milyonarya din yan..heheheh..joke lng.

  7. galing naman🙂 paano naman kasi ang tao hindi pa makuntento sa pagmamahal na binibigay sa kanya.

    • Yan ang tinatawag na maslows hierarchy of needs. Yun nga lang yung iba sa atin hindi tumitigil sa kakaakyat sa pyramid hanggat hindi nakukuha ang total satisfaction…. siguro possible yan pag patay na.🙂

  8. Hmmm sabi ko na nga ba ang banat mo eh nasa ending. Me mga tao talagang mahal mo n ayaw isama ka sa buhay o mundo nila.

    Ligawan mo na sya bka maunahan ka pa ng iba! hhehehe!

  9. ayos! ligawan mo na dude!
    malay mo, di pala yan baliw.
    nagbabaliw baliwan lang..
    o kaya baka baliw nga pero ng nakilala ka niya tumino siya
    oh di ba?
    eh di may lablayp ka na!

  10. parang may bitterness and last line ah. hahaha. ganun talaga… kahit anong pilit mong ibigay ang lahat para sa isang tao, kung hindi nya gusto, useless.

  11. Di ko alam kung late reaction ba ako o ano pero wow new look. May bahid ng ka-emo-han yung blog mo pero nakakatawa pa rin. Self pity? Valerie nga pala.

  12. para ngang may kasamang ampalaya sa last part…but i really love the line….

    “Kagaya ng normal na tao, kahit anong pilit mo na ibigay sa kanila ang mundo mo, wala kang magagawa kung gugustuhin nilang manatili sa sarili nilang mundo….

    na hindi ka kasama..

    eh kung sya nlng kya ang isama mo sa mundo mo???

    • Ikay, I dont like ampalaya. Walang halong ampalaya yan.ha ha ha..Its all Magi Magic seasoning.lols kahit na isama mo pa ang tao sa mundo mo, babalik din siya sa sarili niyang mundo kung ayaw niya talaga sa mundo mo.🙂

  13. tange, pakita mo pics ng crush mo! hahaha

  14. kaspangarigan on said:

    Sana hinalikan mo baka na engkanto lang yan.

    O ikaw kaya ang pahalik baka ikaw ang na engkanto.

    Dalhin mo kaya sa kanto at gawan mo ng T. Bahala kang magisip, tinamaan ka ng magaling.😆

  15. ang hirap sa baliw, di nila alam na baliw sila. mahirap umibig sa baliw, kelangan maging baliw ka rin. kelangan mo patunayan ang sarili mo sa mundo nila, kelangan mo manghuli ng Banshee at manirahan sa higanteng puno. lol.

  16. ehek maldito ka talaga… tama PICTURE asan na??

    pamatay yun last line hehehe it only proves na hindi natin kontrolado ang lahat hahayssss

  17. Wow kuya,,,
    ang lalim naman po ng post na un…

    hahahahahaha…..

  18. Alam mo maldito matutuwa ako sayo..
    Ngayon napatuyan kong malibog ka talaga..

    Isasama kita sa aking kaharian..

  19. Mukhang squid rings??? HAHAHA.

  20. actually napadaan lang ako sa blog mo.Ganyan naman talaga, kung minsan may mga tao na gusto talagang manatili sa mundo nila. kagaya ko. hindi ko gustong pumasok at makisama sa mga mundong hindi ko alam kung magiging safe ba ako. kaya the best thing to do ay stay put na lang sa mundo ko… ang kaligayahan kasi ay hindi hinahanap dahil desisyon lang natin yon. if we want to be happy, magiging masaya tayo.. nasa sa atin ang sagot… (emotional ata…)

  21. sorry long time absent…

    jusme naman! ang drama nung last part…

    …..at tinamaan ako dun sa part na yun ahuhuhuhu

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: