The Great Maldito

Thou shall not bitch

Anonymous Blogger

“Hi! Ive been reading your blog for a long time. I’m a fan and I like how you write”. Ang sabi niya sakin habang ako ay nagsisigarilyo sa harap ng building.

“Thanks” ang tanging nasabi ko sa kanya. Tangena, pano niya nalaman na nagbloblog ako eh hindi ko naman siya kilala?

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Ito na siguro ang oras na kung pwede pa lang lamunin ako ng lupa o di kaya magtago palayo dun sa palayan. Pero…..walang palayan sa opisina. Shit.

Anonymous blogger. Yan ang kaartehan ko noong una akong nagblog. Ika nga ng Master Gasti, masarap ang patago. Masarap ang magsulat ng walang may nakakakilala sayo ng personal. Masarap ang magsabi ng kung ano ang nasa isip mo na hindi ka mahihiya. Ngayun, iwan ko na lang.

Isang malaking kasalanan ang pagpost ko ng mga mukha ko dito sa blog. Potah. Kung manonotice niyo, nawala lahat ng mga post ko since 2007. Yun ang isang rasun kung bakit tinago ko sila. Kung pwde lang pagsigawan na hindi ako yun sa panahon na nilapitan ako, ginawa ko na. Pero wala din namang kwenta, may nakakakilala na kay The Great Maldito.

Kung ilang tao na ang nagbabasa sa blog ko dito sa opisina at sa ibang mga call centers, yun ay hindi ko alam. Marami rami na ang nakakakilala sakin at nawawalan na ako ng gana magsulat. Pasensya na, pero ayoko lang talaga ng may nakakakilala sakin maliban sa ibang kaibigan na binigyan ko ng tiwala.

Naisip ko, pano kaya kung idedelete ko nalang tong blog na to at gumawa ng bagong blog sa ibang pangalan naman?

This time wala nang pictures. Promise.


Single Post Navigation

35 thoughts on “Anonymous Blogger

  1. sabagay naisip ko na din yang ganyan …. mahirap mag sulat ng maraming nakakakilala sayo.. e ako mahilig pa naman mag picture ehehehe…

    kelangan maingat ka sa pagsusulat dahil kapag may nakakilala sayo toinks!

    pero sayang naman ang blog na iningatan mo ng pagkatagal tagal… kung iiwan mo😦

  2. sira ka ba! hayaan mo ang mga taong yon. at least para sa kanila ang galing mo….. maraming nahahalina sa mga blogs mo ..patuloy mo lang yan…maraming humahanga sa yo, ano problema don…

  3. hanukaba!??? eh parang pag aartista lang yan noh!! eweno kung may nakakakilala na syo na blogger ka??? ibig sabihin lang nun maraming nagbabasa ng blog mo at hindi katulad ng iba na parang etchus lang ang blog (parang ako ata yun ah!? :P)hahaha
    wag mo ng idelete to ikaw rin mamimiss mo kami….jowke..ahihi

  4. merese!

  5. Ganun? Eh kaso baka mabawasan ka ng readers kung magpapalit ka ng blog. Pero nasa sa ‘yo naman ‘yun, depende kung ano talaga ang purpose mo kung bakit ka nagba-blog. Basta lang eh iinform mo kami sa bago mong blog ‘pag nagkataon.😉

  6. mahirap magsimula ulit. ung mga taong nakakakilala na sayo, may posibilidad na hindi mo na maging readers sa bagong blog na bubuksan mo.

    tol, ako pictures ko pinopost ko sa blog ko kahit mejo delikado lalu na sa talas ng dila ko. ok lng sakin. bastat walang nakakaalam ng detalye ko like real name, address, cp # etc…im cool with it.

    kaw bahala pre, just dont forget to let me know pag nagbago na nga…

  7. bitaw manoy, wag mo ng baguhin. nakilala ka kaya as Maldito. sayang naman,di ba? sayang ang domain mo. hehe

  8. nooooooooooooooooooooo!! huwag mong gagawin yan. may mag susuicide na blogger niyan… cge ka. hahaha. nag threat ba.🙂

    and besides, kilala na blog mo. sayang, malaki laki na rin ang fan base mo. bibiguin mo ba silang lahat? sayang kaayo bay. bahala na gud. sila bitaw na. anyway, yeah, masarap ang patago. exciting. lalo na ung tipong pwede kang mahuli anytime. haha, ano bang pinagsasabi ko. hehehe

    anyway, kidding aside, seriously man. don’t do it.

  9. Oooy! May fans ka na pala.

  10. OO nga naman, wag na sana Malds…. ako kasi sa search lang ang tinatype ko ay the great maldito lumalabas na ang site mo.

    Ma mimiss ko ang mga blog mong mayhalong kalibugan pero may kurot sa puso sa bandang ending….whahahahahahha. Open mo na kaya yong mga archive mo…na miss ko rin kasing basahin eh! Binabalikan ko don yong babae sa Bintana. Ang lugar kong saan malaya kang nakaka panilip ng nag aanuhan….wahahahha!

  11. basta pag nagpalit ka ng blog inform mo n lang kami kahit sa mga email na lang namin! Kung saan ka sasaya dun kami!!!

  12. tara, sunugin ntin mga pics mo, hehge

  13. Wait… you said inadd mo ko? I’m not sure if I ignored or accepted your request. Can you double check? Sorry… He he.

    Btw, masyado ka na famous! Di ka na mareach kaya you’re stalkers are multiplying. Lol.

  14. kaspangarigan on said:

    Ang nipis mo naman.

    Magsuot ka na lang ng maskara pag labas mo.

    O kaya e gumamit ka ng sarili mong Avatar para di ka makilala.

    Nadaan lang. Tabi tabi po! :lol

  15. dumadami na ang nagkokoment sa page nato,…wala pa ring reply na galing sa u…..magtatampo na ako cge ka…the great maldito miss ko na mga blogs mo… sana bumalik ka na pls……………wag ka na kasing matakot

  16. honestly, gusto ko din yung style mo na pagsusulat🙂

    first time ko dito eh pero kwela talaga yang sinulat mo

    parehas tayo

    yoko din maglagay ng picture

    eh kasi ba naman ang pangit ko

    pero naglagay pa din ako ng isa sa sidebar hehe🙂

    wag mo naman i-delete, sayang!

    gusto ko pa naman maki-exlinks HIHIHI

    pwede ba?

    maraming salamat

    sana sa lahat ng apat na blogs ko ha?

    tenkyu!

    btw. call center ka? mahusay ka pala mag-ingles

    ako kasi english yung blogs ko

    pero aminado naman ako trying hard lng ako HAHA!

    cheers!

  17. Mr. Nonsense on said:

    gawin mo na lang e tulad ni dencio…halos puro abs at pwet lang ang ipinapakita

  18. kung mas ok sau na magpalit na lang ng blog, go…ipaalam mo na lang sa mga kaibigan mo ang bago mong blog

  19. nakakawalang gana nga yun. at minsan, nahihiya tayo sa mga bagay na pinagsusulat natin… pero ok lang yan! wag mo silang pansinin. tae. kung ayaw mong may nakakakilala sayo dito, wag kang aamin na ikaw ang may-akda ng blog na to.. ganun lang yun!

    wag ide-delete ang blog. sayang naman!

  20. hahaha thats the main reason nagpapaka anonymous ako sa blog ko at mas freedom ka mag express ng nasa loobin mo pag wala ka kinatatatakutan na may makakakilala sau

    pero ok lang yan anjan na yan e haha,pati atleast sikat ka!LOL

  21. nakakapanghinayang kung ide-delete mo tong blog, pero oo ang hirap din kung may kakilala ka sa trabaho na nagbabasa. (lalo na kung halimbawa ang ib-blog mo eh pagkairita sa music na pinapakinggan nila at nagkataong nagbabasa sila >> personal experience) apir!🙂

  22. ahhaha! dumating na ang paghuhukom. nakakasira talaga ng buhay at diskarte yang paglalantad.

    bilisan mo ng magligpit at bumalik sa ibang katauhan. pero hindi na madali yan sa ngyon kasi madami ka na nadisgrasyang tao na handang magpuyat para matunton ang kuta mo. pwede kita tulungan.

    wag mo na idelete to sayang din baka may dumating pa ads..hehe!

  23. Ganun din ako dati. Post lang ng post nang kung anu-ano, quever sa mga nakakabasa kasi nga wala naman nakakakilala sa akin peo simula nang piNost ko pics ko and my real name, medyo hinay hinay na. Self-regulation kung baga. Hehehe…

    Nice blog. Palink…

  24. just passing by,

    dare to start with zero…ü

  25. hahaha. basta pag lumipat ka, sabihan mo ko.

  26. i know how it feels.. mu gd na kung damo na bala gabasa sang blog mo nga kilala ka personally, daw indi ka na kasulat mayo kay may kulab ka na nga mabasahan ka or ma misinterpret.. mu na nga daw lie low naman ko gawa sa blogging.. nagblog ka gani kay gusto mo ma express tanan.. tapos…. tapos…. tapos…. mu lang na???

    drama mode? hahaha!!

    wag na delete.. gawa na lang ng bago pero wag na delete..

  27. Nakaligo ka na ba sa Dagat ng Basura?
    Nagpasko ka na ba sa gitna ng Kalsada?
    Yan ang magiging tanong ko sa yo..
    Kung iniisip mong magsimula ulit,hwag mo ng ituloy..sinabi sabi ko sayo ngayon mahirap ang magumpisa ulit..
    Kilala ka na ng mga tao..Tingnan mo ako kilala ako ng mga tao dahil sa mga tv commercial ko..
    Ayaw mo ba nun,may humahanga sau at kilala sa mukha kahit na mukha kalang Salagubang?
    Hindi sa nilalait kita..
    Nagsasabi lang ako ng totoo,sayo..
    Mahal kita maldito at matagal na akong nagbabasa ng blog mo..
    Wag kang magalala kung naisipan mo na talagang tumigil mag blog..
    Nandito lang ako lagi sayo,bibigyan kita ng posisyon sa palasyo pag ako ng nanalo..
    Magtiwala ka sa sarili mo kahit alam kong lampa ka..
    Maganda at nasimulan mo pero mas maganda kung tatapusin ko na itong komento ko..

    Mahal kita maldito..

    Muahhh,,,..Take Care Olweiz…Tsup..

  28. hehe huwag ka nang magtago. i-enjoy mo ang buhay artista! hikhikhik

  29. Kindly Check Out AMBITO’s Music on YOU TUBE and if you wish to receive AMBITO’s music for FREE, simply email us at flips_of_fame@yahoo.com.ph

    Thanks and God Bless,

    Peace,

    Dexter

  30. aba nag-ganitong moment ka pala? kasi now palang ako nagpopost ng mga pics ko nyehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: