The Great Maldito

Thou shall not bitch

No raw meat please

Papasok ako ng opisina ng may makita akong poster sa labas ng building na nag aanyaya na sumapi sa SFC or Singles for Christ. Dati din naman akong Kids for Christ dahil yung nanay at tatay ko ay kasapi din sa Couples for Christ. Religious ang mga magulang ko. Siguro hindi nila kaya ang magpatino sa isang demonyo kaya pinaubaya nalang ako sa mga religious groups. (With maching watery puppy eyes).

I was thinking what if ill give it a shot? Hindi naman siguro masama di ba, at isa pa hindi naman sila siguro pumipili ng kung sino ang papasukin sa organisasyon. Ang OA naman siguro nun kung meron pang qualification. Pero I badly needed people na may common interest towards Christ.  Mukhang napapalayo na ata ako sa kakalakad at nagiging masamang tao na ako. Eh ano? May abs naman.

Wala talagang relasyon ang abs sa pagiging masama. Hi hi hi.

Noong sinabihan ko mga kasamahan ko sa opisina na gusto kong sumama sa SFC, nagulat lahat at ang tanging nasabi lang ay “May problema ka ba? Ibalik mo ang totoong maldito namin!”

See? I told you. Gusto ko na talagang magpalit ng mga kaibigan. .

Though I’m not following most of the Roman Catholic practices, hindi naman ako masamang tao like some of the people perceives. Meron din naman akong kabaitan, kahit na minsan sira lang.Ika nga sa mga kasulatan, kahit anong sama ng tao meron paring natitirang kabaitan ito. Bato man, may puso din. Ilantad sakin ang taong walang kasalanan at siya lang ang puwedeng bumato sakin. Ng tinapay. Charing!

Have a blessed holy week mga kabayan. Lets have some time off muna to know the real meaning of the week. Remember, wala munang meat. lalong lalo na yung raw.

oh my! oh my monica belluci!

Single Post Navigation

30 thoughts on “No raw meat please

  1. hahahaha…uu nga..no raw meat muna..abstinence..fasting at kung anu-ano pa muna dapat…hahay..pero sumegwey ako kanina..nakakain ako ng chicken fillet ng McDo at sundae din..hahaiz…

  2. have a blessed week kuya maldito.

    minsan gusto ko na rin patulan yung YFC eh. yun nga lang nakakalimutan ko. kasi ayun nga feeling ko talaga medyo lumalayo na rin ako kay GOD. nawawala na yung dating eloiski na sobrang tindi ng faith pero naniniwala pa rin naman ako hindi na nga lang ganun katindi.

    yeeeheee! may chix pare!

    • Kinukuya kuya na talaga ako. hmm? Hindi naman kasi batayan ang isang relihiyon para patunayan mo na may sinasamba ka. hindi sapat na sukatan ng pananampalataya ang aksyon…tanging tayu mismo ang nakakaalam kung ano, sino ang ating Panginoon. Pinoposses na ako. Hindi ko alam kaya ko pala magsabi ng ganito. ha ha ha..enjoy the holy week eloiski!

  3. nice one..hindi lang naman kada holy week dapat magbago . everyday is an opportunity to grow and to be better.. weiz hapi holy week sayo malditz.

  4. kung raw meat bawal…edi lutuin muna.

    luto ng Diyos.😛

  5. Sumali ako sa Christ Youth in Action (CYA) way back in college. Parang YFC rin un! Msaya naman nakakamiss na nga rin kasi ako nawawala na rin sa landas!!!

    kawawa naman mga vegetarians maglalaway sa picture na pinost mo dude! hehhe!

    • Oo, masaya nga ang mga ganyan. Kaso minsan sa sobrang pagkareligious ng grupo nagkakatendency ako na magdeviate sa kanila. Alam mo na, hindi ako mabubuhay pag hindi makagawa ng kasalanan. he he he

  6. Don’t cha wish your girlfriend was raw like me?wahahaha

    maging masaya sana ang holy week mo..=)

    I’ts not in the practices though..it’s in the heart..^___^

  7. Don’t cha wish your girlfriend was raw like me?wahhaha

    good luck sa holy week mo…

    it’s not in the practices though…it’s in the heart..ika nga,,XD

  8. Ooh, Mary Magdalane… Kung ganyan ang suot nya noon, nobody would have thought of stoning her… OK I’m being blasphemous… Sorry Lord…

  9. Sinabi ng wag munang mag karne baket may mga ganyang picture! Parang gusto ko tuloy na masabaw na sinigang hihihi

  10. Raw meat is bad because you might take in lots of bad bacteria, and a tapeworm that’s 50 feet long can grow inside your intestines.

    Oh, BTW, ganda ng background mo.😀

  11. ganda ng bago mong theme, may alindog. hahaha

  12. skyline pigeon on said:

    sali na ng SFC! andun ako at ako ang iyong magiging gabay tungo sa…….kasalanan! ha-ha!

  13. hotness! anyway, happy easter! sana ako rin magka-abs na rin…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: