The Great Maldito

Thou shall not bitch

amhtsa

Nagising ako mula sa mahimbing na tulog alas 12 ng madaling araw. Hinihingal at puno ng matamis na pawis. Kinapa ko ang sarili ko at sinimulan mag hubad hanggang pinipisil pisil ko na ang bawat kalamnan sa baba.

Joke lang. Take two.

Kinapa ko sarili ko at nagpasalamat na buhay parin ako. Pero ang hirap huminga. Yung pakiramdam na iniipit yung betlog mo ng can opener. Yung feeling na sa bawat paghinga mo yun rin naman ang habol mo. Potah, kahit anong habol ko ako parin parati ang taya.

Ilang beses na nangyari ito, pero hindi ko lang talaga pinansin kasi alam niyo na, may katigasan talaga ang ulo ko kung minsan. Pero sa panahong yun, alam ko na na hindi maganda ang nangyayari. Kinukuha na ako ni Boy Abunda papasok sa maliwanag na lagusan at unting unti na akong nauubusan ng oxygen.

Arte. Sa madaling salita nahihirapan lang talaga akong huminga. Im shorting the breath you know.

Dali-dali akong bumihis para tumungo sa suking tindahan, ospital. Mahina na sinabihan ko ang driver ng taxi na kung pwede wag akong dalhin sa morgue at ideretso ako sa hospital dahil buhay pa naman ako. Ang tanga, nag aagaw buhay na nga ako pinaikot-ikot niya pa ang taxi sa area ng ospital na parang nagfifield trip lang kami. Hindi niya lang pala alam ang entrance. Shonge. Ang entrance ay kung saan may maraming guard. Hindi ko na nagawang magalit pa at baka yun pa ang rasun kung bakit pumutok ang ugat ko sa leeg at ang kikitil sa buhay ko.

Dumiretso na ako sa emergency room. Walang gustong kumausap sakin. Yung mga nurses parang nakakita lang ng lasing na nagkamali ng inuwian. Jusko, tatayo nalang ba sila at papanoorin kung pano mamamatay ang isang angel? Saksakin ko kaya sarili ko gamit ang straw ng softdrinks sa harap nila para naman malaman nila hindi to joke-joke? Nagseseryos ako ngayon ampotah niyo!

Sir may insurance ka ba? Ang tanong ng isang nurse na mukhang tatawa na at parang masaya dahil binabawian na ako ng hininga. Oo naman, tanga ka ba?Mapera ako at kaya kitang bayaran para maglaba ng briefs at medyas ko. Dali maghubad ka na!

Syempre, hindi ko sinabi yun. Sa loob looban ko lang yun kasi hindi ko rin gusto na turukan ako ng lethal injection imbes ng inhaler. Ang dami daming tanong pa ang ibinato sakin bago ako tinulungan. May history ka ng hika? Sino kasama mo? Inuubo kaba? Anong kulay ng plema? Gaano kalaki ang atom? At bakit binawian ng korona si Maria Venus Raj?

Mabuti nalang at dumiretso ka agad sa ospital. Kung hinayaan mo lang siguro to sigurado lalamayan ka na next day. Sabi ng doctor sakin habang ako ay pinapausukan ng nebulizer. Bongga! Blogger na lalamayan pa? Ha ha ha. Naawa ako sa sarili ko habang ang ibang pasyente sa emergency room ay nakatingin sa akin. Ano to concert ni Justin? Tangenang mga tao to, kung maki usyoso para namang nakakita ng isang immortal sa ospital. Isa lang naman akong demigod na hinika a? hi hi hi.

Nadiagnosed ako ng asthma. Sabi ko bakit nagkaroon ako ng ganyan eh wala naman akong asthma eversince? Tanga! Kaya ngayun meron ka na. Ang taray ng doctor. Hindi marunong magpatawad ng kamalian. Sori na.

Traidor talaga kung minsan ang katawan. Kung saan feeling mo OK ka, yung din naman aatake ang sakit ng hindi mo alam. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkasakit ng ganito kasi, all the while hindi naman ako hinihika pag nagjejerjer? Lols. Nag gygym naman ako, yun nga lang last na gym ko is January 15 pa. Kaya kung sino man ang nagbabasa nito, wag niyong abusuhin ang katawan niyo. Wag niyong pagamit sa iba ng basta basta lang. Magpakipot kung minsan. At iwasan ang mga bisyo. Promise, no smoking and no drinking na ko. Hi hi hi. (naniwala naman kayo?)

Mahal ang magkasakit. Goodluck sa mga steroids intake ko. On a positive side, dagdag sa mass ko pa yan and a wake up call na dapat na akong bumalik sa gym dahil kung hindi, lolobo lang ako. Arnold Swazineger here I come.

Missing Mortal Combat Character

Single Post Navigation

52 thoughts on “amhtsa

  1. Congrats! You’re one of them… nung bata ako mayroon din akong asthma/hika. pero kalaunan ay nawala na rin nang tumuntong ako ng kolehiyo at matutungang makpagchat.. pero sabi nila kumain daw ng butiki try mo kaya hehehe…

    • Salamat..ha ha ha..pero na curious ako. Pano nawala ang hika dahil sa chat? ha ha ha.. alam ko na, dahil sa kolehiyo…marami ang “tot*….at pakikipag *tot*…fill in the missing word nalang. ha ha ha

      • kung ano man yun alam nyo na yun… Naeexcercise kasi ng maige ang lungs, pagpapawisan ka, your hearth keeps on pumping blood as you also keeps on pumping to flood… Masaya ka… Pag masaya ka mabuti pakiramdam mo diba… hehehe

  2. haruu joshko, napasama si Maria Venus Raj hahahaha…

    napaduldol ko ng very very much ang nguso ko sa baso ng large lychee shake ko… o inuming pangmayaman yan hahaha

    ingats naman sir… kasi baka ang april blogger of the month award mo eh magiging posthumous na… haruuu…

    • feeling ko nga mayaman ka ching simula noong sinabi mo yung salitang “hasty”..ha ha ha .. mahilig ka talaga sa mga words na sounds like leeeche…ahahhaa….socialization! lychee shake ang iininum..regular na tubig mo yan?ha ha ha.. salamat sir. mag iingat na po. bata pa ako para ma erase dito sa lupa. he he he

  3. skyline pigeon on said:

    o siya siya……..!! from now on, ang pangalan mo na ay HIKASIO H. HIKARUS, as in hika!! bow!

    jok lang ha…baka hikain ka uli e ako naman ang sisihin mo!!

  4. Tangenah di nga may hika ka rin?
    Potah parehas pala tayo?

  5. hello great maldito,

    oi pag amping sa imong health diha kay lawas ang pohonan dong..ayaw na pag inom ug sigarilyo ky makadaot na..

    hope all is well with you now.amping kanunay.

    • HI batiriday,

      yeah, im taking myself already….he he he…wala na ngang bisyo eh, which is boring, at least I can do so much in this world pa. like blogging and paghahasik ng lagim. ha ha ha

  6. Muka kang na lasog lasog na chicken empanada sa picture. Wag kasing masyadong suminghot ng katol nakasasama iyan sa alindog ng katawan mo tangena ka!

    Umayos ka nga! Alagaan ang katawan hokey!

  7. nakuw…at yan na nga sinasabi ko..bata bata alagaan ang katawan kumain ng gulay para iwas sa sakit..buti nalang ndala mo sarili mo sa ospital…

    lesson na yan bkradang malupit..stop the vices.. tc

  8. taena ang ganda na wallpaper mo ah!
    dba dati nakatalikod ka?
    yan ba yung front view?
    hahaha…

    alam mo bang yang sakit mo eh 1 out of 10 lng daw ang nakakaligtas?
    pasalamat ka, 9 na yung natigok.. hahaha… kidding!

    nadalaw lang
    hehe

    • weh? kaninong stat mo yan nakuha? ha ha ha.. ay ganun ba…eh so ako yung lucky basterd na nabuhay….ahaha..

      oo mukha ko yan….lols

      salamat sa dalaw..san na yung fruits and balloons para sa fast recovery ko?ha ha ha

      • sori forgot ko..
        ipadadala ko na lng mamya.
        pinag isa ko na yung fruits at baloons… !
        kaw na bahala magpalobo ha.
        nagpadala ko ng condom…
        strawberry flavor…
        hahaha…

        yan ang kaylangan ngaun ng mga “call center agents”…
        joke ulit
        hehe

  9. Shittt! Scary situation! Ayokong magka-ganyan kaya ititigil ko na rin ang pagpapahiram ng aking katawang lupa sa mga nauuhaw sa katas ng pagibig. Thanks for the heads up.

  10. alamo ngyari kay Palito? nasa PGH sya at mukhang hinang hina na. kawawa naman buti ikaw mukhang malakas pa. nakuha mo pang magsnorkling. san banda yang resort na pinuntahan mo?

    • Nice Snorkling daw… Speaking of Palito, the last time I met him was along Metrowalk. May isang event dun and nasa same bar lang kami. May pa contest yung Winston, pabilisang makaubos ng yosi. I can’t forget how he look at that time. Sa payat niyang yun ambilis niya humitit ng yosi and guess what he even won that game over other buddies na mejo bata-bata…🙂 kakatawa talaga itsura niya that time…

      How bad he’s at the PGH now… (or totoo ba to)

  11. tangena natawa ako sa comment ni gasti! hahaha tara mag snorkel tayo!!! LOLS
    pero seryoso, kamukha mo si subzero sa pic! LOLs again!

    eto seryoso talaga, alagaan mo sarili mo dyan glenn. marami ka pang gagawin sa buhay mo. pupunta ka pa dito sa june! birthday ng inaanak mo, inom pa tayo!

  12. maldito, geeezzz, ang tagal tagal na hindi kita na puntahan, di na nga kita kilala, bwahahha, im sure ako din di mo na kilala, ewan sana ok kna

  13. kakabisita ko lng din kay Doc last week nag overnyt pa nga ako sobra din akong atakehin ng hika pakiramdam ko huling atake na ng hika yon tpos bago ako umalis nagbilin sya na atleast daw 15 or 20 minutes jog or walk in the morning tpos sa gabi din daw bago matulog…hope it helps you po…

    Napadaan ulit🙂

  14. hala ka. yan kasi wag na uminom at yumosi. nakuuu!
    ako syempre may asthma din at ang hirap talaga. sobra. kaya nga may nebulizer kami dito sa bahay para kung sakaling umatake si asthma eh hindi na ako dadalhin sa ospital. ikaw din bumili na. mahirap talaga yan. susme!

  15. hay nako..kung anu-ano kasi pinaggagawa…

    mag iingat ka..nagiisa lang ang malanding makahiya…^___^

    pagaling ka..=)

  16. Nakuha mo pang magpapicture habang nakanebulayzer ka! Ang vaaaiiiin mo!🙂

    Ngayon ko lang napansin. nasa blogroll mo pala ako. Kilig naman ako! *Tantalizing eyes*

  17. naku sobrang hirap talga magkasakit ngayon. wag abusuhin ang sarili. bawas bawasan ang pagsaasarili. ahahahaha. ngayong may asthma kana. ingat lng ng konti brad.

  18. namamana yata yung hika,.. kaya ung generation mo malamang na..(knokonwood!!)

    ingat lang sa sarili.., mas okay yung healthy.., at naalala ko na naman yung kakaibang jogging mo noon.. wag nang ganun ha.. mapapadali ang magagandang araw..=)

  19. kaluoy pd intawn.. get well soon manoy!

  20. naku naku! ingat,, mhirap yang ashma.. pagaling k….
    pero infairness hinihika n nagpa pix pa! ahahhha

  21. Idol iwas ka na sa mga pusa (ano ulit english ng pusa… pussy ba?), nakakahika talaga yun!

    Ayos sa delivery ng kwento, o ingats pards! Get well soon!

  22. LOL big time! kakatakot namang pangitain na si boy abunda ang susundo sa yo haha.

  23. “HIKA” naku po! member din ako nyan..before nagamit rin ako ng inhaler pero dahil mas marmi na ang nainom kong gamot kesa sa ASTHMA ko e yun di nya na ako maatake wahahaha! hirap talga yan lalo n kpag paiba iba ang klima sa lugar mo. Ingat napadaan lng po..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: