The Great Maldito

Thou shall not bitch

When Pinocchio Lied, He bled as well.


“Ano ba tong kuwarto mo. Walang kaayusan. Mga labahin ba yan? May sabon ka ba dito at ako na ang maglalaba ng mga niyan.”

Tanging ngiti na lang ang naisukli ko habang talak ng talak si nanay sa kuwartong nakita niya. Mali, basurahan pala. Sirang electric fan, hindi nalabhan na mga beddings, at ang sinagture scent ko na pinaghalong perfume at man juices na nagpapatunay na territoryo ko to. Its not everyday I can hear mom talking like that, kahit na puro pangaral ang parating nailalabas niya sa bibig niya, musika parin sakin to. Were hardcore like that.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ni nanay ang bago kong kuwarto. Merong surprise visit, at sa mga ganitong panahon lahat nalang ng sira inaayos niya, minsan din kahit ayos na sinisira ulit at aayusin. Ang tanging hindi maayos ayos ni inang magenta ay yung turnilyo sa ulo ko na ginamit sa pagkumpuni sa sirang electric fan ko.

Kagaya ng ibang nanay, nauwi sa relasyon ang usapan. Ang topiko na pinaka-ayaw ko. Kaya ko pang sagutin ng maayos kung virgin pa ba ako, pero sa usapang ganyan, umaatras ang betlogs ko.

“Mom, can you just leave me alone?”! Ampotah. Ang arte. Pero hindi ko naman masabi sabi yan. Kunwari lang ako si Carlo Aquino ako. Walang binatbat sa acting ko.

“Kamusta na si Princess Fiona? Kamusta na kayo? Tinatawagan mo ba siya parati?”.

Napalunok ako ng mala kwek-kwek na laway . Ang sakit pala na lumunok ng ganyang kalaking laway. Chismosa tong nanay ko. Christy Fermin isdatchu?

“Oo naman. OK lang naman kami. Masaya naman.”

Sa bawat tanong ni nanay sa tungkol sa kanya, alam ko na mahal na mahal siya ni inang magenta. Siya nalang palagi ang tinatanong sakin. Na hinahanap sakin. Siya ang paborito ni nanay sa lahat ng girlfriend ko na pinakilala ko sa kanila. Pero may mga bagay na dapat na malaman ni nanay. Mga bagay na hindi ko pa kayang masabi.

Hinatid ko na si nanay kanina pauwi sa Iloilo. Hatid na may kasamang ngiti. Na nagpapahiwatig na masaya ako sa buhay ko dito sa Cebu. Lahat kumpleto at wala nang hinihingi. Napakaplastic kong anak.

Umuwi ako na mag isa.  Sa isip ko…….

Kelan ko kaya masasabi kay nanay na matagal nang wala kami?😦

Single Post Navigation

28 thoughts on “When Pinocchio Lied, He bled as well.

  1. Baket may mga ganyang klaseng ng kwento???! Mahal mo pa sya ha?! Sagot! Edi balikan muna sya at ipalasap muli ang man juice mo. TSE!

  2. Princess Fiona… Shrek ka pala hehehe

  3. Well well…

    By the way, have you ever heard about yummy-cebu.com? I hear they just started a new contest called Mama’s day out!

  4. kalumbay-lumbay naman ang concept ng buhya mo sa araw na ito, babalik ako pag babuyan na uli!!!!!!!!!

  5. ako na magsasabi sa nanay mo. txt ko sya ngyon para hindi ka na mahiraapan.

    pero malay mo naman bago pa mabuking ni inay na break na kayo ni fiona eh magkabalikan ulit kayo. kung hindi naman.. atleast friends pa rin.

    • bossing..basta darating din ang araw na sa wakas masasbi ko kay nanay yan na hindi na malulungkot. Sa ngayon, discreet nalang muna ang love life ko.

      hanapan mo naman ako diyan o. ha ha ha ha

  6. Sooner or later, malalaman din niya. Hehehe. As of now, might as well ease her into the “break-up” na 45 years ago pa yata. hehehe🙂

    Okay lang ‘yan.

    • actually last year lang naman to. kaya medyo bago bago pa. lols.
      problem is, Idont want mom to be sad. hahays..
      basta….malalaman din naman nila soon. Kaya sila nalang bahala mag diskubre.

      • I don’t know much about your mom but in my experience (char! may ganung level!), my mom wants to know about facts from me. Ayaw na ayaw niyang bigla nalang siyang may naririnig na isyu at ako nalang ang bahalang mag confirm. She’d rather hear it out from me. hehehe🙂

  7. madali lang yan. sabihin mong matagal na kayong break at may bago ka na ngayon. kaya nga lang……..boyfriend! kung gusto niyang makita ang pruweba………….ipakilala mo…………… ako!

    yun nga lang…..baka mapatay ka ng nanay mo! ha-ha….!

    wag mo akong patayin……joke lang ito!

  8. Di-Nagpakilala on said:

    i’ll agree with gasti. ako na lang din magsabi. hehe. wala ka nang pain na mararamdaman dun. hehe.

  9. Nice blog. You are so cute. I think I love you.

    PS: Let’s vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!

    Check this out:
    Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo

  10. hmm..matagal na kayong wala?? how sad.. sige..lika kay Nanay..pakilala mo ko..=)

  11. moveon na hehehe..pero sayang nga kayo..bka pd p ausin

  12. ah naalala ko na si Pricess Fiona yung mga post mo last year (stoker mo ako noon pa hahaha) na dinala sa haus at pinakilala mo kay nanay hanggang ngayon pala eh wala ka pang naipapakilalang iba kaya naman pala xpected ni nanay eh kayo pa.

    wala na bang 2nd chance para kay princess Fiona malay mo meron pa diba?

  13. heheheh,ayyy naku natuwa na naman ako.just wondering kung anong feeling makalunok ng mala kwek kwek na laway..heheh

    sabihin mo na kasi pra di kana ngtatago.kawawa naman si nanay, ng eexpect..sabihin mo na, she deserve the truth from you. go huwag ng matakot.:)

  14. Darating din ang araw na magiging tama ang mga mali. Chos!

    Bakit ang nanay ko natutuwa pag wala na akong karelasyon?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: