The Great Maldito

Thou shall not bitch

Mistaken Identity

Ilang beses na akong napagkamalang sales o promo boy sa mga department stores at boutique. OK lang naman sana sakin yung pagkamalan, wag lang yung halos tuwing pumunta ako ng malls at tatayo sa gilid ng mga hangers eh tatanungin ako kung may size small o medium ba ang shirt na pinili nila. Potah, mukha ba akong SM department store huh!? Bangasan ko mukha nila eh, kung umasta parang sinong mayaman.

Sa dinami dami na siguro ng eksenang kagaya nito, natutunan ko na kung ano ang gagawin sa mga taong walang sense of distinction. Ang sarap tusukin ng mga mata nila gamit ang mga daliri para mahimasmasan naman sila sa pinag-gagawa nila.

Sinamahan ko ang best friend kong babae na mag shopping. Madali akong mapagod kung malling ang pinag-uusapan kaya kapag pumapasok kami sa mga boutique eh dun ako malapit sa entrance tumatayo para mag intay.

“The first noel…..the angels did sing…..” ang kanta ko habang namimili ang kaibigan ko sa loob. Walang basagan ng trip. Keber kung malayo  pa ang ang disyembre.

Sa kalagitnaan ng refrain ng kanta, may pumasok na ale. Yung normal lang naman na ale, wala masyadong kyeme. Pili dito, pili doon. Ang arte kung pumili. Yung blouse na type niya kung makahimas eh para lang naghahanap kung pula pa ba ang hasang ng blouse.

Lumapit ang ale sa kinatatayuan ko. Ako naman repeat chorus na sa kinakanta.

“Dong, magkano to? At may size small pa kayo na ganito din ang design?”.

Napatigil ako sa kanta. Ampotah, ang taas ng confidence nito kung magtanong. Yung mga shop attendants kaya may uniform. Gamitin naman sana ang mata. Parang awa. Tinignan ko lang ang ale. Hindi ako sumagot.

“Dong, magkano to?”

Hindi parin ako sumasagot. Tinignan ko lang ang ale deretso sa mata. Akala niya siguro hindi ko lang narinig kaya inulit niya ang tanong sa ikatlong pagkakataon.

“Dong, magkano to?”

Gaya ng dati, isang malamig lang na tingin ang naipamalas ko sa kanya. Gusto ko na talagang tumawa pero pinipigilan ko lang. Sayang ang acting.

Tinignan ako ng ale mula ulo hanggang paa. Kunot ang noo. Napuna niya na oo, wala pa talaga akong uniform. O see? Tatanga tanga kasi. Excited sa blouse?

“Ay! Sorry dong!”

Hiyang-hiya na si ate sa ginawa niya. Iniwan niya nalang ang blouse at lumabas. Ako naman, repeat chorus to fade na sa the first noel.

Parang siya pa yung sira ulo. He he he

Single Post Navigation

28 thoughts on “Mistaken Identity

  1. wahehehe..

    i can relate. sinabihan ko lang ang tao na nagtanong kung saan daw may size 7 na shoes, “Ah maam, nasa hardware po. Check nyo.”

    she realized then. Buti naman.

  2. napagkamalan din ako salesboy dati eh pero hindi naman ako nagagalit. sinasabi ko agad na dun nyo po itanong sa kanila..sabay turo ng tagabantay.

    saka ko inuusli ang paa ko pag padaan na sila sa harap ko. lols!

  3. mamatay na yung nagkakamaling salesman ako sa SM, mamatay na!!!!

    may poot hahaha

  4. Ahahahaha ako naman habang namimili ng kung anik anik sa mall may nakatabi akong Asian sya pro hindi sya Pinay hindi ko lng alam kung saan lupalop ng Asia sya nabibilang kinakausap nya ko habang namimili sya ako naman smile lng ng smile sa kanya para kaming bestfrend pinapakita nya sakin mga color na gus2 nya tpos ako naman mag magsisign ng approve hanggang sa nag fit sya kakatuwa kc nong nsa counter na kaming dalawa nalaman nyang hindi ako kalahi nya at hindi ko naiintindihan ung mga pinagsasabi nya sakin at nagyaya sya sa Barista para magkape at naging magkaibigan kami hanggang ngayon nagtetext at nagtatawagan kami sya si Ishin taga Singapore sya:-)

    Shaks! napahaba na kwento ko may koneksyon ba pinagsasabi ko napakwento lng tol…:-)

  5. waaaaaaaaah! minsan ganito din ako. T_T
    pero ‘yung sa mga shops lang na wlang uniform at ‘yung parang magkakapareho ‘yung suot nila sa uniform ng shop.

    aw, soreeeeeeeeeeeeeeeeeh daan!^_^

  6. Sa susunod kasi wag kang tatayo sa tabi ng hanger. It’s your fault talaga. Che!

    Pag ako sinungitan mo kukuritin kita sa tagiliran tapos sasabihin habulin mo ko… BUset!

  7. Hahahaha. Ang sungit! Di ko pa man to naranasan, feeling ko di ko magagawa ginawa mo. Mabait ako eh. :p

  8. hahhaha sinapak mo sana baka sobranh hitit lng siyang katol tol.. hhehehe..

  9. hmmmm compliment ba o hindi? kasi pag pinagtanungan ka ibig sabihin muka ka mabait at mapagkakatiwalaan at muka kang accommodating?

    • minsan compliment nalang kasi mukha naman talaga akong sales boy. haaha..joke.. naks…nakakinis lang kung minsan kasi eh mukha naman akong normal na consumer, pero meron paring nagkakamali na sales boy ako.

  10. hahahaha, sorry naman minsan napagkamalan din ako minsa ako naman nagkakamaling magtanong sa d pala sales boy/lady hihihihi

  11. Haha potang babae yun nahiya pa sya bumili bwahaha

  12. hahaha! marami cgurado ang makaka-relate sa storya mo, Dong. lol.

    mapagkamalan ka nang sales rep, wag lang staff sa beauty parlor.

    • ahhh,,,,,,kalokohan na yun. bastosan ng harap harapan? eh kung sasabihan ako na staff ng beauty parlor eh wala na….kakain talaga siya ng hangers, manequin at kung anik anik pa.ahhaa

  13. Para sa lahat ng Pinoy WordPress users, para sa atin ito: http://pinoywp.wordpress.com

    Magiwan ng kahit anumang mensahe. Magsimula ng magandang paguusap.

    Spread the word!🙂

  14. may iba pang kulay? =)

  15. Parang dinaan mo na lang lahat sa tingin pards! hehhe! Sana nga next time ang lalapit sau eh ganito… Maldito pwedeng paautograph!!!!

  16. yup nangyari na skin 2.. kasma ko biep ko sa sm dep’t. store, bgla b naman may lumapit sakin na babae at tanungin kung meron pa large blouse na hawak nia. di ako makasalita nakatingin lng ako sa kanya pero nag iinit talaga mukha ko. hahaha idagdag mo pa ang pang-aasar ng biep. I guess it has something to do with our posture, un tayo natin n parang salespersons and nasa isang tabi lang. lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: