The Great Maldito

Thou shall not bitch

The PeaCock Lose its feathers

Bumalik uli ako sa gym pagkatapos ng ilang buwan na pagpahinga dahil inabot ng katamaran. Masyado na akong nalulong sa alak kaya hindi naman masyado kalakihan ang tiyan ko ngayun. Mukha na akong nagdadalang tao.

Timing ang pasok ko. Wala pang tao.  Mas gusto ko kasing mag-gym na mag-isa dahil nagagawa ko ang lahat ng gusto ko na hindi nahihiya. Kagaya nalang ng pag-buhat ng barbell habang nagsusuklay ng buhok. O di kaya pagbuhat ng 50 kilo na dumbbells gamit ang dila ko.

Sa receiving area nakita ko si Manong Johny na nagbabasa ng news paper. Ang personal instructor ko at may-ari ng gym. Medyo may edad na rin si Manong Johny kaya lantad sa ulo niya ang malawakang deforestation. Hindi siya gaanong mataas, may katabaan ng kunti at sumusuot ng super salamin. Super kasi mukhang puwet na ng baso ang kapal ng salamin niya. Kailangan na niya ng telescope at hindi eyeglasses. Tatapusin ko na rin ang panglalait sa kanya kasi baka nahulugan na yun ng dumbbells. Churi.

Maliit lang ang gym. Pero hindi ko maiwan-iwan dahil dun ako nagsimula. Naalala ko pa ang unang pasok ko doon. Mukhang nabigla ang mga staff sakin kasi akala nila nagkamali lang ako ng napuntahan at hindi talaga yun ang DSWD para sa feeding program.  Kapag nag-gym ka dun, dapat may health insurance ka dahil hindi natin alam, bukas makalawa eh matetanus ka dahil sa ibang equipments ay kalawangin. Karaniwan ng mga parokyano dun ay mga thundercats, meaning yung may mga retirement plans na. Di ba dapat nag go-golf sila o di kaya nagpreprepare ng death claims? Joke lang po.

Di basta-basta ang routine na ginawa ko. 10 counts ng dumbbells push up, at 20 counts sa pag-aayos ng buhok. Baka yung buhok ko pa ang magkakamasels sa ginagawa ko. Kamusta naman ang biceps ng split ends ko?

Laking pasasalamat ko wala ang mga echusero na walang ginawa kundi bantayan ang routines mo. Mali dito, ganito yun. Eh kung titignan mo naman katawan nila, eh mas maganda pa siguro ang curves ni palito.Sumalangit nawa. Potah sila, sila ba ang nagbabayad? Sila nalang kaya mag gym. Mga shitheads!

Kaya kung sisitahin na naman nila ako ulit, may handa na akong dialogue.

“Kuya wala na ba akong nagawang tama? Ako na lang ba ang parating may mali? Hindi niyo ako maiintidhan kalian man. Dahil ako ang umiibig”. Charing!

Mahigit isang oras na ang nakalipas at nagsawa na ako sa kakatingin sa mga dumbbells. Hindi talaga totoo na gagalaw ang bagay kung tititigan lang. Nagbihis na lang ako pero hindi parin nawawala ang 20 counts para sa pag-aayos ng buhok ko. Vain kung vain ampotah.

Sa pagdaan ko palabas ng gym, may nakita akong poster. Familiar ang mukha ng lalaki na nakatago sa kapatagan ng mga masels. Shit, tao ba to o eskulpture? Nasa mid 20’s siguro, gwapo at kalbo. Teka, teka, teka. Familiar ang angulo. Ang taray, nakapoint ang ilong kung saan nagmumula ang araw. Joke, ano to compass? Si manong Jhonny nga. Mister churvakels year 19**. Bawal ang year. Kakahiya naman kung sabihin ko ng 1978 yun. Di ba? Shocks.

Isang bagay lang ang natutunan ko sa araw na yun. Darating ang araw na lahat tayu ay starring sa center stage. Na masasabing ito ang year of splendor ko. Ikaw ang Julius Ceasar ng bagong milenyo at ang Nile river na babasa sa lahat ng keps, I mean ng farms.

Pero darating din sa takdang panahon na masasabi mo rin na kailangan mo nang magpahinga. Dahil wala naman talagang permanente sa mundo. Sa pagdaan ng panahon, aagnas din naman ang kagandahan kagaya ng pag-guho dati ng Lahar dam.

Kagaya ni Manong Jhonny. Akalain mo,contestant sa mister universe dati. At ako? Akalain mo naka 40 counts na sa pag-aayos ng buhok.

Single Post Navigation

17 thoughts on “The PeaCock Lose its feathers

  1. hahaha tangeanang buhok yan masyado maguluhin. pakalbo ka na lang kaya ulit para makapagconcentrate ka sa pagbubuhat.

    siguro ganyan talaga ang mga may ari ng gym. ganyan din mga nakikikita ko sa gym na pinupuntahan ko eh..simula sa pagkapayat pics nung may ari hanggang sa nagmumurang kamatis pics nila. proud to be muscleman nga at the age of 40+ na. inspirasyon na rin siguro sa mga ibang nagbubuhat ang ganun.

    parang pareho tayo ng naexperience pagpasok sa gym..haha! para kang artista sa mga atensyon at madami nga na umeepal ng pagtuturo. parang wala ka na ginawa tama kahit anong routine. dun sa sit ups lang yata ako hindi sinisita kc yakang yaka naman yan.

    isara ko na kaya yung blog ko at karirin ang paggawa ng entry sa comment page. haha!

    bigay ko nalang kaya ang log ins ko tapos ikaw nalang mag blog?ahahahhaa..
    bilisan natin ang paglaki..malapit na ang oktober fest…oktober fest na!! yahooo!

  2. ang sabi kasi ng manong johnny, “gusto ko happy ka!”

    pasok sa senado! he he he

  3. Pinipigilan ko sarili kong matawa kasi nasa opisina ako. Naiimagine ko kasi ‘yung mga routines mo na may kasamang pagsusuklay ng buhok. Ampf.

    isama mo na rin sa imagination mo na naka pekpek shorts ako tapos naka pink na headband..ahahha

  4. akalain mo yun, may malalim na point pala tong post na ‘to. kala ko kasi pagpapalaki ng maskels sa buhok eto. hehehe

    wala ka talagang mapupulot skin kung nagkataon na pinasulat ako kung pano magpalaki ng masels…puro kagagohan ang pinang-gagawa ko sa gym e.

  5. aperockstar on said:

    langya ka maldito…basang basa na naman sa laway tong monitor ko kakatawa! hayup!

    sori namen. hahaha..ill be gentle next time.ahaha

  6. Hahaha bwisit na post tawa ako nang tawa akalain mo tribute pala ito kay Manong Johnny… Hmm for sure siya ang pinakamatikas during his Katipunero days kaya naisipan nyang magtayo ng gym.

    At ikaw naman, darating ang araw na kaya mo nang i-flex flex ang maskels mo… sa anit.

    yung masels sa betlog ko ang pinagtutuunan ko ng pansin.ahaha..it will be cool siguro kung mapapagalaw ko ang betlogs ko na hindi nag eexert ng force and friction. Para lang may sariling kaluluwa ang itlogs.lols

  7. Gusto ko yung thought ng entry na ito pero mas gusto ko ang laftrip! Putakelya ka muntik nanaman akong mahuli ng boss ko sa pag hagalpak ko ng tawa! Tanginang shit!

    hi jepoy. glad na nagustuhan mo to. ang hirap mo pa naman i-please.hahah.share mo kasi sa boss mo to.lols

  8. akala ko anu ang story lol tribute siguro..well,, gustong gusto ko talaga makakita ng real peacock!!


    he he he…yung pabo niyo isipin mo nalang peacock.

  9. Pwede mo nang palitan si Kris Aquino sa commercial ng Pantene! tapos background music mo yung kanta ni Natasha Bedingfield na Unwritten.

    taena naimagine ko bigla. Binabawi ko na. Ang bakla eh. haha

    payag ako efbe…tayung dalawa. ako si kris..ikaw si juday..ahahaha..

  10. shaks! natutunan ko d2 na habang maaga at presh, magpalaki ng katawan at lumande. hahaha

    joke.

    pero ayon, lilipas nga din ang lahat. pero di ang pag-ibig. baduy takte.

    basta.

    si manong johnny pala ay talagang mister pogi nung kabataan ano? ngayon baka di na lang sya masyado nakakabili ng hairwax

    kahit nga pag-ibi eh naagnas at nawawala jason. aanhin niya ang hairwax eh wala naman siyang paglagyan? pwde siguro kung sa kilay atleast may natitira pa siyang buhok dun.ahaha

  11. ahahaha sobra tawa ko pinabasa ko sa mga kasamahan ko malapit sa table ko shaks marami ka ng fans d2 sa disyerto🙂

    try mo kaya magpublish ng book tulad ni Bob Ong?

    buti nalang hindi ko nilagyan ng pic ko ang post na to. im sure mas matatawa kayu sa mukha ko.hehe..
    salamat anne. yung book?he he he…WERE working on that…..he he he…

  12. mag-dyi-gym na rin ako pagbalik ko ng maynila. sana lang di ako maka-meet ng mga gym buddies mong walang kasing shitty.

    oist, october ka raw punta sa mla sabi ni ser gasti? tara inom tayo!

    hindi yan sinasabi lio. ginagawa yan..ahaha..may galit?lols.
    oo..sa october. wag nga kayung masyadong maingay! grrr..tek teka…nag-uusap kayo ni manong gasti?lols. gym ka na para pacontext tayu sa october.hahah

    • pinagmukha nyo naman akong senior citizen dito..haha! mga walanghiya!

      malayo pa naman ang october. mag sideline muna akong construction worker na night shift. haha! octoberfest pala ah! tingnan natin kung matuloy yan. 3 years na yata itong pinag uusapan natin.

  13. hisnameisdencios on said:

    haha. ewan. ang kulit mo! yari ka ke manong johnny. gusto pa naman nya happy ka. hahahah

    dencio, buti nlang walang access sa blog ko si manong jhonny…dahil pag nagkataon, papakain niya sa akin ang kalawangin na mga dumbells.

  14. never pa akong naggym. hakhak!
    pero putek! tawang-tawa ako sa buhok na yan! sarap sapakin! pakalbo ka na lang kasi. di ba semi kalbo ka naman?

    si manong johnny! hahahaha! natawa ako! adik! akala ko ba ayaw mo sabihin ang taon! bweset! natawa talaga ako dun!

    manong johnny si kuya maldito naghahasik ng lagim!

  15. nice one.. gusto ko to may sincerity at andito ung dating maldito na bnabasa ko hehehe ayos aprub!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: