The Great Maldito

Thou shall not bitch

My life with Josh

Kalahati ng bagong inuupahan kong bahay ay sa may ari ng bahay. Matandang mag-asawa at may isang anak na lalaki na siguro mga 10 years old. Spoiled brat ang batang to at dito magsisimula ang istorya.  Sa potang inang batang to.

Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko dahil lang sa pagpili sa bahay na to. Marami naman talaga akong options, pero dahil sa doon na nakatira ang amigo ko, dun na rin ako nagpasya na tumira. ‘Tong bahay pala na to ang simula ng aking kalbaryo.

At kung makapagsalita naman ako para lang akong ginawang katulong?

Kumukulo ang dugo ko sa batang to. Tawagin nalang natin siyang si Josh. Alam ko masama ang pumatol sa bata, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na ilunod ang mukha ng batang to sa inodoro hanggang sa bumait. Ibabalik ko siya sa nanay niya. Si Undin.

Minsan bumili ako ng ice sa kanila. Tulog ang nanay niya at siya lang ang natitirang gising at nanonood ng Barney and the chamber of Secrets. Tinanong ko siya:

“Bata, may ice kayo?”

Tinignan lang ako ng diretso. Salubong ang mga kilay at para lang nakakita ng isang maamong pusa na pwede niyang isabit sa hanger para patuyuin pagkatapos ibabad sa zonrox. (he he he. Ginawa ko to noong bata ako). Hindi man lang ako sinagot at binalik niya ang ulo niya sa TV para tapusin kung paano ginang-rape si Barney noong nag tour siya sa desyerto.

Sinagawan ko ang nanay niyang natutulog.

“San ang magandang asal ng batang to? Saan!Tanungin mo kung saan ka nagkamali!”

Pero hindi ganyan ang nangyari. Bumalik ako sa kuwarto ko na umiiyak.

Nitong linggo lang, ang mag ama nagdesisyon na gumawa ng basketball ring. Ang ganda ng lugar na nilagyan nila. Dun mismo sa bintana ng kwarto ko. Kamusta ang jalousie?  Baka pag-uwi ko nga eh puro bubog na yun. Nananadya siguro tong mag-ama. At sa tuwing lalabas ako ng bahay para pag-sabihan ang abnoy na Josh, yung tatay naman andun sa sulok. Naka-upo at may dalang baril. Pulis kasi. Pasensya, tao lang. Umaatras din naman ako. Ayoko namang matulog na may tingga sa ulo.

Kailangan ko na talagang idispatch si Josh. Meron ba kayong vetsin diyan?

Single Post Navigation

22 thoughts on “My life with Josh

  1. haha! yari ka dyan! pulis pala ang tatay eh. ang mabuti pa kaibiganin mo na lang. laro kayo basketball tapos ibigay mo na lahat ng foul na kaya mong ibigay.

  2. Lumayas ka na diyan sa impyerno. Hehe

  3. hahaha…parang na iimagine ko yung intsura mo sa sobrang inis dun sa bata at sa tatay na pulis.
    great maldito meet the little maldito…hehehe!

  4. hahaha… ampupu na yan. tama si gasti. pagsamantalahan na yan. ibalibag mo sa hagdanan. maglagay ka kutsilyo dun sa bintana para pag pumunta dun ung bola butas.hahaha

  5. parang pag binasa mo tong blog na to e, matutuwa ka lang nyahaha..ang cute ng pagkakawento hehe….napapangiti pa ako habang nibabasa ko (opposite ko boss ko btw…at pag nahuli nia ang aking manaka nakang pagngiti sanhi ng blog mo..yari ako!!!)
    churi na habang nanggagalaiti ka e natutuwa naman ako sa deskripsyon mo ng pangyayari…hehe..

  6. Pero hindi ganyan ang nangyari. Bumalik ako sa kuwarto ko na umiiyak.

    -seryoso napahalakhak ako dito.. naiimagine ko hitsura mo… parang talunan… pagbigyan mo na yung bata, paglaki nyan loser yan. hehehe

  7. ang galing! nakalimutan ko tuloy problema ko hahaha blog hopping ;p

  8. Hahaha! Brad i-hazing na yan sa kiliti! Hanggang sa matuto ang bata!

  9. i suggest you move as fast as you can!

  10. Putakels ka ang tagal tagal mo bago mag post! Kala ko namatay ka na!

    Anyweis ganito ang gawin mo para umamo si Josh sa’yo. Habang natutulog sya kamutin mo ang pwet mo tapos ipahid mo sa nostrils nya, the next thing you know close friends na kayo.

    Kthanksbye!

  11. Ako rin galit na galit sa bata, tinatapakan ko sa mukha pag nadatnan kong tulog.

  12. ako rin mainit ang dugo ko sa mga batang matigas ang ulo at mga walang respeto..pero ingatz ka kasi pulis pla ang tatay.lumipat ka nlng ng boarding house pra safe.:)

  13. ay, i love kids. ikaw naman, baka di ka nya naintindihan nung gusto mong bumili ng ice. hehehe. oi, 3 days na lang! celebration na! hehehe. advance happy happy!

  14. inspirememore on said:

    hanap ka na bago matitirahan..wala ka nmn magagawa anak ng may ari kasi eh..pero bago ka umalis sapakin mo muna yung bata>:D

  15. turuan mo ng mga kabalbalan. malay mo yun pala ang maging simula ng isang magandang pagkakaibigan.

  16. pag nalingat ‘yung tatay, isabit mo agad sa basketball ring. tapos kumaripas ka na ng takbo at maghanap ng malilipatan. lols!

  17. naku patay ka jan.lumipat ka nalang..bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo. esep esep hehehehe

  18. haha ang mas mabuti pa kausapin mo nalang un tatay about sa bintana mo.at dun naman sa bata wag mo nlang kausapin at pansinin deadma nalang!

  19. ang dapat sa batang yan ginagawang lechon de lecheng bata!
    lumipat ka na lang ng ibang bahay…

  20. nyerks! lumipat ka na bago ka maging “the late and the great maldito”

  21. waaaaa natawa aq d2! sowee nman maldito lolz..
    lumipat ka n ng bahay kung gusto mo pang mabuhay! ahahhha

  22. Pingback: The Queen Is Coming « The Great Maldito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: