The Great Maldito

Thou shall not bitch

Stone hearts and angry names

Just spoke with nanay on the phone and had a little argument. Yung sister ko ang may kailangan, pero alam nila na pag ako ang nagalit, si nanay lang ang makakapacify sakin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinalabas ko lahat ng galit ko sa mundo. On how unfair it is sa side ko.

My sister is asking money para daw sa review for the board exam.  Its 5 fcking thousand and due is on Monday. Its been months na since she graduated pero hindi parin nakahanap ng trabaho. Tinanong ko,

“ naghahanap ka ba o talagang ayaw mo lang maghanap?There are lots of jobs there, even part time jobs lang muna just for the sake of experience. Ilang company na ba ang inaaplyan mo?”.

“isa”. Ang tanging nasagot niya.

Mula march hanggang ngayun isa lang ang inaplayan mo? Inuna mo pa ang vacation mo sa boracay  tapos sakin ka parin maghihingi ng pera? It’s been 4 years na ako nalang lahat sa bahay, tuition, bills, lahat- lahat. Sana naman bigyan niyo naman ako ng pahinga. May sariling buhay din naman ako na haharapin. Sana maawa naman kayo sakin”. Hindi ko mapigilan ang magbigay ng homile at litanya.

Hindi na nakayanan ng sister ko ang galit ko. Binaba niya ang phone at ang tanging narinig ko nalang ay ang tunog ng hininga ko sa speaker

Ilang minuto, tumawag ulit. This time si nanay, dahil alam ng sister ko any moment from now, uusok na ang phone sa sobrang galit ko.

“Nay, hinahayaan niyo nalang ba mga anak mo diyan na umasa sakin? Ang lalaki na ng mga niyan! Napaka unfair niyo. Ako noong una, tig dalawa ang trabaho para lang makatapos dahil hindi niyo ako kayang paaralin!Kinaya ko ang pagiging janitor sa opisina tapos maging utusan sa jolibee! Ngayon, ni minsan hindi nila narasan lumuhod sa registrar para lang kumuha ng exam! Masyado kayong lax sa kanila! Masyado kayong unfair”.

“Pasensya ka na anak. I’m Sorry”. Ang tanging nasabi nalang ni nanay. Bumaliktad ang mundo. Parang ako pa ang ama at siya ang anak.

Alam ni nanay na umiiyak ako. Weakness ko ang ganitong eksena. Ampotah, nakaboxer sa labas ng bahay tapos umiiyak? What a scene.

Hindi na makapagsalita si nanay. Alam niya na mga hirap ko sa buhay. Alam niya na mahirap maging janitor. Mahirap maging taga luto sa Jollibee. Na mahirap ang mag-aral habang nagtratrabaho Alam niya na minsan sa buhay ko gusto kong gumive up dahil sa kahihiyan na ako mismo ang nagsisilbi sa mga kaklase ko kung kumakain sila sa jolibee. Alam niya, na gusto ko rin ng pahinga.

“Uwi ka na dito nang maalagaan naman kita”.  Ang huling nasabi ni nanay.

Bumalik ako sa kwarto. Namumula ang mga mata dahil sa galit. Kinuha ang wallet. Nilabas ang 5k at dumiretso na sa bangko.

Hay……..

Single Post Navigation

43 thoughts on “Stone hearts and angry names

  1. my god, such a sweet boy..

  2. wow! sana kapatid nalang kita…

    sayo naiatang ang responsibilidad kasi kaya mong dalhin ang responsibility na yan..mabait ka kasing kapatid.

  3. Huwag mo awayin nanay mo. That’s all.

  4. kuya, penge rin ng 5k, kelangan ko na ng bagong cellphone. LOLs

    joke lang, ang bait mong kapatid at anak, sana naging tito na lang kita. hahaha. connect?

    ambans hapibertdey pareng maldits!!!!!

  5. huhuhu nakakaiyak naman ito kaya mo yan malditz

  6. napakabuti mong kuya. parang naluluha ako sa pagbabasa. first time ever ito na nangyari sa akin habang nagbabasa ng isang blog entry. siyet hindi puwede nasa office ako. maldito ka nga talaga!

    i think mabuti na ang nilabas mo yung nasa loob mo kaysa kimkimin mo. mabuti ng malaman ng kapatid mo yung himutok mo para malaman niya at ganoon din naman ang sa mama mo. i don’t think na nabastos mo siya pero aminin natin nasaktan mo rin siguro ang damdamin niya. pero that’s life, para sa isang tapatan hindi maiiwasan na walang masaktan.

    ako siguro ang nasa kalagayan mo, ang ibibigay ko ay 3000 to 3500. kung ano ang kulang sila na bahalang magpuno. in that way, madama naman ng sister mo kahit papaano. hayyy naaalala ko drama ng mga kapatid ko. mabuhay!

  7. Wow!!! 😀 naranasan ko din ang ganito. madalas..😀 Hay…

  8. god bless good brothers like you. yaan mo, alam nya how good you are. at malaki/maganda ang kapalit nun.
    i have great brothers too. pero di naman kami ganyan. maswerte ako at napag-aral ako ng mga magulang ko. the good thing now is, pag may pera ang kuya ko, very generous. hehe.
    you’re such a sweet anak & a sweet kuya. na pag tiningnan ka tala, hindi mo aakalain. mukha kang salbahe. hahaha.
    advance happy birthday maldito! have a blast tomorrow. kala ko ba you’re going to celebrate it in manila? hehehe.

  9. bakit mo ibinigay yung 5k sa kanilaaaa? pang inom natin yun!!!!!!

    ok joke lang. happy bday Glenn! bilis bilisan mo naman ang pagpunta rito sa Maynila dahil wala ako mahatak na kainuman.

    wooohooo! champion Lakers!

  10. Maldito, mahal na ata kita. Pa-kiss nga. LOL

    Medyo nangilid luha ko habang binabasa ko entry mo. Haaayyy… buti na lang wala akong kapatid. Ampf. Ako nga hindi pa ko nakarating ng Boracay eh. Pero taas kamay ko sa ‘yo dahil sa naging pagpupursigi mo para lang makapag-aral ka. Nag-janitor ka? Hanga ako sobra.

  11. argh! i feel for you… sana magising na rin sa pagkakahimbing ang kapatid mo. in the end, it’s her life, not yours. kelangan lang sabihin ang mga dapat sabihin, panggulat lang🙂

    mabuhay ka! libre kita ng cofi refill, ung unang cup, may bayad hehehe..

  12. napakabait mong kapatid. at napakabuti mong anak.

    nandito ang nanay ko ngayon sa pilipinas, dalawang linggo lang. last week nag-away kami. madami kasi akong isyu pagdating sa kanya at sa kapatid kong paborito niya. mahabang kwento, pero kung ano man ang mga isyu ko, parang napakababaw kung ikukumpara sa pinagdadaan mo. sana, dumami pa ang lahi mo, at sana matuto kaming lahat sa iyong kwento.

  13. Isa kang d best KUYA! Congratulations!

  14. portuguese!
    naantig ako sa posteng to.
    seryoso.

    payakap na lang kuya maldito.

    grabe! takte!

    kuya paampon! hakhak!

  15. shakssss ang bait mo naman kuya,,,swerte ng kapatid mo sau,,,
    buti pa siya may kuya na kagaya mo,,,
    wag po ikaw mag alala matatapos din po yan paghihirap mo,,,
    ang bait niyo po~~~

  16. ambait naman nun. pero mabuti nga kayo me mga kapatid. ako wala. =(

  17. kuya…ikaw ang nawawala kong kuya…alam ko..at ramdam ko..gusto ko mag aral penge pang tuition…haha

    naks ang bait

  18. lahat ng ginagawa mo may balik sayo yan kaya keep it up mas maganda na ikaw ang nagbibigay kesa ikaw ang humihingi…

    wag ka na umiyak Happy Birthday na lamang sayo🙂

  19. I love you kuya….

    wag ka na magalit… naghahanap na nga ako ng work eh…

    yan yung gusto kong sabihin sa mga kuya ko, dahil alam kong naiinis na sila sa pagiging parasite ko..

    yaan mo pag nagka work ako.. … ikaw naman bibigyan ko….. SALAMAT!

  20. Wrong! Bakit ka nagpatalo, sana tinuruan mo si Ateh ng leksyon hehehe… aww such a toughie but also a softie hehehehe

    Lagi rin kami nagaaway at nagsisiwagan ng Nanay ko pero ngayon medyo OK na,sya na mismo ang umiiwas sa away.

  21. Putangina! Ang sakit ng puso ko! Siryoso nag janitor ka?! Sa landi mong yan nakayanan mong mag janitor?! Che!

    Koya penge 2 kiaw kelangan ko pong bumili ng bagong Tshirt eh hihihi

    Seriously na tats ako buset ka hindi ako maka move on…

  22. paampon ako kuya maldits! haha.
    nakapa buti mo dinaig mo pa si santino. tsk.
    sana kuya din kita, kailangan ko din ngayon ng limang libo. wahahaha. :p

  23. kung ako siguro ang nasa eksenang tulad niyan, pareho rin ng ginawa mo ang gagawin ko. mahirap talaga maging panalong tinapay pero kung mahal mo ang mga taong ‘yan, sige lang, kakayanin.

    magbenta ka na kasi ng laman. sanglibo por kilo. lols!

  24. forbiddenlei on said:

    wwhooo ambaet pa din ^_^
    hirp tlga maging kuya

  25. Di-Nagpakilala on said:

    I feel for you Maldits..in every step of ur wento.. and I see myself din in ur wento, na in the end, ala ka din magagawa kundi magbigay.. just pray na sana she’ll make it on her exams, para she can start na din earning like you..at makita nia how it is to work work work!!

    have a nice day!🙂

  26. grabe may ngbara sa lalamunan ko habang binabasa ko to, at naiiyak nman ako😦 huhuhu!
    well gnun nman tlga cguro, na kahit na anong strong ng personality mo pero kapag tungkol na sa pamilya nawawala yun.
    I admired you for being such a good son to your nanay, pero sna mgsorry ka sa nanay mo ha!

    Happy Father’s day…hehehe

  27. brohug😦

    pag nagkita tayo sa personal super bear hug ibibigay ko sa’yo.

  28. wow! bow ako sa’yo…100x

  29. bow ako sa’yo. I cried while reading this.
    I’ve never experienced that much hardship in my entire college studentdom and I actually had the nerve to complain. You’re a great and gracious kuya.🙂

    I’m lucky that my siblings are the sweetest thing. They’re independent souls yet we love each other so much. Siguro dahil na rin sa wala ang mga parents namin dito and we had to learn to stand on our own yet continue depending on each other.

    Saludo ako sa’yo maldito.🙂

  30. dude, huli man ako, gusto ko pa rin iparating sayo na idol kita.

    tama lang nag maglabas ka ng galit lalu na pag sobra na, pero nagawa mo pa rin tumulong kahit walang wala ka na at sawang sawa na.

    bow ako kapatid, bow.

  31. tingin ko dhil alam ng kapatid mong may massandalan xa, hnd nia inubliga ang sarili nia. buti naman at nasabi mo sknia lahat. at kahit sa nanay mo. kailangan nilang malaman un. hanga ako sau.
    pero sa huli, mabait ka pa rin. at sinong may sabing magulang lang ang hindi kayang makatiis ng anak?

    ngaun ngaun lng, bigla akong na inlab sau. char.😉

  32. your mother is lucky to have you.

    the last part was a tear and “aww” jerker.

    Thank you!

  33. bro, nakaka laglag ng puso pag sa nanay to nanggaling “Uwi ka na dito nang maalagaan naman kita” ,… =(

    wala kahit sino man dito ang makakasukat ng totoong hirap na pinagdaanan mo pero sigurado, sa huli may mas magandang biyaya din na nakalaan sayo!

    tuloy mo lang ang pagiging isang matulunging anak…

  34. awts pareho tayo pag dating na ang nanay ang kausap pag dating sa ganyang problema,
    nanlalambot ang puso pag sya na ang kausap,

    at alam ko naiyak ka dahil sa sinabi nyang umuwi ka na para maalagaan ka nya,..

    iba talaga pag breadwinner, sana rin maiisip din ng mga kapatid ko kung gano kahirap ung ginagawa ko,..

  35. woww ang bait ni maldito, nakakaiyak.:) that’s the kind of guy that this world needs.:) just like an egg: hard on the outside, but soft on the inside.🙂

  36. hanga ako sa’yo maldito.. kahit noon pa man eh.. alam ko na sa loob ng manyak mong katawang lupa, ginintuan parin ang iyong puso.. halos naiyak ako sa pagbasa ng blog mo.. nampucha mahina rin ako sa mga ganitong bagay. pero kaya mo yan at wala kagn choice kaya mo kinakaya yan. balang araw darating rin ang panahon mo.. panahon na ikaw naman ang masaya, ikaw naman ang aalagaan, ikaw naman ang papahalagahan.. konting tiis na lang.. =)

  37. geeca13@yahoo.com on said:

    nakailang tikhim din ako bago natapos magbasa..yan din ang role ko sa bahay,.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: