The Great Maldito

Thou shall not bitch

Finding Mr. Story Teller

Habang nasa kubeta ako at nag cliclient visit, natanong ko ang sarili ko kung kelan ba talaga ako nagsimulang magsulat. Bumalik ako noong elementarya. Naaalala ko, grade 6 ako naging opisyal na writer “daw”. Yun yung kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ang pangalan at ang isinulat ko sa isang school magazine. Sadly to say, yung copy na na tinago ko sa matagal na panahon ay nawala dahil sa Bagyong Frank.

Yung pamagat ng isinulat ko ay “Valentines Day”. Ang jologs. Lols

Noong tumapak na ako sa high school, medyo nakalimutan ko na ang pangarap na magsulat pa simula noong ni-reject ako sa organization ng school paper namin. Masyado daw akong pro at ang hanap nila ay yung mga beginners pa. Sour graping lang ng kunti. Ang totoo hindi lang ako nakapasa sa standards nila. Kailangan kasi maghubad at hindi pa ako tuli noon.

At dahil sa gustong-gusto ko talagang magsulat, nauwi ako sa vandalism. Ayaw niyo pala sakin ha. Halos lahat ng inuupuan ko nilalagyan ko ng kung ano-ano. Minsan mukha ng teacher namin sa chemistry na nagbigay sakin ng 75. Kuhang kuha ko ang mukha niya kahit gamit ko ay bolpen lang. Simple lang naman, bilog na may sungay. Done!

Lahat nalang siguro ng essay at poem contest sinalihan ko na.  2 bagay lang ang palagi kong kinahahantungan: ang ma disqualified at ang matalo. Pero sa mga panahon na yun ni minsan hindi ako naging malungkot dahil talunan ako, wala lang. Trip-trip lang kung baga, kung manalo edi OK. Kung matalo naman, wala namang hard feelings #^&#%^#$$@@!@@#^#$$&**(!

Promise walang hard feelings yan. ahahha

4th year college na ako noong nabigyan ako ng pagkakataon para sa university paper namin. Hindi alam ng mga kaklase ko na ako ang tao na nagtatago sa pseudo name na “3cho”. Salamat sa editor namin na mukhang sand dial. Pinakiusapan kasi ako na ako nalang ang gumawa ng editorial dahil hindi niya matapos ang iba. Ako naman sige go! At dun na mismo nagsimula ang featured stories ko. Na hanggang ngayun wala pa ring nakakaalam kahit isa sa classroom kung sino si echo.

Pagsusulat talaga ang hilig ko pag marami akong iniisip. Mga bagay na gusto kong ibahagi sa iba na hindi na magsasayang pa ng laway. Kung wala siguro tong blog, naging sira ulo na ako siguro sa kakatago ng mga bagay-bagay. Wala man akong naging award during my school years sa pagsusulat, atleast this blog proves that may ibubuga rin pala ako.

Hindi ko man maipapangako na maibibigay ko ang mga posts na ikakatanggal ng mga tinggil ng iba at ikalalaglag ng adams apple ng mga kalalakihan, sana atleast makabigay lang ako ng kunting kasiyahan.

Salamat readers!

and this is my beerday post.

PS: Salamat sa lahat ng nag-greet. Promise, you all making me wet. Rawrr!!!

Single Post Navigation

24 thoughts on “Finding Mr. Story Teller

  1. Birthday mo? Ah okay. LOL

    Happy birthday Maldito!

  2. Happy Birthday Mr. Story Teller! God Bless you pati na din sa family mo🙂

    Salamat sa masasayang kwento:-)

    • Salamat din anne. oist! Anong nangyari sa visit niyo ng mom mo dito?

      • sabi ng HR namin ” Madam No available ticket Up & Down in June only Up no Down what to do? you want Up in June and down on July?

        wag ka muna tatambling ha🙂 in short: Two way ticket ang ibig nyang sabihin ung Up papunta at ung Down pabalik…

        parang masaya kung d2 ka magwork sa HR namin marami kang maiisulat baka makagawa kapa ng isang book. ano sa tingin mo? baka lagi kang tumambling!

  3. birthday mo ngayon, o tapos na? kung tapos na, belated haberdey!!!

    wag ka mag-alala, yung mga kwento mo, eh isa saking pinakasusubaybayan. magaling kang kwentotero.

  4. bati ka ng bati kasi! ayan late bday post na naman to! haha! sayang kung dito ka nagcelebrate ng bday mo naka attend pa tayo sa ToyCon sa megamall at nakanenok tayo ng mga laruan. pati costume ni darna sana naiuwi ko. hahaha!

    sige na nga..happy bday ulit. advance naman to para sa next year.

  5. Happy Birthday amigo! Naalala ko yung advice mo sa akin nung nagumpisa akong magblog sa wordpress dati. Salamat sa mga advice mo na to keep on writing to say the hell sa english grammar! hehehe!

    Sana dumami pa ang mga readers mo! Para mawet ka lalo! hehehe!

    Enjoy ur beerday!

  6. naku naman! bume bertday post! ahahah ikaw pala si Echo ha!
    la lang!

  7. nice post….;-) tagay pa!!lol

  8. perti eh. sadyahan ko basa ba. masubscribe ko bla.

  9. kakatuwa ang posts mo hehe…makes life lighter kahit pa dami kahirapan sa buhay, dami mura at dami kalokohan ang mababasa mo…eto kasi yung talagang kulay ng buhay……u really have one hell of a talent in writing! happy bday kahit di tayo magkakilala hehe…

  10. “Kuhang kuha ko ang mukha niya kahit gamit ko ay bolpen lang. Simple lang naman, bilog na may sungay. Done!”- wahahaha

  11. grade 6 din ako nung maging official writer pero nung hs ako nakasali din naman ako sa school paper pero sandali lang dahil busy ako sa paglalandi.

    at late na ako.

    merry christmas na lang sayo😀

  12. Gusto mo ng picture greeting? LOL. Haberdey! Ni-greet na kita sa Facebook pala.

  13. kung hindi ka nagb-blog baka sira na ang ulo mo? hindi pa ba? hehehe. i agree with gasti, sana dito ka nag-birthday. sabi ni jeck luwas ka daw ulet dito sometime in october? yan, moni ulet tayo. i might go to jeck’s vera’s 1st b-day on sat nga pala. pag pinayagan ni hubby. hehe.

  14. At baket hindi tayo mag ka facebook maldito?!

    happy birthday sayo, hindi ko na kita sa blogrol ko na nag update ka napala shetness! Ako high school na nakasali sa school paper ang una’t huling nilathala na sulatin ko ay may pinamagatang “Kawayan” putakels talaga ang kawayan meron kameng love hate relationship. Yun lang at happy birthday pala bro hugs!

  15. morenalicious on said:

    api beerday! maldito😀 nangukay napud ko sa imong blog
    nakalimot ko i have to study my lesson pa pala grrrrrrrrrrr
    inuna ko pa blog mo hhehehe.

  16. hindi pwede ang salamat. ginawa ko pang blog title ang bday greeting ko sa’yo.kaya kelangan may isang dosenang happy horse na kapalit yan pagdating mo rito sa october. lols!

    pibertdei maldito! pakanton ka!

  17. oi…hehehe hapi bday po.. bago po rito

  18. belated pala ha hehe..
    piberdei hehe..
    ngayon lang nagawi eh hehe..
    :))

  19. weeee belated happy beerday maldito..talagang ikakatanggal ng tinggil ng iba..binisaya mo na.hahahahah

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: