The Great Maldito

Thou shall not bitch

The Queen Is Coming

Isang text ang natanggap ko galing sa sister ko. Pupunta daw si nanay dito sa Cebu para bisitahin ang pinakagwapong anak niya at para tiyakin na hindi pa nawawala ang virginity ko sa kung sino-sino lang.  At katulad ng isang graded recitation, palaging kinatatakutan at pinaghahandaan ko ang mga kagaya nito.

Ayaw ni nanay ang maruming kuwarto. Nagtratransform siya sa kung ano-anong halimaw pag nakakakita siya ng mga maruruming mga damit na ilang taon nang hindi nilalabhan. Siguro kung nagkataon na buhay pa si Hitler at si nanay ang kalaban niya, sigurado babangasan ni nanay ang mukha niya na hindi pinapawisan.

Kung isa ka sa masugid na tagasubaysay ng blog ko (kung tama talaga inaakala ko na meron) kakalipat ko lang dito sa bagong boarding house ko noong Enero.  Eto ang  echura ng kuwarto ko. Kwarto talaga to,  kahit mukha lang siyang garahe. Kailangan kong maglinis bago pa dumating si Queen Amidala.

Ang pink na pink na kurtina na mula sa aking hindi maarteng ina. Kurtina ko rin to sa dating bahay. Pakyo sa lahat ng tatawa sa kurtina ko.

Ang workplace ko. Dito lahat nagaganap ang action. Mga blogs na minimaintain, nood ng porns, edit ng pictures, video chat sa mga kaibigan at kung ano ano pa. May sinabi ba ako tungkol sa porns? Wala naman ata.

Ang view sa labas ng kuwarto. Nakwento ka na dati dito na ginawa ng mag-amang halimaw ang basketball ring na yan. Malapit na ring mabasag ang mga jalousie at pagnangyari yan, ihahalo ko sa gatas ni Josh ang bubug at papainum ko sa kanya. Lecheng bata yan.

Hulaan niyo mga hampas lupa kung ano ang litrato na yan sa taas. Oo, tama kayo. Cabinet yan na nagmukhang double deck. lol

Yan ang cleaning get up ko. Dapat may fedora hat, summer shorts at peace sign. Yung mga nipples ko kasi ang ginagamit ko panglinis sa mga DVD na maalikabok. wahhahaha.

Mga labahin. Hahays. Enough said.

Dining table namin. Wag na kayong magtanong kung bakit ganyan, sinadya talaga namin yan para wala kaming ganang kumain. Pag walang gana, tipid sa pera. Ayos?

Potangena, ang laki talaga ng problema ko dito. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. ahhaha.

Ang solusyon. Isang malaking karton. Goodbye books, goodbye magazines, goodbye porn!

At pagkatapos ng 3 hours, 45 minutes and 13 seconds…ito na ang naging kuwarto ko. Sigurado matutuwa nanay ko nito. lols

Pero sa totoo lang, wala talaga akong may natapos na linisin. Ha ha ha ha…Si nanay nalang ulit. Kakapagod e. Have a nice week ahead everyone!

Kanin, you want?

Single Post Navigation

51 thoughts on “The Queen Is Coming

  1. ahahahaha! at kailangan talagang pink ang kurtina ano? hahaha🙂 love it!

    lol @ cabinet. nakakatuwa naman ang cabinet na mukhang double deck na yan. san mabibili? hehehe🙂

  2. marami sana akong ikukumento. kaya lang nakalimutan ko lahat nang makita ko ang pink na kurtina. hahaha

    good luck sa pagbisita ng iyong nanay!!

  3. ang ganda ng kurtina, wala akong masabi

  4. mula sa king pagkakahimbing…. nagulat ako na mayroon palang PINK na kurtina….🙂 mabuhay ang iyong rice cooker.

  5. sosyal naman ng makeover..parang bedtime stories lang pala ito. haha!

    at syempre nagmumura na naman ang katawan..especially ang tyan na parang kabuwanan mo na..haha! pero ayos lang yan..kasama talaga sa paglaki.

    ang importante, yung reunion. good times pre!

    • salamat bossing..ilang oras lang naman ang naspend ko sa nanay ko..hahays…
      one day lang kasi ang nilagi niya dito…umuwi na siya anina…

      ahahhahaa.potah…pinuna talaga ang tyan…hindi na ako makahinga sa pagpigil diyan.ahahha

  6. naks ang gara ng kwarto mo bossing! The best talaga ang mga nanay! Sana ako rin me nanay pang maglilinis ng kalat ko hehehe!

  7. Ahahaha ito paba yong kurtina dati pinakita mo nong minsan nagayos ka din ng room mo nabasa ko yon noon ahahah wala ata akong pinalampas na post mo… dala dala mo tlga kahit san ka lumipat? astig sa pagkapink🙂 at ung cabinet wala akong masabi pati na rin sa katawan ahahahaha:-)

    Goodluck sa pagbisita ni Nanay!

    • yup…same kurtuna..dalawang pares kasi..kaya may extra..aahaha..gusto mo yung isa?lols..

      oo..kahit nga kung time na umuwi ako sa Iloilo..i will still bring it…its the memory of my mom..and I will always treasure it..naks..

      salamat anne…nagkita na kami..ilang oras lang cos she needs to attend something..hahays.

  8. morenalicious on said:

    ang cute naman pala ni maldito

  9. Ang adik hahahaha! kasi kung naging totoo yung transformation ng room mo ipapalinis ko din tong bahay ko sau wahahahaha…

    Sori di ko napigilang tumawa sa fenk carteyn mo hahaha…

  10. Ang nanay ko naman mahilig sa surprise visits kahit noon na nag-a-apartment pa ako sa college. Pero sya ang naso-sorpresa sa kalat sa bahay. Kesa magtatalak sya na madumi ang bahay ko, sya ang naglilinis.. habang binubulyawan ako. Hay. Kwentong nanay.

    • hehhehe…most mothers are like that,,kahit anong galit nila, still they will do it. he he he…hays..
      thats how our mothers love us……immeasurable and unconditional.

      • natuwa ako sa pink curtain..eh ganyan kaya ang unang kurtinang pinagawa ko out of my sueldo….pinakamura kasi haha…

        lintek ka, binalikan ko pa itsura ng room mo, at napapaisip pa ako kung saan ka pede gumawa ng sabitan mo…… hmp!

  11. benta yung pink curtains!!!

    and nipple cleaners FTW? hahaha welcome back maldito.

  12. Huyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy wag mong itapon yung Angela’s Ashes akin na lang paborito ko yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Paki-LBC dali hehehehehehehehehe

  13. wait til you see room namin ni dormboy.hahaha

    parang basurahan… dahil makalat ako. mas mukhang double deck ung aparador namin.hehehe

    mapicture nga rin minsan.hehehe

    benta ang curtains.hahaha

  14. Pahiram na murakami hindi pa ko nakakabasa nyan kahit isa please. At putanginang nipples yan. Sige na ikaw na ang sexy! Pak yow!

  15. ang pink talaga! hindi ba nilalanggam ang pink na kurtina!? hehe parang cotton candy lang kase ^^ hindi ako tumawa pramis!!

    astig ng fedora hat!!!!

  16. nakitambay dito… ayos naalala ko mama ko nung dumalaw… over linis din kaming mag-asawa…hahahha

  17. oh we have the same cabinet LOL

    btw, i like your curtains..

  18. Talagang highlight ang pink curtain.
    anyway first time ko lang na madalaw ang blog mo. masarap ang pakiramdam ng mapadaan ako dito kasi parang may freedom. maaliwalas.

    nice blog. struggle ako sa fill up ng detail sa taas. sulatroniko , pook- sapot. nosebleed.

    bago lang ako sa blog. visit mo naman ang sana you follow me kasi masarap ang pakiramdam na may follower.

  19. dude, tila yata lahat ng labahin mo malagkit at mamasa-masa?

    anu bang ginagawa mo sa dorm mo pag walang tao?

  20. panalo ang pink na kurtina! >:)

  21. namiss ko dito ehhe..
    haha alam mo titirahan na ng ahas yang kwarto mo haha.. malapit ng may mabuhay na sawa jan hehe..buti nalang at uuwi ang nanay mo para bisitahin lang ang kwarto mo haha.. hindi naman talaga ikaw ang bibisitahin nya haha..
    bakit kailangan bitbit mo ang rice cooker ..
    at bakit parang tumaba ka ata hehehe..

  22. ang galing nman nung pagkakatransform nung kwarto parang minagic lang..hehehehe.

    ako din magmamagic.. abrakadabra ang gwapo ko pla alakasam!!! voila hehhee

  23. wow okay ah..magic tlg nangyari sa kwarto hehehe

  24. kelan ka punta dito manila

  25. Pwedeng samin mo muna i store yung mga books and dvds mo. :p Ayos lang sakin.😀

  26. obyus ang pagkakaipit ng tiyan para hindi mapaghalatang butete sa huling piktyur. wahahaha!

    at may angela’s ashes ka pala. nice. isa ‘yan sa pinakapaboritong libro ko. nakakatawang nakakaiyak na nakakabaliw na nakakabilib ang istorya ng buhay ni frank mccourt. lols!

  27. hahahah maldito, grabe ang tawa ko..di ko carry ang pink na curtain, halatang mama’s boy talaga..at bilisan mo ang paglilinis, cguradong palo sa puwit ang aabutin mo pagdating ni mader..di ko carry ang gulo ng room mo ha..sumakit bigla ang ulo ko..inom muna ako ng pain reliever.hehheheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: