The Great Maldito

Thou shall not bitch

Beware Of That Toast Master

Palagi akong kinukuhang “Toast Master” tuwing may selebrasyon ang mga kaibigan  o kabarkada ko. Hindi ko alam kung bakit. Maliban nalang sa relatives talaga kasi ibang-iba ako pag pamilya ang kaharap. Napakadesente ko at mukhang hindi makabasag ng pinggan.…….Na plastic.

Ni minsan sa buhay ko hindi ko pinangarap na maging public speaker. Ok payn, nagsisinungaling ako. Pinangarap ko na yun one time, at dahil puro walang kwenta ang lumalabas palagi sa bunganga ko, tinigil ko sa pangangarap ng gising. Sinubukan kong tulog naman.

7 years ago…..

“Gusto kong ikaw ang magtoast master sa debut ko”. Ang paanyaya ni Britney sakin Klasmeyt ko si Britney sa high school at tila hindi pa kilala sa akung anong hayop ako, ako pa rin ang inimbitahan na magsalita sa once-in-a-lifetime event niya.

Sobrang tanga na siguro ng tao kung ako parin ang gagawing speaker sa kabila ng pagbigay ng impyerno sa mga buhay nila. Maliban sa paglagay ng mga bungo sa mga bags nila, minsan muntikan na rin masaksak ng straw  ng badjao ang isa naming kaklase dahil sa kagagohan ko. Simpleng mabait lang ba sila o talagang wala lang silang delikadesa?

Sa gabi ng event….

Tinawag na ako sa gitna para umpisahan na ang pagwasak sa hymen ni Britney. Bago ang selebrasyon, uminom muna ako ng beer para naman itodo na ang pagkawalang hiya ko sa gitna.

“Itong si Britney……”napatigil ako sandali. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko maliban sa nilalait ko ang unica hija nila na anak ng baboy ramo daw.

“……mabait na kaibigan si Britney. Very responsible in the sense na siya ang naghahanap ng VCD na porn para panoorin namin sa bahay ng kaklase naming. Take note po, puro lalaki ang kasama niya”.


Kitang kita ko ang pananaliksik ng mga mata ng mga magulang ni Britney.  Kung may tao man na uuwi ng may palakol sa likod, yes mga hampas lupa. Ako yun.

“Palakaibigan din po si Britney. Minsan nga sa CAT class namin, siya pa yung unang lumalandi sa officer ng Delta team. Siya pa yung humahabol sa lalaki tapos nakita ko sila one time sa ilalim ng manga sa likod ng librabry. Wala naman po akong nakitang masama maliban sa naglalampungan silang dalawa na parang pusa”.

Tahimik pa rin ang mga magulang at relatives ni Britney.

“Sa totoo lang po, malaki ang tulong ni Britney sa amin. Siya po ang mastermind sa lahat ng cutting classes, tapos siya rin ang pumipirma sa lahat ng letter of absence namin. Matalino din siya. Nahuli nga siyang nangongopya kaya pinaluhod kami sa Values Education class habang gumagapang palabas ng room”.

Tawa ng tawa ang mga classmates namin. Ang pamilya ni Britney cool lang. Pero bakit ganun? Lahat may hawak na tinidor at plate knife habang nakikinig sakin? Ang weweirdo nito.

“The best din si Britney sa Economics. Bibilhan niya daw kami ng banana que basta lagyan lang daw namin ng bubblegum ang buhok ni Christina. Minsan din nilibre niya ako ng ice cream dahil tinapon ko ang patay na palaka sa seatmate ko. “.

Marami pa sana akong sasabihin pero nagmakaawa na ang pinsan niya na tapusin na daw. Kaya ang last speech ko nalang ay…

“Kay Britney, alam ko na pinagtagpo tayo dahil pareho tayong ubod ng sama ang budhi. Alam ko rin na ako ang ginawa mong toast master dahil nakakatawa ako hindi mo man lang nirespeto pagkaseryoso ko. I wish you happy 18th birthday at sana wag mo munang ipractice ang nakikita mo sa mga porn movies. Salamat:.

Nakauwi naman ako ng kumpleto pa at humihinga pagkatapos ng party. One week later, nakatanggap ako ng text mula kay Britney.

“Glenn, na stroke ang tatay ko”.

Sana lang, hindi ako ang dahilan.😦

Single Post Navigation

35 thoughts on “Beware Of That Toast Master

  1. watda! hahahaha

    buti di nagliparan ang mga tinidor at kutsilyo!! haha

    ammm na stroke lang siguro kasi may hear defects na.. di mo kasalanan.

  2. himala ngang nakauwi ka pang walang kutsilyong nakabaon sa apdo mo. lols!

  3. meron nakong kukuning toast master sa berdey ko!!! hahahaha

    paano ka nakalabas ng party ng buhay?

  4. hindi naman cguro! pero pwede rin!

  5. Hahaha! Ang lufet mo pards!!! Iba ka! Toast sa isang dakilang toast master!!!

  6. Hala! Ikaw jud ang dahilan. Hahaha

  7. haha we’ll toast naman sa wedding mo!

  8. Sounds like Khikhi haha

  9. hahahaha, grabe ka tlga maldito, buti nlng at nakalabas ka pa ng buhay sa bahay nila britney..kung ikaw ang toast master sa debut ko at yon ang sinabi mo, cgurado, di ka pa nangangalahati sa speech mo, di kana makahinga..hhahahah.loko loko ka tlga..keep it up though.hehhe

  10. nyahahaha..pramis u made my day!!

  11. ahahahaha hang galing naman nito🙂

  12. Oh. Em. Gee.
    Kung tatay ko ang tatay niya, umuwi ka ng may bala sa tagiliran kuya. lolz.
    Buti nalang pala wala akong classmate sa high school na kagaya mo kuya. ahahaha🙂

    • ok lang naman kahit may baril papa mo….mag bubullet proof lang ako..hhehhe..
      oist….kahit ganito ako…sabi pa rin ng mga kaklase ko boring daw ang life nila kung hindi ako napasama sa kanila..yung nga lang…lahat ng bagay may side effects..aahahhaha

  13. Slow ba ung tatay? bakit inabot ng one week?hahaha

  14. nasisiguro kong ikaw ang dahilan ng pagka stroke ng erpats nya…ibang klase ka pala mag toast master…talagang tustado yung britney eh! haha! sulit na sulit ang pagkuha sayo. bale 2nd life mo na pala to dahil binuhay ka pa ng mga mga kamag anak niya.

  15. patay kang bata ka..
    dedemanda ka nila hehe…

  16. hahaha! kamusta naman ang tatay nya ngayon? buhay pa? lols!

  17. Wala bang nagmumulto sa iyo?

  18. as in mukha akong gaga dito sa office kakatawa sa post mo.. hahaha! LOVE IT! kala ko talaga babawiin mo sa huli lahat ng pinagsasasabi mo.. gago ka pala talaga, di mo man lang binawi kahit para na lang rin sa parents niya.. hahahahahahaaha!!!! adik!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: