The Great Maldito

Thou shall not bitch

Karma Sutra

Lahat ng kalandian may hangganan.

Hindi ako sigurado kung ang iba sa inyo iiba ang pagtingin sa akin, isusuklam ako o di kaya titigil na sa pagbabasa sa aking walang kwentang blog pagkatapos niyong basahin ang post ko na to. Pero I will take this chance.

Araw ng Lunes, umuulan ng pusa’t aso isama mo na rin ang lahat ng animal sa bukid ni tandang Mcdonald.

“San ka? Punta ka dito sa apartment. Tambay tayo.”. Ang text ni Mama Cougar. Hindi siya matanda. Mas matanda lang siya sakin.

“Ayoko. Kakapagod tapos umuulan pa”. Sa totoo wala akong pang-taxi.

“Wala si kuya…hi hi hi”. Ang kanyang malanding reply.

“Nandito na ako sa labas ng pintuan niyo. Hi hi hi”. Ganun ako kabilis.

Maliit lang ang pad nila. De-aircon kaya amoy na amoy sa loob ang pabango ko.

“Thanks for coming!”.

Sa isip ko, baka Jolibee ang napuntahan ko. Pa tenk you tenk u pa.

Dahil after lunch ako pumunta, nakaramdam ako ng antok. Humiga ako sa kama ni rosanna. Maya maya pa nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa likuran. Expected ko na to, kaya hindi na ako nagulat. Ibang parte ang nagulat sakin.

Single naman ako. Wala naman siyang sabit. Kaya OK lang sakin kung rarapin niya ako. Bagong ligo pa naman ako.

“ohh…oh..hmmp..ahhh…..uhmmm…arghhhhhh!”.

Wag kayong bastos. Tunog ng ubo ko yan.

Hindi ko na namalayan na hubo’t hubad na pala ako. Nadala ako sa mga bahid ng kanyang kamay. Makasalanan si eba. Sa bawat halik na kay tamis ako ay nawala. Ako’y tao lang. Nagdaramdam at natutukso din.

Sa kalagitnaan ng aking paggawa ng tidal wave…

“Knock..knock..knock”…ang sabi ng door.

Napatigil ako. Akala ko labandera lang o di kaya taga hatid ng tubig. Pero mali ako. Sumakit na ang lahat na dapat masaktan (clue: puson) pero lumuwa mga mata ko ng sinabi niyang:

“Shit si Kuya!”.

Binunot ko ang kutsilyo. Pero walang dugo ang sugat. Hinanap ko ang brief, pantalon at shirt ko. Natataranta. Hindi ko mahanap. Ang gaga, nauna pa palang itapon mga damit ko sa loob ng aparador.

“Potah, san ako tatago?” tanong ko sa kanya habang nanalaki ang mga mata.

Tinignan ko ang cabinet, hindi ako kasya. Ang ilalim ng kama, potah ang baba rin. Ang CR? Hindi pwede, gagamit daw ang kuya niya. Potahngena!!!! Walang pagtataguan!

“Dali sa likod ng drapery !” ang sabi niya.

Hindi pa siya natatapos, nandun na ako. Mabilis nga ako di ba? May inabot siya sakin.

“Tanga! Panty mo to!” Nabwesit na ako tatanga pa.

Nakabihis siya ng mabilis dahil nakapambahay lang siya. Pumasok ang kuya at biglang nagtanong.

“bat ang tagal mong buksan ang pintuan?”

Hindi na nakasagot si mama cougar.

“May lalaki ka no? Bat iba ang amoy ng room? AT bakit may foam ang sahig eh pwde ka rin namang matulog sa kama?”.

Nagvivibrate ang betlogs ko sa takot. Naka cross finger ang oten ko. Kung pano, secret.

Binuksan ng kuya ang aparador. Yehey! Tanga siya. Wala ako dun. Binuksan ang CR. Yehey, tanga parin. Wala kaya ako dun. Hi hi hi.

Binuksan ang lata ng MY biscuits. Wala pa rin ako. Lahat na ng pwedeng paglagyan binuksan. At ang tanging naiwan nalang ay ang makapal na kurtina. Hu hu hu. Andun ako. Ano ang gagawin ko? Pano kung lalapit ang kuya tapos tatadyakan ako. Ano sasabihin ko? Meow meow?

“Lord. Kung galit ka sakin sana naman hindi kagaya nito ang parusa. Hu hu hu” Umiyak na ang oten ko.

Bubuksan na sana ng kuya niya ang kurtina nang biglan pinigilan siya ni Mama cougar.

“Maligo ka na. Oo, may lalaki ako”.

“Eh bat mo tinago? Maliligo na ako, palabasin mo na yan”.

Lumabas ako. Feeling ko lumiit ako ng 70%. Hindi ko rin naman tinapos ang ginawa namin habang naliligo ang kuya niya. Kapalmuks much? Buti nalang hindi ako binaril habang nasa likod ng kurtina. Mabait naman ang kuya. Kinausap ako kung taga saan ako habang masama na ang tingin ko kay mama cougar. Gusto kong plantsahin siya sa mukha habang pinaplantsa ang barong ng kuya niya dahil may  trial daw.

Oo, lawyer ang kuya.

Sandali lang naman ang kuya niya, Dali dali akong lumabas ng bahay pagkatapos marinig ang saksakyan ng kuya niya papalayo sa  pad. Pinapangako ko na yun ang huling panahon na makikita pa ako ni mama cougar.

At hindi ko rin alam kung tatayo pa ba uli ang best friend ko.

Single Post Navigation

67 thoughts on “Karma Sutra

  1. Pards! Panalo na naman ang experience mo na yan!Parang sa mga movies lang ah! Hehehe! Di bale next time me plan B ka na! Alam mo na ggawin mo…

  2. o what’s d prob. wala namang sabit si mama cougar a. there’s nothing to be guilty… ituloy lang yan

  3. HAHAHA! Panalo sa experience! Akala ko sa pelikula lang nangyayari ‘yan. At natawa ako sa lata ng MY Biscuits. Ampf.

  4. pramis ang galing galing na naman ng wento mo maldits… muntik ako nahuli ng boss ko :(….kasi super nakasmile ako habang nagbabasa ako ng blog mo :))…..

    Lahat ng kalandian may hangganan. (so true nyahaha)

  5. Sayang… sana tinapos na lang pag-alis ni kuya. hahaha! Pansamantalang kaligayahan nga naman oo. Kay bilis ding matapos.

  6. eh hindi k nman kya idemanda ng kuya nya kapag hindi ka na nagpakita dun sa girl??hehe
    nakanang sa experience para kang nanonood ng suspense movie..😀

  7. Para akong timang dito kakatawa ng post mo katulad ng dati pinabasa ko sa mga ksamahan ko at tawa sila ng tawa sino ba yang maldito na yan? tanong sakin sabi ko isang taong marunong mag cross finger ng betlogs ahahahha🙂

  8. wahahaha ayos… ako naman nakapagtago na sa ilalim ng kama. nagkasya ako dun sa maliit na puwang. talaga sigurong nanliliit pag natatakot.hahaha

  9. Haha potah. Akala ko may balak pang sumali si Koya. At bakit ganun, lawyer na sya pero nakikigamit pa ng banyo kay Mama Cougar… bwahaha naaliw ako sa kwento mo

  10. HAHAHA!!!

    naiimagine ko hitsura mo sa likod ng kurtina. sakit ng tyan ko… hahaha

    charge to experience nga yan. parang yung sakin lang. lolz

  11. is this a fiction or true story? hehehe

    what’s nanaliksik na mata? hahaa

  12. Kaibigan ba kita? Nagtataka na ako sa mga kwento mo, feeling ko kakilala kita. May kaibigan akong ganito din ang kwento pero sa ilalim sya ng lababo nagtago. =)

  13. haha! kala ko hindi mo na ikukuwento dito sa blog mo yang experience na yan. ayus eh! binura ko lang yung mga txt mo pero dabest pa din. pwede talagang isapelikula.

  14. Haha super benta. Potek.

  15. morenalicious on said:

    merese daw sabi nung nasa taas..hehehe better luck nxt tym nalang

  16. tawa ko ng tawa. hahaha! hindi lang pala ako nag-iisa sa mga ganyang moments, pero syempre hindi na ko magkukwento. hahaha! panalo to, lahat ng paragraph natawa ko. hehehe.

  17. hahaha nice!

    grabe sumakit tyan ko sa kakatawa..

    mabilis talaga ang karma no?

  18. nyahahahaha… ang libog mo, bagay kayo ni dencio magsama hahahaha… minsan ka na nga lang kakana napurnada pa… lalalalalalalal…. isa pang nanananana

  19. Parang pelikula lang ni Joey Marquez ah! hahah!

  20. “Lahat ng kalandian may hangganan.” HAHA xD

  21. PUTA KA MALDITO! Tawang-tawa ako. hahaha

    tangina ramdam ko ang nararamdaman mong sakit sa puson mo noon pero mas nangingibabaw yung pagtawa ko sa karanasan mo. haha

  22. hahaha…hindi tinakbuhan ko nga eh

    kaso naabutan ako kaya nasabi ko mabilis lol

  23. Hahhahaa! Tawa ako dito!

    Teka bat kuya? Dahil AMO ni Mama Cougar o dahil KAPATID nya yun? So naman tanga lang!

    Ingat parekoy!

  24. .
    Hahhahaa! Tawa ako dito!

    Teka bat kuya? Dahil AMO ni Mama Cougar o dahil KAPATID nya yun? Sorry naman tanga lang!

    Ingat parekoy!

  25. ang mga experiences mo talaga. sooper dyahe. pag hinuhubad mo kse damit mo, alamin mo kung san mo nilagay para madali isuot agad. wag basta hubad lang ng hubad. hehehe.

  26. gani man hahaha..

    in fairness nami ang story este maganda ung story🙂

  27. taenangshit yan. masakit nga sa puson yan. lols! bilisan mong pumunta rito at nang pumutok na ang dapat pumutok. hihi!

  28. hahaha! sorry na. ang tagal ko nang di napapapapunta dito at pagbalik ko, ito ang babati saken.

    hay…goodluck…sana may kasunod pa ang mga adventures mo. hehehe

  29. wala ka bang bagong entry maldits?? dalasan mo naman magsulat no…demanding na to kung demanding lols

  30. can’t help but laugh out loud sa nangyari sa iyo…hahaha
    ayan wag kasi sobrang excited para hindi mapahamak😛

  31. perte jud ka ka merese malditoha ka..hala panguwag pa dong.hehehehe.ug sa dihang too na jd ko na perte ka ka talented ky nag cross finger man jd ang imong oten..ambot lng nimo.cge ko tingsi while ga basa.hehehe

  32. grabe, maldits! pang-OSCAR award ang story. pwede rin pang-NOBEL Prize for Literature winner ng writer. Nakabantay na jud kauban ko sa ofis nga nagbasa ko sa imohang blog kay di jud kapugngan nga di makatawa.

  33. maganda ang kwento mo,very imaginative and colorful..fiction man or not,am an instant fan…keep it coming and more power,,,

  34. hay kung alam mo lang bad trip ako ngayon,, pero lakas ng tawa ko pagkabasa ko nito.. salamat… nag crossfinger pla betlog? Pano kung lalapit ang kuya tapos tatadyakan ako. Ano sasabihin ko? Meow meow?…. hahahha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: