The Great Maldito

Thou shall not bitch

Gola The Explorer

Naniniwala ba kayo sa kulam?

Ako? Naniniwala NA.

May kapitbahay kami noong una na mula sa karatig isla ng Panay. Nagmula dun ang babae pero noong nakapangasawa ng taga Iloilo, dun na sila tumira. Sa kasamaang palad, naging kapitbahay pa namin.

Malaking tao ang babae. Bigyan natin ng pangalan. Si Gola.

Kung babasehan natin ang average na katawan ng mga babae sa lahi natin, above average ang size ni Gola. Pumutok siguro ang Pituitary gland. Sa unang tingin, masasabi mo na man to man marriage ang naganap. Buti nalang at nagka anak sila, atleast napatunayan na merong matris ang hitad. Dahil kung hindi, habang buhay na babaunin ng lalaki ang kagagohan na ginawa niya dahil sa pagpakasal sa isang mukhang maskulado.

Takot ako kay Gola. Maliban sa maitim ito (wala akong phobia sa maiitim), mahilig pang magchismis. Kever kahit na nahulog na ang anak sa imburnal matapos lang ang tsimis tungkol sa kapitbahay namin na nagnakaw ng niyog sa kasagsagan ng tanghalian.  Alam ko na masamang tao si Gola. Minsan kakambal ng mga malalaking tao ang masasamang ugali.

Ambisyosa si Gola. Lahat gustong angkinin. Lahat ng bagay gusto meron din siya. Inggit na siguro ang pinakamalalang sakit sa mundo. Hindi kayang gamutin ng kahit na anong gamot. Kahit na tumuwad pa ang eata sa harapan mo para baklasin ang nakatagong inggit. WALA.

Kahit papano, nagsisimula nang bumuti ang buhay naming magpamilya. Lahat ng tagumpay namin ay dahil sa hirap at pagpursige naming bumuti ang estado ng aming pamumuhay. Pero sa likod ng tagumpay may mga matang magpakunwari.

Noong isang malamig na Disyembre, ipinasok namin ang kapatid ko na babae sa hospital dahil sa pabalik-balik na lagnat. Ilang araw din siya tumambay dun. Naawa na nga ako sa kanya dahil wala na talagang paglagyan ng karayom sa kamay niya dahil naka dextrose ito. Kung ang dextrose sana sing dali lang gaya ng pagshare-a-load eh di sana ang saya ng buhay.

Like: Send Dextrose to 266

Walang konkretong sagot ang doctor kung ano ang sakit ng kapatid ko. At pagkatapos ng ilang weeks, pinalabas din naman kami at pinauwi. Libo-libong pera na ang pinalabas namin pambili lang ng gamot. Pero hindi parin gumaling.

Ang masama pa, pagkalabas ng kapatid ko ako naman ang nilagnat. Hindi naman uso ang lagnat tuwing disyembre. Kaya nagsimula nang magtanong nanay namin:

Nanay: “What the pack is happening to you guys?”

Dalawa na kami ng kapatid ko ang nakaratay. Lahat na ng gamot nasubukan na namin. Nagsimula na rin kabahan ang Tita Salve ko.

Tita Salve: “I think we need to check that albularyo bitch. Come on guys! Sakay  na”.

Wag na kayong magtaka. Gangster ang pamilya namin.

Sa loob ng bahay ng albularyo, hindi obyus na isa siyang hmmmm…albularyo? Mayaman, hindi siya mukhang kung sino-sinong hampas lupa na bigla nalang nagdesisyon na maging espiritista. Sa isip ko, potangenic…..nag apparition si April Boy Regino.

Hiniwa ang ulo ng manok at nilagay sa planggana ang dugo. Bumigay ng panalangin si April Boy sa wikang hindi ko alam habang kami ng kapatid ko ay tahimik lang.

“Dicho theyang teng ghepin” ang sabi ni April Boy. “Ne mho wolah-wolah que ne shaken”.

Pohtangena, pamilyar ang panalangin.

Kawawa naman ang manok, pang adobo pa sana ngayon gabi. May binigay na itim na bato si April boy. Wag daw naming tignan at deretso lang na iinumin.

Kung bakit alam ko na itim ang bato? Sadyang matigas lang ang ulo ko. Hi hi hi.

Gumaling kami pagkatapos nun. Sabi daw ni April Boy, may bahay daw sa tapat namin na sobrang inggit sa aming pamilya.  Buti daw na wala yung dalawa ko pang kapatid sa Iloilo kundi uubusin niya kami. Kinulam kami. Ng dahil lang sa inggit.

Wala nang ibang salarin kundi so Gola. Tanga na siguro kami kung hindi pa namin gets kung sino ang tinutukoy ni April Boy dahil iisang bahay lang naman ang nakatapat sa palasyo namin. Ang bahay ng potangenang Gola.

Hindi na kami nagplano ng paghihiganti. Sabi ng nanay:

“Revenge is best served when cold”.

Nilagnat lang kami nag-iba na si nanay. Pilosopo kung pilosopo tangenangshit.

Pagkatapos ng ilang taon, umuwi ako pagkatapos na lunurin ng Bagyong Frank and buong bayan ng Iloilo. Nagulat ako sa nakita ko, yung bahay lang namin ang nag-iisang nakatayo pagkatapos ng bagyo. Tinangay ang buong bahay ni Gola papuntang pacific ocean.

Habang nakatayo kami ng nanay ko sa harap ng bakanteng lote na dating pinagtatayuan ng bahay ni Gola….

Nanay: “See anak? Their time has come.”

Single Post Navigation

22 thoughts on “Gola The Explorer

  1. nanay mo si Storm? char!

  2. “Minsan kakambal ng mga malalaking tao ang masasamang ugali.” I object!!!! (affected?!)

    anyways, asteg ang pilosopiya ni mudrax nakikita kong may pinag manahan ka nga😀

  3. Natangay din ba si Gola papuntang Pacific Ocean? LOL. Speaking of Gola, gustong-gusto ko dati bumili ng Gola na bag at sapatos kaso wala akong pambili.

  4. Minsan kakambal ng mga malalaking tao ang masasamang ugali.

    – natawa ako sa linyang yan. totoo sa ilang kilala ko. hahaha

  5. hahahah nakakatawa…ung albularyo – april boy

  6. totoo ang mangkukulam

    MANGKUKULAM

    MANGKUK ULAM

    MANGKUK = ULAM

    mangkuk lagayan ng ulam!

    I bilib! i bilib! aling luya!

  7. morenalicious on said:

    cool nanay cool

  8. musta maldits!nakadalaw din ulit ako dito matapos ang halos isang taon?!?hmmm..

    anyways anu ng balaita kay gola?

  9. Nong bata pako suki kmi ni Nanay kay Mang Kepweng isa sa nagpabago ng buhay namin ni Nanay nong resetahan si Nanay ng ” kailangang umalis na kyo ng anak mo sa lugar nato dahil type ng mahal na reyna ng mga engkanto na ipabangas ang iyong nagiisang anak sa kanyang anak na prinsipe” dahil sa takot ni Nanay na mawala ako kinabukasan umalis kami sa lugar na yon🙂

    naniniwala din ako sa kulam pero sabi ni Nanay mas makapangyarihan at mayaman daw sa kanila ang mga lamang lupa ka2lad ng mga engkanto at duwende marami daw silang nakatagong gold ahahaha

    ayan napakwento nako🙂 morning!

  10. Putangina I LOVE IT tawa ako nang tawa… Sana masaya na sya sa Pacific Ocean kasama ang mga kagayang nyang inggiterang shrimp.

    “Minsan kakambal ng mga malalaking tao ang masasamang ugali.” — Kaya pala ang bait bait ko.

  11. hahah.😀 nwei, kainis si bagyong frank.. isang linggo din kaming hindi nakapaligo. Arghhh. hahah. =) Swim Gola, swim!😀 hahah

  12. haha TARAGIS! naaliw ako sa kwento mo kahit medyo malungkot at magastos eh bawing bawi naman sa komedi effect heheh!!

    iniisip ko ung term na Salve, naalaalA ko si Mariane nga pala yun wahahaha!

  13. kumusta naman, at walang update sa nangyari kay Gola? baka mamaya e maghiganti siya sa inyo…sabihin nyang kayo ang nagdala ng bagyong Frank kaya kayo lang ang hindi affected. ahahaah!

    at ang galing galing ni nanay, ibang klase ang kanyang philosophy sa buhay. =)

  14. muling nadalaw sa pook sapot mo.. at natawa ako dito..

    “Minsan kakambal ng mga malalaking tao ang masasamang ugali.”

    buti na lang may minsan, kasi di naman masama ang ugali ko e… — minsan! lols

    ni-add nga pala kita.. wag nang kumontra!

  15. cool dude si nanay. hehehe. ako noon hindi rin naniniwala. pero ewan ko ba, sa mga nagaganap na pangyayari sa flawless skin ko (ayaw gumaling na sugat sa paa, skin asthma attack to the highest level, etc.) parang naniniwala na ako. hehe.

    ang nanay ko naging biktima rin ng kulam. ang reason? same as yours. inggit. sabi ni aling juana, pwede naman daw ipakulam din ang kumulam kay madir. kaso, naniniwala rin sa karma ang motherdearest ko, so keber at deadma na. same thinking sila ni motherhood mo.

    well, wala pa naman akong nababalitaang masama na nangyari sa kumulam sa nanay ko. yun nga lang, hindi na sila umasenso. yun na siguro ang karma nila.

  16. astig ni mudra…
    at esmyuski, isa akong malaking babaeng malambing at mabait….ahh uhhmm!!!

  17. revenge is best served when cold. saang pelikula ko na nga ba ‘to napakinggan?

    anyways, ang moral of the story ay…teka, may moral nga ba ‘tong story mo? wahehehe.

  18. *nakikiraan at nakikibasa* panalo tong post na to hahahaha!😀

  19. LOOOOOOOLLLLLLLL

    this is golden.

  20. wahahahahh..what a story..nakakatawa naman pro may sense!!!

  21. next blog pls..haha… demanding na mga readers mo….. can’t wait!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: