The Great Maldito

Thou shall not bitch

Naiinis ako sa mga taong matanong dahil ako yung taong matipid kung magsalita. Siguro nga pinanganak ako para makinig, hindi para magsalita. Nakakairita lang ang mga taong panay tanong  ng “bakit?”.

PUWEDE BA? HINDI LAHAT NG BAGAY NASUSUKLIAN NG BAKIT!

Kung umiibig ka, kailanman hindi mo to matatanong ang isang tao kung bakit siya umiibig.

Kailangan nating matutong tanggapin ang mga bagay-bagay minsan na hindi nagtatanong. Minsan din sa pagtatanong tayo napapahamak. Naalaa niyo ba ang linyang, “curiosity kills the cat”?


Ano ang pumatay sa pusa? Tange, hindi curiosity. Hindi naman siguro pwedeng saksakin ng curiosity o di kaya banggain ang pusa ng nagraragasang curiosity.  Namatay ang pusa dahil sa kakulangan sa pag-iisip at pagpursigeng lumandi. Wala lang, feel ko lang mag marunong ngayon.

Kung hindi tayo pareho ng sagot, malamang sa malamang, ibang pusa ang tinutukoy ko.

Dumaan ako sa nursery school malapit sa pinagrerentahan naming bahay. Bibili sana ako ng load pero nung dinatnan ko ang tindahan ni Aling Muning, tanging asong nilalangaw lang ang naabutan ko.

“Wazzup dough?!” ang sabi ko.

Sinuklian niya naman ako ng ngiting aso.

Rinig ko ang tinig ng guro sa labas. Tungkol sa kulay ang subject. Public na nursery school to kaya hindi na ako nagtaka kung ang ratio ng guro sa estudyante ay 1:100. Sa labas naman ay mga nanay at yaya na naghihintay sa kani-kanilang anak.

Nakinig muna ako sandali dahil ayoko pang umuwi. Sa pizarra may idinikit na litrato ng mga kulay ang maestra. Naalala ko ang panahon noong bata pa ako. Hindi ako dumaan sa kindergarten o nursery man lang. Dumiretso ako sa Grade 1 dahil sabi nga ng nanay ko, laking bear brand ako. Hindi basta-basta ang utak ko. Sa murang edad, alam ko na ang alamat ng “Ang talahib at ang rosas”.

Tinuro ng guro ang isang litrato sabay tanong, “children, anong kulay to?”.

Sumigaw ang mga bata na “Grey mam!”.

Nagtanong ulit ang teacher sa mga bata na nagbigay sakin ng stroke with 9.5 magnitude.

“Bakit grey children?”.

Muntikan na akong maihi sa pokpok boxer shorts ko.

Anong feeling niya sa mga bata? Scientist na kailangan ipaliwanag kung bakit ganyan ang kulay ng isang bagay? Eh di sana bumigay din siya ng follow up question ng composition ng precipitation at kung gaano to kabigat in a year.

Isang matinding katahimikan ang naganap. Ilang minuto pa ang lumipas, isa-isang umiyak ang mga bata at nagmamakaawa na palabasin na sila. Hindi kinaya ang tanong na “Bakit?”

Kahit ako, isang araw ako na disturbed sa tanong ng guro.

-end-

Single Post Navigation

14 thoughts on “

  1. Pards! pasalamat sya di nya naging estudyante ang mga kaklase kong pilosopo! Me mga sasagot “kasi hindi black”. Siguro di lang alam ng guro kung anong magandang follow-up question sa mga bata.

    Teka BAKIT mo pala sinulat toh? hhahahaha!

  2. Bakit walang title ang blog post na ito? Bakit? BAKIT?

  3. morenalicious on said:

    BAKIT sya naging titser?!

    > Eh kasi gusto nya magturo sa mga bata

    Eh BAKIT gusto nya magturo sa mga bata?

    > eh kasi..kasi…kasi..

    ay sus ginoo!

  4. dapat pinapako sa krus ang mga ganyang maestra pahirapan ba naman ang mga bata kahit sya mahihirapang sagutin ang tanong nya na Bakit Grey? mahirap mag measure malamang 1/4 na black & 3/4 na white ahahahaha

  5. ehehe.. cguro kung ako nakarinig nun baka pinasok ko class nia at tatanungin ko sya ng bonggang-bonga bakit kayo pinanganak ma’am?

    Minsan may mga gurong pumapasok ng nakadrugs maybe isa sya dun… ehehehe

  6. ganun lang pala magpaiyak ng bata. magtanong ng bakit. hehehe

  7. BAKIT!? BAKIT!? BAKIT!?????? hehehe wala lang! ^__^

  8. Ang landi naman ng spelling nito: pizarra

    AHAHA puta yung titser na yun sana sumigaw ka HOY IKAW NGA ANG SUMAGOT KUNG BAKIT YAN GREY SHUNGA

  9. BAKIT may mga inutil na titser? Seryoso. BAKET?

  10. fitsmangofai on said:

    pucha, tinanong kung bakit grey.. AHAHAHAHAHAHAAHAHA!!!!
    paano kaya kung nagtanong ang isang bata at sinabing
    “eh ma’am kayo, alam nyo ba kung bakit grey yan?”
    AHAHAHAHAHA!!!
    true naman, may mga bagay talaga na hindi na kailangan itanong pa kung bakit…

  11. ngayon lang ako napadaan dito. kawindang si teacher.

  12. kahit sa mga instructional materials ng mga gradeschoolers ganyan…andaming sablay…d man maproofread ng maayos bago ipublish…kawawa mga bata…and i would like to ask bakit on that….hmp!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: