The Great Maldito

Thou shall not bitch

One hawk down

Kailanman hindi magiging ligtas ang mundo na tinitirhan natin. Lahat ng tao ay masama, yung nga lang ang iba piniling maging mabuti. Kahit sabihin natin na mas marami ang mabubuting tao dito sa mundo, hindi parin masasabi na ligtas ang mundo kung may taong masama, kahit na mag-isa lang ito.

Naging malungkot ako nitong nakaraang semana. Hindi naman sobrang lungkot na mas pipiliin ko nalang magkulong sa isang sulok ng kwarto ko, pero yung lungkot na may dalang katanungan sa isip. Yung lungkot na may takot.

Pinatay ang kaibigan ko sa loob ng kanyang inuupahang bahay. Masama pa dun, wala na siyang buhay. Ninakawan na nga pinatay pa. Pareho kaming trabaho.

Call center agent.

Noong makita siya ng kanyang kuya, wala yung PSP, cellphone, wallet at ang picture ko na nasa frame. Joke lang. Lahat kinuha ng demonyong magnanakaw. Pati buhay.

Napakadelikado na ng mundo. Maraming tao nag-aakala na pagnagtratrabaho ka sa call center milyones ang inuuwi mo. Galling sa sariling hirap namin yung natatangap naming pera. Puyat at pagod. Pagmumura ng mga kano. Tapos sa isang iglap lang, kukunin lang ng mga puta ang pinaghirapan mo.

Worst is, they also have to kill you. Hindi ba kontento?

Sa totoo lang. Malungkot parin ako.

Paalam Mark. Rest in peace.

Single Post Navigation

12 thoughts on “One hawk down

  1. uh uh too bad…grabe na talaga ang panahon ngayon–lots of problems!!

  2. okey, aamin na ko.

    nagpunta ako sa cebu para magnakaw sa isang call center agent. nanlaban ‘yung puta, tinuluyan ko na. at isusunod ko ang lalakeng nasa pekpektyur frame na palagay ko eh kalaguyo niya. bwahahaha!

    seriously, mag-ingat ka parekoi. alam mo namang ang mga putang gaya natin eh prone sa mga ganyang sitwasyon.

  3. Mag iingat ka palagi at talasan ang pakiramdam🙂 endangered species na mga katulad mong tao kaya kunting yngat🙂

  4. tsk tsk tsk. karma karma lang yan. pagdasal na lang natin yung kaibigan mo.

    ingat lang lagi.

  5. Kawawa naman. Kaya dapat siguraduhing maganda ang kalidad ng kandado niyo sa pinto. ‘Yung hindi madaling masungkit.

  6. RIP maldits…ay este sa Boy friend mo pla(joke)! peace!

    kaya dapat tlga kahit nasaan eh dapat laging mag-iingat..kc tignan mo naman nsa sariling tirahan nya na yang friend mo pero napasama pa din sya.😦

    Condolence sa pamilya nya at syo glenn.

  7. likas talagang masama ang mga tao. ampupu na yan. buti na lang unggoy ako, kaya mbait ako.🙂

  8. siguro nanlaban yung kaibigan mo o baka naman kakilala nya yung magnanakaw. kahit anong ingat talaga pwede pa ring mangyari yan eh. kahit san lugar ka naman magpunta delikado.

    condolence pards. bili ka na agad ng double lock na pinto para di madaling pasukin.

  9. Ano bang mapapala mila sa pagnakaw ng buhay? Hindi naman 1-up (green na kabute sa mario bros.) ang katumbas pag nakanakaw ka ng buhay diba? haaaay.

  10. RIP naman kay Mark…

    Baka yung gumawa nun eh inggit lang kasi kalabaw ang English nya… Ingat ka baka isunod ka ng mga magnanakaw na bitter sa buhay… nakita ka kasi sa picture sa frame…

  11. Pingback: Star army and the tragedy « The Great Maldito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: