The Great Maldito

Thou shall not bitch

Who Killed My Pussy?

Dali dali akong ginising ni The Dude, yung room mate ko. Nagtanong kung naririnig ko ba ang ingay. Nagtaka ako kung anong ingay dahil alam ko kung minsan hindi makapagtitiwalaan tong si The Dude dahil meron din siyang sariling mundo na may sarili ding ingay. Hindi ko trip ang mundo niya, kaya ni minsan hindi na ako nangarap na maki apid sa mundong gawa-gawa niya. Ayokong makita ng ibang tao na inaaway ko ang sarili ko habang nanonood ng Youtube. Duh.

“labas ka! Labas ka dali!” ang pagpupumilit na sabi niya sakin.

Suot ang boxers ko puno ng gumamela (mabuhay si mayor atienza!) lumabas ako para tignan kung ano ang tinutukoy na ingay ni Dude.

“Putangena mo! Bat mo pinasok dito ang pusa! Ang baho na nga ng kuwarto dinagdagan mo pa ng pusa”.

Sigaw ng kaboardmate naming babae na nasa second floor. Kung makasigaw para lang babawian na ng boses kinabukasan at kailangang ubusin sa isang bagsakan lang. Wala na bang bukas teh? High blood much?

Pumalakpak ako. Para lang akong bata na lundag ng lundag habang nag aaway ang dalawa. Babae sa babae,  kahit na yung nagpapasok ng pusa ay mukhang lalaki.  Hindi sa tarantado akong tao, pero nasisiyahan lang ako dahil sigurado ako na pag lumipas na ang init ng ulo ng mga ipokritang to, tiyak na ikakahiya nila ang ginawa nila.

Nakarinig ako ng ingay na parang may isinampal gamit ang doorknob. Tapos meron na namang sumunod na para lang tinadyakan ang mukha at nabangga sa mga kutsara’t tinidor. Tapos may sinabuyan ng asido, sigawan, sabunutan at sigawan na naman.

Lahat kami ay professional sa bahay. Mga yuppies at kasama sa working class. Pero kung umasta tong dalawang boarders ni ate sa taas ay parang lang nagtrarabaho sa impyerno. Wala man lang ka taste-taste, nakakawalang gana, bastosin at hindi karapat-dapat na bigyan ng respeto.

Ng dahil lang sa pusa muntikan na silang magkamatayan. Hindi ko rin alam kung ano ang rason kung bakit ipinasok ng isa ang mga pusang askal sa loob ng kuwarto. Nagpatulong ata sa pag pluck ng eyebrow. Dahil sa pusa, may isang pagkakaibigan na nawasak. Hindi man lang naisip na sa mundong ito, ang dali dali lang mahakahanap ng panibagong pusang  tatadyakan. Pero ang kaibigan na sasamahan ka sa hirap ng buhay, good luck. Mukhang nasa Mlullier na lahat. Nakasanla.

Isa isang nahulog ang mga pusa sa hagdanan. Shit, umuulan ng pusa sa loob ng bahay! Nag panic mode ako. Hindi dahil sa takot ako sa pusa o bagsakan ng pusa ang nagmumura kong katawan, pero iniiwasan ko lang na makita ako na nasa baba ng hagdan at pumapalakpak. Dyahe kaya yun.

Kumaripas ako pabalik sa loob ng kuwarto. Tawa ako ng tawa. Pati si The Dude nagtago na rin sa loob.

Sarap na sarap na kami sa kakatawa nang may biglang kumatok sa pinto.

Patay…….

Single Post Navigation

9 thoughts on “Who Killed My Pussy?

  1. Aba may pabitin effect pa. Sanalang hindi nila sinaktan ang mga pusa dahil mamalasin sila ng very nice.

  2. so, did you lick it? :p

  3. ano kaya po ung kasunod ng patay?!?:-/

  4. Next Episode: Maldito vs. The Dude? watdapak!😀

  5. kakabitin sakit sa puson…amp! hehehe

  6. buti na lang di ako mahilig sa pussies.. hahaha

  7. uh uh..too bad for the pussy..;-)

  8. poor pussy pussy, hehehe ika nga ni kua chinggoy, did u lick it?

    hehehe

    amazona pla mga boardmates mo tol.

  9. ang pagkakabasa ko ng pamagat nung una ay– Who milked my pussy. sori

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: