The Great Maldito

Thou shall not bitch

Ohana

Nagkita kami ng dati kong kaibigan noong linggo. Matagal din naman kaming hindi nagkita kaya nagtext ako sa kanya kung pwede bang tumambay muna sa kanila. Mga 2 years din naman siguro simula noong nag alsa balutan ako dun dahil sa sobrang galit sa mga katulong ni ate (taga luto namin sa apartment). Nawalan kasi ako ng gamit. Total ilang creep walk lang naman galing gym ang bahay nila, nagpasya nalang akong mag drop by.

Nalunod ako sa mga kwento. Sa mga tanong. Normal lang naman siguro yun kapag matagal na kayong hindi nagkita. Tinatanong kung totoo ba ang kumakalat na chismis na may anak ako. Sabi ko oo. Marami. Patay lahat dahil pinahid ko na sa banyo.

Napunta ang usapan sa trabaho. Bibili na siya ng bahay worth a million. Yung cellphones, meron lahat each network puro high end pa. Complete appliances. Nabibili ang kahit na ano na gusto niya. Sa totoo lang, pinagsisihan ko ang pagpunta dun. Naawa ako sa sarili ko.

Pakiramdam ko para akong nunal sa mukha. Nanliit ako noong napagusapan ang estado ng buhay namin. Wala akong masyadong maikwento maliban sa pagpagraduate ng dalawa kong kapatid. Wala akong bagong cp. Walang bahay na bibilhin. Walang fridge na puno ng laman. Wala akong savings. Period. W-A-L-A.

Sumama ang loob ko. Kung sakin lang sana napupunta ang kinikita ko, eh di sana nahigitan ko pa siya ngayun. Naisip ko na sana minsan natuto din akong magpaka selfish. Yung sarili ko lang ang iniisip ko. Maraming marami akong sana sa buhay. Na sana pinabayaan ko nalang yung kapatid ko total noong nagaaral ako ako lang din naman ang gumagastos sa sarili ko. Na sana hindi ako nagpapadala ng pera. Sana nakapili ako ng kurso na gusto ko. Na sana kagaya ko din ang kaibigan ko. 26 anyos at stable na.

Aaminin ko. Naiingit ako at nasilaw sa mga materyal na bagay na meron siya. Tao lang. Napatanong ako sa sarili ko na pano kung makahanap na ng trabaho mga kapatid ko at ako naman yung mawawalan ng trabaho? Hindi sa umaasa ako ng kapalit sa perang ginastos ko, pero ako lang talaga yung tao na hindi umaasa sa iba.

Alam niyo ba ang feeling na naiinis ka dahil in the first place hindi mo obligasyon ang magpalaki at magtaguyod ng isang pamilya? Na dapat kay kuya tong obligasyon pero tinakasan niya lang. Na pakiramdam mo pinagdeskitahan ka ng panahon at pinagtripan? Ganyan ang feeling ko sa panahon na yun. Pilit kong iniiba ang usapan dahil kunti nalang at isasampay ko na talaga ang sarili ko sa poste ng meralco sa sobrang inis.

Habang nasa jeep ako, naisip ko na materyal lang na bagay ang nasa kanya. Makukuha ko din yun sa pagdating ng panahon. Na ang estado ng buhay ay hindi lang sa dami ng gamit o pera na meron ka.

No. I will not give up my family.

Sabi pa nga ni Lilo: Ohana means family, family means nobody gets left behind. Or forgotten.

Single Post Navigation

16 thoughts on “Ohana

  1. “family means nobody gets left behind.Or forgotten..”

    Ang lakas ng dating ng quote sa akin. Pag dating sa pamilya talo-talo. HIndi ko man nagawang itaguyod ang pamilya katulad ng pag tataguyod mo, pero, somehow they look unto me at gaya mo hindi rin ako madamot pag may pera ako masaya ang smile ni Mudrax which scares me kasi that signifies umbusan nanaman ng yaman. Haist! Pero tama ka materyal na bagay lang naman yan. Mas masarap mag bigay at icelebrate ang meron ka with your family because at the end of the day. The family that prays together stays together. Ikaw na bahalang mag connect ahahahha

    Ingats!

  2. You will be blessed because you are selfless. Never have affection for material things because they can never love you back. Char!

  3. Ganito rin ang sintemyento ko sa buhay… Salamat sa pagbabahagi.

    Huwag mabahala, mapapasaatin din ang lubos na pagpapala. Balang-araw, darating din ang inaasam na tagumpay. Manalig lamang.

  4. babalik din sayo lahat ng magandang ginagawa mo para sa pamilya mo. higit pa sa binigay mo.

  5. muling napadalaw sa iyong lungga.. sana dalawin mo rin ako sa aking selda para tikman ang puahe kong saing de sinaing.

  6. dont wori makukuha mo din lahat iyon..at least d ba nakatulong ka sa pamilya mo..wag mong pagsisihan iyong mga bagay na ginawa mo.it molded u to become who u r right now..be proud,materyal lng iyon pero iyong care at education na pinunla mo sa mga kapatid mo ay priceless..

    sana pag-aralin mo din ako hehehe.

  7. ohana…

    ang lalim mo ah!🙂

  8. morenalicious on said:

    hindi lahat nakakatulong sa pamilya at hindi lahat ng may maitutulong ay tumutulong………ano daw?!

    hindi ako nainggit dun sa kebegan mo, ano ngaun kung may bibilhin syang worth million na bahay? maraming appliances?

    sayo ako naiinggit! sarap mong sapakin hehe buti kpa nakatulong na sa pamilya. ako gusto ko na tumulong pero wala pa akong maitutulong

  9. ganyan din ang kaibigan kong nagtae sa bus, maramis yang mas matatandang kuya at ate na nung unang dapuan ng libog ay nagsipag-asawa bigla, kaya sya ngayon eh hirap na hirap ang puso dahil kada withdraw sa ATM eh pumupunta sa bayaran sa tubig kuryente tuition ng pamangkin libro ng pamangkin tapos uutangan pa sya ng mga ate at kuya nya. in short, wala syang naiipon para sa sarili nya. 2 years ago nagbalak syang bumili ng cellphone na bago. napahase out na yung cellphone hindi pa rin nya nabili…

    pero masaya naman sya kahit papano. siguro darating ka rin dun sa point na hindi mo na lang iisipin yun kasi mga material stuff lang naman yun…

  10. I feel for you maldits…ganyan din ang sentimyento ko sa buhay, minsan nakakaramdam din ako ng inggit sa iba kapag yung mga bagay na nakikita kong gusto ko rin na meron ako eh hindi ko nagagawang ibigay sa sarili ko dahil mas kailangan kong unahin ang pamilya ko.
    madalas nga dito sa trabaho sinasabi ng mga ka ofismate ko na buti pa nga daw ako eh single pa at wala pang obligasyon…eh ang sagot ko naman sa kanila, ” mas mahirap nga ang single eh dahil buong pamilya mo ang obligasyon mo”. Pero hindi ko nman pinagsisihan ang mga naitutulong ko sa pamilya ko, masaya ako na sa mga naibibigay ko sa knila eh alam kong napapasaya ko sila.
    mas maswerte ka pa din kesa sa kaibigan mo kasi ikaw yung naibigay mo sa pamilya mo eh hindi kayang tumbasan ng materyal na bagay.

  11. ay naku maldits, dalawang mapagraduate?? its priceless :)….kinabukasan yung naitaguyod mo kapatid :)… meron bang mas sasaya pa dun? ako nga o, nabasa ko lang na dalawa napakagraduate mo, natutuwa na ako, sila pa kaya? at ikaw pa kaya?

    sabi nga ni pareng Max:

    If you compare yourself with others,
    you may become vain and bitter;
    for always there will be greater and lesser persons than yourself.

  12. dadating din yung araw na pag ikaw nangailangan yung mga taong tinulungan mo ang unang tutulong sayo. Aminin natin na kahit mahirap masaya naman na may natutulungan tayo. Dadating din yung araw na ikaw na, sayo na at kaya mo ng bilhin ang mga bagay na gusto mo. ^_^

  13. cant say more. nasabi niyo na lahat. salamat sa inyo. mwa mwa.

  14. basta para sa family mo kaya mo yan…all other things willl be added to you.

  15. I love reading posts like this. It’s very touching. And you are right, you can always save up for the tangible things but the help and love that you extend to your family is priceless. So keep it up, keep fighting, keep working, keep loving and keep believing! Good things will come your way because you are a selfless person.🙂

    Mabuhay ka at sa sampu ng mga taong kagaya mo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: