The Great Maldito

Thou shall not bitch

My life in Transit

Ang hirap 40x.

Ganyan karami ang hirap na nararamdaman ko ngayon sa buong araw na paghahanap ng bagong bahay. Gusto kong punuin ng paghihirap ko ang post ko na to pero ang pangit palang basahin kong puro salitang hirap lang ang mababasa.

Galing ako ng grave yard shift at dumiretso na ako para maghanap ng bagong kwartong titirhan kanina. Marami akong dahilan kung bakit gusto kong umalis dito. Sapat na mga dahilan para umalis ako sa madaling panahon. Isa sa dahilan ay nasa likod lang kami ng pabrika ng copra. Ayokong mamatay ng maaga na hindi nakikita kung gaano kaganda ang lahi ko.

Sa gitna ng init, inararo ko ang buong Baranggay ng Lahug at Mabolo dito sa Cebu para lang hanapin ang bagong ginintoang kama na paglalagyan ng nagmumura kong katawan.  Nagmumura dahil sa sobrang pagod at init. At kung masusunod lang ang katawang lupa ko sa mga panahong iyon, malamang na stroke na ako sa harap ng bahay na may karatulang “rooms for rent”. Ang pangit ng setting ng pagkakamatayan ko. Hindi gusto ni Kuya Germs.

Unang bahay. Mga limang minuto din akong kumatok sa puta red na gate bago buksan. Lumabas ang babae na mukhang may identity crisis at nagtanong kung ano ang pakay ko. Hindi ko siya na intindihan. Pinaulit ko. Nakailang ulit pa at dun ko nalang napuna na ngo-ngo si ate. Mukha siyang si Dexter Doria. Yung nga lang, may divided lips (read: cleft palate). Suplada pala siya sa personal. Gusto ko siyang ihampas sa puta red na gate.

“magkano ba te ang rooms niyo?”. Tanong ko sa kanya.

“Malaki ang rooms. Hindi mo kaya”.

Tanga ka teh? Perfect ka? Presyo ang tinatanong ko at hindi kung gaano ka laki ang potang kuwarto ninyo. Hinusgahan ako. Mukha na ba akong walang pera? FYI, kakahold up lang sakin. So sapat na yun na dahilan na mukha akong mayaman. Not unless, gusto niyang sampalin ko siya ng limang libong barya na nakabalot sa plastic. Tignan natin kung hindi siya magiging coin slot. Ngo-ngo na nga ang suplada pa. Pasalamat siya at hindi ako napikon dahil kung nagkataon itratransfer ko yung cleft niya sa left side para maiba.

Nag move on ako. Ikalawang bahay.

Matanda ang may ari. Maysakit siguro sa kidney at hindi na makalakad ng maayos. Ang daldal ni lola. Keyso ang mga anak nasa states, na libre ang washing machine, pwedeng magluto sa kanilang bahay, na puro executives ang nakatira. Nadala naman ako sa sales talk, kaya nag desisyon ko na tignan ang kuwarto.

Gusto kong magpakatiwakal sa harap niya noong nakita ko ang kwarto. Ang LIIT. Kasya ang sampung daga. Lola pakitulak ako from second floor please.

“magkano ba to lola?” tanong ko naman sa kanya.

“san ka ba nagtratrabaho?” tanong din niya. So magtatanungan lang kami buong araw. Ganun.

“callcenter?”. Sagot ko rin na patanong.

Nakarinig ako ng tunog sa mga mata niya. Tunog ng barya. Ching-ching-ching-ching.

“6,500?”. Pilosopa much?

Ang liit na nga ang mahal pa. Abuso naman yun. Hindi kesyo callcenter ako ganun nalang siya kung makabigay ng rates ng kuwarto. Sa ganyang rate, meron na akong condo. Mapapasakin pa sa takdang panahon. 6, 500 for just a matchbox? Meron bang ginto sa lamesa dito. Meron bang unlimited sex? Kung meron,pwes bahala na walang kain. Busog din naman sa kama.

You know im joking right?

At habang paalis na ako sa lugar, walang tigil pa rin si lola. Na kesyo ang mga anak sa states, libre ang washing machine, na pwedeng magluto sa kanilang bahay, na puro executives ang nakatira. Aanhin ko ang mga yan kung presyo palang ng kuwarto wala na akong makain? Lutuin ko yung washing machines niya e. Shit much.

Nag move on na naman ako. Gusto ko nang umiyak. Pero yung dry lang. Para artistic.

Lumundag ako sa tuwa noong may nakita akong room na swak sa budget at ang bait pa ng landlady. Nalaman ko na anak niya ay nagtratrabaho din sa company namin. Maganda ang room. Nagustuhan ko kasi hindi maingay ang kama kung magpupump ka.

Ahahahhahahhahahahhahahahahahhahahahahhahaha…….natawa ako sa panahon na yun dahil kasama sa criteria ko ang hindi maingay na kama. Unconsciously.

“ok lang na dalhin mo mga kaibigan mo dito o di kaya GF mo.” Sabi niya.

Syempre naman. Gusto mo ngayon pa e. Syempre joke again.

“Pero hindi pa kasali sa rate ang kuryente. Kung may appliances ka pwedeng mag aditional ka lang sa kuryente. Ano ba mga gamit mo?” Tanong ni ate.

“Meron po akong laptop, industrial fan, cellphones at sex appeal”. Sagot ko.

200 ang additional daw. Maliban sa sex appeal kasi mahal ang metro. Lols

“Lahat ng umuupa dito tinuturi naming pamilya. Pinapakain namin, sinasama sa mga parties dahil matatanda na kami at syempre dahil sila ang source ng income namin”. Dagdag pa ni ate.

Syempre na touch ako. Pumalakpak ang bayag ko.

Isa lang ang hindi naming gusto. Yung may bisyo. Kagaya ng mga umiinom. Mga nagsisigarilyo.

“May bisyo ka ba?”

………at hindi na ako bumalik dun.

Single Post Navigation

28 thoughts on “My life in Transit

  1. LOL! Kailangan bang uminom at manigarilyo ka sa loob ng bahay? Choosy much, pwede na ‘yun!

  2. awww sayang naman kung di mo balikan yun. lumabas ka na lang kung magyoyosi ka o iinom.

    pero shet natawa ako dun kay dexter doria. assuming!! hahahaha

    good luck sa house hunting.

  3. Hahaha ginago mo sana yung ambisyosang ngongo!

    “Malaki ang kwarto hindi mo kaya”

    “Malaki ang sweldo ko hindi gaya mo pang-yaya.”

    Tapos binigkas mo in ngo-speak. Hahaha baka humampas ka sa putah red na gate….

    What a coaccidents ang post na kinocompose ko ngayon ay same topic.

  4. grabe naman mag jump into conclusion ung ngongo?

    Sinyora ang asta nun, Ngora(ngongong sinyora)

  5. Ano nga uli yung copra? Yun ba yung nakakaadik den? O yung parang yosi? Pasensyers. Kabobohan. Haha. Taga Cebu ka pala. Million miles away!

    Okay, ang tawag ko dati sa ganong red ay Lady Gaga Red. Pero mas catchy ang tawag mo. Puta Red. Anlakas ng dating. Nakakainit ng lalamunan parang dederecho sya sa hell. Lol.

    Balak ko ren maghanap ng titirhan sana dahil ayoko na tumira sa bahay, kaso hindi ako makalayas. Potaness. At natakot den ako na baka may mga ganyan den akong ma meet. Lalo na si Ateng may cleft pallet. Suplada much.

    Wag mo lutuin yung washing machine. Lutuin mo si Lola. Tutal nasa states naman ang family nya. Joke lang lola! Peace! Hahahaha.

    Hahahahaha. Sana sinabi mo nalang bisyo mo lang eh sex. Keribels ba sa kanila ang may live show sa harap nila habang nag didinner? Hahaha.

    P.S. – Labs ko ang movie na nasa picture. Sayang at wala ng Rent sa broadway. Nakakagagu lang kase pangarap ko pumunta ng NY para manuod ng broadway. Cliche ako. Haha. At ang haba ng comment ko kahit ako napagod basahin ule!

    • balak ko na ngang idelete ang post ko tapos palitan ng comment mo.ahahahaa..
      yung copra..yung parang parte ng niyog na iwan kung saan ginagamit..oil ata or sumthing..nagka asthma ako because of that pabrika..fck.
      ang bastos naman kung nagjojogan kami sa taas ng dining table habang may dinner….panget…sa gas stove nalang..medyo masarap pa kasi dahil may additional heat.ahahaa

  6. tanginangkorniks ‘yan! hindi mo nga raw kasi kaya ang rent sabi ni ateng ngongo. lols!

    hindi bisyo ang paninigarilyo at pag-inom. hobby ang tawag dun.

  7. Pwede mo naman sabhing you occasionally drink di ba? Pero panu un pg araw-araw me occasion hehehe! Sayang sna ng white lies ka na lang.

  8. whaaahaha ang kulit!! lalo na yung – “magkano ba te ang rooms niyo?”. Tanong ko sa kanya.
    “Malaki ang rooms. Hindi mo kaya”.
    Tanga ka teh? Perfect ka? Presyo ang tinatanong ko at hindi kung gaano ka laki ang potang kuwarto ninyo. Hinusgahan ako. — sobrang tawa ko dito dapat binangas mo si ate para pantay na yung pingas niya, supladamuch… ehehe

  9. I gather you’re still looking for a room. And I take it you’ll have a lot of potential landlords to harass and make fun of? And then we’ll have more of these amusing adventures to look forward to? Ahaha, long live the motherfuckery!

    Of course, we hope you get settled in real soon. The sex life’s going to drag; independence is a fucking magnet.

    Cheers Maldito!

  10. Maldito kamontikan ko nang ibuga ang ulam kong tinapa, hotdog, sopas at kare kare dahil sa kakatawa. Oo lahat yun nasa bibig ko all in one. Putakels ka! Ang choosy choosy mo pa pwede na ‘yun pero tama ka mas mahalaga ang bisyo kesa okay na tirahan. Pero sayang naman ang bed na hindi maingay sa twing may pumping scene.

    Tae ka! I lab this post…

  11. akala ko naman mkakahanap k na ng bahay..magmanila ka nlng kasi..d kaya ng cebu ang powers mo hehehe sa manila ka nararapat!!! hehehe

  12. na-imagine ko si dexter doria na may taga sa nguso.. hahaha

  13. ang pinaka importanteng dapat tandaan.. tahimik ang kama.. lol

    hahahaha

    oo nga sayang yung last. biruin mo gagawin kang family member. kasama sa lahat ng occasions. mapa bday hanggang libing na party damay ka! yehey

  14. sana nagpanggap ka na lang na hindi ka umiinom. tpus kung magyoyosi ka man, dun ka na lang sa suking tindahan na malapit. sayang!

  15. You made my day! ahaha, natatawa talaga ako sa kwento mo especially with your encounter sa ngo-ngo. Kapal muks ni ate ha, ngongo na nga ang maldita pa..hahaha

  16. Maldito kaayo ka!.irritable ra cguro ka kay gikan pakag work, graveyard pa..maayo pa diri na lang ka manila daghan ka ug choices..nalingaw ko sa imung post..hope you could find perfect room for a maldito like you…

  17. natawa naman ako dun. kala ko ok na sa huli e. ok na rin yun at nasabi nila agad. kesa nandun na lahat ng gamit mo tsaka mo lang malalaman. hehe. dapat binalikan mo yung una tas sinapak mo. pampalubag loob. haha

  18. kuya.. hindi na talaga pwede mabasa ung mga old blogs mo..?

  19. Kakatuwa ka ah… Sayang yung huling bahay, kumpara mo sa tinutuluyan mo ngayon. n_n

  20. naco, mahirap itago ang bisyo, kaya kung ayaw nila ng may bisyo, wag ka na dun. hehehe.
    ansarap kaya mag-inom at magyosi di ba. hehe. pero ako, iniisip ko nang tumigil sa paninigarilyo ko. hubby requested (for the 2nd time) na tumigil na daw ako. so, t-try ko ulet. i stopped before i got married di ba. bumalik lang ng maraming stress sa work. hahaha.

    hope you get to find a decent place soon. see you in a month’s time ba? hehe.

  21. Haay, hirap talaga maghanap ng matitirahan. Kung minsan ngang estudyante ka pa’y nahihirapan ka na maghanap ng magandang dormitory, paano pa kaya kapag nasa totoong mundo ka na.

    Nice blog, by the way, dude. Super hanep. Add kita sa blogroll ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: