The Great Maldito

Thou shall not bitch

Paraffle

Kasabay ko sa jeep ang isang babae na nasa early 20s. Mahilig ako manghula ng edad ng mga kasabay ko sa jeep lalo na kung traffic bilang pamatay oras. Mas mabuti na yun keysa mag shabu ako sa loob at kasama sila. Minsan, pumapalya pa din naman ako dahil ang iba kailangan pang I-carbon 14 dating para malaman ang edad. He he he.

Ang skinny niya. Yung balat halos kumakapit na sa buto. Nasa tabi niya ang dalawang anak niya habang akay naman ang isa pang sanggol. Napaisip ako, hindi ba to nababalian ng buto habang nakikibembangan sa asawa?  At yung mga tatlong anak, halos magkalapit lang ang edad. Parang ginawa lang sa tatlong sunod-sunod na araw tapos sabay nilabas sa ika-apat na araw. Laking pasasalamat siguro ng ama dahil hindi pa nagkaka keps lock si babae.

Kausap ng babae ang isang ale na nakaupo din sa kanyang harapan. Yung ale naman ay may dalawang anak na babae. Tinignan ko ang paligid ko. Nilingon ang driver at baka naman nagkamali ako ng nasakyan at sinigurado na hindi to school bus. Tawagin nalang nating, “population explosion jeepney” ang nasakyan ko.

“May paraffle ang baranggay” sabi ng batang babae.

Nasa labas ng jeep ang mata ko para hindi halata na nakikinig ako.

“One million daw ang papremyo. Tapos may consolation prizes na appliances. Bumili ako ng tickets”.

Muntikan na akong mapasigaw ng makita kong nagpapadede siya sa kanyang anak sa look ng jeep habang ang isang anak ay nakahawak din sa dede niya para humingi ng gatas. Kung may gatas lang ang man boobs ko, ako na sana nag offer ng fresh milk ko. Wala akong nagawa maliban sa lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Wag kayong bastos, sa baby ako nakatingin at hindi sa boobs.

“Yung pambili ng gatas binili ko muna ng raffle tickets. Baka manalo pa” Dagdag pa ng babae.

Kita sa mga mukha nila na naghihirap  ang mga to makahanap ng pangkain. Ako nga kahit may matinong trabaho may pagkakataon parin na wala akong makain, sila pa kaya na umaasa lang sa mga ganyang pakulo. Pero ito siya, tinaya parin ang naiiwang pera sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Wala akong luck pagdating sa mga raffle shit na yan. Kung darating ang panahon na para makapasok ang tao sa langit ay idadaan lahat sa paraffle, walang duda na dun ako sa impyerno mapupunta para dagdagan ang hotness level ng lugar. Yeah, coz im so hot like that. Joke.(wag kayong maniwala puhlease).

Noong nagparaffle ang opisina ng isang sakong bigas at 3 lata ng sardinas, ni minsan hindi ako tinawag sa entablado para tanggapin ang prizes. Namula lang yung mga mata ko kahit consolation prize na ruler wala talaga. Buti pa nga yung mga ka officemates ko na wala sa mga panahon na yun at natawag pa. Sa isip ko, potangena talaga tong opisina. Sana binigyan nalang ako ng warning na wag nang maki epal pa para hindi na umasa. Nakita nalang ako kinaumagahan na lunod sa alak dahil lang sa hindi nakakuha ng isang sakong bigas at 3 lata ng sardinas.

Mahirap kasi sa ibang tao inaasa nalang ang buhay sa paraffle. Pero wala din naman silang magagawa kung wala din naman silang trabaho. Ika nga kumakapit nalang sa patalim or they are just taking chances.

Wala naman talaga tayong magagawa kung ang panahon na ang nangangailangan. Kagaya ng pag-ibig, kahit anong hirap na natin na mahalin ang isang tao na pilit nating pinakikitaan ng kabutihan kahit na sinasaktan na tayo, sugal pa rin ng sugal. Tataya pa rin na baka sakali sa takdang panahon makakajackpot.

Kahit na mukha nang tanga sa kakahintay na mabunot ang pangalan.Kahit na alam nating walang-wala na tayong pinanghahawakan. Kahit na alam nating wala ka nang maibibigay. Pero ng dahil sa tinatawag na paraffle, umaasa parin.

Kahit ako. Hihintay parin sa tamang panahon………para lang sa kanya na bunutin ang pangalan ko.

Kahit second prize nalang.

picture here.

Single Post Navigation

43 thoughts on “Paraffle

  1. how pathetic is dat to like his own post?aahaha..o siya tulog na ako..bye bitches.

  2. Parang pumapagibig. =) Sa inuman, may mahilig magtanong ng kahit ano lang. Share ko yung isang tanong nya:

    May sugal na pre-defined ang outcome, olats ka na bago pa lang magsimula. Ang tanong, susugal ka pa ba kung alam mong talo ka na?

    Debate yan buong gabi. Habang binabasa ko ang post mo, naihahalintulad ko ang raffle sa sugal.

    • kaya ayokong ma stuck sa isang lamesa na kasama ay puro lasheng. Kasi alam ko sa mga panahon na yan, lahat matatalino. Lahat may alam..

      minsan sa hindi mapaliawanag na rasun…may kakaibang saya ang nadudulot ang pagsusugal…..kahit na alam natin olats ka na beforehand.

      kaya nga kanina lasing na naman ako.wahahhahaa

  3. Again, this statement tells it all: “Kahit ako. Hihintay parin sa tamang panahon….. para lang sa kanya na bunutin ang pangalan ko”. I feel you again pre… *hugs* lols!

  4. nakakalungkot naman ang last part….. hoping na mabunot kahit pang consolation prize man lang😦

  5. Ay nako, naalala ko nung minsan sa FX na sinakyan ko, dun kami sa bandang likod. May isang ale dun, mga 20, 21, naglabas ng dede tapos nag breastfeed. Rinding rindi ako sa tunog nung chinu chupa na nung bata ung suso niya. Hanggang ngayon naririnig ko… que dolor! Ako kahit kailan di ako nagsugal, sa pag ibig lang. Ahaha, syet!

    Cheers Maldito!

  6. morenalicious on said:

    ang sarap siguro magmahal ni maldito..ahmp😦

  7. Napaisip ako.

    Sa lahat ng paraffle, lotto, o kahit anong pustahan.

    Palagi akong talo.

    Wag na kaya ako sumugal?

    Pero paano mananalo kung hindi ka tataya.

    Ganun ata talaga, pana-panahon lang yan.

  8. parang pagtaya lang yan sa lotto.

    ika nga ni kuya kim weather weather lang yan. minsan kelangan din tumaya, baka swertehin. di naman natin alam kung kelan yan darating.

  9. Kung maka-judge ka naman kay Ate! Hindi mo ba narealize na kaya niya nilabas ang dede nya eh para akitin ka! Props lang talaga yung mga bata dun.

  10. hindi din ako naniniwala sa luck at swerte kasi ayoko din malasin
    sabi mo nga mahirap umasa sa swerte at mahirap ding itaya pa ang ikakabuhay dahil sa isang raffle

    naniniwala pa rin ako that everything is in accordance…

    be blessed sir
    perstaym ko dito

    • Hello pong. ahehhehe..slamat sa comment…pwde isa pa? joke..

      tama..pero para sa iba, its a shot to stardom..

      wag mo nalang pansinin…wala talagang kwenta tong reply ko.lols

      • hahahha heto pa isang comment sir
        hahahaha

        siguro nga yung iba shot to stardom madami niyan sa atin,
        pero kagaya nung nakasakay mo na pambili na lang ng ikakabuhay nilang mag-iina ay itiniket pa
        hehehe seryoso tuloy ako

        add ko po kayo sa link ko.
        be blessed sir

      • dear sir pong..

        salamat sa paglagay sakin ng link ko sa blog mo…
        ill do the same…but it will eb on my google reader…atleast alam ko kung may bagong updates.ahhehehe

  11. hindi ko rin talaga masisisi ang mga kagaya ni ate-na-nagpapadede-na-nakasabay-mo-sa-jeep na sumugal sa walang katiyakan. kapag nasa ibaba ka na kasi at wala ka ng mapuntahan kundi sideways, susugal ka narin gaano man kaliit ang tyansa na umangat. “ano pa bang mawawala? – eh di isugal na.”

    yung iba naman, taya-ng-taya, tapos sinisisi ang bad-luck sa kabiguan, hindi nila napapansin sila ang may problema dahil they are taking bad chances. pero, sa kabilang banda, hindi mo rin malalaman kung bad ang chance kung hindi mo susubukan. (Errr….I’m speaking in paradox, lol. Tama na.)

    First time ko magcomment. Pasensya na at napahaba.😄

  12. hmmm! pumapag-ibig…mukang nagkita na kayo nung nsa #4 dun sa oktoberfest post mo ah!?? ^_^

    Minsan nga rin naitatanong ko sa sarili ko, kung bakit madalas eh yung mga tao pang hirap sa buhay eh sila pa yung talagang ng tatake ng risk na isugal kahit pang kain nlng ng mga anak nila…pero pagkatapos kong basahin to, narealize ko cguro nga dahil sa ang tanging pag-asa na lang nila ay ang swerte na baka maka jackpot sila.

  13. o eh nanalo ka nga sa pakonteshit ko di ba? kaya wag ka nang nag-iinarte diyan. padedein mo na ‘yung olive oyl na nanay, di ka na naawa. tsk!

  14. ‘Wag ka pumayag maging second prize ka, lalo na if you deserve so much more.
    De joke, puso mo yan eh.

    Anyway, first time kong magcomment at magbasa dito. Loveeeettttt.

  15. Nakakita na ren ako ng ganyan! Yung nagpapadede sa loob ng jeep. Feeling ko naharass ang buong pagkatao ko. Binangungot ata ako nung gabing yon. Bangungot ng malalapad na nipples. Hahaha.

    Maswerte ako sa raffle. Kaya nagaantay paren ako ng paraffle na mga lalake ang mga papremyo. Isang malaking palaisipan na hanggang ngayon, wala akong makita. Tsk.

    • ha ha ha….hhindi ka naman masyadong galit sa dark areolas?lols..

      what u mean? yung mga lalaki ang ipapasok sa tambyolo tapos papaikutin? what if kagaya ni bentong ang paparafle? join ka parin?ahahaha

  16. young love, sweet love. astig!

  17. kagaya ko sumusugal pa rin ako. Pahiram ung mga best lines mo idol! Ilalagay ko sa FB ko! hhehee!

    Oo tama ka kahit wala na pag-asa umaasa pa rin tayo. Parang fans ng Brgy Ginebra, never say die pa rin ang banat kahit tambak na at wala ng pag-asang manalo.

    I guess we believe in the probability. At bilang pagtatapos always remember, “if you are 99% sure that the person you love doesn’t love you… still 1% is enough for you to hold on.” emo crap!

  18. Kahit second prize nalang.

    *** panalo to Maldits..kung meron lang contest ng emo-est lines on earth…malamang manalo to…
    life is all about taking risks!
    cheer up dude!!

  19. haha honga.. pero d ako mananalo sa emo-est, kasi dalawa lang kayong nagbabasa ng blog ko, malamang, ill have 2 votes lang talaga…grand winner ka pa din! yehey!!

    Quit? hindi siguro.. pagod ka lang, drained kumbaga kaya u stop taking risks but only for a while lang yan..pag ok ok ka na, back to taking risks ulit…

    Life is a continuous quest for happiness, and to find hapiness u have to embrace si pareng risk!

    ingatz lagi!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: