The Great Maldito

Thou shall not bitch

Sapatos

Wondering why I don’t write much about my brother? (Mahaba to, i hope its worth the read)

Iba sa inyo alam naman siguro na umalis ako ng bahay papunta sa kabilang isla na may galit sa puso para sa nakakatandang kapatid ko. At 10% ng rason kung bakit gusto kong pumalayo ay dahil gusto ko munang hindi siya makita o ang nanay ko. Yes, ganun ako katindi kung magtampo.

Buti nalang at malayo layo ang Somalia at hindi ako dun napadpad.

Pagkatapos mamatay ang butihing ama namin, what a surprise noong dinala niya ang girlfriend niya na nakalunok ng malaking bola sa bahay. In long, buntis. Dagdagan mo pa ng may bagong step dad ako, muntikan ko nang itulak ang sarili ko sa ikalimang hagdan ng overpass para kitilin ang walang kwentang buhay ko. How’s that for an experience lalong-lalo na nasa adolescent period ka? Tobol di ba?

Si tatay nga lang yung inaasahan ko na gumastos sa pag-aaral ko, nadedo pa. Hindi naman pwde na gisingin ko yun sa hukay tapos sabihin “hoy hindi pa ako tapos mag-aral?! Maya ka na matulog ng mahimbing…hoyyy”.

Asa pa ako ngayon na meron ng asawa si kuya at mas aasa pa ba ako sa step dad ko na walang karelas-relasyon sakin? Intsik kaya yun. At alam niyo naman yung ibang instik. Kuripot. Mas pipiliin pa na bumili ng siopao keysa igastos sakin na hindi naman kaano-ano.

Di ba? Kung may mas puputa pa sa buhay ko pakilala niyo. Ng para sa ganun dalawa na kami na may putang buhay.

Pumasok ako sa kahit anong raket basta lang magkapera pangbayad sa skul. Binibigyan naman ako ng nanay ko ng kaunti, pero hindi yun sapat. Walang regular na trabaho nanay ko, tatlo pa kami ang nagskuskul, pangbayad pa sa bahay at isa pa, asa pa ako sa step dad ko. Lahat kinaya ko. Pumapasok sa skul walang makain.

Nakapagskul si kuya ng walang paghihirap dahil noong college siya buhay pa ama namin. Ako? Parating pumapasok na namumula ang mata. Una sa galit dahil hindi man lang niya naisip ako at dalawang kapatid namin. Pangalawa, sino bang hindi maiiyak kung kasama sa job description mo ang maglinis ng kubeta sa faculty room? FCK right? Parati akong nagpeprefume, BVLGARI, muriatic version nga lang.

Yung kinaibahan ng kuya namin? Hindi siya sanay sa hirap noong una.

Pasalamat nalang talaga ako na meron akong mga kapatid. Atleast, kung iniisip ko na wala na talagang kwenta ang buhay ko, eh yung sa kanila pano? I can’t let then waste their lives. I love them more than myself kaya nga kinuha ko yung kursong kunti lang ang units para makagraduate agad. Kung iniisip ko na wala na akong kinabukasan, at least inisip ko na para nalang sa kanila. Aayusin ko yung future nila. Wag na yung akin.

The only thing I regret now is not taking the course I really want. I want to be an engineer. Architect to be exact.  Nag two years ako dun, but knowing it will take me 5 years to complete (note that I am a working student) wala nang time kasi graduating na din brother ko sa high school, nag shift ako ng course. Psychology. But I’ve learned to love it naman. So that’s fine.

Feeling ko noon pinabayaan ako. Imagine two people in your life that you only have chose to take their own paths and you just there being in their backgrounds? Di ba? Total abandonment. Kung ganyan lang naman sana kinahihinatnan ng buhay ko sana binaon nalang ako sa lumpia wrapper tapos tinapon sa ilog noong June 19, 1985.

What hurt me the most? My mom doesn’t even care to go to school to accept the awards during recognitions. Sinong tumayong nanay sa tabi ko sa gitna ng stage? Yung nanay ng kaklase ko. Even once hindi siya dumalo ng recognition. I really feel she doesn’t care about me during those times. And she’s not proud of me either.

I went to Cebu with 500 pesos on my wallet and a folder full of credentials. Kung tatanungin mo ako pano ako nakasurvive sa Cebu with just that money? Wag nalang. Aabutin ka ng 2 days bago mo matapos basahin tong blog ko na to. But thank you to someone. I know you’re reading this blog.

Sa awa ng Diyos nakagraduate ako ng marangal at walang inaapakang tao. Ipis meron kasi nga di ba, tagalinis ako dati ng faculty room? Ha ha ha. I have enough money to send my bro and sis to college na. Yung isa kakakuha lang ng Teacher’s board exam at isa, graduating na as a Civil Engineer.

Why I wrote this?

My brother texted me days ago. Sabi:

“Baka pwede kong bilhin yun black shoes mo? Wala na kasi akong sapatos pangtrabaho. Hindi ko kayang bumili ng bago?”.


Yeah, cos his salary is just 20% of what I am earning. Pano kapa makakabili ng luho sa pamilya mo palang kulang na.

“Sure, 3 thousand kaya mo? Dapat full pay. Walang labis walang kulang.” Yung reply ko sa kanya.

“Ay grabe naman. Wala bang tawad?” Na shock ang kuya ko.  Sa totoo binili ko yung sinasabi niyang black shoes below 500 pesos. Hi hi hi.

“Wala. Mura pa nga yan eh. Kita nalang tayo pag-uwi ko diyan after a month. Mahal ang shipping”. Ang tanging nasagot ko. Heartless bitch di ba?

“OK. Sige. Pero hindi ko kaya yang price na yan. I love you”. Potah, inuuto-uto pa ako. Hindi na kaya ako grade 6.

Hindi na ako nagreply.

I just bought him a new pair of black shoes without asking for a payment.

PS:

I don’t have hate or anger for them now. Natutunan ko nang I let go kung ano mang hirap na naranasan ko noon. Besides, my achievement is worth sharing for. I hope guys may makukuha kayong leksyon dito. Remember, dont hold grudge in your heart. Tatanda ka niyan lalo.

For my mom? I just wish them happiness sa lalaking pinili niya. Naiintidihan ko rin naman na shes longing for someone to be with her. Although andiyan naman kaming anak niya, iba parin naman yung tinatawag mo na kabiyak ng puso mo.

Pero really, parati akong naiiyak knowing ibang nanay ang tumatanggap ng certificate ko at medal ko. Minsan nanay pa nang hindi ko kilala. Yan ang moment na tumatak sa isip ko na hanggang ngayon hindi makuha kuha.

Single Post Navigation

50 thoughts on “Sapatos

  1. Awts! Kakadating ko pa lang sa office eh blog entry mo agad ang binasa ko. Aga-aga eh nangkukurot agad ng puso. Huhuhu.

    At Psychology ka pala? Haha apir! Pareho tayo! Puro daw pogi ang kumukuha niyan.🙂

  2. pwedeng maging kuya na rin kita para may libreng sapatos din ako? lol! ayos lang ‘yan, biatch. lahat ng paghihirap at sakripisyo, may kapalit sa hinaharap. it pays to be selfless, man!

    pero walang dramahang ganto sa lunes, potah ka! lalaslasin ko betlogs mo pag nagkataon. \m/

  3. kelangan ko ng sapatos…. pede mo ba akong ibili?🙂

    mabuhay ka ‘igan!

  4. morenalicious on said:

    wow! working student din ako til now..sana kuya kita para hndi lang sapatos hingin ko sau pati pang tuition hihihi…hirap nga maging workng student. idol na nga kita dahil sa butihing puso meron ka…hindi kasali ung chikinini ha masakit ata un puro pasa hahaha…Godbless maldito

  5. hehehe may classmate akong hindi dumadalo ang parents sa awarding ceremonies, dahil sa magka-apelyido kami, ang nanay ko na rin ang tumatayong nanay para sa kanya. Magkamag-anak na ang turingan namin… may mga theory ako sa mga dahilan…. pero, let’s just leave it at that.

    Thanks for sharing. I hope and wish all the best for you! \:D/

  6. drama king? bottomline is parang mabuti kang tao….tama rin naman, di naman natatapos ang pagiging magkapatid kapag nag asawa na ang isa. Mabuhay ka!

  7. mahirap nga ang magworking student, lalo na paghindi simple ang kurso mo. baliktad naman tayo – ako naman iniisip ko sana nag 4yr course nalang ako. engineering kasi ako sa mapua, at dahil mahal ang school, nagquit ako after 4th yr para magwork fulltime. naisip ko kung normal na 4yr course lang kinuha ko may diploma na rin sana ako. 1 yr nalang kulang ko, balak ko ituloy. balak pa lang.

    saludo ako sa kasipagan mo. apir!😄 (blog-entry-slash-comment ulit ito, hahaha.)

    • bakit parang feeling ko mayaman ka kaya atat na atat kang magkatrabaho kahit walang diploma?ahahaha…
      may time kapa yffar..its better to finish it bro..i mean i think its the best not better….aral ka na…

      PS: I added u in my google reader.

  8. well gnun cguro tlga ang papel ng second child, laging taga salo… dahil katulad mo, gnyan din ang naging papel ko sa pamilya ko…And nakakatuwa nman na in spite of ng mga naranasan mong hirap at sakripisyo pra sa pamilya mo eh, hindi ka ngtanim ng sama ng loob sa knila… And cguro dapat kalimutan mo na yung part na hindi umattaend ng recognition day yung mom mo, baka malay mo meron din syang isang malaking pagsisi about dun, hindi nya lang masabi sayo… sabi nila binibless daw ni GOD ang mapagmahal sa pamilya… kaya keep it up, and expect more blessings will come.

    • hay ikay…papatayuan din kita ng rebulto sa tabi ni rizal sa luneta. ha ha ha,,,
      kawawa nalang parati ang role ng mga 2nd…yung parang always nalang na tagatanggap ng hand-me-down.kaht sa obligasyon tayo parin. Buti ka nga nasa malayong lugar..kasi malaki kita sweldoo…ikaw bigay iyong mamaaaaa.

      ahahahahhaha
      “(

  9. ingon si Kuya salamat daw sa sapatos pero mas bongga daw unta kung Prada. Char lang!

    by the way, why not ask your mother kung bakit wala siya sa graduation mo. baka masagot din finally ang question na nasa isip mo palagi.

    • I told her already mel….she felt sorry….:)
      But she doesnt have any options. basta….ihampas ko kaya yung prada sa mukha niya? sobra..humihingi lang designer shoes pa..eh ako nga nagtsitsinelas lang.aahha

  10. Mas pipiliin na bumili ng siopao. Natawa ako ng bonggang bongga. Haha.

    Hindi ko na experience magtrabaho para pag aralin ang sarili ko. Pero hindi ren komportable ang buhay ko bilang estudyante na mas magiging madali sana kung mas marami kameng pera. Or nag effort akong magtrabaho kahit part time. Kaya hanga ako sa mga nagpilit na pag aralin ang sarili nila. Ayos.

    Go be an Architect! You still have time! And I think you can save easily since you’re already working. I enjoy mo ang part 2 ng student life mo.🙂

    Punyeta tinalo pala ng story mo ang walang kwentang drama ng mga artista sa MMK.

    I live with my Mom and my brother. Nakatira den samen ang lola ko. I don’t fell any affection for them at all. I am just waiting for the right time to leave this shithole. Hindi ko alam kung anong nangyare, pero hindi ako masayang kasama sila. Mas gusto ko mabuhay mag isa kumbaga.

    Pero.. may natutunan ako sa entry mo. At marami akong naisip dahil napaisip akong bigla sa pinaggagagawa ng punyetang pamilya ko. Salamat Maldito.🙂

    • Whatever man ang reason ng kwento mo vajarl…dont burn the bridges between u and ur family..they are the only people you can run when things (bad) will happen…kahit papano ur a part of a family naman. kahit gaano kapa kasama…este sila kasama.ahahah…

      wish ko lang vajarl may time pa..next year siguro tutuparin ko na yang plano na mag aral..for now…i have to end my life here in cebu. cant wait for next year.

  11. Ang tagal ko nakatitig sa post mo pagkatapos kong mabasa, tpos binasa ko ulit tpos binasa pa ulit baka di na malungkot nagbabakasali na may masayang part pero bigo ako, nalungkot parin ako kahit na nakatapos ka na ng pagaaral na tanging ipis lng naapakan mo kc naman yung nanay mo tatamad tamad pumunta ng stage😦

    baliktad tayong dalawa Psychology dati kinukuha ko after 2years nag engineering ako nautakan ko ung mga sisters na nagpapaaral sakin ahahaha🙂

    be happy & God bless you kc mabait kang kapatid🙂

    • dont be sad oi…im happy na o..:)

      sabihin mo sa mga ate mo gusto kong mag skul ulit..ahahahaa..

      napatawad ko na yung mama ko…okey lang sakin..atleast soon kung may ganyan ang mga anak ko, ill promise na dapat andun talaga ako. Its a lesson learned for both of us.

  12. Well done is always better than well said.

    Yan ang gusto ko sayo kapatid, ginagawa na lang – wala ng madaming satsat.

    Pudpud na yung goma ng Havayabas ko kuya maldito. Ehem. ehem…

  13. So pag nanay mo ang nagpabili ng stiletto sayo hindi mo sya bibilhan kasi may hinanakit ka pa hehehe joke… nakakalungkot naman ang mga pangyayari sa buhay mo noon pero at least nagsikap ka hindi ka bigla na lang naupo sa waiting shed at nagpalobo ng plastic na may rugby… Ngayon nasa posisyon ka na para apihin ang mga umapi sayo! (telenovela?)

  14. awts andami kong relate dito sir.
    kung ikokoment ko dito aabutin ka ng 2 days sa pagbabasa (gaya gaya lang)
    I admire you for being the whole you.
    si dada ko iniwanan din kami nadedo din siya, may ibang family at ibang anak, tinanggap din namin lahat,
    ngayon ako’y kumakayod sa disyerto para sa Pamilya. Ayoko ng magdrama. Moving on na ako! hehehehe

    I bless you sir with abundance that is overflowing form the Lord. Exceedingly and abundantly because your heart is very pure when it comes to your family.

    Be blessed sir! Saludo ako sa iyo!

    • Sir pong. Nahiya kapa? wag ka nang mahiya..sayang ang bandwidth..ahaha..ok lang 2 days…wag lang yung lumampas pa sa 2 days…abuso na kasi yun.ahaha..

      Well…my other family din naman ang step father ko…but yeah, its better not to mingle with them or know them..komplikado na nga buhay ko dadagdagan ko pa….masaya na ko ngayon.

      Salamat sa blessings sir. Dapat tell me ahead of time…dadala ako ng bayong para masalo lahat.ahahhaa

  15. pare, isang bagay lang, SALUDO AKO SAYO.

    nkakatuwa lng isipin, akala ko dati ako na ung pinakamalas na anak, may mas mahirap pa pala na mga pinagdadaanan…xet! EMO mo! hehehe…

    kidding aside, hands down ako sau.

    • hahaha…ampotah. minsan nga lang mag post ng ganito emo na agad.oo na..titigilan ko na ang ganitong post.ahahha…

      Salamat kapatid. Its a bitter story which i choose not to end badly..ika nga, depende na yun sayo kung pano mo susulatin at tatapusin ang kwento ng buhay mo..:)

      • check! at palagay ko, at naniniwala ako, you’re on the right track. Wala nmn talaga yan sa kung maganda o pangit naging buhay mo e, nsa kung pano mo haharapin ang bukas ng tama! awts…andrama..hehe

        at least ngaun ung mga umaapi sakin dati, tax ko lang sahod nila! wahahaha…jox! yabang! :p

  16. Akalain mo yun, hindi lang pala puro pangungupal ang mababasa ko sa blog mo, Mr Maldito. Sa totoo lang eh gusto ko tong sinulat mo kasi kita rito ung mga hirap na dinaanan mo eh. Angtindeh brad, di ko ma-imagine na ibang klaseng cleaner ka pala nung elementary. Talagang faculty level. At bukod dun eh ung ni kuwento mo ung tungkol sa mama mo. Ay nako naman, hindi baleng salat, basta kahit papaano eh andian ang nanay mo, sa kin eh kaya nang tiisin yun. Pero kung no-appearance naman sa mangilan-ngilang accomplishments mo eh paano na yan?

    Buti na lang at you turned out well. At goodluck sa pag uwi mo sa inyo. Cheers!

  17. Ika nga nila, ang mga nagtatagumpay na tao ay yung mga ordinaryong tao…. na may extra-ordinaryong determinasyon tulad mo. Narating mo na ata nirvana mo. Ako yung nasa kalagayan ng Kuya mo ngayon, pinapagaral ng bunso para makatapos, salamat sa pagpapaalala mo nung mabasa ko ito na wag na wag akong magdadala ng babaeng nakalunok ng bola. Salamat sa pagpapaalala kung gaano kahalaga ang Pamilya sa buhay ng tao.

  18. maraming sapatos sa marikina. ibigay ko na sayo yung pinakamalaking nakadisplay sa riverbanks. yung worlds largest shoes. sure ako na gawa sa leather materials yun. haha!

    natatawa ako na naawa dun sa kuya mo kasi uma-i love you pa. cguro talagang hirap na sa buhay. buti na lang hindi ka madamot. ano nga palang pasalubong mo samin? lols!

  19. im soo proud of you kuya maldito. Kaya hanggang ngayon e kinakaya ko pa. parehas kasi tayo ng sitwasyon. Yun nga yata ang kelangan kong gawin, don’t hold grudge. Masama pa rin kasi loob ko sa pag aasawa ng kapatid ko. Naiwan tuloy sakin ung responsibilidad na dapat e sa knya. Thank you for being an inspiration to me at sa lahat.

  20. this statement says.. ay hindi na pala! lols!
    kala ko kc heart-related post na naman to. seriously i feel you pa rin pre.. ako din, nakapagpatapos na ako ng apat na college course sa aking tatlong kapatid. apat dahil double degree ang isa. tapos na silang lahat kaya tapos na ang sacrifices. looking forward na ako para sa sarili ko ngayon. matatapos din yang sau brod. okay hugs na uli tayo. lols!

  21. Di-Nagpakilala on said:

    wow grabeh ang bait.. lam mo ang galing mo.. hehe.. lage ko binabasa mga posts mo..

  22. nakakakurotouch naman to.
    ang bait mo na ang galing pa.
    pero seryoso, malamang na successful ka na!

    yabangis!

  23. maldito, ako’y sobrang nakakarelate..tatlong college lng naman at dalawang high school ang tinutulungan ko.regular medicine maintenance for my dad amputated na kc ung isa niyang leg..in long..ako lang inaasahan sa lahat..tapos ung isang seaman kung kapatid may balak mag-asawa pagbalik niya..iniiwan ako sa ere..un din instead na mag accountancy ako nag commerce na lng ako..mejo frustrated ako dahil hindi ko pinursige ung pinangarap kong maging CPA..self supporting lng kasi. latherize kc sa amin ung accountancy..after four yrs nang mag graduate ako parang gusto ko nang magwork at makatulong sa pamilya..hinahabol ko kasi ung isa kong kapatid na magcollege kaya dapat magkawork na ako by hook or by crook..un after five yrs of working eto pa rin ako..kung sarili ko lang iisipin ko cguro may condo na ako ngaun at nabibili ko na ung mga high tech ngayon..cguro dahil sa pagiging working student ko natutunan ko ung maging simple at i-value ung education kaya simple lang ang lifestyle ko ngayon at 100% tinutulongan ko ung mga kapatid ko..dumadating din ako sa punto na napapagod din ako pero parang wala akong choice..naisip ko hwag naman akong maging makasarili..sa kanila ko binuhos ang lahat kasi sila naman ang inspirasyon kung kaya narating ko kung saan man ako ngayon..ang iisipin mo na lng at least tayo stable na at tutulongan na lng natin ung mga kapatid natin na makabangon..ung sa mga kapatid ko naman na iniiwan ako sa ere..cguro magpasalamat na lng tayo na naging inspirasyon din natin sila para maging matatag..balang araw babalik at babalik din sa atin ang lahat ng mga sinasakrispisyo natin..what you sow is what you reap..tama ka hwag tayong magtanim ng grudges, hwag nating isama ang galit sa pagtatanim baka ito man din ay ating aanihin..

    ps..pasensya na mahaba comment ko parang blog na rin hehe..first time kong magcomment pero inaabagan ko talaga ang blog mo..mabuhay ka!

  24. Dahil sa entry na ito pinapatawad na kita sa pag cancel mo ng fb invite ko. Oo, hindi ako maka moved on. ahahahha

    Kuya penge rubber shoes?! Tenchow!

  25. i know you have a good heart. alam mo ba sa pamilya namin, pag may mga ganyang hinanakit, ang tawag namin deprived. hahaha. one time kse ang kuya ko nag-share ng mga sentiments nya ng porke deprived daw sya kse nung bata sya blahblahblah.

    pagpapalain ka ng diyos. and i’m sooper thankful kse i have the most generous, the kindest and the best brothers in the whole world. no doubt talaga.

    see you soon. not sure about saturday though, let’s meet up early on monday if i can’t make it on sat ha. you want anything from laguna? name it, i’ll do my best to bring it. yung pwede bitbitin ha. hehe.

  26. Haiz manoy! Nakakarelate ako nito to the nth level! Alam mo yung galit ka sa frustration mo sa mga kapatid mo dahil walang ambisyon sa buhay at walang sipag kundi puro nlng hingi? Pero kahit na galit or disappointed ka sa kania, sa kabila non.. di mo pa rin sila matitiis. Bibigay at bibigay ka pa rin kahit ayaw mo. Bakit kaya ganon?

    Dali ra kaau ta ma-atik noh. Hehe

  27. nadala kadin nung “iloveyou” ng kuya mo kaya binilan mo ng ibang black shoes hehe.

    congrats maldito dahil napagtapos mo sa pag aaral ang dalawa mong kapatid!! isang malaking achievement mona yun sa buhay!

  28. you remind me of my 2 uncles, my mom’s brothers. they worked their way through high school and college coz my gramps didn’t have the money to pay for their schooling. now, they’re both successful engineers working overseas, helping their less-fortunate relatives in any way they can.

    this is by far the best i’ve had from your blog maldits. very real & candid, but heart warming.

  29. saludo ako sayo sa narating mo at mararating mo pa.. nawa’y lumaganap ang lahi mo.. haha nakakabilib.. ako gusto ko ng white shoes, maiba naman.. haha

  30. weee maldito, nakakalungkot naman ang post na ito. but i am glad thay you´re not holding any grudge towards your family. And i salute you for all your sacrifices and struggles. you´re such a good son and brother and your family should be super proud of you.

  31. ***Pero really, parati akong naiiyak knowing ibang nanay ang tumatanggap ng certificate ko at medal ko. Minsan nanay pa nang hindi ko kilala. ***

    I hope my son is not into this same torment… nagpromise ako na uuwi ako on his graduation, but i was not able to, bec of my work..tapos instead na mama ko ang aatend sa graduation nia, ibang mama ang nagpunta (yung dati niang yaya)..when i asked my mom why, nagloloko daw kasi nung oras na un yung isang anak ko… and all this time, i felt guilty, sa tuwing makikita ko yun grad pic nia, para bang feeling ko, he was left alone…

    eto lang maldits, we wouldn’t know ano ang reason ng mom mo for not claiming the recognitions and all, pero one thing is certain, in her heart, she is happy sa achievements mo.. the heart of a mother will always feel that…never ever forget that… at dahil mukhang me angking pag intindi ka naman sa mga bagay bagay e ituloy mo na lang yan..

    There’s more to life than dwelling on things that wont help us grow and i know u know that…mukha ka namang matalino e (pero hindi halata) bwahahaha..

    ingatz lagi!

  32. ayos naman maldito. worth the read naman. ok sa alright brotherly love! nakakarelate ako…

    dalawa kasi mga kapatid ko. yun.

    basta.

    hehe

  33. i was touched…. lalo na dun sa sapatos… another way to be thankful for ur blessing is to be a blesing to the people around you….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: