The Great Maldito

Thou shall not bitch

Ang Ipis

Gumagapang siya papalapit sa ginawa kong cheese sandwich habang ako ay sumusuot ng medyas papuntang work. Baliktad na talaga ang mundo ko. Gabi kung gumising, mag-aayos papuntang work, magtitimpla ng gatas at gagawa ng cheese sandwich. Sa normal na tao, dapat sa umaga to ginagawa at hindi sa hating gabi kung saan mahimbing nang natutulog ang sambayanang Pilipino. At ayun ang ipis, dati rati wala yan sa mga ganitong oras. Tulog din ata. Ngayon, nakikibagay na din sa schedule ko.

Kapansin-pansin ang pagrami ng ipis sa bahay namin. Sabagay, hindi pa naman inaaprub ang Reproductive Health bill. Ang sagwa naman sigurong tignan ng ipis na nagcocondom. Minsan nga nashoshock rin ako pag nagbibihis. Kasi akala ko areola ko pa ang nangigitim sa salamin, yun pala ipis na nakakapit.

Kahapon lang ako bumili ng mothballs. Tuwang tuwa ang room mate ko noong binuksan niya ang aparador at nakita niyang nakahandusay ang mga ipis na nahihirapang huminga.

“Epektib!” sigaw niya.

“Tanga, syempre. Ikaw kayang magtry kumain ng mothballs na yan! Sahog mo sa noodles mo”. Sagot ko.

Nakakatuwa. Kung tutuusin nauna pa yung mga ipis keysa sa ating mga tao na tumira, lumakad, mabuhay at humithit ng shabu dito sa planetang Earth. Pero tayo pa ang atat na atat na patayin sila. Siguro kung nanatiling malaki ang mga ipis, mas malaki pa sa tsinelas na gagamitin pang-apak sa kanila, siguro nga tayong mga tao ngayon ang nagtatago sa madilim na sulok ng aparador. Naghihintay na hagisan ng malalaking moth balls.

May mga ipis na ambisyoso. Nagmamalaki. Nagmamagaling at nagmamaganda. Yung ibang ipis nakapakpak lang feeling nila butterfly na sila. Kung makalipad akala mo kung sinong agila na malayo ang maaabot pero pag sinampal mo ng tsinelas mawawalan din naman ng malay.  Meron din naman mga ipis na demure, yun pala kinain na yung ginawa mong cheese sandwich.

Maliit lang ang mundo na ginagalawan nating mga tao at mga ipis. Sa sobrang liit, nag aagawan na nga tayo ng lugar na pagtitirhan. Kailanman hindi magagawa ng tao na mahalin ang mga yun. Pinangdidirian sila. Marurumi at maraming dalang sakit.

Pero yung mga ipis na nakatira sa condominium at malilinis na lugar? Masasabi ba nating marurumi parin sila? Pano yung mga ipis na hindi kumakain ng panis?

Kagaya din ng ibang tao ang mga IBANG ipis. Nagmamarunong. Nagmamagaling at nagmamaganda. Pilit na nakikihati sa mundo ng iba. Nakikisquat sa aparador ng may aparador. Oo, sila na ang magaling. Sila na ang mataas umihi. Sila na ang butterfly na may itim na pakpak.

Kagaya ng sabi ng kaibigan ko, (na hindi ko na bibigyan ng pangalan)…


Pag hindi mo gusto ang isang tao, huwag mo nang siraan.

Kaya kung alam mong wala ka nang lugar at hindi mo gusto ang mga tao na nasa paligid mo, bakit hindi mo nalang itry mabuhay sa bukid?

Have a blessed and meaningful weekend everyone.🙂

Single Post Navigation

47 thoughts on “Ang Ipis

  1. hi there maldito. great blog! kakaaliw. lahat nandito na. parang halo halo sa mainit na panahon, parang mainit na sabaw sa tag ulan. your stories are full of wit and humor and sometime, drama, i like ” ang ipis so far.” hehehe, at siempre kung pano mo ibalandra mga chikinini mo. hehehe. marami rin ako niyan dati, nung nasa manila pa ko.

    sadly nasa dubai na ko ngayun at walang magawa kung magsulat din,

    sana you could add me sa blogroll mo. added you already. thanks bro,

    • @duboy, inuuto uto mo ako e..madali akong mauto….kaya nga nawala yung virginity ko sa murag edad na siyete. ahahhaa..joke.

      ay yung mga chikinini ko? di yun chikinini..mga pasa yun na ginawa ko sa katawan ko..weee!!

      weh? added daw o..wala kaya ako sa blogroll mo…ahahhaa

      • meron kaya, check mo, nasa unahan ka ng blog roll ko kasi ikaw ang may latest post.

        bwahahaa, pero hindi naman ako nang uuto. ur blog is really nice.

        hoy add mo ko ha. shukran.

      • oo na oo na…add na kita pag uwi ko…hindi pa pwede ngayun kasi ginagawa kong per batch ang pag update ng blogroll..char..feeling lang maraming nakikipag exlinks.ahahhaa..

        salamat kapatid..sana hindi ka ma bore dito.lols

  2. nakakaaliw naman. masagwa nga pag magcocondom na ang ipis dahil sa health bill😛

  3. Parang may pinupukol ang post na ito. GUsto ko ang moral lesson ang ipis na nag papademure nag papanggap na butterfly gusto ko rin.

    Pero seyoso, totoo kung ayaw mo sa isang tao wag mo na siraan. Kasi pag sinisiraan mo para ka lang inggiterong shirmp. Dapat sa mga ganung tao pasukan ng isang box na mothballs sa bibig.

    Happy Weekend sayo maldito! Hindi mo parin ako inaapprove. Ganyanan talaga ha!

    • hahaahaha……masama talaga ang loob sakin.oo maya maya na nga…sa bahay na kasi gusto ko munang sumakit ang puson mo bago ko ma aprove ang request mo..pati na rin kay glentoot.ahahhaa

      PS: gusto kong bumalik ng MENILAY..hu hu hu…

  4. Haha sabi ko na nga ramdam ko ang poot sa likod ng analogy sa ipis.. Kung sino man ang taong yan, bakit hindi ka gumawa ng effort sa puso mo na patawarin sya, sabay timplahan ng Baygon shake?

  5. Hmmm blogger din ba itong ipis na ito? Chismoso lang. Hahaha. Ako kapag hindi ko gusto ang isang tao, hindi ko na lang pinapansin. Mas matinding pamatay ‘yun eh, ‘yung tinatawag nilang ‘indifference’.🙂

    • hahaha…gasul…nokoboh. Hindi to blogger..Universal to. Pareho tayo, hindi nalang pinapansin. Karga de konsensya mo pa yun kung namatay dahil sa kakapansin mo sa kanya.ahahha..

      have a great weekend bossing..kelan ulit uwi mo ng manila?ahahah

  6. May kilala ko, nakatira sa bukid, pero ang saya saya ng buhay nila dun at ansarap sundan. May lovelife, may comedy, at pangkalahatang kasiyahan. Idol ko tong isang to. Ang pangalan niya ay Mandaya.

    Did you know na ang ipis ay puwedeng mabuhay ng apat na araw na walang ulo? Grabe sila noh?

    Ang huli kong post ay tungkol sa pepe.

    Cheers Maldito!

  7. sino ito? text me na! now na! heheh

  8. galeng mu tlga,nkita lng kta s blog ng frend q n blogger.. ang talentado mu nman, hndi aq blogger, pero ang galing mu basta ayun, at dhil jn nabasa q n ata ang kalahati ng mga bnlog mu,oh db? tatry q dng magblog having ur malufet blogging rules in mind.. clap clap..(n_n)

  9. eh hindi nga ba ayun sa sabi-sabi eh, kapag pinasabugan tyo ng nuclear bomb, eh ang ang mga epal na ipis na yan eh mabubuhay pa din….para tuloy naiimagine ko kpag pinapalo nten sila ng tsinelas at sinasabi nilang “may araw din kyo,dahil sa susunod kami na ang maghahari d2 sa mundo…bwahahahaa”! engot lang! @_@hehehe!

    howel wishing well, agree din ako dun sa sinabi nung kaibigan mong walang pangalan, kung hindi mo nga nman gusto eh bakit mo pa sisiraan, magmumuka ka lang taga englatera (inggitera!)…hehehe

  10. Ang taray!

    Maldito na, mataray pa!

  11. Dong naka-moderate na lagi imong comments. Hahaha

  12. napanood mo na ba yung 1990’s movie na Joe’s Apartment? Search mo sa youtube, go. (mang-utos ba? hahaha…). Kwento yun ng taong tumira sa apartment na pinamumugaran ng maraming singing-dancing-talking ipis. kadiri yung idea ng movie, pero hilarious.

    bat di mo kaya sabihan yung ipis na pinapasaringan mo, balita ko gagawa daw yung roach-film ng part 2 and they’re looking for new casts.😄 hehe

    • ha ha ha….mukhang napanood ko na yan..pero mga year 1990’s mga 4 years old palang ako e.aahhahaa….joke.

      ayoko na…ok na yung walang pangalan…universal naman tong post ko na to e..sa matamaan lang.lols

  13. Hahahaa ano ba yan! may ipis sa bahay ewww kaderder.. lol
    joke lang.

  14. walang pangalan ang pinapatamaan? boo! sino ba ‘to? text mo nga sakin at nang makiliskisan. lol!

  15. may ganon?!? dinaan sa ipis.
    well, tama naman.
    and also, hi!

  16. At sobrang bida talaga ng mga ipis sa blog mo. Nice analogy haha, naaliw ako. Patambay muuna dito at magbabasa ako. Add na rin kita sa blogroll ko. Salamts!

  17. Asteeg!😀 fro ordinary to extraordinary.😀 Pero hindi ko ma-share tong blog na to sa fb. TT_TT

  18. kilala ko yang blogger na mukhang ipis na yan. hindi masyado makalipad ng mataas kasi mataba. at nanlilimahid ang batok sa itim. isang suntok lang ang kaya nya gawin kasi manghihina sya agad pagkatapos ay maaari na nya itong ikamatay.

    hahaha! o sya sige paluin na lang ng tsinelas yan.

  19. Hala! Ang ganda ng analogy ng ipis at tao. Minsan ang tao nag-aasal ipis, katulad ng ipis na nag-aasal tao na gusto pang lumantak ng cheese sandwich.

  20. Sa kung paano ako napahanga sa unang padapo dito sa iyong kuta ay mas nadagdagan pa ang aking paghanga habang patuloy akong dumadapo dito kada may bago kang entry. Maangas ka nga pero hindi ka nagmamagaling katulad ng mga nakilala ko sa mundong ito ng blagosperyo… Kayraming taong magaling na sa sobrang galing ay hindi na marunong magpahalaga sa iba. Napakaliit ng mundo… hayaan mo na sila.😀

    Isa ka ginoong maldito sa mga naging inspirasyon ko dito sa blogsphere. huwag ka sanang magbago!

  21. Naku sinabi mo pa, Maldito, talagang peyborit ng IPIS ang cheeze. Kaya lang hirap alamin kung kelan sya aatake kaya itago ang mga cheeze mga kababayan! Ilagay sa ref kung pwede.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: