The Great Maldito

Thou shall not bitch

Basya and Popoy

Mga 15% ng nagbabasa ng blog na to ay galing sa middle east. The rest ay mga disabled kaya maraming hits. Joke.

Mabigat ang loob ko sa lugar na yan.  Hindi dahil sa maraming readers ang nandun, ito’y dahil sa isang estorya ng buhay ko na naging parte sa kung ano ako ngayon.

Nasa kolehiyo pa ako  noon nung nakita ko ang babae na magpapatibok ng aking puso. Sama mo na diyan ang puson, pantog, pulso at kung ano pang pwedeng tumibok sa katawan. Pangalan pa lang niya, nanghihina na ako. Kailangan ko ng balot.

Dahil likas na malandi ako, naging kami. Doon sa overpass malapit sa SM Delgado (Iloilo) niya ako  sinagot sa harap ng mga taong grasa na naghihintay na ambunan ng piso.  Umuualan pa nun, kaya naiihi ako nonng marinig ko ang matamis niyang, “oo”. Gusto kong lumundag sa overpass, pero pinigilan ko ang sarili ko kasi  baka masagasaan ako pagdating sa baba. Dyahe. Mas  gusto kong mamatay sa sarap.

Dumating ang panahon na kailangan kong lumuwas papuntang Cebu. Pinigilan niya ako pero may mga bagay sa mundo na hindi pwdeng solusyonan ng pag-ibig lang. May pangarap ako, at hindi ko yun makikita kung dun lang ako sa barrio namin. Hindi sapat ang salapi na kinikita sa pagtinda lang ng repolyo at pag-aalaga ng baboy, manok at kambing.  Gusto ko siyang isama, pero ayaw niya. Mas pinili ko ang career.

Hindi niya ako maintindihan. Siguro nga hindi siya nakakaintindi ng english. Hindi ko rin siya mapilit. Naging tahimik ang komunikasyon namin hanggang sa mabalitaan ko nalang na paalis na siya papuntang middle east. Pinagpalit ako sa buhangin at camel. Wala kaming closure kaya umaasa parin ako na OK lang ang lahat. Tangena, bobo?

Panandalian ko siyang nakalimutan. Pero merong mga sandali na naalala ko parin siya.  Lalong lalo na sa mga oras na nag-iisa ako. Umuulan at tanging kape lang ang kasama. Naalala ko siya tuwing malamig. Tuwing may nakikita akong wall na blue. Mukha niya ang nakikita ko tuwing kumakain ako ng tocino. Naalala ko siya pag nagbubukas ng aparador.

Hihihihi..kinikilig parin ako sa scene namin sa aparador. hihihihi. feel niyo ba yung kilig ko? Ayoko nang ikwento yun. TMI much kaya it is.

Sumama ang pakiramdam ko kani-kanina lang. Nag-usap kami sa facebook. Na suspend daw ang account niya kaya hindi siya naka log in sa loob ng isang daang century. Sabi ko OK lang, natutunan ko namang limutin siya. Pero sa totoo, sobrang saya ko noong minessage niya ako.

Umabot sa punto napag-usapan namin yung nagdaan. Kasi sa totoo lang, umaasa parin ako na babalikan. Ito ang sabi:

Never mind that Jeffrey na nasa taas. So epal lang. hahahah

“Next year ako uuwi, April ang kasal ko”.

Feeling ko napunit na ang lahat na dapat punitin. Pinilit kong hindi maiyak dahil sa opisina ako.  Ang tanga tanga. Nag-intay pala sa ako wala. Alam niyo ba ang feeling na gusto mong tumakbo, pero wala kang tatakbuhan dahil nasa loob ka ng cubicle mo? Hindi ganyan ang nararamdaman ko. Iba. MASAKIT.

Sinabi ko na oo, aatend ako sa kasal niya. Magpapakatanga ako sa hanggang sa huling sandali. Sinabi ko sa kanya na kakayanin kong makita siya na ikakasal sa iba, pipilitin kong magpakasaya.

At bilang pangwakas sa chat namin…


Never mind that Jefrey again. Panira ng moment.

Sinabi ko parin na mahal ko siya.

Bwesit lang , nagreply naman ng “LUV U 2”.  Ayoko na.😦

Iiwan ko nalangg kayo ng paborito kong linya:

Basha: Ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit.
Popoy: She loved me at my worst, you had me at my best… and you chose to break my heart…

Tagay anyone? : (

Single Post Navigation

51 thoughts on “Basya and Popoy

  1. Wala ako sa disyerto kaya nakumpirma ko lang na disabled ako. Haha! Ang taray, 55 friend requests.

  2. sino ba yang jeffrey na yan, extra sa moment hahaha

  3. inuman na!!! san? tara dito sa makati, malapit lang si allison! LOL

    ang drama mo pards, hindi bagay. ang mga katulad nating gwapo ang hinahabol ng chickababes. naalala mo ba yung ex ko na iniwan ako dahilllpopmmdfmekrk huhuhuhuhuhuhu

    • nagbigay ng jacket on said:

      pota ka jeckerson. sinabi nang ayoko ng pangalan kong allison!!! L na lang pwede. mas astig! parang si L. Lawliet lang.

      tara tagay na! sabi ko naman kasi sa biatch na ‘to dito na sa makati magpaka-pokpok o eh di sana linggu-linggo tayong tumutungga ng fresh milk sa metrowalk.😄

      • sa tuwing nakikita o nababasa ko ang pangalan mo napapakanta talaga ako ng…
        “baby, now that i found you i will never let you go…i want the world to know…””..
        allyson kraus…ahhahahaa…

        papunta na tayu diyan ulol…intay lang.

  4. nakumpirma kong disabled nga din ako.. haha wag mong masyadong pag initan ung camel.. este ung tocino.. hahaha natawa ako dun.. kahit sa oras man lang ng kalungkutan mo, napapatawa mo pa rin kaming mga disabled..

    • Hi ser Gbert! ahahahaha…yang camel na yan talaga ang sagabal sa love life….kung bakit pa kasi hindi nalang ako ginawang camel e.ahahahhaa..

      salamat ser sa pagdaan!! kamusta lang ko da sa imo a!

  5. Whaaa!!!nsa dsyrto ako wag mo munang pasabugin!!! ngayon alam ko na kung bakit pinagtagpo tayo para maiganti kita sa taong umabuso ng pagkatao mo🙂 san ba syang dsyrto? sabihin mo lng ipapahunting ko sya ahahahaha:-)

    hindi mo naman ako binigo na mapangiti sa post mong ito…salamat🙂

    • ano ba talaga ang kaya mong gawin ann? dapat kasi matitiyak ko na sobra sobra ang gagawin mo sa kanya….ahaha..joke lang. ayoko naman na masaktan siya..pabayaan ko nalang. kung dun siya maligaya gow.

      salamat! mwa.

  6. nagbigay ng jacket on said:

    o eh kumusta naman ang napunit mong hymen? tae ka. kumekengkeng ka pa sa mga kamelyo eh andiyan naman ang teoddy mo. isa kang nakamalanding pokpok!😄

  7. wahahaha…nasa disyerto ako pero pero pero…

  8. i feel you pre. mga babae talaga sakit sa puso ang laging bigay..

    may naalala tuloy akong babaeng nagsabi ng: “pakakasalan ko na ung nirereto ng kuya ko. di na kita mahihintay magdesisyon.” tsk.. tsk..

  9. At isa ako sa mga readers mo na nandito sa disyerto at nagbibilang ng mga camel..so therefore hindi ako disabled!..hehe
    hanglandeeh mo tlaga maldito ang dami mong gurl!..nyahaha!

    at ito nman ang sagot ko sa linya mong yan:
    “siguro kaya tayo iniiwan ng taong mahal naten, dahil merong darating na mas magmamahal saten, yung taong hindi tayo iiwan at sasaktan”.

  10. Sino yang Jeffrey na yan!!! WTF! Ang jubis yuck!

    Anyweis, puta ka!!!! get over it. Like, totally!!

  11. Masakit ang love story nyo. Pero tumambling ako nung nag- I love You too sya. Potah, bakit may ganun? Ang sakit. Ayoko na, kainis ka! Good luck na lang boi sa’yo. At kung aattend ka nga ng kasal nya, bibigyan kita ng tip.

    Pag tinanong ng pari kung sino ang tumututol, umeksena ka na! Guluhin mo ang kasal. – or forever hold your peace. haha. Gudluck! :]

  12. Aguy!! Sakit bah… Teh, wala man ko kabalo sang love story guid pero ma comment lang ko ah. Hehe.. Nayugit man be ko sa comment ni Mel sa babaw.. “MIRISI!!!”…

    Aww.. don’t you worry. The right woman will come. Pero in the meantime, tsakto na.. tagay lang. Join ko, pwede? LOL..

    Dumaan po dito at nagkomento.. =))

  13. balik ka manila, tara itagay na yan!!!

  14. Ahak mn ng bayhana oi! Ikakasal na sya tapos may i love you pa syang nalalaman. Move on, manoy! Move on!😉

  15. Panira talaga ng moment yung paksheyt dun sa taas!!!!!!! nakita na ngang nag-aalabyuhan sina basya at popoy ey eextra pa ng status-status. Kung ako, tatanggalin ko na lang sya sa friends list!

  16. tangena pre, nakarelate ako dun ah…amp. ganyang ganyan din pakiramdam ko nun sa office habang may kausap na customer at nabasa ang text ni GF na may iba na xa:(

    pinagkaiba lng natin, ako di ko napigilan lumuha, aun nawindan TL ko sakin…hahaha…di nya alm kung bakit e! :p

  17. hahahaha nilaag na pod ko diri maldito kay sure ko makakatawa ko. ug nakakatawa jd ko. but i know kung unsa ang imong gibati nga sakit. i experienced it before.:( makakita pa lagi ka ug lain.mao nay gi ingon nga di to cja para nimo. ug sa dihang ahong na confirm nga isa ko sa mga disabled.hahahaha

  18. Wait, may puson ka? Ano nga ule sa inggles ng puson? Malapit yun sa pusod diba? Punyeta ang hina ko talaga sa anatomy.

    Gusto ko ren ma experience lumablayp sa overpass. Kase parang ang romantic. Yung tipong may mga snatchers sa likod mo, may rugby boys, may bangketa manangs, pero ikaw kilig na kilig. Sarap.

    Bakeeeeeet, cute naman ang camel ahhh?!

    Tara inuman! Hutahena. Aattend ka pa ng kasal, baka ma tempt sya mang iwan ng groom on the spot! Pero mas matatanggap ko pa kung nahumaling sya sa camel! Hihi. Gusto ko ng pet na camel.

  19. tama umattend ka ng kasal. suot ka ng tuxedo at unahan mo yung grrom na sumundo sa bride papuntang altar. ahhahaha!

    wag mo sabihing magiging kabit ka pa nyang ex gf mo? nakunaman. yang I love u 2 na yan ibig sabihin gusto nya makadalawa. malamang memorable talaga ang aparador.

  20. ganito rin naramdaman ko dati sa ex ko for 5 years… me asawa na sya at me anak pero me mga pahabol pa ng paglandi sa akin. panalo talaga mga post mo! woooot woooott!😀

  21. ayan kasi, nag-ilabyu ka. in-aylabyu tu ka tuloy. hehehe. alam na ngang ikakasal na. oks lang iyan. =)

  22. at least alam mo na mahal ka pa rin nya dba? na kahit ibang lalake ang pkakasalan nya, part of her heart still belongs to you. gnyan tlga ang love. IT HURTS.

    and if you wanna stop hurting, bottoms up!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: