The Great Maldito

Thou shall not bitch

Ganador

Buong linggo na akong walang gana. Parang naubos na ata enerhiya ko sa kaka-partey noong nagpyesta ang mga patay at bumalik na sa null ang bibo level ko. Yung pakiramdam ko may gusto akong hanapin pero hindi ko alam kung ano, sino o pano.

Tinignan ko brief ko kanina at baka may bahid na ng dugo ito. Nagbabaka sakaling pinagtripan na naman ako ng Diyos at binigyan ako ng regla. Normal naman. Mabuti na yung skidmark ang makita keysa sa bahid ng regla. Matrutrauma ako ng major major way.

Kaninang umaga nadatnan ko ulit si caroline na naglalaba. Pero ngunit datapwat however, imbes na ilabas ko ulit ang mga malilinis na pinggan, kutsara, tinidor, kaserola at electric fan para hugasan, dumiretso ako sa kuwarto. Nagkulong ako, humiga sa kama, hinagkan ang unan at lumuha ng isang beses. Joke lang. Nagsalsal talaga ako sa totoo lang. Joke ulit.

Ano nga ba ang nangyayari sakin?

Pumunta ako ng pantry para kumain sana. Pagpasok ko, tinignan ko lang ang mga malalamig na ulam. Masarap naman siguro. Pero wala din akong ganang kumain. Tinignan ko nalang ang adobo, nginitian, tumalikod at lumabas. Ganyan ako, imbes na tao ang ngingitian, ulam ang nginingitian. Atleast, hindi sila magsisigawan na manyak! Manyak! Pag nagsmile ako.

Nakakabadtrip din ang mga bagong tindera.

Ako: Miss, one rice please.

Tindera: Isang rice sir?

Ako: Hindi. Isang butil lang ng kanin.

Potah lang.

Nextweek, training ako buong linggo. Bagsak kasi ang metrics ko. Nagtatanong nga yung supervisor ko kung ano ang problema sakin. First time ko kasi bumagsak sa mahigit isang taon simula ng mapunta ako sa bagong account. Hindi naman pwedeng sabihin na nawawalan na ako ng ganang magtrabaho, at baka sampalin ako ng stapler. Pero yun nga ang rason kung bakit hindi na ako top performer. Chos!

Nag apat na taon na tong domain ko. Hindi ako nagpost tungkol dito kasi naman wala namang taong bibigyan ng importansya ang isusulat ko. Eh ano ngayon kung blogsarry?  Buti pa nga ang spams, nagcoccoment. Kasabay ng blogsarry ang pag-eexpire ng domain ko. Wala na akong pambayad para dito kasi kahit kaluluwa ko’y nakasanla na sama mo na rin ang 1/4 part ng nipples ko.

Kaya kung bigla nalang natigil ako sa pagsusulat, wala ng updates at bumalik na ang link sa wordpress.com,  isipin niyo nalang,

Wala siyang gana.

Single Post Navigation

23 thoughts on “Ganador

  1. Going to hiatus na ba?

  2. Ngayon ka pa nawalan ng gana kung kelan naman nagtu-tour ka na all across the Philippines para i-meet ang mga fans mo. LOL

  3. sus! ke wordpress o sariling domain man ‘yan, magbabasa pa rin ako ng kung anu-anong shit mo, biatch! happy 4th blog beerday! at hindi ako naniniwalang joke lang ‘yung pagsalsal mo pagkatapos mong makita ang alindog ni caroline. nagjakol ka talaga, period.😄

  4. lagot na, papano na lang na? waay na kami bantayan??

  5. we all encounter that kind of shitty situations sometimes. i hope it’s only temporary…

  6. tatandaan namin.😀

    Kabadtrip naman ang bagong tindera hahahaha.

  7. Lagi na lang walang gana.. puro na lang walang gana… mag Enervon ka idol!!! Subukan mo baka umepekto ang gana-formula!!! hehehe!

    Take a break have a kitkat!

  8. try nyo po kya ng enervon.. para always kayo happy at alive.. hehehe

  9. weeee…. ang saya din…

  10. sino si caroline? nahuhuli na ata ako sa balita.

    anyway, 4 years ka na pala sa blogosphere manoy? ang tanda mo na pala! happy blogsarry!

    teka magkano ba yang domain mo? tingnan ko kung may barya ako dito baka puede ako na magsponsor. chos! di nga, sabihan mo ko.. tingnan natin.😉

  11. Magkakagana ka din ayy.. Imposibleng pabayaan mo tong sikat mong blog. Nakanaman. Haha. Panu na lang kaming mambabasa mo? Baka nawawala lang ang libog mo sa madaming bagay. Pasasaan ba’t babalik din yan. haha.

  12. Bakit hindi mo i try ibenta ang 1/4 ng pubic hair mo? Pambayad den yan!

    Anyways, naalala ko yung pinsan ko na bumili ng pagkain sa tindahan ng tapsilog.

    Pinsan: Isa ngang Tapsilog
    Tindera: Kakainin? (Ibig sabihin ata nya kung dun kakainin, inexplain ko para sa mga gaya kong tanga sa mga ganyang bagay. Haha.)
    Pinsan: Hinde, tititigan ko lang.

  13. Mag-Yakult ka kasi. Yakultyakultyakult.

  14. haha sanla mo na lahat ng nipples mo.🙂 sama mo na rin yung mga buhok sa gilid

  15. maligayang ika-4 na kaarawan sa iyong blog!😄 lilipas din yan, next week may energy ka na ulit..

  16. naku magsasara na rin ba ang blog mo? sayang naman at ngayon ko lang nasubaybayan to. maligayang ika-apat na taon sa mundo ng blogosperyo kaibigan!

  17. pstttttttttttt huwag kang ganyan dodong. huwag mong hayaan na mag expire ang domain mo.maging magana ka plagi pra sa mga fans mo.hehehe

  18. happy 4th blogoversary sir!
    kung walang gana baka may bulate, mag combantrin ka sir hihihihi

  19. may time talaga na ganyan. mawawalan ka ng gana. time to look for another job? hehe.

    kung bumalik ka man sa wordpress, keber, sabihan mo lang ako. kahit medyo tatamad-tamad na rin magblog at magbisita, bumibisita pa rin. hehe.

  20. MALL TOUR KA NAMAN DIYAAAAAN
    sorry na ulit hindi ako nakapunta
    nung nandito ka sa manila
    saka naisip ko
    kahit gaano kadaming reklamo ko tungkol sa trabaho
    hanggang reklamo lang pala ako
    yaan mo makakakita rin tayo
    ng mapapangasawang mayaman😀

    sa iba ka kasi may gana
    letse ka
    :))

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: