The Great Maldito

Thou shall not bitch

How I met Brian

May mga taong kahit na wala namang gaanong ginagawang masama sa atin ay pinag-iinitan natin ng ulo. Kahit simpleng anino lang ang makita mo, tipong sasaksakin mo siya ng cotton buds hanggang dumanak ang tutuli sa tinubuang lupa.

Covering the 6 inch pout. Para lang platypus na nag head gear. Joke~!

Kagaya ni bryan. Classmate ko noong highschool. Pangalan palang, napapaluha na ako ng mainit na tear drops. Ganyan ka grabe. Ganyan ang pakiramdam ko noong una ko siyang nakita. Umiitim yung budhi ko pag nasa background siya.

Maliban sa pouty lips niya na about 6 inches, yung hindi ko gusto sa kanya ay yung nagmamarunong sa lahat ng subjects. Kakompetensiya ko siya sa top 5 sa classroom. Eh di ba, ang hirap na nga makapasok sa top 5 tapos eepal pa siya? Maglaslas nalang kaya siya? Wala siyang karapatan magkaroon ng edukasyon. Joke.

Saan talaga nagsimula ang hidwaan naming dalawa?

Minsan, nagbait-baitan ako. Exam namin. Eh di ba matalino ako?  Echus. Umupo sakin si Duffy Duck (oo, tawag ko sa kanya). Syempre, matalino ako. Kailangan ulitin ng dalawang beses. Sa madaling salita, umupo siya malapit sakin para mangopya. Minsan, nagtatanga-tangahan din ang mga matatalino para maranasan kung ano ang feeling ng mga bobo.

Pinakopya ko. Ang pait pala ng lasa pag bobo ka.

Noong nag exam kami ulit, may isang equation na nakalimutan ko sa algebra. Ang potah! Ayaw mag share ng sagot. Tinakpan talaga ang papel gamit ang kanyang nguso.  What the pack di ba? Nguso palang niya pampabakod na.  This is not fair.  Inabuso ang overall well being ko. Kaya nagtanim ako ng galit. Nguso niya ang nilagay ko sa pag plot ng graph.

Potah siya ng apat na beses. Attitude?! Artista ka kuya? gago.

Simula noong araw na yun, uminit  ang kompetensiya sa apat na sulok ng classroom namin. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kasi sinira niya ang tiwala ko. (san banda?lols). Ayoko lang na niloloko ako. Kasi kung para lang sa kanya, kaya kong buksan ang impyerno.

Walang araw na hindi ko siya inaaway.  Siguro kung may diary man yun, alam ko ako ang unang tao sa listahan niya na nagpahirap ng high school life niya. Actually may attitude talaga ang gago na yun. Kaya kung magalit man si Papa Jesas sa ginagawa ko, eh di dapat niya din pagalitan si Duffy duck? Minsan naaawa naman ako ng kunti, mga 10%, pero nawawala talaga ang awa ko kapag siya na ang sumasagot.

Kasi ba naman, confidence ang potah kahit na mali ang sagot. Tanungin ba naman ano ang primary product ng northern region, sagot ba naman marijuana.  Pasok ko kaya siya sa bote gawing fetus ng bumalik ang utak niya dito sa planetang earth? Kahit kailan hindi ako hihingi ng tawad ng pangbwebwesit ko sa buhay niya.  Nag eenjoy kasi ako. Wahahahaha. (Tawa ni romy diaz).

Nitong nakaraang araw, nakita niya ako sa facebook. Ininvite pero hanggang ngayon hindi ko inaaprove.  Kever. Papresyo much? Na shock lang ako na sumasakay na pala siya sa barko. And so I say, hindi ba delikado ang ship nila eh hindi nga marunong mag graph ng nguso niyan sa algebra? Joke lang. I’m happy for him. Yaya kutsilyo nga!

Kung magkita man kami sa reunion, sisiguraduhin kong naka move on na ako at wala na totally ang galit ko.

Patalbugan ng gas mask. Ako with my ever sweet eyes. Pag-aalsa ng sariling sofa ang tawag dito.

 

Ok fine. Dahil xmas na, papatawarin ko na siya.

.

.

.

.

.

.

.

.

YAYA!!Ang potangenang kutsilyo san na baaaaaaa!!

 

 

 

Moral of the story: Keep bitching losers. Malay niyo, magiging seaman sila sa huli. Ikaw pa ang rason bakit nagtagumpay sila sa buhay.

 

 

Single Post Navigation

48 thoughts on “How I met Brian

  1. hahahaha grabeh tawa nako…baka naman mas gwapo yang si duffy duck…

    Ok fine. Dahil xmas na, papatawarin ko na siya.

    .

    .

    .

    .

    YAYA!!Ang potangenang kutsilyo san na baaaaaaa!!

  2. matinding galit… hmmm….

  3. hahaha – hindi ka naman tunog bitter nyang lagay na yan ha… lol😄 malapit na naman ang pasko na eh, patawarin mo na. hindi ka mabubuhay ng maligaya kung may poot ka sa kapwa (chos!)

    pero gantihan mo muna ulit bago mo patawarin, next month pa naman ang pasko.

    dali, call yaya very quick, kutsilyo bilis!!!😄

  4. kiko Maximillos on said:

    waaaaaa… bitter much… pero dami ko ring klasmyts na ganyan tapos last part sa akin parin nakahawak grades nila nangongopya parin eh… pero ginawa ko nlang hanapbuhay para naman wala akong consensya kung mali ang ibigay ko… may bayad sila paki ba nilang mali ang ibigay ko…wa hehehehe

  5. bago mo patawarin gulpihin mo muna tas pag di na sya makalakad saka mo sabihin na sige pinapatawad na kita!😀

  6. amazing haaahaaahhaaa!! ^_^

  7. visit my page dn bro….. ^_^

  8. Hahaha. Shet. Nakakarelate ako. Nung HS naman kasi may taong ayaw na ayaw sa akin kaya AYAW na AYAW ko din sa kanya with ALL CAPS. Haha. Ako pa ang titigan ng masama eh siya nga tong kutong-lupa lang sa section; Haha. Imba uling pa. Tapos makikita ko na lang sa FB eh nasa Ameirica na? WTF?! Siya na successful. Haha.

  9. LOL! Siguro kung naging magkaklase tayo nun eh baka magkaaway din tayo. Hindi din kasi ako nagpapakopya. Nyahahaha!

  10. Teka, ikaw na nga ang nang-away sa kanya, ikaw pa ang nag-rant sa blog??? Di ba dapat sya ang magblog at maghinanakit sa pang-aapi mo sa kanya hahahaha.

  11. ang itim itim ng budhi mo. Wait lang dedelete na ita sa facebook ko at sa blog roll wala akong friend na maiitim ang budhi.

    JOWK!

    Patawarin mo na si brian mag 2012 na…LOL

  12. Kunwari daw galit, eh feeling ko mahal mo si Duffy Duck. Aminin mo na. Nag-alay ka nga ng isang entry para lang sa kanya. ANong tawag mo don? Eh di, pagmamahal! Nyahaha

  13. walang bakas ng muhi ang post na ito.. at walang kaemo emosyon.. hahaha eh sa hugis pa lang ng mukha nya nakakainit na ng ulo eh, bakit ba.. haha meron ako dating kaklase na hiningan ko ng sagot kasi malakas magmemorize at tipong alam na alam na pagdating ng exams.. eh swerte ko, katabi ko.. un pala eh nininerbyos na kapag exams na.. hayun, ako ang nagpapakopya.. haha

    • anong year yan kooya? ahahaha..joke lang.
      belib talaga ako sa mga tao na ang husay mag memorize….iwan…mas magaling siguro ako visually..pero memorization through words? hindi..lalong lalo na sa numbers…thats sht.

  14. potek naalala ko tuloy yung kaibigan ko dati na si dodong scarface. dari rati eh tinatakpan lang namin sya kapag nagtitikol sa classroom pero ngyon nasa saudi na at naliligo ng salapi. haha! ibang klase naman pala talaga dumiskarte.

    anyways, matuto kang magpatawad. baka naman mali din sagot nya kaya ayaw nya ipakopya sayo. ayaw ka nya mapahamak.

  15. sus! eh seamanloloko lang naman ‘yan. ako nga eh mas pinili pa ni dude kesa sa seamanlolokong ex-boypren niya. hahaha! yayaman din tayo biatch, wag kang mainip! lol!

  16. Hindi ka lang pala henyo kapatid…bully ka pa. Apiiiiiir!

    at least may natulungan ka (in some way) sa pgiging bully mo…tignan mo nga naman, siya na ngayon si Cesar Montano ng Muro Ami.

  17. Ang nguso ni Bryan nagkayurak yurak na ang pagkatao kung may sariling buhay sya since ganon kalake pwede ma count as new species! Pantakip ng papel! Panalo!

    Eh ano nga ba ang primary product ng northern region? Boplaks ako sa ganyan. Akin na ipag ga graph nalang kita gamit ang makasaysayang nguso ni Bryan.

  18. patawarin mo na. ilang taon na ang nagdaan di pa makalimutan? naman.

    ako mahilig din mangopya, pero hindi lang pagpapakopya ginagawa ko, yung test paper/bluebook ko binibigay ko para makapangopya sila ng husay. hehe.

  19. haha.. tawa ako ng tawa sa post mo ahh… d halatang bitter.. lol..
    meron din kasi ako kakompetensiya nung hs.. nakikipagkompetensya sya sa akin pagdating sa math… pano kasi nung elementary naging competitor ko xa sa math quiz bee.. ako nanalo… ayun, naalala ako.. haha.. iniway ko din xa minsan at asar na ako.. pero prens namn na kami ngaun.. lol..

    tama nga namn, magpapasko na.. hayaan mo n lng c duffy duck.. lol

  20. hahah same tayo as in. .Ganyan din yong classmate q, physics nmn yon! ggrrrr d nea talaga aq pinakopya but even though not, malaki parin ang score ko bleeee

  21. bitter na bitter. jokeee. =p

  22. balita ko pumunta ka sa manila a… ako galing ako last august sa cebu dapat itetext kita kaso diko alam number mo… hehehe!

  23. Dapat pinaputok mo yung labi e. Joke. Malay mo gawin ka pang best man niyan pag kinasal siya, kaya patawarin nalang🙂

  24. nice to read blogs again after two years.

    just want to drop by🙂

    http://www.facebook.com/laya.aquino

  25. Perstaym ko dito, at lekat! Sobrang nakakatawa. Kamuntik na kong malaglag sa upuan habang binabasa ko itong sinulat mo.

    I have to agree, may mga tao talagang ganyan. From head to toe, eh nakakairita. Minsan nga kahit wala pa silang ginagawang masama sa ‘yo, makita mo lang ang isang strand ng buhok nila, inis na inis ka na. Pero dahil di ako mahilig sa gulo, mananahimik na lang ako.

    Kamusta na kaya si Brian ngayon? Hahahaha!

  26. Pingback: Favorite Posts All Over the Blogosphere | Vajeegum

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: