The Great Maldito

Thou shall not bitch

The Lily Allen in us

Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan. Bagay na gusto man natin minsan ibahagi sa iba, hindi natin magagawa. Just a mere thought of it brings back the terror of the past. So we chose to be silent.

Charing. Napa-english ng kunti.

It was a fine summer of March 1994. Kasama ko sa dalampasigan ang negra kong pinsan habang dala-dala niya yung pakwan. Para na siyang chocolate crinkles sa sobrang bilad sa araw.  Family day parati ang lingo naming noong unang panahon, noong hindi pa naubos sa kakamatay  yung mga mayayaman naming kapamilya. Unfortunately, hindi ako kasama sa last will and testament.

Mahal ko ang dagat. Yung alon para lang koneksyon ng kaluluwa ko at yung buhangin ay isang parte ng katawang lupa ko. Yes, ganyan lang kasimple kung mag inarte.

Umupo kami ng pinsan kong chocolate crinkles sa dalampasigan habang panay ang kagat niya sa pakwan na halos balat nalang ang natira. 8 years old palang ako noon. Maamo, mabait, simple, malinis ang puso, birhen at walang bahid ng kasamaan. Totoy na totoy at kahit anong oras pwedeng molestyahin ng mga dayuhan. Potah, ang pokpok ng dating.

“Tara ligo tayo” sabi ng Gigi (si chocolate crinkles) habang hinihila ako para maligo.

Malakas ang alon noon pero wala namang bagyo. Naeenjoy ko ang dagat hanggat alam ko na ang paa ko ay nakaapak parin sa buhangin. Ayoko ng bato, ayoko ng sea weeds, ayoko ng putik. – Maricel Soriano.

“Insan, ang lalim na nito. Balik na tayo please” ang sabi ko habang naiihi na ako sa pekpek shorts ko. Hindi naman halata sa tubig na umihi ako.Yung potangenang crinkles, nag eenjoy habang nakikita akong nahihirapan sa paglangoy aso.

Nagsimula akong mataranta. Nakainum ako ng ke rami-raming tubig. In a split second (weh?) dumilim yung paningin ko. Yung  huling naramdaman ko ay hinihila ako papuntang dalampasigan ng isang lalaki. Akala ko napuno na ng tubig alat yung lungs ko.

Buhay pa ako. In fairness, may dugong tilapia ata.

Simula noon, hindi na ako sumasama sa pinsan kong chocolate crinkles tuwing family outing. Masaya na akong nasa dalampasigan lang na nagbibilang ng buhangin at gumagawa ng sand castle sa tugtug ng kastilyong buhangin ni Tito Basil Valdez.

Sobrang takot na ako ngayon sa dagat lalong lalo na sa parte na saan alam kong sobrang lalim na. Yung hindi mo na makikita kung ano ang nasa ilalim. Minsan, nasabi ko sa sarili ko na kung meron mang rason na mamatay ako, siguro yung dahilan na yun ay tubig. Naging masaya naman ako kahit na hindi ko kayang pumalayo sa dalampasigan.

Sabi nila, ang tanging bagay na dapat nating katakotan is the fear itself. Kahit saan naman ay may mga bagay tayung dapat katakotan. It is always there, though may differ in shapes, form or time. Hindi naman mahirap tumalikod at kalimutan kung ano man ang kinatatakutan natin sa buhay. Kaso, sa sobrang iwas natin marami tayong bagay na nakakaligtaan at nakakalimutan. Mga bagay na hindi natin namamalayan na dumaan na pala sa harapan. Sa sobrang iwas ko sa takot ko, unti-unti kong binaon sa limot ang pinsan ko na pinaglihi sa uling. And shes the only big sister I have when I was still a kid. And i chose to ignore and forget her.

I guess, its time to face my gruesome fear.

But with life jacket of course.

Ikaw ano ang kinatatakutan mo?

PS: Lily Allen was the one who sang “The Fear” which is supposed to be the blog title. Mapauso lang.

Single Post Navigation

32 thoughts on “The Lily Allen in us

  1. I can’t swim pero hindi ako takot sa tubig, as long as may life jacket. I don’t fear death, in fact I anticipate it. Char! I don’t know what my fear exactly, I guess losing the people I love would break me.

  2. pareho tau idol takot din ako sa tubig kasi muntik din ako malunod nung bata pa ako. Kaya di na ko natuto magswim like a fish heheh! Pero lately dahil sa mga paggagala namin nasanay na akong mahalin ang bitch este beach… pero still struggling to learn how to swim… Sumisid kaya ko na hahaha!

  3. Ako din nalunod na literal sa Puerto Galera, 4 years ago. Pero sadyang di pa yata ako kukuhanin ni Lord, since ang masamang damo mahirap yata talagang mamatay. Pero kung yung kinatatakutan ko ngayon, eh yung mga gagambang malaki na kadalasang makikita sa banyo.

  4. at least nalaman ko kung sino si lily allen.😛

  5. ang linaw ng tubig. sang banda ‘yan? boracay? lesgo lesgo!

    dapat nilublob mo rin sa putikan si gigi nang magkita kayo ule. lol!

  6. takot ako sa dagat kasi gusto ko naka-apak ako sa lupa.

    Takot naman ako sa manok. Naphobia ata ako noon.

  7. alam mo ba kaya ko toh binasa dahil sa LILY ALLEN na title.. at habang nagbabasa ako nagtatanong ako, “nasana na kaya si Lily allen”

    buti nagpaliwanag ka naman..

    at alam ko di mo ko kilala.. pero hayaan mo na.

  8. weee.. ang saya….

  9. taena tawa nanaman ako ng tawa dito.

    Gusto ko ung part na may realization kembot ka pang nalalaman sa post na ito. At the end of the day nag sama kayo ni Miss Uling from africa para tumalon sa may tubig pero baket parang hindi na sya kulay uling ngayon. Amputi kaya nya…

  10. Ako ang kinatatakutan ko eh… wala na siguro. Ay hindi, meron pa, yung mamatayan ng mga mahal sa buhay. Yun lang. Emotero ka rin eh nohhh! Apir.

  11. ang ganda naman ng tubig dyan, kuha mo ba yan?

    takot akong tumanda. alam kong darating at darating ang lahat doon, pero, gusto ko lang talaga manatiling bata at malakas forever.

    sinisi mo pa yung pinsan mo, if I know ikaw naman talaga ang nag-aya sa kanya (haha – juk lang)😄

    • hindi ko kuha yan…ako yang guy na tumalon sa tubig. he he he..thats the sea between cebu island and bohol…ang ganda diyan…yun nga lang hindi ko na eenjoy pag island hopping…alam mo.takot parin sa tubig.ha ha ha

  12. Ako kinatatakutan kong malibing nang buhay, kaya umiiwas-iwas akong tumambay sa mga bangin. Medyo takot rin me malunod kasi masakit sa lungs! (literal) Although mahilig akong sumisid ng mga perlas.

  13. nawala yung comment ko ampota!

    try mo din sa bohol..malapit na lang pala yan dyan sa inyo eh. magpaanod ka na lang tutal eh nakalifevest ka naman. tipid na rin sa pamasahe. haha!

    dito nga pala kami nagstay. http://www.coronhilltopview.com/

  14. hmmm. di ko alam, wala na ata akong kinatatakutan ngayon. di na ako takot mamatay. hehehe

  15. Parehas kami ng takot ni Glentot. Ang malibing ng buhay, mahiga sa kabaong ng alive and kicking ka pa o matulog sa hinihigaan ng patay sa morgue. Fvck! I’ll die. Haha

  16. takot ako sa ferris wheel, kainis kahit anong gawin kong try d nauubos takot ko hmp!..i love dagat…pero takot din ako sa malalim hehe

  17. Akala ko yung F*ck you ni Lily Allen. Hahaha. :))

  18. i love lily allen! hehe.

    ako i love the beach! mahilig ako magswim. pero ang bagay na kinakatakutan ko? (okei, hindi sya bagay) butiki. sobra. mishu maldits!

  19. lab namin dito sa bahay si lily allen!

    parang interesting na tao ang pinsan mong si crinkles… akalain mong tumawag sya ng tulong para mailigtas ang isang kumakaway-kaway na batang muntikan nang di nagba-blog ngayon? hi,hi…😀
    sabagay, kamo nga ay larawan ka pa ng kawalang-muwang noon.

    sarap tumalon sa dagat. nakakatakot lang pag sinlaki ng malls ang alon. :]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: