The Great Maldito

Thou shall not bitch

Ang Diary ni Inday

Author’s note:

Checking on my blog stats, na notice ko na may ilang readers na galing sa endaymo.blogspot.com and a few searches of “inday”. Naalala ko bigla na dati akong katulong. Joke.  The blog is dormant, but I knew that she voted me few years back for the Philippine top humor blogs ni Badoodles. Naalala ko rin na braso sa braso ang labanan namin ng Blog ni Inday (iba to, which is still active anyway). At higit sa lahat, naalala ko na gumawa pala ako ng series of fiction stories about Inday, entitled “Ang Diary ni Inday”. Due to unforeseen events that led some readers to know my identity, I put all the previous post to private.

I love making short stories. Kaya ito na naman, I will bring Inday back to life again. This time I promise, I will make it as a trilogy. Lols.

***********************************************************************************************************

Dear Diary,

Malungkot ang sky sa araw na ito. Tila nagdadalamhati sa pag-alis ko dito sa barrio Makipot papuntang Manila para magtrabaho. Ngayon din ang araw ng libing ng Tiyo Kardo ko. Gusto ko sanang ihatid siya sa huling hantungan niya, pero conflict sa flight ng barko. Kaya nagdesisyon nalang ang buong angkan at barrio na ihatid muna ako kasama ang malamig na kabaong ng tiyo sa daungan bago ideretso sa nitso. Ang saya-saya  dear diary. Lahat ng pasahero sa port nagtitinginan samin. Nakakahiya naman sa terminal fee.

Let me allow myself to introduce me to you dear diary. My name is Sheena. Ganda di ba? Kung tatanungin mo naman ang kompletong pangalan ko(sige na, tanong mo na. Potah kinakausap ko na sarili ko). My name is Sheena B. Potik. Nahihiya akong sabihin sayo ang middle name ko. Magmula kasi noong kinder ako naging laughing fuck, I mean laughing stock na ako sa skul.

Sa totoo, my name is Sheena Bogsa Potik. Katunog ng sinabog sa putik pero hindi naman siguro sinadya ng parents ko na maging katunog niyan ang name ko di ba? Sa pagkakaalam ko mahal ako ng parents ko kahit na minsan niligaw nila ako sa forest na parang pusa. Sabi ng tatay ko maglalaro lang kami ng tagu-taguan sa Mt. Apo pero buong araw na akong naghanap hindi ko siya mahagilap. I came back home pagkatapos ang 7 taon tapos ako pa nga ang nag-sorry sa kanila. Pinatawad naman nila ako fortunately.

So just call me Sheena.

Umiyak ang kalangitan habang papalayo ang barko. Unti-unting lumiliit ang pantalan habang kumakaway ang family ko. Sa sobrang kaway nila, nahulog ang kabaong ni Tiyo Kardo sa tubig. Nataranta ang lahat. Nagsigawan. Kawawa naman ang patay.

Kagaya na ako ni Tiyo Kardo. Patay pero yung memories niya ay mananatili sa bawat taong nagmamahal sa kanya. Kalahati ng katawan ko ay mananatili sa barrio makipot habang ang kalahati ay mawawala sa usok ng maynila. Malungkot, parang pumanaw lang ako. Littlerally.

Baon ko ang ala-ala ni Dodong na naiwan sa barrio. Kailangan kong gawin ito kahit labag sa kalooban ko. Mabubuhay parin sa ala-ala ko ang mga tamis at hapdi na dinanas ko sa ilalim ng mangga kasama si Dodong. Yung hagikhik, yung mumunting kagat dito, kagat dun. Malandi pa talaga ako sa pinakamalanding higad na nakatira dun sa punong mangga. Pakiramdam ko, I am with myself  when I’m with dodong. One time, sinabi ko sa kanya niyan. Sinapak ako kasi akala niya iniisulto ko daw siya. Bobo talaga tong si dodong sa english. Pero OK lang, sabi ko sa kanya I can be hurted anytime, anywhere.

Kailangan ko nang tapusin muna to dear diary. Nakalabas kasi ang manok na pangtinola sa bayong na padala ni tatay. Hindi rin pala pwdeng maglaba dito sa superferry.

Xoxo,

Inday.

Single Post Navigation

46 thoughts on “Ang Diary ni Inday

  1. Haha loves it. Aabangan ko ang trilogy na yan and I hope na sa waratan at barurotan mauwi ang kwento ni Inday…

    At least may pakinabang si Tiyo Kardo… naging pakain sa fishes…

  2. Haha!I love it! Sumakit pangil ko sa katatawa!Hehe!Haha!

  3. naalala ko pa tong series na to. haha! dinugtungan mo pa parang galing din ba sa libro ito? tapos magkakaron din ng movie adaptation parang sa harry potter? katakot! hehe!

  4. trilogy ito ano? apat ba yun?

    resrve ko na lang comment ko pag tapos na hihihih

  5. si tiyo kardo ba ang may hawak ng diary? hehehehe

  6. Hahaha! Gusto ko subaybayan to😀 … para lang yung mga bastos na subaybayin sa dyaryo!

  7. Wait, anonymous blogger ka ba? Akala ko keber lang na may makakilala sayo since nag post ka na ren ng Facebook page mo sa isa mong post. Gusto ko mabasa yung mga lumang kwento mo tungkol ke Inday. Haha.

    ‘Let me allow myself to introduce me to you dear diary.’ Tatlong beses ko to binasa! Winner! Littlerally. :))

    • Oo anonymoys ako vajarl.hindi lang masyadong noticeable..ahahaha. Hindi, kasi tinamad ako sa kaka sort out ng mga post na dapat kung i private…kaya yung mga posts starting dec 09 below nilagay ko sa private..di ba…tapos agad.lols.. wag na..masisira ang flow ng story pag binasa mo yun…. salamat..

      PS; Nainngit ako sa EB niyo.

  8. Littlerally.Hahaha! Wala na akong masabi, ang galing lang talaga. =)

  9. hahaha… waaaaa love it… sana di na matapos ang kwento ni inday… nyahahaha

  10. Wahahaha, lecheng Sheena Bogsa Putik yan! Kakainis ka Malditz! Bakit hindi ka sumali sa LitWit Challenges ni Jessica Zafra? jessicarulestheuniverse.com. Hindi naman kasi english only ang entries dun, kahit saan ka comfortable, and I’m sure magti title ka dun. Looking forward to the rest of the Inday trilogy, magandang hapyaw ito. Muahness from Pasig Citehh! Mabuhay ka!

    • Im shy eh…hhaha.arte lang ang potah. Di nga, akala ko kasi dapat english dun.Natatakot kasi ako magsulat ng english kasi marami ang hindi makakaintindi…ahaahahhaa. try ko momel! hi hi hi…pero nagbabasa ako kay jessica matagal na..silence lang ako.

  11. tanong: hindi ba aswang si inday at nagawa niyang iwan ang half ng katawan nya ba yun? ahahahah paki tanung nadin kung totoong parang langgam ang mga tao pag nagflight ka sa barko? oy hindi daw mahina si dodong sa english panu mkaself si inday hindi niya daw sinama si dodong sa sarili niya? anu daw ahahahah well anyways ganda wala akong masabi hahaha hindi naman masyadong halata diba? hehehehe papatnubayan ko tong diary ni indey :p

  12. iskeri naman na inihatid si inday with her tiyo…. nakakatindig balahibo

  13. ooh. nabasa ko yung mga post ni BLOG NI INDAY. medyo maganda din yung mga post niya. nwei, natatawa ako sa post na to. hahaha. ang galing lang kasi ng pagkasulat, parang walang ka effort effort. ang galing lang talaga.

  14. Ikaw naaa writer. Haha. May bago akong susubaybayan. Haha. Ngayon lang ako nakabasa ng Inday mo. Ikaw na mahusay. Haha.

  15. tumatawa ako ako ampotah! Tumalsik ang buto ng kamatis sa bibig ko habang kinakain ang baon kong tinapa. Puta ka! Seriously, ALABEEEEEEEEEEET!!!!!

  16. alam ko na ang kahahantungan ng kwentong ito, dear diary. magiging bilasa ang tilapia ni inday sa maynila. littlerally.😄

  17. Nakikini-kinita ko ng mala-Xerex ang magiging takbo ng istorya na ‘to. LOL!

  18. LOL…potah, muka akong sira tumatawa ako mag-isa dito.😄

    sabi niya sa diary call me sheena, tapos sa signature inday sya. labo ni inday.

    di ko nabasa yung lumang inday series mo, idescribe mo naman si inday next time, yung looks nya para mapicture ko naman itsura nya.😄

  19. Nakalimutan kong si inday nga pala ang nagsusulat sa diary. Kamuntik ko nang i-correct. Sana tuloy-tuloy mo ang kwento ni inday … naiinspire ako sa kanya wehhehehe

  20. be waiting for the next………….littlerally🙂

  21. aantayin ko ang movie adaptation nito. feeling ko si carlo j kaparas ang pwedeng maging director. si eugene domingo si inday. at puedeng ikaw na manoy si tiyo kardo. siguradong, mananalo ka ng acting award… best single performance for a dead playing role. nyak.

  22. haha. alala ko pa tong si inday. sige, ituloy mo lang istorya nya. like ko rin mga storya ni inday.

  23. hindi ang diary kooya jao…..hindi…suprise lang.ahaha

  24. hi. gusto ko yong intro – sky na nakiki-dalamhati. tapos, parang dolphy/vic sotto movie na ang gitna, hi, hi… pero, ganda pa rin ng ending, may saltik. parang alam mo nang may sequel, he, he…

    titingnan ko ang inday II kung patuloy bagang magdi-develop ang karakter ni inday. sa III kasi, modernang-moderna na sya, ha, ha…😀

  25. kakaloka naman ang diary mo maldito. pero pareho lng ang Diary I and II, kaya ayusin mo yan pra kompleto ang tawa ng mga fans mo.hehehe

  26. kaenjoy magbasa ng gawa mo….keep it up

  27. wow ang saya naman tumambay dito sa blog mo . . . galing . . .

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: