The Great Maldito

Thou shall not bitch

Voce Existe En Mim

Ilang beses mo na bang nasaktan ang mga magulang mo? Malamang hindi mo alam. Kadalasan, hindi naman talaga sila nagsasalita para ipaalam sa atin.

Sometimes being alone is a gift (Take not that alone is not the same as being lonely). It’s a time to hear more of your self and weigh the things around you. It’s a precious moment to know what your heart really want.  Sa totoo lang, mas naeenjoy ko ang oras pag mag-isa lang ako. Hindi naman problema sa personality to since I get well along with other people parin when I’m out in the social.

Marami akong natutunan sa isang buong araw na paglakbay ko papuntang bundok ng Janiauy (Ha-ni-way), Iloilo. Maliban nga sa imahinasyon na kasama ko si Nene sa palayan habang tumatakbo at naghaharutan tapos gagahasain ako ni Nene sa tabing ilog habang ang kalabaw ay naliligo sa sapa, I have found peace and the wisdom to accept things as they are. Kagaya ng pagtanggap ng bundok at kagubatan sakin, walang criteria. Walang bawal pumasok.

Sobrang cliché, pero aminin niyo, may mga bagay parin sa madilim na sulok ng utak niyo na hindi niyo parin matanggap. Kagaya ng pagtanggap na hindi siya para sayo. O di kaya mas maganda siya sayo at ikaw ay isang hamak na ampalaya na binalot sa lumpia wrapper. Na hindi mo parin mapatawad ang taxi driver na umayaw sayo dahil mukha kang gangster at binanggaan ka.

Buong highschool life ko ay nauwi sa pagrerebelde sa nanay at stepfather ko. Ayoko sa bagong tatay. Gusto ko si Manny Villar. Joke. Yung sa utak ko kasi, sapat na yung  isa na nawala. Alam ko kulang na ang pamilya, at kahit sinong lalaki man ang pumuno nito, hindi ito makakapantay o mahihigitan sa kung ano ang naiwan ng yumao kong ama. Sa madaling salita, napaka sakim ko.

Hindi ko man lang naisip na may kaligayahan din ang nanay ko na dapat niyang hanapin.

Kumakain ako sa chowking ng mag-isa nung kinunan ko tong picture. Inatake ng seizure ang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 25 and up. Yung nanay alam niyo kung ano ang ginawa? Tumayo, hinagkan ang anak habang yung luha ay nag-uunahan na lumabas sa mata niya habang ang anak ay tila nag wawaka-waka ni Shakira.

Sa totoo, na antig ako sa eksena na nakita ko. Buong pagkatao ko nalusaw. Ni hindi ako tumulong. Nandun lang ako sa lamesa, tulala, walang masabi at hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko. Nahalo nga ata ang luha ko sa sabaw ng beef wanton. Napaisip ako, matanda na ang nanay pero hindi parin siya napapagod sa pag-aruga ng anak niyang may deperensya. Hindi niya to kinahiya at sinama niya pang kumain sa isang mataong lugar. Ramdam ko ang pagmamahal ng nanay habang akap-akap nito ang anak, naghihintay na tumigil ang atake. Naalala ko ang sarili, yung mga panahon na binalewala ko nanay ko. Kelan ang huling yakap ko sa kanya?

Sakay naman ako ng jeep papuntang bukid kung saan tutuparin ko ang pantasya ko na maghabulan sa rice field kasama si nene, nakita ko naman tong mag-ama.

Hindi na makalakad ang batang babae. Kaya mula pagsakay hanggang bumaba sila, akay parin ng ama ang bata.  Nasabi ko sa sarili ko:

 

“Lord, pinagsisihan ko naman lahat ng ginawa ko sa buhay ko. Wag naman yung halos madurog na ang puso ko sa mga nakikita ko.”

Kita ko ang bigat ng pasanin ni Kuya. Kung napupuna niyo sa litrato, may mga sugat yung ama.  Napaluha ulit ako, hindi man lang hinintay ni Papa Jesas na magkaroon ako ng ulirat bago kunin ang tatay ko. Naiingit ako sa totoo lang, hindi ko na alam yung pakiramdam na meron kang tinatawag na tatay pag-umuuwi ka.

 

Pero sa kabila ng lahat, marami paring bagay na dapat kung pasalamatan. Buo yung katawan ko, wala akong waka-waka moments. Totoo ngang life is unfair, but it doesn’t mean we have to dwell all our lives to its unfairness.

 

On that day, I have learned to accept my mom. May pagkukulang siya, I know. Dahil hindi naman natin mapipili kung sino ang gusto nating maging ina. Wag kang ambisyoso.  Pasalamat nalang tayo na hindi tayo tinapon sa ilog paglabas natin sa sinapupunan nila.

 

Wala tayo sa lugar para magalit sa mga magulang natin. Dahil sa kabila ng maliit na kasalanan nila, wala yun sa haba ng panahon ng pag-aruga at walang sawang pagmamahal nila satin. Sila yung unan taong sumasalo satin tuwing nadadapa tayo, at kahit na hindi na tayo bata, sila parin ang huling pupuntahan pag nasasaktan na tayo.

 

Tanggap ko na ang step-father ko.

 

Single Post Navigation

28 thoughts on “Voce Existe En Mim

  1. weee…. i love my family…

  2. Kakainis naman eh. Ayoko na ng nalulungkot, dalawang linggo na akong naging malungkot nitong November. Tapos na yun eh, good vibes na ko, naiinom at naiyak ko nang lahat, tapos ganito? SYEETTT! NAKAKABURAT TONG GANITONG KLASENG PAKIRAMDAM! No offense, Malditz, ako lang yun. Kupal ako, at naiinis ako pag medio nalulungkot ako kaya dinadaan ko na lang sa all caps. BWAKANANG SYETT! TITEEHHHH!

    OA noh?

    Anyway, sa unang sulyap ay akala ko ikaw yung naka-blue na shorts. Madadaan yan sa terramycin at trosyd, kung yan ang problema.

    Pero sa totoo eh naalala ko si Mama sa post na to, Malditz. At naalala ko na sobrang grateful ako sa kanya dahil sa kanyang suporta, lalo na nitong nakaraang naghiwalay kami ng ka-live in ko for five years. Sinulatan kasi niya ako nun eh. At sinulat niya yung mga bagay na kailangang marinig ng isang bayot na gaya ko. At ansaya saya ko lang nung natapos kong basahin yung email ni Mama kasi hindi ko ito in-expect.

    Sometimes being alone is a gift

    Rakenrol ka dian bhie. Shoot na shoot ang explanation. Haysowlavet. Kampay natin yan minsan pag napunta ka rito sa (at muahness from) Pasig Citehh!

  3. parang sa mMk lang…nakakaiyak naman
    kahit the great maldito, lumalabas parin ang busilak ng iyong puso🙂

    Advance happy new year Maldito..iregards ko sa mga gwapo sa iloilo hihihi

  4. E di inuman na yan? Tagay na!!! Maligayang pasko sa iyo, sa iyong ina at sa iyong hakbang-ama at sa iyong buong angkan!!!!!! Yeheyyy!!!!!!

  5. Naantig naman ang puso ko, punyeta naman oh!

  6. galing, na-touch ako.. naiyak. ayokong isiping may maling nagawa ang mga magulang ko sa ‘kin dahil ayaw ko din isiping may mali sa sarili ko. i’d rather look at what’s good and its benefits and i thank my parents for not showing how hard it is. kung ano ako ngayon ay bunga ng lahat ng pagsisikap nila. mahal na mahal ko sila.. and the great maldito as well for a ripping article about the verity in living.

  7. Alam mo naman kung gaano ako naaantig sa mga pamily-slash-peyrents related posts mo. This is definitely no exception. Medyo nangilid ang luha ko habang andito ako sa office. Na-imagine ko na ako ‘yung nagsi-seizure at ‘yung Nanay ko ‘yung umiiyak. WAAAHHH!!!

  8. sign of aging!?hehehe…
    ngmamatured ka na malditz, kc alam mo nang unawain ang mga bagay na, minsan naging napakahirap para sayo na unawain.
    Merry Christmas!

  9. bumait ka ata ngayon maldits. sana di dahil pasko lang o dahil nakita mo yung mga nakita mo. maganda yan. nakakagaan ng loob.

    good vibes.

    merry christmas!!!

  10. this is the best blog I ever read so far….. andaming values ang nasagi….love of parents to his child, love of a child to his parents, appreciation of simple things, acceptance sa mga bagay bagay, and i say panalo talaga to….and i feel for the nanay, kasi its true, kung anuman yung sakit na nararamdaman ng anak, ramdam un ng nanay, at isang bagay na mapaparamdam ng magulang sa anak na anjan sila para sumuporta at para mas maramdaman ung love e yung yakap///hay, bigla ko namiss ang yakap ng mga anak ko..😦

    anyways, meri krismas…and thanks for this..really, one hell of a nice blog…worth reading..worth sharing……..ingatz!

  11. la-in kaayo ka dong. naka-emote hinuon ko. I hate you.

  12. for good ka na gid sa iloilo? good to know nga oks ka na sa stepfather mo.. and i think that’s going to be a blessing for all of you lalo christmas na tapos new year lapit na.. i think what you see around you are signs.. waay ko kabalo kung sa para sa diin nga signs pero im happy for your realizations.. nga swerte pa ta nga kumpleto lawas ta kay buot silingon, makaubra ta kag makakita sang maayo nga buwas damlag.. hehe kadalum..

  13. Alam mo bang natakot ako sa GoDaddy dahil sayo? Nireremind naren nya kase ako mag renew! Haha.

  14. I substitute mo nalang muna si Inday kay Nene. Naiimagine ko na kase syang nakikipag habulan sa palayan. Hihi. Malantod!

    Sa hinaba haba ng karanasan kong parollercoaster kasama ng ina ko (lumaki akong walang ama), naramdaman ko na siguro lahat ng pwede para sa kanya. Namura ko na sya. Nayakap. Napaiyak. Pero para saken kase, walang kahit na sinong pinalake para mag alaga ng magulang. Dyan kame nag kakataliwas ng paniniwala. Na malaking bagay para saken. Naniniwala akong wala akong responsibilidad habang isa isa naman nyang binibilang lahat ng nagawa saken. Parang gago much noh? Kaya siguro unti unting nawawala ang paghanga ko sa dati kong modelong ina.

    Pero istorya ko yan. Istorya ng pag eemo mo ang entry na to, kaya makiki emo ako. Feeling ko, kase feeling talaga ako, eh kahit hindi naman ina, basta makitaan mo ng ganyang pagmamahal ang binibigay para sa ibang tao eh nakak melt mula ulo hanggang kili kili. Sa kultura ng kinalakihan naten minsan kase mahirap maglagay ng linya sa pagitan ng totoong pagmamahal at takot sa mga estrangherong mabilis manghusga at mangtsismis.

  15. ang tae mo. nagvo-volunteer na pala si manay reesie sa datkom mo ayaw mo pa? ma-pride kang biatch ha!😄

    ‘yang stepfather-stepfather na ‘yan, siguro sa simula lang ang kabig sa’yo. siyempre, kahit sino namang tao eh maninibago sa isang sitwasyong hindi siya sanay. pero, sooner or later, matatanggap mo rin sigurong pinili ng nanay mong magkaron ule ng katuwang sa buhay para hindi malungkot sa pagkawala ng tatay mo.

    gusto kong isiping kapag masaya ang magulang, kahit masakit tanggapin ng anak, tatanggapin niya alang-alang sa ikaliligaya ng ina.

    kaya go na! yakapin na si step-erpat at magbasagan na kayo ng bote…i mean, mag-inuman nang lalake sa lalake. \m/

  16. Kaya pala di pinabasa agad sa akin to dahil nga nagexpire ang domain mo. Nakanang! Nakakaantig at talagang pati ako nakikiteary-eye. Haha. You’re blessed kasi nawalan ka na ng Tatay eh may binigay naman si Jesas na kapalit niya. Kaya tama yan, tanggapin mo siya and be grateful na may tatay ka ulit.

  17. Merry Christmas & Happy New Year =))

  18. weh, tanggap mo na ba talaga stepdad mo? kiss mo nga! hehe..😄

    pag panahon talaga ng pasko maraming nagiging sentimotional… at kumakain ng wanton sa chowking.😄

    hindi talaga fair ang buhay, saan mang anggulo natin tingnan, mapa-pinansyal, intelektwal, pisikal, pinagmulan, lahi, lovelife, size ng kwan, at marami pang ibang pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay. ang magagawa lang natin para maging mas kaiga-igaya ang mundo ay tanggapin ng bukal sa puso kung ano man ang ibinigay sa atin ng nagbigay (daigdig o dyos, ayon sa paniniwala ng tao). doon lang tayo lubos na magiging masaya at mabubuhay ng payapa – kapag natuto tayong pahalagahan ano mang meron tayo at makuntento dito.

    maswerte tayo at parehas pa tayong may ina (wala narin akong ama), mas mapalad ka lang ng isang dangkal dahil may stepdad ka na pwede mong makainuman at mautangan sa oras ng pangangailangan. saan ka ba magpapasko? yakapin mo na si inay, dali!

    ugali ko talaga ang mag blog sa blog ng may blog. pasensya na, haha.

    maligayang pasko men!😄

  19. sana bukas mo na lang pinaalam sa akin na bago na ang blog mo…
    habang kumakain ako ng lunch ko dito sa office (instant pancit canton with HB egg) ngayong kapaskuhan eh nadagdagan pa ang bikig sa aking lalamunan… hirap na hirap na nga akong lunukin ang pansit sa pag eemote tas ganito pa mababasa ko?

    pero natutuwa naman ako… may taong nagpatawad at tumanggap ngayong kapaskuhan…

  20. I read your blog dahil nakakatawa at talaga namang entertaining kuya. Recently nga lang ako nagku-comment. Still, you also have a way of touching hearts.

    Kahapon lang, on Christmas eve, napaiyak ako ng tatay ko. Pero sabi nga ng mga kapatid ko, it’s just the way he is. I realized na tama ka. Kahit ano mang pagkukulang o pagkakamali ng isang magulang, wala tayong karapatang manghusga dahil sa dami ng mga nagawa at naisakripisyo nila para sa atin.

    Two thumbs up!🙂

  21. malipayon nga paskwa sa imo kag sa pamilya mo!!

  22. Bhie, bat ganun, kahit anong remove and ADD ko sa blogroll ko with your updated URL eh nagre redirect pa rin sa thegreatmaldito.com???

  23. With a brilliant mix of humor, empathy, and warmth… Galing mo bro! ^^

  24. tulad nga ng sabi ni pareng Glentot…minsan, hindi na natin nakikita na may mga sariling buhay din ang nanay at tatay natin. hindi natin sila nakikita as individuals na may mga giyera ring pinagdadaanan.

    I’m glad at nahanap mo na ang katahimikan sa puso mo pare. Just in time for 2011.

  25. ayoko rin magkaron ng stepfather kaya naiintindihan kita. pero kung tipong bilyonaryo yan gaya ni Manny Villar o Manny Pangilinan, madali ko syang matatanggap.

    pasalamat din ako na buo kaming pamilya at hindi babaero tatay ko kaya ayos naman pagsasama nila ng nanay ko. sana lang good health and more lifespan pa para sa kanila. more energy para more happy na din.

    Merry Christmas sayo dyan at sa family mo.

  26. hello, maldito.

    parang ibang putahe ‘to. pero, ayos naman ang lasa, hi, hi…😀

  27. kerek ka idol maldito *teary eyed*…

    salamat at maiistok na kita uli, nasa wordpress ka na pala…
    isa ako sa mga masugid mong mamboboso, este mambabasa…:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: