The Great Maldito

Thou shall not bitch

Bakit daw sabi ni Lio

Medyo malungkot pa ako ngayon sa pagpanaw ng dot.com ko. Ako din naman ang nagdesisyon na wag nang irenew ang domain dahil gastos lang, I decided to tone down my expenses this year since magreresign na ako starting this summer para maging professional repolyo vendor.

Bumaba ang stats ko ng 75%. Malungkot, dahil wala akong way na sabihan ang iba na nag-iba na ako ng url. Kaya sa ibang bloggers diyan, paki delete na ng luma kong link, at palitan nito:

http://www.thegreatmaldito.wordpress.com

Sa mga nagsubscribe sa blog ko, sana mahanap niyo ang daan pabalik sakin. hi hi hi  Salamat.

Ito ay post tugon sa pacontest ni Lio, yung bugaw na may ari ng www.stillssdd.com. Hindi ako mahilig sumali sa mga pacontest dahil busy ako, hindi ako maswerte sa mga pacontest, at lalong lalo na busy ako. At dahil ang premyo ay libro, (Haruki Murakami) kakagatin ko ang offer. Sana lang manalo, dahil kung hindi magbibigti ako ng naka polo at pekpek shorts. Kunti nalang, makokompleto ko na ang mga libro niya.

Bakit ako nagbabasa kay lio:

1. Unang-una, mahaba ang mga post niya. But I doesnt mean it in a negative way. Mahaba nga, pero yung may sense. Iba kasi, mahaba na, sa huli ang gusto lang pala ipahiwatig ay, good morning.

2. Marami akong bagong salita na natututunan sa kanya. Mahilig kasing gumamit ng mga words galing pa sa kalaliman ng earth. Kung minsan nga, hindi ko na namamalayan na kailangan na pala akong turukan ng dugo sa sobrang internal bleeding sa kakabasa ng kanyang sulatin. Rock on men!

3.  He thinks outside of the box. Isa sa personality na gustong-gusto ko sa mga idol ko na bloggers ay yung hindi sunod-sunod sa iba. Yung unang basa mo palang ay iba siya. Yung paminsan-minsan may ATTITUDE . Kagaya ni Jepoy at ni Glentot.  hahahahaha.

PS: Glentot, gumagana na yang link.lols

4. Dahil hindi sapat ang pagiging kaibigan lang thru blog. Ilan sa inyo hindi alam, pero nagkita na kami ng gagong yan. Binigyan niya ako ng Murakami book. Bahala na ang iba sa inyo na magalit sa kanya dahil sinabi ko na ang ayaw niyang sabihin ko sa blog. Sa totoo, mabait na nilalang si Lio sa personal.  Kung pwde lang maghubad para ibigay ang sinusuot niya, ibibigay niya. Di ba bossing Gasti? Ahahahha

5. Lastly, kaunti nalang ang katulad niya na dekalidad na blogger. I keep on hoping na yung mga bagong bloggers na medyo jologs o walang kwenta ang pinagsusulat, ay magmamature into a great blogger someday. Noong una kasi, balewala din naman ako sa mundo ng blogging. Ika nga, you have to learn from the experts. Kung sino sino ang mga yun, tignan niyo nalang ang kanang bahagi ng pahina na to.

Yan, nabuo ko na. Ilang araw ko ding pinagpawisan to. ahahahah

Single Post Navigation

23 thoughts on “Bakit daw sabi ni Lio

  1. ayan kasi kaartehan, eh ng ooffer na nga sayo si manay reesie para mg sponsor ng dotcom mo, nag-inarte ka pah…hehehe jowk! peace malditz Happy New Year ^__^

    hmmmm…about kay Lio, Isa lang akong Lurker ng Walang Kwentang taga Kwenta ng Dotcom na yun…hehehe! at tamaaah! magaling syang writer.

  2. Siguro kaya bumaba ren ang stats mo eh dahil konti lang naman ang nag oonline these days. Karamihan nag iispend ng time with their fucking families. Okay, okay. Hahaha.

    Anyways, Maldito, hanggang ngayon hindi mo pa pala ko inaadd sa links mo! Hahetchu na. Haha. Joklang mwahchups. Pero diba yung sa domain naman eh matagal naman bago mag expire? I mean, hindi naman sya ganon ka mahal diba? Or nagbabayad karen sa hosting kaya mahal?

  3. Maldito, andito na ko!! hahaha. na-add na kita sa blog roll ko.

    Cheers!

    -Suplado

  4. Repolyo vendor para sa dot.com mo?? hehehe hanep.. ibang klase yan.. Patingin nga sa site ni Lio…

  5. napakabait talaga nyan ni lio sa personal. hindi ka magdadalawang salita at ibibigay na nya ang bawat naisin mo. kahit virginity pa siguro. haha!

    nga pala nagbalik loob na din si chilli. check mo yung link sa blog ko. kahit anong URL pa gamitin mo eh matutuntun ka rin ng mga fans mo kaya wag ka na mag alala. isang google search lang yan.

  6. Yes may namedropping! Ex-links ba ito? hahaha. Sige uulit-ulitin ko, hanggang ngayon kasi eh sa .com pa rin sya nagpupunta.

    Baguhan lang ako sa blog ni Lio at masasabi ko I’ll stay there! Dun din ako nakakapulot ng sense matapos ang isang araw na puro kalandiang blogs ang napuntahan ko (e.g blog mo, blog ko, blog ni jepoy).

  7. Ohohoooyyy! Nakita din kita hayuf ka! Wala lang… LOL! Parang matagal ko na naririnig blog ni Lio, kaso ‘di ko pa nabisita…

  8. Hindi ko kilala yung Lio, pero ni check ko yung blog niya, mukhang okay naman.

    Anyway, that being said, inu update ko pa rin yung links ko, Bhie, at gagawa’t gagawa ako ng paraan para mabalik ang iyong… link sa aking… blog roll. Tingan mo nga oh, hindi pa rin nau-update yung link mo sa aking… blog roll, pero heto’t nagco comment pa rin ako. Ganyan ako ka… dedicated.

    Tanginang yaaaan, dot dot dot to death.

    Hindi ko talaga tatantanan tong blog roll ko na to. Nakakapagtaka nga at tech support ako pero di ko magawan ng paraan. Pero may naisip na ako.

    P.S. May point si Vajarl. Dami nga namang eksenang offline ang mga tao ngayon. Wag ka na malungkot. Heto flying kiss.

    Cheers Malditz, at Mabuhay ka! Muahness from Pasig Citehh!

    • Momel, nasa blogroll na kaya kita…matagal na..arte.ahahahaha…

      ayoko na mag dotcom ever…ang daming problema…nangangangayat na ako..joke.ahahaha…

      pabayaan mo nalang..mag google reader ka nalang kung gumagamit ka nun.ahehhe

      • Ay nakow tanginang yan, kahit anong browser gamitin ko eh ayaw pa rin. PERO SHEMPRE, kung gusto may dahilan diba? Kaya nag subscribe na lang ako sa yo, Bhie, para derecho sa email ang new posts mo sa kin. PAKKK!

        Muahness from Pasig Citehh!

  9. kahit kiss-ass post ‘to, gusto kong maniwalang totoo ‘yung panghuling rason. lol! salamat sa buladas, biatch! nanigas ang tite kong maugat! at salamat sa pagsali sa pakonteshit; may the best teeth win! \m/

    p.s. hindi ako namimigay ng damit. katawan lang! loljoke!

  10. sa .com parin pumupunta kahit palitan pa sa links :l

  11. tama yan, inform everyone na di ka nagrenew. magugulat ka, someone will pay the fee for you! goodluck! =)

  12. aba, ugali na pala talaga ni lio ang mamigay ng libro eh. kelan kaya nya ako mabibiyayaan. nabago ko ng yung link mo sa blog ko, wala naman problema.

    Happy New Year Glenn! (eto nga ba ang pangalan mo, o mali lang ang nasagap kong balita? lol)😄

  13. Hi Great Maldito. Bago lang ako dito at di ko pa nga alam paano gumana ang links, hehe, at let me say, walang biro, nag-enjoy ako sa’yo (surely, no pun intended, palangga:)

    Sa pakontest ko na lang sumali ka:) Higit pa kay Murakami ibibigay ko sa’yo:)

    Cheers! Happy New Year and yeah, keep on blogging. Deadma sa mga panget:)

  14. awww, nakikiramay po ako sa pagpanaw ng dot.com blog mo, condolence po! hehehe…taena, kaya pala click ako ng click ng link sa bookmarks ko di ko maaccess ikaw maldits…buti nlng i found you through gasti’s blog…hehehe…

    keep on writing pre, you’re the best!!! yey! haha

  15. Salamat sa napakagandang tips Sir! Mula sa baguhang blogger at tagasubaybay niyo.:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: