The Great Maldito

Thou shall not bitch

Chosilog Mornings

Hanggang ngayon, naririnig ko parin sa isang sulok ng utak ko ang katagang iniwan niya.

“I know you are a decent man, but I can’t find any dreams in you”.

Muntik ko nang isuka ang kinakain kong Chorizo, pero hindi ko ginawa kasi sayang ang effort sa pag-nguya ko nito. Mas matigas pa kasi kaysa sa tinidor.

Hindi ako umimik. Nagkunwari nalang ako na hindi ko naintidihan ang sinabi niya dahil englis.

“Look at me GM. What do you really want in your life?”


“I don’t know. Kailangan ba nating pag-usapan yan ngayong umaga? Sa harap ng almusal?”.


Nagsimula siyang maglitanya. Sa mga naabot niya sa buhay. Sakripisyo, achievements, awards, yaman at ari-arian. Tahimik pa rin ako. Unti-unti hinihimay ang bawat salitang binabato sakin.


“Kung ang pinapaabot mo na punto sa mga sinasabi mo ay gayahin ko ang buhay mo, pasensya pero wala akong balak na mangaya sa buhay ng iba”.

Tila namatay ang lahat ng ingay sa paligid at binalot kami sa isang matinding katahimikan. Binalik ang atensyon sa Chorizo. Binuhos ang lahat ng galit sa isang usapang hindi alam kung saan pupunta.

Marahil wala nga akong plano sa buhay. Isinuko ko na lahat ng pangarap ko sa buhay para lang makapag-aral ang mga kapatid at maiahon kami sa kahirapan. Wala nga akong mga bagay na katulad ng sa kanya. Pero, kontento na ako sa layo ng inabot ko sa ngayon.

“Alam mo, hindi pantay-pantay ang level ng kaligayahan at contentment ng isang tao.Marahil nga wala akong bagong kotse at condo, masaya naman ako sa kung ano ang meron ako.”

Ngumiti ako. Tinanong siya.

“Ikaw masaya ka ba?”


At binalot ulit kami ng katahimikan.

 

It isn’t what you have, or who you are, or where you are, or what you are doing that makes you happy or unhappy. It is what you think about.

– Dale Carnepie

Single Post Navigation

48 thoughts on “Chosilog Mornings

  1. kung dito yan sa maynila/tagalog land, longsilog bilang longanisa ang magiging title ng post mo. hehehe.

    hindi ako sanay na seryoso ang mabasa ko…pero totoo ang sinabi mo, wala sa kung anu anong karangyaan ang kaligayahan ng isang tao…at dahil alam kong masipag at mabait kang tao, magkakaron ka rin ng lahat ng mga nilitanya sayo ng kausap mo.

    cheers! happy new year, maldito!

  2. tae mo ka. ang aga-aga, umi-emo. pwe! sino ba kasi ‘yang ingleserang palaka na ‘yan? kung ayaw, eh di wag pilitin. balik ka rito sa manila, maraming babaeng hindi maghahanap ng kotse at condo. okei na sa kanila ang hotdog na maugat. loljoke!

    hapinuyir biatch! pasasaan ba’t magtatagumpay din tayong mga dakilang panalong tinapay! mamatay ka, este…mabuhay pala!😄

    • Hindi naman emo yan ulol. eh balewala nga sakin na sinabihan ako na wala akong pangarap…paki ko.alam ko naman na may pangarap ako…at walang ninuman ang pwdeng humusga kung tama o mali ang mga ito.

      potah ka.

  3. “Ikaw masaya ka ba?”

    At iyan na po,ladies ang gentlemen, and unang entry sa Pangmalakasan Punchlines ng January 2011.

    Heto yung isa pang contender

    “I know you are a decent man, but I can’t find any dreams in you”.

    Aray ko, Bhie.

    Anyway, wala na kong ibang masabi. Ayoko namang gumawi sa construction, grammar, spelling at kung anu ano pang shallow shit. Mga feeling brainy lang ang gumagawa nun. Down to earth yung message, at dahil dun eh rakenrol sha. Pag tayo nag-almusal ng chorizo, Bhie, eh sisiguraduhin kong malambot at malinamnam yang tanginang chorizo na yan. Tapos Kopiko Brown ang kape natin. Tapos may naka-ready na yosi. At hindi life goals ang pag uusapan natin, kundi ang pelikulang Sidhi ni Nora Aunor. Napanood ko sha kagabi sa Cinema One, at ang ganda nun, shet! Nangungusap ang mga mata ni putah! Tapos nasundan pa ng Hihintayin Kita Sa Langit starring Richard Gomez and Dawn Zulueta. Cardiac!

    Mga ganyan ang pag-uusapan natin. Walang motherfucking drama. Hindi yun ang breakfast of champions, alam mo yan!

  4. Hala parang same tau ng topic about being happy and the level of contentment in life. Sana nga maging happy at masaya tayong lahat sa kung ano maachieve natin sa buhay sa 2011.

    BTW: favorite ko ang chorizo pero mas ok pag u know bacon and egg in the morning with a beautiful lady na kasabay over breakfast hahhha!

  5. Ito na ba ang update ke inday? Sya yung umiingles na frog? Hoho.

    Teka Maldits, mula kase nung nabasa ko yung chorizong mas matigas pa sa tinidor eh na lost in space na ko. Nawala yung atensyon ko. Tas ayun pa! Meron pang nagsabi na binuhos yung galit sa chorizo!!

  6. Nagloloko ang connection ko kaya nawala ung magandang comment ko sana amppf!

    Anyway pareho tau ng nasulat about being happiness and contentment sa buhay (tama b pagkakaintindi ko sa nasulat mo? hehehe)
    Sana nga maging masaya tau sa kung anu man maachieve natin dis 2011!

    BTW: Favorite ko ang chorizo. Saka Bacon and egg sa breakfast with coffee! Namets!

    • Hindi nagloko..nandyan lang ang comment mo…mukhang may pinuntahan pa at hindi agad nagpakita sa page….lols.. tama..naintidihan mo nga ang sinulat ko..salamat naman at wala kahit isa ang nalost in track.lols

  7. It isn’t what you have, or who you are, or where you are, or what you are doing that makes you happy or unhappy. It is what you think about.

    – Dale Carnepie

    PERFECT QUOTE TO START 2011.
    Sa tingin ko ang pananaw na ito ang dapat na maging motto nating lahat. Kaya lang naman walang masaya dahil hindi makuntento sa kung anong meron siya.

    Anyway, Happy New Year Kuya!🙂

  8. nice…engliserang sermonera…why do people ask about happiness and contentment? darn life! well its true, aanhin mo pa ng mga sangkatutak na achievements kung hindi ka naman masaya diba?

    well happee new year even though late yung bati :p

  9. Iba iba ang meaning ng success sa ating lahat. Ang mali lang niya, akala niya yung definition ng success or happiness para sa kanya ay yun lang ang tama. Panget yun eh. So dahil yung definition ng success ay hindi fit sayo, akala niya hindi ka successful or happy. Kever lang niya! Go lang ng go!

  10. Kung ang pinapaabot mo na punto sa mga sinasabi mo ay gayahin ko ang buhay mo, pasensya pero wala akong balak na mangaya sa buhay ng iba.

    -Mabuti kang tao, lahat pinaghirapan mo sa malinis na paraan, sapat-sapat na yun.. Lamang ka nang di hamak sa mga pinanganak na may silver spoon sa bibig, hindi nila matutunan ang magpahalaga sa effort.. Cheers na lang!

    • at gatas talaga ang nick.ahahaha. Yes, tama ka. If theres one thing I learned about having a poor family is to enjoy the simple things and give importance in everything. big or small.. at nag emo na naman tayu.ahahaa

  11. may mga taong ganyan – ina-apply ang sarili nilang standards sa ibang tao. walang koneksyon pero natawa ako sa matigas na chorizo.

    • Ayey! Sir Sean….salamat at napunta ka dito…I really love what you wrote last time…natamaan ako…ahahhaha…I’ve found your blog through wickedmouth..I added you in my google reader na!! salamat sir!

  12. action figures lang naman talaga ang kaligayahan natin. aanuhin pa ang lahat ng kayamanan kung hindi ka naman masaya? kelangan turuan ng leksyon yang babaeng yan.

    sounds like a typical smart-ass girl. naghahanap ng lalakeng mapera para tustusan ang lahat ng luho at pangangailangan nya. diretso ang punta nyan sa…….

    Willing Willie ang lahat sa aming pagbibigay..ng saya at pag asa na inyong hinihintay. Willing willi ang lahat dito’y wala ng papantay..willing willie (willing willie)

    IKAW ANG BIGTIME!!!

    • san napunta ang comment ko sayo last week? tae lang.kailangang ulitin.

      hindi ko na pala maalala..ahahaha…

      parang ang hirap turuan nito bossing….mas matanda sakin…kahi sayo….ahahahhaa…kaya ako nalang ang tinuturuan..lols

      speaking of action figures….no bago sayo? may bago akong comic book.padala ni reesie.net..yahoo!

  13. nasabihan rin ako dati – ayusin ko daw muna ang sarili kong buhay bago ako mag-invite ng iba sa buhay ko. ang sakit kaya nun. sila na ang perfect at masaya sa buhay, haha.

    ilang chorizo naman ang naubos mo?😄 haha

    • nasabihan ka rin pala.ahahahhaa….paki ko ba naman sa buhay nila eh hindi naman ako nangangarap na magkaroon ng buhay kagaya ng buhay nila…

      hindi ko nga naubos ang binigay sakin…tsk tsk

  14. aperockstar on said:

    Kung makapagsalita kala mo LEVEL-UP-MEGA-TODO achiever – e kumakain rin pala ng chorizo.

  15. Maraming kalye ang buhay na magdadala sa atin sa sari-sarili nating kaligayan, unfortunately, may mga tao lang talaga na porket “nagtagumpay ako dito” or “nakuha ko to” mula sa daang tinahak nila, pinipilit na nila na dapat dun ka din pumunta kasi pakiramdam nila un ang tama, na yun lang ang tanging daan para masabing may maipagmamalaki ka na sa mga natamasa mo. Sila ang mga klase na sinusukat ang tao base sa kung anung meron sila. tsk.

    Tingin ko naman nabusog ka sa “mas matigas pa sa tinidor na chorizo”, at un ang mahalaga.😄

  16. Kawawang chorizo, napagbuntunan ng galit…

  17. namiss ko yung datkom mo!
    hindi pa rin ako makagetober.
    saka ang OA mo sa tone down ng gastos.
    450php lang ang renewal.

    maling post ata ako nagkomento
    hahahahaaa

    masakit nga na masabihan ng ganon. kailangan mo iassess ulit ang sarili mo.

    • Hindi ako naniniwala na wla akong pangarap sa buhay soulmate…mukha niya..wala siyang alam sa buhay ko.he hehe..
      ahahhaa..pinangbili ko kasi yang 450 ng load…hindi mo kasi ako pinaloadan nung nanalo ka sa contest.aahhaha

  18. Ang landi nang entry. HIndi parin nag update. Ilang beses ko na akong nag delete and nag update ng link mo. Hindi parin lumalabas ang putang feed nang blog mo. Mag patiwakal nalang kaya ako sa mamamagitan nang pag kantot sa tipaklong?! Putangina!

  19. oi… akala ko talagang walang update ang blog mo… pagkatapos kong mag copy paste ng link mo ng 12 million times, meron ulet…

    sana bukas mag-update sya mag-isa…

    ingats!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: