The Great Maldito

Thou shall not bitch

In the name of the dumbells, the bench press and the holy threadmill

Kailangan ko magpapyesta. Dalawang linggo kasi akong nag-gym na walang absent. Para sa taong madaling magsawa at tamarin, isang milestone na to sa buhay na pwdeng ilagay sa Family Achievements. Dapat ilagay sa ilalim ng Family Tree.

 

Nakakatuwa na nakakabadtrip kung mag-gym paminsan minsan. Ako kasi yung tao na mas gugustuhin ang mag-isa lang sa gym. Ayoko ng maraming tao dahil hindi ko nagagawa ang mag-dumbells habang nagbabackflip ng 360 degrees o di kaya magsplit habang nagtre-threadmill. Parang may sanib lang.

 

Isa sa pinaka ayaw ko sa gym ay yung pumupunta lang para umupo at magmasid. Ginawang live television ang gym. Alam niyo naman, mahiyain akong tao at hindi ko nga nagagawa ang dapat gawin pag maraming tao, pano pa kaya yung tinititigan ka habang nagbubuhat. Kanina, ang sarap lang basagin ang mukha ng isang lalaki gamit ang 10 kilos na dumbbell na umupo sa likuran at pinanood ako habang feel na feel ko ang bawat pawis na tumutulo sa noo ko, pababa sa leeg, dumaan sa dibdib ang nag u-turn sa mga nipples ko.

 

Nakakagago lang. Ang sama kasi ng tingin. Parang hinuhubaran ka ng medyas. Ewan lang kasi nasa baba siya nakatingin. So nag assume ako naa inggit siya sa Hello Kitty socks ko.

 

Meron din namang mga tao na hindi kontento sa panonood lang. Yan ang mga taong pakialamero sa ginagawa at hindi matatahimik hanggat hindi napapawi ang kati sa kani-kanilang bunganga.

 

Gumagawa ako ng inclined press. Ang sarap-sarap magbilang. 1….2…..3…nang biglang sinabihan ako ng isang lalaki na:

 

“Lower!!”

 

Eh syempre hindi ako sanay na sinasabihan kung ano ang dapat gawin. Perfect kasi ako. Kaya binaba ko ang barbell, itinapon ko yung basang bimpo at sinagiwan siya:

 

“ Tangena pare! Ano ba ang problema mo! Potah, nanahimik ako dito! Wag na wag mo akong tuturuan ng anong dapat gawin kundi babasagin ko yang abs mo into 68 pieces! grrr”.

 

Sinabi ko talaga yan with strong emotion, like parang dudugo na ang anit ko sa galit.

 

Actually not. Hi hi hi. Hindi yan nangyari. Ang tanga-tanga ko rin naman, nilower ko naman ang pag-press kaysa umangal ako. Ang laki kaya niya. Para siyang 8 pieces ng poste ng Meralco. Muntikan na akong mamatay dahil pag-lower ko parang may nag snap na buto. Feeling ko ata spinal cord ko na yun. Potah siya. Buti nga may lahi akong salamander. Nag heal din naman ako. Char.

 

Meron din naming mga tanga paminsan-minsan. Umuupo ako sa lounge at nagbabasa ng body builder’s mag. Tinitignan ko yung mga dietary supplements at ang components nito. Wala lang, may pagka addict lang kasi ako pag minsan at gustong pag-aralan ang composition ng amino acids. Malay mo, to pa pala ang solution para makahanap ng isang tunay at wagas na pag-ibig. Basta, connect the dots niyo nalang.

 

May lumapit na mama.

 

“Umiinom ka niyan?” Sabay turo gamit ang kanyang nguso sa mga pills na nasa picture.

 

“Hindi. Bakit?”


“Wala lang. Baka kasi nakakamatay ng sperm eh”

 

Sa isip ko, mukha ba akong baog? Gago yun.

 

 

 

 

Single Post Navigation

37 thoughts on “In the name of the dumbells, the bench press and the holy threadmill

  1. May lahing Salamander! Hahaha. Natawa me much.

    Ako matagal ko ng planong mag gym. Pero hanggang plano lang naman ako kase batugan ako. Hindi ako naaakit sa mga machong nag wowork out dahil ayoko sa macho. Ang hanap ko ay tunay na pag ibig. Yung tig lilimandaan kada gabe.

    Joke lang. Malinis kaluluwa ko, pwede ipamahid sa toilet bowl. Pero totoo, gusto ko mag work out pero hantamad tamad ko lang kase. Feeling ko after 10 minutes aayaw na ko at maglalaro nalang ng online games.

    • oo..naalala ko kasi sa fairy tail na anime…yung main character ay lahing salamander.ahahaha… hindi nga halata na ang linis mo e..nahiya na nga akong mag post ng kagagohan cos i know deep down in you ur very pure.lols… ang tamad mo! mag gym ka dahil kailangan ng earth ang mga healthy and fit. naks.

  2. waahaha… ambilis ng healing process ng lahi mo ah!😄

    never pa akong nakapag gym. ayoko. haha.😄 feeling ko kasi mababawasan ang ka-cute-an ko pag nabawasan ang chubbiness ko, hehe.😄

    good luck sa gym adventure mo. sana ay magtuloy-tuloy yan.😄

  3. Ahaha, alam mo, Bhie, napapansin ko eh iisa style niyo ni Glentot ng pagku-kuwento. May simpleng punchline sa dulo, may ayfakingheret na filler word from time to time, may attention sa detail, at may overall na general kupalness about it anymore. At ang maganda pa dun eh nakaka-aliw naman talagang basahin.

    Wala lang, share ko lang. At bukod dian eh effective yung pag subscribe ko sa posts mo via email, updated watashi!

    Wala lang, share ko lang ulet. Tunay at wagas na pag ibig sa dietary supplements? Ay shet, sign me up! Wala akong hilig dian sa gym gym na yan, tanginang yan, mga paminky lang ang mahilig um-aura sa mga ganyang eksena.
    Hinay hinay lang, Bhie, sa pagg-gym ha? Hindi nga naman nakamamatay ng sperm ang mga supplements na yan. Nakakababa lang ng sperm count.

    It’s Meh! Muahness from Pasig Citehh!

    • at hindi mo rin ba napansin na pareho kami ng name ni glentot?ahehehhee… salamat naman…oo ikaw na ang proof reader ko..ayey..parang report lang…may feedback.ahahaha… kakalungkot naman isipin na ang “gym” ngayun hindi na para sa fitness…most people perceieve it as a gay spot o di kaya para sa kalakalan ng karne?ahahahhaa… di nga? nakakamatay ba talaga ng sperm? oh shit.

  4. busy ka na pala sa paggym ah. ingat lang sa matatalim ang tingin dahil baka yan yung tipong naghahanap ng kaibigan kuno. tapos mang aakbay. haha!

    yung trainer sa gym dati na pinuntahan ko eh bigla na lang mandadakma ng bayag habang nagbebench press ka. wala lang. for fun lang. haha! di mo iisiping manlaban kasi nag uumpugan ang mga muscles eh. katakot.

    • oo, yan na ang bagong libangan ko..less na rin nga pag iinum ko..parang bagong buhay lang..kakalaya lang sa bilanguan…lols.. babalik ka rin ba sa pagygym? eh baka nagkasakit ka dati dahil palagi kang dinadakma..lols

      • mukhang hindi pa ako babalik sa gym lalo sa madaling panahon. pero pwede na siguro ako magbuhat buhat ng dumbells sa bahay para pagpawisan naman kahit papano.

        sabi nga ng doktor baka sa gym ako nahawaan ng sakit. tsk tsk. hindi mo naman alam kung sino nagbubuhat na maysakit eh..sablay pa yung ventilation. hawa hawa talaga.

        • Mabuti naman at naikwento mo to…plano ko pa palang bumili ng gym gloves…..parati kong nakakalimutan..tapos ang mahal mahal pa sa mall.. atleast meron na naman akong survival tip galing sau.aahaha

  5. bwahahahaha! ikaw na! ikaw na ang masayang panoorin at agaw-pansin sa mga naggi-gym.

    hay naku. tama yan mag ehersisyo ka palagi. pakidamay na rin ang ehersisyong dapat sana e ginagawa ko rin araw-araw.😀

  6. brad, eh baka yung mamang lumapit sa huli ay nagsa-sidecomment based on experience. sana sinabi mo sa kanya condolence sabay shake ng eggs, este, hands

  7. sa title palng alam nang may something about sa exercise pero ang hindi magawang magsplit sa threadmill at magbackflip ng 360 deg habang nagdadumbells ang hindi ko kinaya…grabe grabe ito ahahaha :p

  8. “Milestones, Trees, Slimy Amphibians (Salamander) at spermicides” galing naman hehehe

  9. Aminin natin na mas mura ang membership dito at magsite seeinng lalaki kesa ma-mickup sa kalye! Haha
    Sad (for some) but true. Kaya lang sila nag-eenrol for that reason. ^_^

  10. hmmm ang alam ko nakakapagpabagal ng sperm yung ibang supplements, depende sa component.

  11. Wow 2 weeks!!! Galing!!! Pocha, kala ko totoo na yung action oart, kinabugan pa naman ang puso ko!🙂 hehehe, napadaan lang po at pa subscribe na rin, enjoy kasi dito!

  12. baka kase tinitingnan nila kung nagkaka-abs ka din below the belt. ahahaha

  13. hahah! dami ko tawa sa post na to. naiimagine ko bigla yung part na pawis na bumabagsak tapos biglang nag-uturn sa utong. LOL! *major laughtrip.

    frustration ko ang paggym. noon ko pa gusto, pero hanggang ngayon eh di ko pa ginagawa. hahaha! wala lang. ewan. wala kasi ako kasama at walang magmomotivate saken or pedeng kumutos saken kung tipong mali na ginagawa ko. hahaha.

    blogroll lang kaibigan.🙂

    • ako noong una nahihiya din naman mag gym dahil walang kasama at ang payat payat ko pa noon…ung tipong pag-alsa mo palang ng barbell mapupunit agad ang spinal cord mo.ahahhahaa…..pero na overcome ko yun dahil na isip ko na walang may mangyayari kung papairalin mo ang hiya.

      salamat sa pagdaan..sige update ko na rin ang links ko…visit kita pag nakatyempo.

  14. ang siguradong nakakamatay ng sperm eh kung madaganan ka ng dumbell sa betlog.

    akala siguro nung lalakeng pakelamero nasa game show sia kaya panay ang sabi ng LOWEEERRR!! Lol

  15. para maging habit ang isang bagay, kailangan mo yung gawin ng tuluy-tuloy ng 23 days.

  16. Ilan din yan sa mga rason ko kung bakit ayokong mag-gym. Nakakabanas ang mga gym rats at mga epal na umaaligid-aligid dun.

    Natawa na naman ako ng sobra-sobra sa post mo. Hahahaha! Ayos!😀

  17. hahaha… mukhang baog! nakikilatis na pala yan sa mukha pa lang hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: