The Great Maldito

Thou shall not bitch

Diary ni Inday III: The Guada Eclipse

Ilang araw din akong hindi nakapagsulat. Hindi sa wala akong gana dear diary, ito’y dahil sa mga nangyari noong nakaraang New Year’s eve. Kasabay ng pag-welcome ng bagong taon, sinabay din ni Mam Guada ang pagbukas ng impyerno.

Umaga ng December 31 of 2010, inutusan niya akong bumili ng paputok sa Bulacan. (Read with the voice of SOCO)

Ito ay ang sumusunod:

10 pcs. Judas belt (waist 35)

10 pcs. Fountain ni satanas

25 pcs. Extra large bawang

10 pcs. Fucking smoke bombs

9 pcs. Super lolo Reloaded

10 pcs. Piccolo ng diablo

Natakot ako ng nakita ko ang listahan. Sa baba kasi may nakasulat na note na sabi ni Mam pabasa ko daw sa nagtitinda ng paputok.

“I need to have the strongest, most powerful firecrackers available. May liligpitin ako”.

Love,

This is Guada, Bitch!

Pero alam ko na hindi ako ito. Wala na kasing magpapaligo ng mga pusa niya sa washing machine pagpinatumba niya ako.

Nilibot ko ang buong Bulacan sa kakahanap ng paputok. Naiihi ako sa pantalon kong Lebi Straws sa tuwing tumitingin ang mga tindero sakin pagkatapos basahin ang sulat ni mam.Matalim kasi at masakit. Kumikirot ang bangs ko ng bahagya. Nakikita ko kasi sa mga mata nila na may gusto silang iparating. Like “tumakbo ka na” or “run for your life”, something to that effect. So tumakbo-takbo ako all over the place. Noong napagod na ako, sinigawan ko si kuya,

“Maligaya ka na?! Ampotah. Bibili lang ng paputok kailangan pang tumakbo! Punyeta!”.

Nakita ko sa mga mata ni kuya na kinakausap niya na naman ako. Sabi niya,

“Ang tanga mo! Mahirap ba talagang idigest?!”


Hindi na nakaabot si kuya sa hospital.Fininger ko ang mga mata niya. May baba nga hindi naman ginagamit. Ang arte-arte!

Gabi na ako ng makarating sa mansyon. Pero himala, hindi siya nagalit dahil late na ako dumating. Is this real? Can it be true? That I’m just a little girl lost in the moment. I’m so scared but I don’t show it. I can’t figure it out, it’s bringing me down I know I’ve got to let it go and just enjoy the show. By Lenka.

Pinakain ako ng marami. Binigyan ng bagong damit at ang stiletto, dear diary 12 inches. Pwede nang gawing panaksak. Hindi ko alam kung bakit mabait si mam ngayon. Siguro nga dahil New year. Nagbabago ng ugali. Gumaganyan na pala ang mga demonyo. But I ain’t buying it.

Parating na ang hating gabi noong inutusan niya akong dalhin ang mga binili sa kabalyerisa. FYI deary diary, yan ang bahay ng mga kabayo ni mam. Asal hayop kasi, kaya ang daming alagang animal. Ang masama pa dun, gusto niyang ipasuot sakin ang stiletto.

Nasa loob na ako ng kabalyerisa noong narinig ko biglang sumara ang pinto. Sinubukan kong tumakbo papunta sa pintuan para pigilin ang pagsara nito pero huli na ang lahat. Na sprain ang ankle ko. Nabiak ata ang anterior talofibular ligament ko sa pesteng stilleto na to.

Sumigaw ako ng saklolo. Parang ganito:

“Suck……lolow……suck! Lo…………lowwwww!!!!” Repeat till fade.

Pero walang may nakarinig. All I can hear is my unheard voice that echoes with the horses. Fck right? I don’t wanna be here. Imma kell that niggah!

Ang huling natatandaan ko ay sumabog ang mga paputok na kasama ako sa loob ng kabalyerisa. Feeling ko nga sumabog pati labi ko habang ang pamilya ni Mam Guada nagsisigawan sa labas ng “happy new year”. Potah silang lahat, deary diary. hu hu hu. Iniisa-isa kong pinulot ang kalat-kalat kong utak. Muntik na ngang mawala ang pituitary gland ko. Buti nalang nakita ko siya sa ilalim ng haystack bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako sa hospital. Unang mukha na nakita ko ay kay Sir Armandu. Siya pala ang nagdala  at nagbantay sakin.

Binulong ko sa sarili, alam ko na kung sino ang gagantihan. Kung hindi ko magagalaw ang inahing manok, ibibigay ko lahat ng galit sa sisiw.

Itlog lang ang walang pasa nito.

If you want to read the previous entries:

Diary ni Inday I

Diary ni Inday II

Single Post Navigation

23 thoughts on “Diary ni Inday III: The Guada Eclipse

  1. Waahahaahah!

    Yun lang masasabi ko.

    5 thumbs up!

  2. kawawa naman si inday. pero, ang galing niya ha, may twang pa rin magsalita.

    kakainis na si guada.

    affected. lolz

  3. hay kailangan ko pa ata mag back read hmp

    hehehe

  4. At take note ha, may kakayahang mag-regenerate ang puta. Akalain mong literal ang translation niya ng “pull yourself together.” Shet, may powers ang bidang Inday. May ipangtatapat na tayo kay Dwarfina at Alakdana!

    Imma kell that niggah!

    Ahaha, tangina Bhie, heto ang pinaka-bet kong linya sa lahat. At tsaka alam mo naman na, bukod sa ikaw ang lahat sa akin Kahit ika’y wala sa aking piling, na sinubaybayan ko rin ang kapekpekan nitong si darling Inday. Bwakanangshet, ang galing talaga. Ito na ang second favorite kong “subject” mo, pangalawa dun sa picture mo na ripped na ripped ka. Ni-research ko ang trunkline ng DPWH dahil sa picture na yun. Gawa ng sobra akong nag-watir dun, feeling ko eh may tumagas na linya.

    Sali ka na sa LitWit Challenges!

    Cheers Malditz! Mabuhay Ka! Muahness from Pasig Citehh!

  5. tagal dig hindi nagsulat sa diary si inday ah, its worth the wait hahaha…inday sosyalerang househelper ka huh fluent in english at nakastilleto kapa… :p ou nga pla i thought you were blown up how’d you manage to pull yourself together?????-soper enday statue???? ahahahaha ampota….

  6. first time ko dito sir, at akoy napahanga sa sulat mo.. magaling sir..

  7. hahaha dear diary na miss ko talaga ang katangahan ni inday diary.. parang gusto ko siya ulit pasabugan ngayon.. yung mas maingay yung goodbye earth.. hahahah… hanep na miss ko to…

  8. myfilthyroom on said:

    suck..lolow… hahahaha adik.

  9. haha kakatawa to! na deja vu ako dun sa lyrics hanggang nakita ko yung lenka haha. katawa lalo si sucklowlow. out loud ko pa sinabi hehe…

    back-read time.

  10. ha, ha… ang taas ng self-esteem ni inday – indispensable sya dahil sya ang nagpapaligo ng pusa ni ma’am sa washing machine. i like the sound of it, slightly violent lang, hihi…😀

    hey, taguyod ako ng karapatan ng mga hayop, ha. baka isipin ng iba, pabor ako sa spinning ng pusa, di oy…

    indestructible talaga si inday? dami syang powers?😀

  11. wahahahaha… takte, tawa ako ng tawa kanina habang binabasa ko ‘to, pero dahil pangatlong attempt ko na ito sa pag-iwan ng comment, medyo nakasimangot na ako ngayon. dear lord, sana po ay mapost na ito.

    kawawa naman si inday, sana mamatay na si guada, at sana ay hindi nasaktan ang mga kabayo. madami pa sana akong gustong sabihin pero nawala na lahat ng sinalitype ko kanina. aabanag ko na lang ang kasunod part 4.😄

  12. Haha. Di kos ure kung may galit si Madam Guada kay Inday. Napakatragic naman nito. Haha. Kawawa naman si Inday. Nasa proper places pa kaya ang utak niya. Haha.

  13. Hanlakas ng tawa ko sa “But I ain’t buying it.” Bwahahaha. Naimagine ko pang may pagka hiphop pala tong si Inday. Kulang nalang yung cap na pabaligtad pwede na sya sa comedy bar. Hihi.

  14. hahaha! itlog lang ang walang pasa. bohahaha! benta benta.

  15. Pingback: TOP Wordpress Blog Post as of January 20, 2011 « Unwritten Thoughts

  16. astig ka talaga maldito! nyahhaha. =))

  17. mukang mahaba-haba ang teleserye shit ng diary ni inday. abangan ang susunod na kabanata! \m/

    p.s. ‘yung book 1 ko, paki-lbc na, biatch! lol!

  18. Hahaha putangina mong Glenn ka! Saan mo pinupulot itohhhh! Lavet!!! Napatawa ako nang malakas as in LOLOLOL. Buti na lang hindi “Goodbye Philippines” ang ipinabili sa kanyang paputok, baka maging giniling na yung pituitary gland nya…

    Shit maghihiganti na si Inday…

    OO KITAKITS SA BACOLOD!

  19. hahahaha… sobrang katawatawa. naaliw ako kay inday. kaninong itlog kaya ang walang latay nito? haha

  20. wahahahha… di ko mapigilang tumambling sa kakatawa. sheyts. napatingin tuloy tong katabi ko. good laugh. aylabet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: