The Great Maldito

Thou shall not bitch

Masaya

Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook hindi ko maiwasan na bumalik sa unang pagkakataon na nagkita kami. Pareho kaming nasa kolehiyo noon. Nang dahil sa kaibigan ko na nagtratrabaho sa isang news paper company(na feature kasi ako dati) kaya niya nakuha ang number ko.  Basta kalandian at kapotahan talaga, palaging nangunguna ang pangalan ko sa listahan.

Buti nalang talaga at lalaki ako. Dahil kung hindi, matagal na akong laspag o di kaya nabuntis na hindi pa nakatapos ng Grade 1.

Naalala ko. Naging kami. Nangako siya na mamahalin niya ako. Na hindi niya ako iiwan at lulundag siya sa ilog pag hiniwalayan ko siya. Nag-drama ako dati na hihiwalayan ko na siya. Hindi rin pala siya lumundag.

Inalay ko sa kanya buong tiwala at puso ko. Inilatag ko lahat-lahat ng meron sakin. Pati na rin mga alagang tanim ni nanay. Hindi na ako nagtira.

Nakakatakot na masaya ang pumasok sa isang relasyon. Pero dahil sa mga pangako niya, nawala ang takot ko.

Kasama siya sa lahat ng pangarap ko. Hindi pwede na wala siya. Pag nagdradrawing ako ng dream house ko, nasa tabi siya ng bahay. Nasa ilalim ng puno. Kasama mga anak namin. May picnic basket. Pero walang laman. Ang hirap kasi gumuhit ng pagkain.

Dati yun.

Nasa desyerto siya ngayon at uuwi ngayong abril. Sa tuwing nakikita ko siya sa Facebook, naaalala ko yung unang beses na nagkita kami. Napapangiti ako. Pero nauuwi parin sa kirot.

Gusto kong suntukin ang mga camel na nasa pictures niya.

Ikakasal na siya. At hindi ako ang pinili niya para iharap sa altar. Kaya ko namang magpagupit para sabihing kagalang-galang ah?

Naaalala ko yung pangako niya. Sa bawat pangako niya ay katumbas ng kirot sa puso ko. Yung kwento namin ay parang sa pelikula lang. Pinagkaiba lang, yung amin ay walang happy ending. Nag-iiba ang tao sa pagdaan ng panahon. At hindi siya exempted.

Pasok music on cue: daldalhin kita sa aking palasyo…daldahin hangga’t langit ay manibago..ang lahat ng ito’y ipinangako mo….daldalhin lang pala ng hangin…ang tarugo ko.

Joke.

Paano nga ba makapag move on ang isang tao kung buong buhay mo ay iginuhit mo para lang sa kanya?

Mali ba ang mag tiwala? Gusto ko lang naman ay maging masaya.

 

Single Post Navigation

25 thoughts on “Masaya

  1. Pucha natawa me much sa dream house. Malantod ka. Hahahahaha.

    Familiar saken yung story, nakwento mo na ren ata sya sa dati mong post. Nandudura yang mga Camel, kaya mag ingat ka kung balak mo sila suntukin. Sa boobs mo tirahin, tutal nasa likod naman boobs nila.

    Bakit hindi mo i try iguhit ang buhay mo para sa iba? Sa tingin ko sa sobrang dami ng pwedeng mangyari at makilala natin in a lifetime eh hindi maiiwasang merong mga mambabangas ng tiwala naten. Pero kung may tiwala ka pa sa humanity, keribels lang. Siguro ang saken lang, kung gusto ko maging masaya, maghahanap ako ng magpapasaya saken sa present. Pake ko sa future ko. Basta masaya sa present, ok na ko.

    Putangena ang plastik ko. Ang totoo hindi ren ako maka move on sa hinayupak na sumugat ng puso kong kerengkeng. Huhuhu.

  2. taena di ko alam kung matatawa ko dito sa post mo or mababagbag ang damdamin ko… emotional holocaust much?!😀 pero lam mo kaibigan dumaan ako sa pinagdaraanan mo ngayon pramis… pero ayun eventually nakapagpakasal rin ako! Isang payong kaibigan lang, magtira ka para sa sarili mo ng konting pagmamahal… shet im so serious here!😀 sasaya ka din, dami chick dyan oh! landi lang ng landi! tandaan mo 4 is to 1 ang ratio ng babae sa lalake ngayon kaya booking lang ng booking!😀

    • Parang LBM lang ano? di mo alam kung pipigilin mo ba o hindi.ahahhaa..
      Ikaw na talaga ang dakila sa kalandian.ahahaha..
      ngayun nga sa sobrang takot ko na, hindi na nga ako marunong magbigay ng pagmamahal sa iba..
      charing lang.

  3. OUch… hahaha… sakit nun… parang in your face lang…

  4. masakit lang yan sa umpisa. pero maniwala ka – dadating din sa punto na imbes na luha eh ngiti na ang mamumutawi sa mukha mo sa mga pagkakataong maalala mo siya. ganyan din ako noon eh. makakahanap ka rin ng mas hihigit sa kanya. sa june balitaan mo ako pag sa meynila ka na, inuman tayo (libre mo ha)😄

    • Akala ko ba malaki na ang kita mo sa bagong trabaho mo?ahahahaha…okay sige. libre kita inum. libre mo naman ako sa foods.ahaha..patay gutom?
      okay lang naman ako. bumabalik lang yung alaala pag online siya sa fb.ahaha

  5. Di ko alam kung paano eh pero dapat ka na magmove-on kasi may ipapalit diyan na iba. Malay mo nung nagdrawing ka, ibang mukha nai-drawing mo at yung ang dadating para sayo. Anu daw? Haha.

  6. umeemo na sana ako sa post mo ser maldito pero may mga pa simpleng hirit na natawa ako…
    sana lang eh ‘di ako mapagkamalang may toyo, suka sa utak.. makaka move oown ka rin nyan!

  7. Sabi sa’kin dati ni Mariano, ang manok ay mas madaling hulihin kapag nakatali at kung ang titulo nga ng lupa eh naaagaw, asawa pa kaya.

    Buti ‘di ako nakinig sa kanya, siguro last year pa ako nailagay sa hukay.

    ANW, brohug for you my friend.

  8. Sa pagkakaalala ko sa mga post mo na patungkol kay camelia (d ko kc alam name nya eh) eh hindi nga ba’t ikaw itong nang-iwan?? unfair nman cguro sa part nya kung mghihintay sya syo ng wala man lang ding kasiguraduhan at habang ikaw nman eh panay ang paghahaliparot…hehehe joke!
    anyways kung sya nkapag move on na…cguro nman nararapat din lang na mag move on ka na rin…let it go malditz…move on… ^__^

    • Hindi ako nag iwan. Nagtrabaho lang ako sa ibang isla dahil magugutom ang pamilya ko pag dun lang ako magtratrabaho sa amin.
      ngayun, kung isusumbat niya sakin na iniwan ko siya at inuna ko pa yung pamilya ko, siya na ang bahala. pero hindi ko parin ipagpapalit pamilya ko.
      eh siya nga eh nasa middle east. leche siya. nasa kabilang isla lang ako noon. ahahaha.

  9. Mahirap talaga makamove-on. Isa ka sa patunay hehehe! Pero hayaan mo na masaya na sya dapat sumaya ka na rin! Marami pa jan gawa ka ng love letters ulit! hahahaha!

  10. emote na nakakatawa…hihihi…btw…i love the song

  11. mejo may pagka malandi na mejo dramatic tung post mo ahe…natasha’s vocal chops is very good don’t you think? wtf sajit yun malalaman mong ikakasal na siya’t lahat lahat ahe..hindi siya lumundag sa ilog kasi mababaw alng at hindi siya marunong lumangoy!? ahe…akala gang sa alabas lang siya ng DH mo nung binasa ko ahe… :p padaan po🙂

  12. procopia marie on said:

    Valentine’s post ba itoh?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: