The Great Maldito

Thou shall not bitch

Bais City

Pasensya na at medyo hindi consistent ang pag post ko ng blog ngayun. Maraming issues ang hinaharap ko na tila nag halo-halo na kasabay ng lindol sa Japan.

Dahil wala akong masayang post maliban sa umiinom na ako ngayun ng tongkat ali, na produkto ng kaibigan ko at nauubusan na ako ng likido sa katawan bawat araw, ipagpapatuloy ko nalang ang tour ko doon sa Negros Oriental.

Pagkatapos maghasik ng lagim sa Dumaguete, kinaumagahan ay pumunta naman kami sa Bais City. Balita kasi dun na merong mga echuserang dolphins.

To ang scene sa bus. Sardinas look-a-like. Nakakapang init lang ng ulo yung konduktor kasi ke aga aga siksikan na agad. Eh wala na ngang paglagyan ng pasahero, sigaw pa ng sigaw na “maluwag pa!”.

Paglabas mo ng Dumaguete City, maraming bahay dun ang gawa pa noong American-Hispanic era na hanggang ngayun eh buhay pa at naaalagaan ng mga tao dun. Gusto ko sanang tumigil kahit sandali para pumasok at kumuha ng picture kaso baka iwanan ako ng driver. aheheh

View ng port kung saan sasakay ka ng boat para hanapin ang mga echuserang dolphin. Excited ako ng sobra sa araw na yun kasi once in a lifetime lang ang pagkakataon na makakakita ng dolphin na hindi captive. Ayoko ng mga dolphine sa Subic, ang plaplastic kasi. Halatang pinapraktisan ang jump shot. lols

Katatapos lang ng lindol at tsunami noon sa Japan kaya duda ako kung magpapakita yung mga malalanding dolphin sa araw na yun. Masama kasi ang panahon, at baka nasa bahay lang yung mga dolphin at nag crocrosstitch.

Isang oras na ang nakalipas at nalibot na namin ang buong sila pero wala parin ang mga hampas tubig na mga dolphin. Napagod na ako sa kaka zoom ng mata ko para makita lang naman ang mga lintek na yun pero wala, nadah! Sabi ko nga sa captain namin, kahit mascot nalang ampotah para mabawi rin naman ang 5000 na bayad. peste! Makita ko lang yun mga dolphin na yun, gagawin ko talaga silang shark oil! joke.ahaha

Nagpasya nalang kami na pumunta ng Mangrove forest. Kung saan maraming………..mangroves.

 

Nag enjoy ako dito. Marami ka kasing makukuhang lesson. Like on how to differentiate a young mangrove from an old mangrove tree.  he he he. Wala kaming ginawa dito kundi ang magpapicture. Kaya as expected, here’s my pic with the mangrove. Ching!

Sabi ng kaibigan ko mag pose daw ako na parang Survivor….hindi ko alam kung insulto. Kasi para din naman akong survivor ng cancer dito. lols.

Dahil walang magawa sa mangrove forest not unless at may kasama ka dun para mag boom boom pow, pumunta naman kami sa last destination. Ang Sandbar.

To yung parang shore sa gitna ng dagat. Parang island siya na mapupuntahan lang pag low tide at accessible lang siya through boat.

 

Balak kong tumira sa isa sa cottage dito. Kaso parang stressful naman pag nag duty. lols

At dahil hindi matatapos ang post na to hanggat wala ang putangenang picture ko, ito. Patibayan ng sikmura.

Next stop? Bogo City on weekend. Oh yes, wala akong alam kung ano meron dun. Basta may mapuntahan lang. Ahahhaha..See you bitches!

Single Post Navigation

34 thoughts on “Bais City

  1. ang kulit ng bus ha.. kung conductor.. maluwag pa yung lagay na yan ha..
    i like the second pic… parang kang bumalik sa past..

    ang ganda ng port.. ganda rin ng kuha mo lalo na yung skyline..
    wow magoforest…. ganda ng view papunta doon ha.. sarap magshot ng magshot..
    survivor post… pambihira hehe..
    yun last pic ko.. lupit!!
    BOGO City? maganda ba doon?

  2. pag daw may dinaramdam ka sa puso yung parang gusto mo ng ihawin sarili mo sa dami ng sama ng loob na nakakapaloob sa kalooban mo magtravel ka daw maiibsan ang pamamaga at pamumula ng puso mong may kaartehan…
    🙂 ikaw ang tri na trip hehehe

    • Hoy ann! ano ba ang pinagsasabi mo diyan?!!! aahahaha.. hinuhuli mo ko?lols. Siguro nga..sa daming problema sa buhay ko ngayon, to nalang ang paraan na matakasan ko sila kahit 2 araw man lang…🙂

  3. kaw na maraming pera panggala…saka ahmmm ako lang ba o talagang tumataba ka na kakagala?

  4. LOL! Pwede bang mag-blog ka tungkol sa ‘change of status’ mo sa Facebook? :))

  5. wahahaha! wala ang mga malalanding dolphins? saka ok sa pics sa me mangrove ah, parang mananabas lang😀 juk lang naman yun!

  6. oi wag ka, may WIFI yung mga old houses na nakita mo paglabas ng Dumags!

    • Tapos naka HDTV pa sila?ahahaa.. di nga…pag nakita mo lang ang mga bahay dun parang nasa ibang parte ka ng mundo at sa ibang dimensyon, tapos magugulat ka nalang na may pumutok na kanyon at mga baril..tapos may lalabas na mga sundalo..ahaha. naiimagine ko kasi ang echura ng lugar noong panahon pa ng gyera…may mga remnants pa kasi dun ng world war two pati na rin ang old train…meron din dun! hahay…lumang tao lang siguro ako na na trap sa current time.lols

      • actually, maka-luma rin ako. madalas rin ako mag time travel (kathang isip or pag sabog) kung ano ang mga trip ng tao nuon. interesado rin ako malaman ang mga technique ni Jose Rizal sa chicks. Ang lupit eh.

  7. Ang ganda ng pictures, nakakasira ng araw nga lang yung panghuli! Haha. So nagbayad pa rin kayo ng sangkatutak na 5000 kahit wala kayong nakitang dolphins? Sad. Pero okay lang yun manoy, nakakita naman ng shokoy yung mga kasamahan mo sa katauhan mo. Haha.😛

  8. at nag inarte gyud diay ang mga dolphins. ^___^

    taga-bogo si wifey general seerr.. naay island dun – capitancillo. nindot sad. dghan sea snakes. kato, d gyud to mag inarte. mag pakita gyud to, mag papicture pa gyud. ^_____^

  9. it’s official… travel blogger ka na!!!

  10. Hindi ko na alam ang gagawin ko ayaw talaga mag update ng feeds ng blog mo, puro ganto nalang comment ko. Potangena makapag back read nga muna.

    So walang echuserang dolphines talaga? Ang ganda nung cottages sa gitna ng dagat pag nag tsunami simot ka!

  11. ginoong maldito ikaw na ang bagong diegong lakwatsera…
    ingat lang po sa biyahe!😀

  12. mabuti na lang at matibay ang sikmura ko. haha! langya ka.. parang alam ko na yung ngayayari sa buhay pag ibig yan noh? dinamay mo pa buhok mong nananahimik eh.

    badtrip din ako kaya tinatamad magblog. gusto ko na lang muna magbasa basa. buti ka nga nakabakasyon na eh ako bandang sa Mayo pa.

    • Ha ha ha..yan lang naman ang tanging paraan para mapalabas ko galit ko..ang kalbohin ko ang buhok ko..parang si britney spears lang.waahahaa

      wala din akong ganang mag blog ngayun month…gusto ko nga mag post nalang ng pictures tapos ang picture nalang magkwekento.ahaha..tuloy kayo sa antique? dont forget the “bandi”! ahahaha

  13. eh di ikaw na ang maraming gala. ang yaman mong puta ka, biatch! ambunan mo naman ako rito. lol!

    napa-tumbling ako dun sa dolphins na nagko-cross-stitch.😄

  14. oo na. sige na. ikaw na ang travel blogger of the year. ano na ang naiinggit at nagmumukmok sa isang sulok. hahaha! tongkat-ali for the win!!!

  15. demet! nakakainggit ang maldito. ikaw na ang mascot ng mga mangroves! lolz

  16. ang taray mo dong pa gala gala ka nlng at kailangan tlga mag post ng solo pic sa end ng entry.hahahah. mas bagay ang naughty humor travel blogger.hahaha

  17. may nakalimutan lng dong, kumusta naman ang amoy ng bus?naka rexona naman lahat ng pasahero?hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: