The Great Maldito

Thou shall not bitch

Anita and the 10 questions

Ang kwento ko ngayon ay hango sa totoong buhay. Iniba ko lang ang pangalan ng mga taohan para hindi naman masyadong obvious na officemates ko sila at nilagyan ng glitters para hindi magmukhang totoo. Lols. At syempre para pangalagaan ang kanilang reputasyon at dignidad, kung meron man.

Sa isang malayong lugar na tanging ako lang ang nakakaalam, may isang kaharian na  hawak ng isang malupit na reyna.  Tawagin nalang natin siyang Lady F (F for Efren).

Anti RH bill si Lady F, kaya lumubo ang populasyon ng kanyang munting kaharian. Wala na talagang paglagyan ang mga bagong panganak na mga sanggol maliban nalang sa flower pot. Kaya nag-isip si Lady F ng paraan kung pano mabawasan ng tao ang kanyang kaharian.

Gumawa siya ng isang laro. Tinawag niya itong: 10 questions.

Bale ang arte ng laro na yun ay hahanap ka ng kapares. Siguraduhin mong matalino at hindi shoshonga-shonga. Ang isa ay ang magtatanong, at ang isa ay sasagot ng oo o hindi lang. Bawat pares ay bibigyan ng sampung tanong only. Pwdeng tumawad up to 20 questions, kapalit ang 3 gunshot wounds. Di ba sinabi ko na malupit ang tangenang reyna? Ang matatalo sa larong ito ay gagawing midnight snack ng mga alagang leon ni Lady F.

Pumili na ang lahat ng kapares maliban nalang kay Juan na huli na dumating. Wala siyang ibang option kundi gawing kapares ang shongang si Anita. Si Anita na parating walang malay.

Dumating ang araw ng tournament. Lahat ng kalaban nina Juan at Anita ay safe na. At dahil sila ang huling nakapili ng pares, sila din ang huling tatanghal. Si Anita ang pinili ng reyna na magtatanong at huhula ng sagot, si Juan ang sasagot ng oo o hindi. Matapos malaman ni Juan yan, inutusan niya ang kanyang personal lawyer na ihanda ang last will and testament niya, dahil sa piling ni Anita, para mo na ring kinaibigan si kamatayan.

Theme: childhood cartoon characters

Round 1. (hindi ko nalang sinama ang ibang tanong. Yung highlights nalang)

Anita: Tao?

Juan: Hindi.

Anita: Hayop?

Juan: Oo.

Anita: Princess ba to?

Juan: Hindi. (Potangena, hayop nga. Nagtanong pa kung princess. Shonga talaga!)

Kabado na si Juan. Isang tanong nalang ang natitira hindi pa niya nakukuha ang sagot. At ang huling tanong ni Anita na nagpasindak sa lahat ng kontrabida sa telebisyon…

Anita: Frog Prince ba?

Juan: Potah kaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!

Sagot: Tweety bird

Nasiyahan ang reyna kay Anita. Kaya binigyan sila ng isa pang pagkakataon.

Round 2.

Anita: Tao?

Juan: Hindi.

Anita: Hayop?

Juan: Oo.

Anita: Aso?

Juan: Hindi.

Anita: Pusa?

Juan: Oo.

Anita: Lumalakad?

Juan: Fuck. Oo!

Anita: On four feet?

Juan: Oo!oo!!oo!!

Final guess…..

Anita: Hello Kitty? Je je je..

Answer: Simba

Halos mahulog na sa upuan ang reyna sa kakatawa sa kay Anita, obviously natuwa ang reyna sa show na pinakita nila ni Juan. Pero si Juan? Kung pwde lang na hilingin sa lupa na kainin si Anita at wag nang ibalik pa sa ibabaw ng mundo. Tahimik ang lahat at nahihintay sa desisyon ng reyna.

Reyna: Dahil natuwa ako sa inyo, bibigyan ko kayo ng huling pagkakataon para mabuhay. I will give you another round. `

3rd round.

Anita: bagay?
 Juan: no
 Anita: tao?
 Juan: no.
 Anita: cartoon character?
 Juan: yes. Piste ka!
 Anita: hayop?
 Juan: yes
…………………………….

Anita: batman??!!

Natahimik ang lahat.

Answer is garfield

Alam niyo na kung ano ang nangyari sa shoshongang si Anita. Yes, ginawa siyang kanang kamay ng reyna habang si Juan ay pinakain sa leon.

Lesson: May mga taong walang kwenta pero nasa mataas na posisyon. Life is not fair bitches.

Single Post Navigation

29 thoughts on “Anita and the 10 questions

  1. oo nga naman. may mga presidente nga tayong kagaya ni Anita eh. Ang tiket lang nila ay dahil madaming natutuwa sa kanila.

  2. lels. tawa ako ng tawa sa game at panghuhula ni anita.

    true. May tao na nasa posisyon dahil nagustuhan lang ng mas higher position.

  3. if I know, boss mo si anita hahahaha

  4. NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

    Pinipigilan kong humagalpak sa tawa dahil nasa opisina ako. One of your funniest post ever. LOLOLOLOLOL! :))

  5. NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

    Pinipigilan kong humagalpak sa tawa dahil nasa opisina ako. One of your funniest post ever. LOLOLOLOLOL!🙂

  6. hahaha. oh my god. may anita din sa dati kong work. nagkalat ata ang lahi ng anita na yan. hahahaha.

    at dun sa princess, hello, baka kakapanood lang nya ng the princess and the frog ba yun? kakapalabas lang a few days ago nun sa pag hindi hbo, star movies. hahahhaha.

  7. kailangan ni lady f ng komedyante. eto naman.

    inperness nakakatuwa siya. lolz. sarap kalaro ng 10 questions.

  8. Hahaha. May moral lesson pala ito? Pambihira! Kung ganyan katanga yung nasa mataas na posisyon na yun eh lubayan na yan. Walang credibility ang kumpanya sa pagpili ng employees. Haha

  9. Tengene flower pot tawa ko ng tawa hahahaha.

    Winnur ang tawa ni Anita! Je je je! May spaces pa! Jusmiyo!

    Sabi nga ni pareng Greg, ‘People get what they get. That has nothing to do with what they deserve.’

    Hmmkeitnxbye.

  10. Dear Juan,
    Ipagpatawad mo kung napainit ni Anita ang ulo mo, sana maintinidihan mo na sa aking kaharian nalulugmok ako sa kalungkutan at kailangan ko ng isang Anita na magpupuno ng kalungkutan ko. wag mo din sanang isipin na hindi ka magaling isa ka sa nangungung sa listahan ko ng magagaling at may dignidad kaya lng sa ngayon kailangan ko talaga ng magpapatawa sakin. kaya sa susunod na magpapalaro ulit ako ng 10 questions alam mo na gagawin mo.
    regards,
    Lady F.(F for Efren)

  11. tama nga naman, haha!

  12. nahaysssss! :)) pinoy henyo wordpress version. heheheeh! katawa naman.🙂

  13. agreeng agree ako jan…sabi na nga ba sa huli ang pangsipa mo weh…namiss kita malditz!hekhek

  14. erhu ianyce on said:

    .,ampotek na buhay to natawa ako kay anita! ahahaha at c reyna F ahahahaha parang may kakilala akong efren ang name hmmmmm lalake ba c reyna F? ahahaha shetness na buhay…talagang ganyan hindi man katanggap tanggapap nag mga situation eh wala na tau magagawa..unless tut….ahahaha

  15. Putek tawa ako ng tawa habang binabasa ko mga pagtatanong ni Anita. Parang nakita ko sarili na nanonood ng live at di ko mapigilan ang mapatawa hehehhe! Well sabi nga nila that’s life ship happens!

  16. nakakaloka si anita pigil-pigil ako ng tawa dito sa opisina lol..haist d2 madaming ganyan, matataas ang posisyon dahil local pero kapag pinagtrabaho mo muna ay nakuh eengot-engot at walang alam.

  17. ikaw ba jan si juan. jejeje😉

  18. magandang laro yan ah. ang saklap talaga ng pagpili ng criteria sa position sa trabaho. palakasana..politics talaga kaya dapat pakisamahan mo lahat ng tao. plastikan ang drama. hehe!

  19. aperockstar on said:

    Oh God. True.

    May mga utak sabaw pero nakaluklok sa pwesto. Taga nguya ng bubble gum. Buset!

  20. Diko inasahan na may moral lesson pala sa huli ung kwento, hahaha.. na minsan kailangan maging shonga kung hinihingi ng pagkakataon.

  21. kumusta ang bakasyon grande manoy?

  22. Ayun it pays to be shonga minsan angatch je je je

  23. i love it! Maraming anita ang nabubuhay ngayon sa mundo. Sana wag na magkalat ng lahi dahil ilalagay na lang sila sa flower pot!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: