The Great Maldito

Thou shall not bitch

Cocks

Isa sa katangian na hindi ko nakuha sa yumaong ama ko ay yung pagkahilig sa sugal. At nagpapasalamat ako na hindi ko kinahiligan yan. Mahilig akong sumugal ng tsansa sa buhay, pero kung yung sugal na may halong pera, ibang usapan na yan.

Naalala ko dati na parating nag-aaway nanay at tatay ko dahil sa mga alagang manok pangsabong ni tatay. Kapag parating na ang araw ng sabong, VIP treatment lahat ng manok ni ‘tay. Ang kakapal ng mga hinayupak. Yung almusal nila hardboiled egg at carrots. May kasamang pang vitamins.

Tuwing uuwi si nanay sa hapon galing trabaho, six-o’clock habit na ang sigaw niya na:

“Buti pa mga manok mo may six packs! Habang mga anak mo halos mamatay na dahil hindi mo inaalagaan!:.

Tapos sasagutin din siya ni tatay na:

“ Eh san ba tayo kumkuha ng pangkain? Di ba sa mga manok ko rin naman?!”.

Hindi na matatapos ang bangayan kapag nasimulan na ng isa sa kanila. Kahit siguro sa panaginip nagpapatuloy ang away nilang mag-asawa.

Pero hindi naman parating nangyayari yan. Sa totoo, masayang pamilya kami. Hindi lang maiwasan kung minsan na gumawa ng issue ang mga echuserang manok ni tatay na ikasisimula ng away.

May mga oras nga na tinatadyakan ko ang mga manok sa betlog (kung meron man sila)  pag napapadaan ako sa sobrang inis. Minsan din, sinasakal kapag gigil na gigil ako. Sa isip ko kasi, walang magandang may naiidulot ang sugal sa pamilya. Panira lang.

Tinigil ko lang ang gawaing yan noong minsan sinakal ko ang manok ni tatay at naawa ako. Tirik na kasi ang mata tapos labas na ang dila. Kung nakakapagsalita lang ang manok, malamang nagsisigawan na yun ng “parang awaaaaaaaaaa, kuyaaaa!!”. Pero buhay parin naman sila sa awa ng Diyos. Para kasing sinasakal ko na tatay ko nun kasi alaga niya rin naman ang mga manok.

Inisip ko nga minsan na subukan ko naman silang takpan ng unan para hindi ko na makita ang mukha nila. Pero nanaig parin ang pagiging maawain ko. Kaya kinakausap ko nalang sila tuwing pag-uwi galing eskwela na dapat manalo sila sa laban para may pangkain kami. At para na rin may hardboiled egg at carrots sila. Oo, sila na ang sira ulo. Kinakausap ako.

Napamahal din naman ako sa mga manok ni tatay sa huli. Umabot sa punto na meron na akong paborito sa kanila. Si San Pedro. Yung puting manok ni tatay na madalas nananalo sa laban. Ako yung nagpapakain, humihimas, nagpapaligo at naghahanda sa kanya sa tuwing may laban. Minahal at tinanggap ko ang mga manok ni tatay, pero ni minsan hindi ko minahal ang  larong sabong.

Noon inuwi ni tatay si San Pedro galing derby na duguan at patay na, niyakap ko ito at umiyak ng sobrang-sobra. Para lang akong naputulan ng potoytoy. Yung scene namin ni San Pedro ay parang father and child lang sa loob ng hospital, na binawian ng buhay ang anak tapos yakap-yakap ng ama ang anak at sigaw ng sigaw ng:

“Lord bakit siya pa?! Sana ako nalang!”. Ako na ang best actor in a cartoon series.

Kadalasan, inuulam naming yung mga natalong manok maliban na lang kay San Pedro. With proper burial ang manok. Kung pwde lang nga maglamay ng isang lingo sa sobrang pagmamahal ko sa pesteng manok na yun. Dahil nga bata pa ako nun, tinanong ko tatay ko kung pwede bang dalhin si San Pedro sa simbahan para bigyan ng misa. Sabi ng tatay..

“Anak, walang kaluluwa ang mga hayop. Hindi pwede”.  Kung ano man ang pinagkaiba ng kaluluwa at espirito, hindi ko alam.

May mga panahon na ang tao ay maghahanap ng rason para mahalin ang isang bagay kahit na alam niya na ikakasama niya to. Nakakalimutan na natin mag-isip ng patas at matino. Misan, may mga taong galit sa pagnanakaw pero ni minsan hindi magawang magalit sa nagnanakaw. Sa lugar ko, nagawa kong mahalin ang mga manok pero ni minsan hindi ko minahal ang larong sabong.

Kung tutuusin, parang sumugal na din ako sa lagay na yun. Patuloy kong inaalagaan ang mga manok kahit na alam ko na isang araw uuwi silang isang malamig na bangkay.

Bawat araw sumusugal tayo ng hindi natin alam. May mga oras na nagmamahal parin tayo, kahit alam natin na sa huli, may isang matatalo sa larong sugal.

Single Post Navigation

29 thoughts on “Cocks

  1. Ayy.. Eh literal na cocks. Haha. May moral lesson pala ang sabong at pag-aalaga kay san pedro. Ikaw naa! Ganun talaga ang buhay, it’s all about taking risks and chances.🙂 Life’s a bitch.

  2. super like this lline….”May mga oras na nagmamahal parin tayo, kahit alam natin na sa huli, may isang matatalo sa larong sugal”.
    sabi nga, ang buhay ay isang malaking sugal hindi ka man literal na pumupusta pero sa bawat desisyon na nagagawa mo may kasamang consequences yun its either talo or panalo/ good or bad.

  3. kaya nga ayaw kung magsugal sa pag-ibig kasi pangalawang beses na akong natalo🙂

  4. Sana manok nalang ren ang minahal ko.

    Chos.

    In all seriousness, maraming beses na kong nagdecide between what’s right for me and what I want. Madalas akong nauunahan ng pagpupumilit ng gusto ko kesa sa kung anong mas safe na gawin ko.

    Like the time when I finally decided to tell the first person I fell in love with how I felt about him. I knew then na walang patutunguhan, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko bat ko pa tinuloy, pero gumora ako like Rebecca Black sa kanyang Friday video.

    Saklap dude. Iyak me much.

    Kaya maghahanap nalang ako ng manok. At hindi ako magdadalawang isip ulamin sila pag umuwi silang dedz.

    • ha ha ha..potah ka vajay! manok man ay natutukso rin! chos! aahahhaa. Vajay, i know i know. Rejection equates pain. Or more than that. But i think it is much better than not saying it. In that way, nalaman mo kung san ka tatayo, at kung kelan mo siya uupuan, i mean kung kelan ka pupuwesto sa buhay niyo. Kung baga, hindi siya hanging. Char. ahahhaha

  5. napadpad ako dito dahil kay salbe
    namiss kita fafa maldits. mwah

    uu nga.. bakit si san pedro pa … sana…

  6. at talaga namang meron pang moral of the story sa dulo! hahaha! Pero impernes masarap isugal ang puso para sa pagibig… exciting kasi eh! hahaha! apir!😀

  7. Ang emoooo. May kaluluwa manok, kaya nga nagkaron ng alaga si San Pedro sa langit.

  8. ako ya nahidlaw sang bisaya nga manok.. may ginasagod kami sang una, ginapangalanan ko pa pero gali ako ya ang mautod sang ulo gali nila.. hilibion ko ya eh.. haha i should agree with you.. sometimes, we have to gamble.. not literally but we have choices to make, we have opportunities to grab but in the end, it’s the journey that matters because even if we failed at the end, we know for ourselves, we learned a lot from our gambling..

    • sa tuod lang hindi gd ko ka distinguish between sa bisaya nga manok kag sa normal lang nga manok. they are all taste like chicken to me. ahahaha..

      My tatay asked me one time to cut the chicken’s head too, i did not do it. Twas to painful to perform. So he got angry and asked my older bro instead. I was there in the room crying for the life of that chicken. Poor soul. ahahhaa…

  9. Ipinilit talagang isingit ang “pamamahal” sa dulo! Ikaw na ang malandi at laging in love. Ako rin hindi mahilig sa sugal. MInsan ko na kasing ipinangtaya ang katawan ko, at natalo ako… LOL!

  10. Ryan Adik Nga Lambay on said:

    Teka pare. Bisaya ka? Aw pareha ratang duha. Matagal na akong naghahanap ng mga bisaya na bloggers.

    Tungkol pala sa manok itong blog post mo. Akala ko kung anong klaseng manok tinutokoy mo. Walang hiya ka.😛 Add me up sa bog roll mo. I added you already.

  11. Hindi rin ako mahilig sumugal except pag NBA FInals, laban ni Pacman at sa katuwaang basketball games namin. Law of chances, pwedeng manalo pwedeng matalo. Bilog ang bola pwedeng manalo at pwedeng matalo.

    Sumugal din ako sa pag-ibig… sumaya at nasaktan. Masarap din ang feeling ng sumusugal… me thrill! I guess kung gusto nating magkathrill sa buhay… ihanda ang pantaya at sumugal tayo! \m/

  12. ang masasabi ko lang, matigas ang laman ng native na manok.

    at ayoko ng manok na panabong dahil pineklatan ako ng bwisit sa noo nung bata pa ako. pasok na pasok ang moral values ah. kelangan talaga may halong pag ibig? haha! back to manila na ulit ako.

  13. Sabi nga, its how you play the cards you’re dealt with. Di baleng talo o panalo. Ang importante, tama ang pag-gamit mo sa mga baraha mo.😉

  14. hahaha, oo ikaw na tlga ang best actor sa cartoon movies maldito.abi ko ug mag post na pod ka ug picture nimo nga topless at the end of the post.hahaha

  15. love the end part ..nakakarelate ako sa tatay kong nag punta ngaun sa derbihan ..siya na sabongero ..hehehhe .. Nkkadepress mawalan ng alagang manok kasi nag invest ka na nang oras at pagmamahal dun ..emo??? hahaha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: