The Great Maldito

Thou shall not bitch

Soap Opera

Ang bango-bango ng bagong sabon na inutang ko sa aking room mate. Nasa box niya ang pangalang oat milk, so malamang gawa siya sa gatas at oats. Duh? Minsan nga naisipan ko na siyang kainin dahil wala talagang pagkain sa bahay. Umandar na naman ang pagka hungry dead.

Para siyang sampaguita na may halong ¼ ounces of roses, pinch of mint at isang patak ng luha ni severus snape.

Ang sarap isabon dahil may oats, lalo na sa mga lugar sa katawan na mahirap abutin. Masarap kasi para ka lang nag sascrub, nakikiliti ang betlogs ko pagsinasabon ko siya. Amazing talaga dahil pagtingin ko sa betlogs ko ….shiny na!

Okay, hindi ako papasa bilang product reviewer.

Fetish ko ang mabango. Sa tuwing paglabas ko ng banyo pagkatapos maligo, para lang akong rebulto na inalayan ng bulaklak. Ganun siya kabango. Kaya kahit sa bango man lang, feel ko na ang linis ng budhi ko, walang bahid ng immoralidad at intact parin ang kamalayan kahit na wasak na wasak na ang mukha.

 Medyo may kamahalan lang ng kunti ang bagong sabon ko. At ang daling maubos. Siguro nga dahil gawa siya sa gatas. Pero bago ko pa gamitin ang sabon na to, meron na akong regular na sabon na ginagamit. Hindi man siya ganun ka bango kumpara sa oat milk, tiwala pa rin ako sa kapabilidad niya na magbigay sakin ng long lasting kaligayahan. Walang shiny balls after bath, but a pure feeling of satisfaction. Weh?

Sa dami ng “options” sa mundo sa lahat ng bagay, nakakasakit na sa ulo ang mamili. Kadalasan, papalit palit tayo ng ginagamit dahil kulang, tapos hahanap na naman ng bago, at kulang na naman o hindi ka masaya dahil nga, kulang. Ang dali lang siguro pumili kung ang pagpipiplian ay pula o sa puti lang, o di kaya pera o bayong, pwede ring hirap o sakit. Teka, parang pareho lang no?

Di rin nagtagal bumalik ulit ako sa dating sabon na ginagamit ko. Ganyan naman talaga parati. Kailangan sumubok ng iba. Dahil sa kabila ng papalit palit natin sa pagpili ng mga bagay, mas lalo nating nalalaman kung sino at ano ang dapat nating bigyan ng halaga.

Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,
Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.

Single Post Navigation

36 thoughts on “Soap Opera

  1. “Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,
    Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.”

    Like!

  2. hmmmm sabon lang ba tlga ang bida dito? o may kasama syang puso?

  3. nahuli kang namimili ng ibang sabon ano? hehehe

  4. Ako kusto ko toothpaste. Kunek?! May mga ganung emoness sa dulo! Magaya nga mga ganyang style tutal wala naman ako ma blog..

  5. paano kung pagkatapos mong sabihin na “Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko” ay hindi na pwede? Sa sobra kasing daming pagpipilian minsan hindi na nakikita ung mga bagay na meron naman dun sa kasama/bagay na nasa’yo dahil sa kagustuhang sumubok ng iba. Well. ganun naman talaga ang tao pag may bago go tapos ganun din naman. Sana lang laging hindi pa huli ang lahat. Baka sa susunod na bumalik ka faceout na pala ang naturang paboritong sabon.😀

  6. Sinasabi mo ba na OK lang mambabae kahit nasa isang relasyon ka na?

  7. myfilthyroom on said:

    reading between the lines ito..

  8. akala ko nung una parang advertisement ng soap lang ito. On how that oats makes the balls shiny. Meron palang hidden story at the very end.

  9. seryoso ni? nano na..

  10. Yan na nga sinasabi ko. Dumadalawa ka ng sabon, sumasideline ka pa para maging shiny ang betlog ha? Yan na nga. Literal ngang pang-soap opera. Haha.

  11. dumodobol meaning ang post na ito…

    hehhe ..

    box office ang iyong soap opera brod.

  12. if i know, downy perfume lang yang sabon na yan. may pa oats oats ka pa at milk na nalalaman.

    pero seriously alam ko yang sabon na yan, nasubukan ko na rin. yan ba yung may baka na pic sa lalagyan? haha! pampaputi ng kilikili, singit at kung san san pa.

    double meaning nga ito. double dead din. bocha. at nakakaamoy ako ng kasalanan. weh?!

  13. Christian Bryan on said:

    i like your analogy!🙂

    nice post..

  14. hindi ako interesado sa kung anong sabon ang pinangkukuskos mo sa tite mong maugat. mas interesado ako sa kwento ng “sori na. ikaw naman talaga ang gusto ko.” umamin ka, isa ka ring lalakeng nadadarang at natutukso rin. lol!

  15. eh ikaw na ang me makinis na betlog at walang kulubot….😀 pero ako gusto ko ang sabon na mabango! pero parang me bahid malisya yung huling parte ng sinulat mo “Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,
    Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.” parang me deeper meaning eh!😀

  16. ahahaha, humingi ka ng tawad, ngayon din! ang landi naman kase ayan tuloy😉 pero tama si L, may gusto namin ang detalye ng “sori na. ikaw naman talaga ang gusto ko” kesa sa sabon na may milk at oats at luha ni severus snape.

  17. ooi parang may bahid ng two some ang sabon… hehehe

  18. walang sorry sorry! pag katapos mong tumikim ng oats oats! Lols

    kung bakit nga ba kc kailangan munang tikman din ang iba bago marealyz na ang gus2 mo nmn tlga eh yung kung ano ang meron ka. ganyan tlga ang lyf. may magic, may namnam pero nasa tumitikim yan🙂

  19. Itong malanding ito! Para sabon lang nag-emo ka na naman LOL. Mas masarap siguro yan isabon kung may maghihilod sa likod mo LOL.

  20. hang landeh lang. mmmm.. may pinaghuhugutan ha. sabon ba to o _____?

  21. Kahit anong bagay, basta betlog shiner, panalo yan. Aprub!

  22. Parang gusto ko tuloy mag try ng oat milk soap, hehehe! =)

  23. hi sir
    pwede po makipag link exchange, eto po ang aming website http://www.pleasureshop.com.ph ang blog namin http://www.pleasureshop.com.ph/blog, kung maibigan mo email nyo po ako sa tricia.crisostomo@yahoo.com

    maraming salamat

  24. suss ko ka dong! ayaw na tilaw2x sa mga milk oats2x na yan ky magmahay ra lagi ka in the end. I know double meaning ni nga post, i´ll wait for the confession soon.hehehe. Focus in the blessings that you have, so you won´t go looking for the things that you don´t have.:)

  25. awwww.
    parang nakakasad isipin na naghintay namang talaga yung sabon mo sayo tapos babalikan mo at hihingi ka ng tawad. hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: