The Great Maldito

Thou shall not bitch

Eyes set to kill

Tinatanong ko sarili ko kung saan ko nakuha ang pagka-morbid ng aking pag-iisip kung minsan. Gaya nalang dati noong nagkasakit ang officemate ko at kakabalik lang sa opisina. Pagkakita ko pa lang sa kanya sa pintuan na sobrang payat, nagsimula agad ako magdasal at mga plano sa darating na libing at coffee party.  Ako na ang  super duper ultra masama.

Eh feeling ko kasi pag nagkasakit na ang tao, mamamatay na. Yun pala stress lang siya. Saree nemen.

May bagong officemate ako ngayon. Babae. Bata pa, kakagraduate lang ata sa kolehiyo. Alam kong masama akong tao, pero pag pinagtabi mo kami, magmumukha akong santo.

Sa katunayan, siya yung kumalog ng pananampalataya ko sa Diyos.

Minsan, umupo ako sa station niya kasi may bagong hampas lupa na umupo sa station ko. Hot seating kasi kaya naiintindihan ko rin naman.  Sabi ni boss, rest day daw niya. Nagulat nalang ako may duty pala ang lintik. Pagdating niya, tinaasan ako ng kilay at pinaalis. Yung kilay, parang connecting flight lang from Singapore to Somalia. Ayaw ni ate na umupo sa ibang station kasi hindi niya feel ang ibang headset. Eh headset namin ay naka lock sa Avaya at hindi pwedeng tanggalin. Maarte much?

Syempre umalis ako habang humahagulhol with matching shuddering of shoulders.

NOT!

Tumigil nalang siya sa kakadaldal noong tumilapon ang headset sa desk niya. Hindi kasi ako madaldal kaya ginagawa ko nalang ang dapat gawin. Pasalamat siya at hindi Granada ang hinagis ko.

Minsan din, habang nagbabasa ako ng blog sa tablet (simulation unit sa office), bigla nalang siya nag pakita sa likod at nagsabing:

Meron akong i-aadd sa tablet.

Wala kahit excuse man lang. Hindi rin nawawala ang signature connecting flight eyebrows.  Bobo siya? Tenured kaya ako at siya hindi pa nga umabot ng isang buwan.

May call ka ba at kailangan mong kunin to ngayon?

 

Wala. May gusto lang akong iadd,

 

Kita mo ba na ginagamit ko rin?

 

Eh, may i-aadd ako.

 

Hindi ko na siya pinansin. Pinatuloy ko nalang ang pagbabasa habang putak siya ng putak sa likod. Napagod siguro kaya nag walk-out nalang. 2-0 na ang score. At ako ang lamang. Wahahahaaa.

Yung last na encounter naming noong pumunta siya sa bar. Dumiretso lang sa table namin tapos kumuha ng chippy. Nagulat kami kasi wala kahit isa sa amin ang close niya tapos ang lakas makakuha ng pulutan.

“Gusto mo ng rice teh?” Tanong ko.

At nag walk-out si ate. Yung paborito niyang gawin.

Dahil sa kanya, bumalik na naman ang mga morbid thoughts ko. Gusto ko siyang ipasok sa sako, itali sa puno ng mangga at paghahampasin ng drinking straw. Wala lang trip lang.

Dapat talaga ipasa sa kongreso ang batas na:

Umayos ayun sa ganda. Wag mag-inarte kung mukha namang paa.

Single Post Navigation

22 thoughts on “Eyes set to kill

  1. ahahahaha ang dami kong tawa sa kilay na connecting flight from Singapore to Somalia kainaman namang tlga🙂

    at panalo ang “Gusto ko siyang ipasok sa sako, itali sa puno ng mangga at paghahampasin ng drinking straw”

    Maldito! You Already :-))

  2. obviously, she’s hitting on you.

  3. Baka crazz ka at nagpapapansin sa ‘yo. Ampugeh mo kasi. Hahaha!

  4. hahahaha! panalo yung pagkakapanalo mo. medyo newbie palang e umaatitude ang chaka na yun?

  5. shuddering shoulders…hahahaha naiimagine ko na naman! lech!

    sabi na sayo soulmate mo nga yan si chuvaness…eeeeee!😄

  6. Hahahaha. TAMA! Minsan talaga sa buhay, may dumadating na magdudulot sa atin para gumawa ng kasalanan. Haha. Try po pagumpugin ang siko at tuhod tapos gupitin mo hanggang maubos ang ilong ng nail cutter. Hahaha. Hobby hobby lang! Parang nag-gantsilyo lang. LOL

  7. morbid thoughts ba, baka naman love yan. dun nagsisimula yun eh. magkaaway sa umpisa, tapos biglang magigising ka na lang, in love ka na! lolz

    bago nanaman ang look.

  8. ayos! baka kumportable lang masyado at iniisip nya friendly ka din masyado.. haha nakakainis nga ung babaeng maganda na nag iinarte, eh di lalo na kung di na nga maganda, nag iinarte pa.. haha kahit shave mo na lang kilay nya ata, bawi ka na.. haha

  9. at marami na talaga kami na convinced, may HD yan sa yo ulol.😛

  10. feeling ko sa mga susunod na araw, love story nyo ng dalawa ang post mo…
    yung nagsimula sa mga bangayan churvah…tas matatapos sa bangayan sa kama…

  11. ahhh sya pala yung babae sa septic tank.

    pagamit ka na kasi. lols! kelan kaya makaiskor si girl sayo.

  12. Hahaha! This is so hilarious, as usual. I am so blogrollin’ you.

  13. hahaha! ambago bago lang nya, anyabang na nya! gawin mong impyerno ang working life nya! lols!

    kung ako, ganun ang gagawin ko. hahaha!

  14. hmmm cguro idol, kulang lang sya sa pagmamahal at attention. Kaya pagbigyan mo n, bigay mo na ang matamis mong kess. hehehe!

  15. baka naman ganun ang way niya para maging close kayo sa isa’t-isa at para makuha niya ang atensyon mo… naks! naman.. ehehehehee..

  16. Hahaha tanginang babae yan, strong bones. Ano bang simulation nyo sa office sa amin kasi pagawaan ng basahan may simulation rin kaso hindi sa tablet, kundi sa hologram.

  17. hindi kaya may lihim na pagtingin xa sau?? heheheh

    ansarap niyang bigyan ng right hook tapos upper cut ..pak! haha

  18. Panalo yung last line!!!!! Pero sa kwento mo pa lang mukha ngang ang ganda ganda ni ate😉 hahaha

  19. fiest timer here..

    love you blog, kakawala ng stress sa office..

  20. love the quote, unkabogable!

  21. hhaha pagka nlng ng imong officemate dong oii!tudloi na ug leksyon ha ky apil ako wa kaujon nija,hahaha. kumusta naman nga nikalit lng ug panguha ug chippy,hahaha.maaju ra imong gi ingnan ug gusto ba nija ug rice.hahaha

  22. Dalaga na si Ineng. ~ on said:

    Pahingi ng Chippy!🙂 Idol na kita kuya. Hehhehee.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: