The Great Maldito

Thou shall not bitch

What does traveling means to you?

What does traveling means to you?

Yan ang tanong ni TitoPaulo Coelho sa blog niya. Ayokong magiwan ng comment dahil baka madiscover pa ako at sumikat. Kaya ibloblog ko nalang ang sagot.

So ano ba talaga ang kahulugan ng paglalakbay para sakin?

Syempre wala, aksaya lang ng panahon. Uma-attitude na naman? Ha ha ha.

Iba sa inyo nagtataka kung bakit puro beach lang ang pinakita ko sa dating post ko about traveling, at parang walang kabundol-bundok. Blog ko to pakialam niyo? Ahahhaa..

Syempre, minsan sumside trip din ako sa mga bundok. Hindi lang halata, pero mahilig akong umakyat ng bundok. Lalo na kung sariwa. Ay shit. Mali.

Nakita niyo na ba yung movie ni Julia Roberts na eat pray and love?  Ako? Hindi. At wala akong plano. Nabasa ko lang sa ibang blogs na tungkol yun sa babaeng nag-iinarte na mahanap ang sariling kaligayahan. Pumunta ng ibang lugar, kumain, at nagalit sa MMDA dahil kulang daw sa warning ang daan.

Kunwari seryos na.

Darating sa punto na mapapagod ka sa lahat. Sa sarili, sa trabaho, karelasyon, responsibilidad, sa pera o di kaya sa pamilya at isa lang ang tanging sagot diyan: Ang tumakas. Ang probema, saan?

Sinubukan ko minsan gawin ang ginawa ni Ate Julia. Bangag lang noong araw na yun at napagsawaan ko na ring idreadlocks ang buhok sa kili-kili. Naligo, hinanda ang kakainin, inempake ang magagandang briefs para kung ano man mangyari sakin, atleast hindi ako mahihiya sa pamilya ko na makita akong nakahandusay sa bangin. Patay man atleast mamahalin naman ang brief. For a change din yung brief na walang skidmarks. Lols

Maulan noon habang naghihintay ako sa terminal ng bus. Bad timing ang panahon pero hindi ako pwedeng mag back out at umuwi nalang. Sayang ang effort, oras at hair gel. At dito ako nakarating:

 

Kuya saan ang Starbucks dito?

Bundok yan dun sa Bogo City.  Tignan niyo naman ang langit,  bad mood. Problema kung pupunta ka sa bundok ay yung tirahan. Unlike sa mga beaches, sigurado ka na mayroon ka talagang matutuluyan, because near the bitches are cheap motels.

Kung saan ako nakitulog? Sa driver ng motor na sinakyan ko para ihatid ako sa kung saan ang starting point ng bundok na yan. Letche, kung ano ang pumasok sa utak ko sa araw yun? Hindi ko alam. Alam ko na ang tanging gusto ko lang sa araw na yun ay ang pumunta sa kung saan hindi abot ng GPS.

Driver: Sir, maraming NPA dun. Delikado.

Me: Tangena!Diyos ka ba? shut up and drive. (joke. hindi ko sinabi yan)

So far hindi ko naabot ang tuktuk ng bundok. Dahil nga masama ang panahon at medyo hapon na noong dumating ako. Kaya napagisipan ko nalang na magpalipas ng gabi sa bahay nina kuya. Ang simple ng bahay nila. Walang kyeme-kyeme. In short, bahay kubo ang tirahan nila pero may jacuzzi sa sala. Weh?

Kahit malayo sa ciudad ang lugar, napakasimple lang ng buhay nila at hindi komplikado. Kita sa mga mukha na hindi sila problemado at walang stress. Tinanong ko si kuya kung masaya naman sila sa ganitong buhay. Alam niyo ang sagot niya?

Manong: Sanayan lang yan  sir. Masaya naman. Malayo sa gulo at mahirap na buhay sa city.

Tama naman siya. Pero sa taong katulad ko na hindi napapagod sa kakaimprove ng buhay, mahihirapan akong mamuhay sa lugar na kagaya ng sa kanila.  Ayoko na hambang buhay nalang akong didilig ng halaman at magwawalk ng kalabaw. Utusan mo nalang akong magtroubleshoot ng no signal sa cellphone wag lang magtanim ng palay. Arte? Siguro nga ang tao parang uri lang ng tanim yan. Tutubo sa kung saan dapat siya mabubuhay. Subukan niyo kayang magtanim ng strawberry sa desyerto.

Mamatay ako manong kung dito ako. Like now, im dying na nga eh.

Buti na nga lang at hindi ako pinalayas at pinatulog sa ilalim ng acacia. Wala pa naman akong Off lotion. Lols.

At dahil hindi natuloy ang meet and greet ko sa mga rebelde sa bundok, napag-isipan nalang namin na pumunta sa Pantalan. Para hanapin si Ploning.

Parang tanga lang ano? Pumunta ng bukid pero naka complete get up para party party. lols.

Minsan masaya ding gumawa ng ganito sa bukid.

Survivor Philippines

Pauwi na me.

So ano talaga napapala ko sa kakalakwatsa? Aside sa experience, napapalayo ka sa trabaho, nakikilala mo ng mabuti ang sarili mo at kung ano ang gusto mo sa buhay. Sa bawat tao na nakikilala mo along the way, mas nacocompare mo yung buhay mo at ang buhay nila. Ika nga, you have to go out of your house para malaman mo kung anong meron sa labas, hindi lang yung panay tanaw mo sa bintana.

So sabay- sabay tayong mag eat, pray and lust este love!

Single Post Navigation

33 thoughts on “What does traveling means to you?

  1. ikaw na ang magaling mag-lakwatsa at mag-photoshop. what does travel mean to me? walang meaning kasi walang pera. lol! bilisan mo na kasing lumangoy papunta rito; baka mawala na ang bumabahang alak. \m/

  2. lols. akala ko may mas exciting part sa pagsilong sa bahay ni kuya, like may anak pa la siyang dalaga… kambal… tapos inakyat mo ang bundok. joke lang

  3. Ikaw na nga ang lalaking Dora. Haha. Mag-isa ka lang talaga sumugod ng bundok? Sinong taga pektyur mo? Si Manong? LOL

  4. akala ko patay ka na dun sa pic na lumulutang ka! BWAHAHAHAHA
    oist sa october ha? pag di ka nagpakita, hahantingin kita dyan sa cebu!

  5. hahaha starbucks pa unang hinanap mo.. hahaha

  6. Sarap ng buhay ah. patravel travel na lang. gusto ko ganyan, pera lang ang problema.

    ewan ko ha, natuwa ako sa sagot ni manong driver mo. taglishero. lolz

    hay.

  7. padaan . . . dami ko tawa sa entry na toh . . . nice one . . . ehehe

  8. Ako hindi masyadong pala-travel kasi mahirap humanap ng time at mas mahirap maglaan ng effort. Travel to me means sandamakmak na pagpaplano. At ang pinakaayaw kong part ng travel ay yung mismong travel part. Ako na ang tamad magbyahe.

  9. mas maganda san akung ang bundok na pinost mo ay yung may nipples…yung pinkish.

    anyways, masarap nga mamundok pero nakakapagod yan. mas madali mamasyal sa mall at magwaldas ng pera. hahaha! food trip na lang muna ko. saka na yang mga ganyan.

    • Katuwa naman yung bundok na may nipples san banda yan?…ahhahahahaa. kapagod nga bossing. 4 hrs ang travel papunta lang dun. Hindi pa kasama ang trekking. Maulan pa. Kaya nga 2 days lang and 1 nyt ako dun. Nakakataba ang food trip! lols

  10. love the lesson.. nakaka relay ako kasi home body sako..

    sabi nga ng tropa ko dito sa kuwait minsan lumabas naman daw ako ng kuwarto ko para lumawaka nag aking horizon wahahahha

    try ko nga out of my comfort zone… gumaaganon?

    • Sir marlon kamusta po ang kaharian mo diyan sa kuwait? hehehe. Depende lang naman talaga yan sir kung saan ka masaya. Hindi nating mapilit yung iba na lumabas lalo na kung ayaw nila. Eh kung masaya ka naman sa bahay eh. Pero sir, there are so many things to see outside of our comfort zone. So dont be afraid to step out of the dark.hehhee.parang kanta lang. salamat sir sa pagbabasa!

  11. tama ka dude minsan kailngan din ng tao gawin yan…

    astig ang trip mo at gusto ko din yang i-try ..wahhaha

    eh di ikaw nang lakwatsero.

    ako na inggitero..wahhahah

  12. sarap magbyahe noh? mas exciting pag may part na naliligaw ligaw pa. tapos ang mga locals, mag-oover price sau dahil alam nilang hindi ka tagadun. bitter? oo dahil bwiset managa ng mga anaps. lols!

    tama si manong. sanayan lang. kanya kanya tayo ng pamantayan jan. kung minsan, nakakainggit sila.

  13. mali ba ung word na entry ? anu ba dapat ? sori naman . . . kabado . . . di sanay magcomment . kung mag ddrop bako ng maraming entries mananalo ako ? ahahaha . . .

  14. pota ayaw parin mag update ng feed ng blog mo sakin im so 2000 and late!

  15. gusto ko rin maglakwatsa, kaso may bago kaming aso sa bahay. limited na ang aming lakwatsa. pero kahit na, masaya din ang may aso😀

  16. ikaw na! ikaw na nga!

    ikaw na nga! hahahha

    di ka pa rin nagbago glen.. malibog ka pa rin!

    wag may react ng hard… napadaan lang ako… ewan ko ba.. naghahanap ako ng paminta dito ako dinadala ni manong google! LOL

  17. by the way, pa update naman ng link ko.. matagal ko nang pinatay ang wordpress ko… heto ang luma: http://www.jgsmart.blogspot.com

  18. natuwa ako sa picture sa sagingan. native na native ang dating mo dun ah. hahaha

  19. I totally envy you for being able to go around and travel a lot. I’m not getting any younger and I’d love to do all that shit too…but man, raising a kid (and a sometimes childish wife) makes it impossible for me to even go to the mall alone.

  20. Sa kabila ng modernong pamumuhay sa ngayon, wala pa rin talagang tatalo sa pagiging simple.

    Nakakamiss ang probinsya sa paskin na ito.

  21. Sa kabila ng modernong pamumuhay ngayon, wala pa rin talagang tatalo sa pagiging simple.

    Nakakamiss ang probinsya sa paskil na ‘to.

  22. wow naman parang ang sarap magpaka survivor eklaboo.
    sana magawa ko rin yan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: