The Great Maldito

Thou shall not bitch

Shooting Mall

Sa oras na to malamang marami na sa inyo ang nakakaalam sa nangyari sa SM Iloilo, SM Pampanga at sa SM North Edsa. Kung kailan pa nag-expand ang SM malls para maging shooting mall, hindi ko alam. I’m so belated.

 

Ano nga ba mayroon sa SM na pinipinili ng mga tao para mag suicide? Dahil ba malamig at dyahe naman kung sa Quiapo gawin ang krimen? Dahil ba sa motto na “we got it all for you”? O para malaman ng ibang tao na hanggang kamatayan ang pagmamahalan nila? Hindi ko talaga gets kung bakit pa sa maraming tao gagawin na pwde din naman sa bahay para convenient. Papasukin mo lang sa kwarto, babarilin and dyaran. Tapos.Choosy pa sila. SM talaga.

 

Hindi sila nag-iisip na maraming tao ang masasaktan sa gagawin nila. Ako na ang concern?

 

Magagawa talaga ng pag-ibig no? Siya na ang powerful.Kaya nga hangga’t maari hindi ko pinapayagan ang mga tao na mainlove sakin, kasi mababaliw lang sila. Ayoko naman maging problema sa kanila kaya ako nalang ang umiiwas. Lols.

 

Nagjojoke ako. Potah. Wag kayong mag react.

 

Kakabigla yung nangyari sa SM Pampanga. Ang babata pa kung lumandi. Noong 13 years old ako, (which is 5 years ago) nasa itaas pa ako ng puno at gumagawa ng tree house o di kaya sa ilog namimingwit. Mga kabataan ngayon nasa malls na, nagbabarilan. Minamadali nila ang pagtanda. Ngayon nga, gusto-gusto kong bumalik sa pagkabata. Gusto kong magbahay-bahayan ulit at kung ano pang kahalayan.

 

Pero hindi naman natin masisisi sila kung sobrang nagmahal sila. Ni wala pa ngang taong kinasohan sa sobrang pagmamahal. Yung mali lang eh yung hindi kayang kontrolin ang sarili. Parang pagdridrive lang yang ng motor, pag mabilis ang takbo, mas bibilisan pa natin. Need for speed kung baga.  Kaya pag biglang hinto, dun mo na malalaman wasak na pala mukha mo.

 

Ang punto ko lang naman dito ay, buhay pa ako peps. Manood kayo ng No Other Woman ha!

 

ahaha

 

 

 

 

 

 

 

 

Single Post Navigation

22 thoughts on “Shooting Mall

  1. nyahaha.. ikaw rin ginoong maldito manonood? not so u.
    Kakaloka nga yung mga yun ginawang shooting range yung SM. Dapat magabayan ang mga bata ngayon.

  2. kalungkot nga iyon… ang sarap mabuhay.. pero sila sinayang lang nila.. mei mga tao na gustong mabuhay… pero sila.. mukhang ayaw na nila.. bakit kaya di nlng nila ipamigay.. kung pwede nga lang tsk tsk tsk.. ehehehehe ako na ang affected.. :p

  3. kawawa nga ang mga iyon noh? nagpapakamatay sila. hindi ba nila naisip na pwede mo naman silang paligayahing lahat? di ba? di ba? lols!

  4. haha, kasi naman yung isa kaya may namatay don, don nag wowork ang jowa nya na merung iba, para walang kalaban laban..🙂 ayun, tapos yung iba sinayang ang buhay, ke babata pa naman.. hays..

    padaan lang..🙂

  5. Kailangan ko din ata gumawa ng post about SM para malaman ng tao na buhay pa mey? Hahaha.

  6. langya. nung 13 years old ka pa lang at 5 years ago lang talaga? tingnan mo nga naman ang nagagawa ng bahay bahayan. sa taas ba ng puno yan? hihi!

  7. bakit kaya pag ikaw nagkwento hindi masyadong ramdam na nagpakamatay pala ang bida hahaha

    parng nabibigyan ng ibang twist lalo na yong bahay bahayan…

  8. awww. kawawang mga bagets na biktima ng seryosong love. hayyys.
    iba na talaga mundo ngaun. :-((

    ako din nung 13 years old ako nakikipag mataya-taya, langit-lupa at taguan-pung pako.
    tsk. tsk.

    … shooting mall na para sikat sa madla.

  9. Una sa lahat maraming salamat sa Picture greeting. Ikalawa, wala na talagang pagasa na mag update ang blog mo sa feed ng blog ko. Punetah! E favorite ko pa naman ang blog mo (BULERO MUCH?!) Syempre tayo-tayo na ngalang ang may talent eh sino pa ba mag bobolahan. Charot.

    Ako nga nung 13 years old kumakain pa ng bayabas habang lalaro ng shato at habang nang-gugulo ng nag chinese garter na mga haliparot na classmates me. Yun lang naman.

    Salamat ulet sa pict grit.

  10. I will definitely watch ‘No Other Woman’ dahil si Anne Curtis ang aking dream ‘other woman’.

    Re ur topic. Oo nakakalungkot isipin na sa murang edad na 13/ 14 yrs old…ganun na katindi ang kaya nilang gawin pra sa pagibig.

    Nakakinis rin isipin kung paano at saan nakakuha ng baril ang isang menor de edad.

    Balita ko dinonate na lang daw ung mga organs nung dalawa since pareho na silang gulay at pina euthanasia na sila.

  11. Ni hindi ko man lang naabutan sa news yang mga shootings sa mall na yan. Baket? Dahil wala akong TV. Klonk klonk.

    Naalala ko nung 13 ako puro Gameboy lang inatupag ko. Puro Pokemon. Hindi ko naman inakalang hindi naman talaga ako mahihilig sa Pokemon. Pokeng Pokemon yan.

    Chos.

  12. nung tuesday ang premier night ng no other woman na yan sa megamall. binalak ko manood pero sinalanta ni Pedring ang Ortigas at pinauwi na kami. hehe! sayang chance ko na sana makumbinasyon si cristine reyes at anne curtis. parang pag nakita ko silang dalawa eh labasan agad ako. hahaha!

    ayain ko na lang si misis manood sa weekend..

  13. Gumagawa ng tree house?
    O gumagawa ng BATA sa tree house? haha..

  14. hoy maldito, tara, baril-barilan tayo sa esem!😄

    hiram na lang ako ng pirated para masolo ko sina anne curtis at cristine reyes sa kwarto. hihihi!

  15. Carried away na sana ako.. kaso lumabas bigla yung No Other Woman..Winnur sa pag segway! connect na connect hahahaha pero sige aantayin ko na lang yung review mo ng no other woman .. cgurado riot un😉

  16. hahah rtumpak para pagkatapos na pagkatapos ngmovie magpatayan sila sa selos lahat… hahaha

  17. onga, ang mga bata ngayon ang hilig magmadali. dahil ba sa napapanuod sa tv kaya sila nagkakaganyan?

    welcome back!!! ulit.😛

  18. Nasa No Other Woman ka ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: