The Great Maldito

Thou shall not bitch

Anong Nanyare?

Kung may ayaw ka sa rules and regulations sa kompanya o ayaw mong sundin, ano yun?

“Yung dress code, yung no cellphone policy po at yung no browsing ng internet websites aside from google”.

Yan ang tanong ng HR officer sakin noong nagka job interview ako dati para sa promotion.  Ang honest lang ng sagot, halatang gustong-gusto ang policy sa opisina. Gusto ko ngang i-print ang rules and regulations, paframe at gawing pendant para ipakita ang pagiging die hard fan.

At dahil sa napakaganda ng sagot ko, yes, alam niyo na ang resulta.

Hindi ako napromote. Naghahanap pala ang kompanya ng robot. Yung sunod lang ng sunod.Hindi sila nagsabi, sana nagsuot ako ng Gundam alas cosplay.

Minsan, hindi mo talaga ma gets ang takbo ng utak ng isang tao. Tatanongin ka, at kung bibigyan mo ng walang pag-iimbot at buong tapat na sagot, magagalit. Kagaya ng nanay ko.

Nanay: Hindi mo ba alam na delikado ang daan pag gabi! Ha? San ka galing! Sagot!

Me: Eh nay, hinatid din naman ako ng classmate ko. Malaki na po ako ano ba.

Nanay: At ngayon sumasagot-sagot ka na!!

Me;😦

At dun ako napaluha ng pako. Kung saan tumanda na nanay ko, dun pa nagsimulang mag drugs. Hahay.

Minsan nagkaproblema kami ng girlfriend ko. Umuwi kasi ako noong monthsary namin pero hindi rin naman nagtagal. Kailangan ko rin namang bisitahin ang pamilya, dating classmates, officemates at ibang kaibigan. Nagalit sakin kasi mas marami pa yung time ko sa ibang tao keysa sa kanya.

At sinabing din niya na hndi niya na kayang ipagpatuloy ang relasyon. Nahihirapan siya kasi malayo ako, malayo ang trabaho ko. May mga oras na gusto niya akong makasama pero wala ako.

Ilang araw din akong nag-isip kung papayag ba ako sa gusto niya o hindi. Lahat ng possibleng kalalabasan ng desisyon ko ay pinagisipan kong mabuti. At sa huli, pumayag ako. Ang selfish ko naman pag hindi ako pumayag. Gusto niya ring lumigaya, at hindi ko maiibigay lahat kasi malayo ako. Sinabi ko nalang na pag-uwi ko, maguusap kami ulit kung ako parin ba o may nahanap na siyang iba. Masakit, pero hindi ko kayang ipagdamot ang isang bagay kung yun ang ikakaligaya niya.

‘Sige, payag na ako.” Text ko sa kanya pagkatapos ng ilang araw na pag-iisip.

“Wag na nga lang, hindi ko kaya”. 

At hindi lang ako naluha ng pako. Yero na ang lumabas sa mata ko.

Hahay…

Single Post Navigation

27 thoughts on “Anong Nanyare?

  1. Hindi nagwo-work ang long-distance relationships.

    (Bitter lang.)

    LOL!

  2. anong sinabi ko sau noon? lolsjooke!

  3. It will boil down to this one lang eh, kahit ano ang mangyari kung kayo ang para sa isa’t isa eh di kayo, pag hindi eh di hindi. hahaha

  4. hoy burikat! paki-update nga ang link ng blog ko. sasampalin na kita e. hahaha
    ano, tuloy ba tayong october? pakshet ka pag di ka nagpakita. mishu!

  5. Nakow! sa susunod, buong bahay na ang iluluha mo hehehhe

  6. Labo mehn!! Ang uso kasi ngayon na sagot, ay kung ano yung gustong marinig ng nagtatanong.🙂

  7. ahaha! ang angas na sweet… eklabu! ahaha, ikaw na…🙂

    kumusta, maldito?🙂

  8. eh di ikaw na ang inlababo. hoy tae, kalagitnaan na ng oktoberfest o. ano, tuloy ba o tuloy ba?

  9. mahirap imaintain ang LDR, ska parang Long Distance Call me kamahalan din.

    Kaya ngayon masaya na ako sa “local call” hehehe!

  10. Needy much si girlfriend? Hahahaha.

    Totoo yung comment nung isa… ang gustong mga sagot is syempre yung gusto nilang marinig. Parang mga hibang lang. As for work… gusto ko yung sagot mo. Honest. Hindi robot. Wag mong i-regret yun. =)

  11. hahaha

    may naalala akong bigla…xD

  12. Marami nang beses nangyari yan sa mga job interviews ko. Napaka-honest ko kasi. Buti na lang sinunod ko ang payo ng isang kaibigan.

  13. nag work ang LDR sa akin..mahirap.. pero nakaya naman.. kasi me times na naiinis ka na, hindi mo pa maalagaan inis mo kasi mahal ang long distance calls para makipag argue (ala pang internet nun kasi), ending nun makikipag ilytoo ka na lang ulit nyahaha…. pero really, mahirap magmantain ng ganyan…extra self discipline, extra trust, extra understanding..lahat extra…. pero sus, me internet, me unli text at calls, mas madali na din kahit pano ngayon!

  14. dami naman atang nagdudrugs sa mga panahong bumabagyo… hay nako…

  15. sa office, walang ganyang patakaran. lalo na yang browsing browsing na yan. hehehe. meron pero di ganun kahigpit. hehe

  16. bawal magcelfon pag nasa work? langyang patakaran yan ah. eh pano kung may emergency ka tawag mula sa pamilya mo, wala kang muwang? mabuti na lang na lumipat ka ng work kesa magtiis sa mga policy na ganyan.

    at yung lovelife, mahirap talaga yan. lapitin ng tukso ang mga taong involve sa LDR. dagdagan ang tiwala. at ipakalat na ang mga espiya. hahaha!

  17. nasan na yung comment ko?

  18. Uuuy, bago carpet. Pacanton ka naman!

    Isa sa mga major factors na kinoconsider ko pag naghahanap ako ng trabaho eh yung pagblock ng company ng sites na hindi work related. Nagtrabaho ako noon sa company na ang outside site lang na na aaccess namin eh CNN.com, ayun, nagpakasawa ako sa mga articles tungkol sa studies na nagpapatunay na occasional browsing of the internet na hindi work related can actually improve an employee’s productivity. And I agree to the highest level. Haha.

    Yun naman din ang ayokong type ng boss, yung ang tingin sa employees nya eh robots. Na wala ng aatupagin kundi work. Bawal makipagkwentuhan during work hours. Bawal mag chill saglit. Jusmiyo.

    Yero. Wagi! Win! Kemerlu!

  19. Ay oh? Parang masyadong clingy naman si gf. Haha. O baka sabik lang siya masyado sayo. Baka namimiss ka lang at nagsungit lang dahil sa hormones ikaw naman tong bitaw agad. Lumuluha yun por sher.

  20. dong, damihan mo ang pagluha mo nang plywood ah? makikihingi ako para sa renovation ng mansion namin. lol

    ay sus, gimingaw ra na nimu.. agay ka.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: