The Great Maldito

Thou shall not bitch

Plastic Bigote

Nay, pwede po ba akong mag artista?

Hindi kumibo si inay. Mamasa-masa ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Tumalikod. Hinarap ang mga tanim niyang bulaklak at kinausap.

Dun nadurog ang puso ko at itinakwil ang pangarap na maging isang Aga Mulach o kahit George Estregan man lang. Okay, John Lloyd Cruz lang naman sana yung nais ko.

Minsan sa buhay natanong na natin sa sarili kung pano kaya kung naging artista tayo?. Yung nakikita tayo sa telebisyon. Iba nga masaya na masagip ng camera sa 24 oras kahit ang nasa backround ay nasusunog na bahay o di kaya nakahandusay na patay.

Kung magkakaroon ako ng manager, gusto kong kunin si annabelle rama. Tiyak walang babatikos sa kakayanan kong umarte. Lahat ng kaaway pinapatay na sa interview pa lang. Pano na kaya kung magface to face?

Kaya siguro hanggang ngayon wala pang kumontra sa pag-arte ni Richard Gutierez. Kung maka facial expression kasi parang na stroke lang. Hindi mo alam kung malungkot ba o masaya. O di kaya nilalabasan na pero malungkot parin.

Marami akong role na kaya kong gampanan. Sa action, gusto ko ako yung kontrabida. Maraming side kick tapos armas. Yung leading lady ko dapat si Melai para maiba. Kakasawa na kasi yung sobrang ganda katulad ni Anne Curtis at Christine Reyes. Kunwari iinit ulo ko tapos ibabaling ko lahat ng galit ko kay Melai.

Sa huli, hindi yung main actor ang mapapatay ko kundi si Melai.

Ayoko ng comedy. Hindi kasi ako marunong magpatawa. Seryoso akong tao, kaya magmumukhang pilit yung acting ko pag nagkataon. Wag kayong maghanap ng proof. Mapapahiya ako.

Kung drama naman, mas magaling ako dun. Bibigyan ko kayo ng isang eksena na nasa isip ko ngayon na gustong gusto ko.

Sakit na siguro yung pinaka epektib na dahilan para paiyakin ang manonood. Kunwari may cancer ako at may taning na ang buhay. At dahil maganda yung eye lashes ko, tawagin nalang nating cancer of the eye lashes ang sakit ko.

Magdadala ng pancit ang asawa ko. Sisigaw habang pumapasok sa kwarto…

“ Bibi (oo, matigas na baby), may dala akong pancit”.

Hindi ako gagalaw. Hindi na humihinga. Itatapon niya ang pancit sa sulok at sisigaw naman ng….

“ Bibi (oo matigas parin), huwaaaag moooooo akooooonggg iwaaannnn!!”

Bigla nalang akong magsasalita…

“Mahal, ayusin mo bigote ko”.

Tapos mawawalan ulit ng buhay.

Gusto kong humiga siya sa natapong pancit at dun iiyak. Wala lang. Parang mas makukuha niya kasi ang simpatya ng tao pag dun siya.

Simpatya sa pancit. Hindi sa kanya.

Marami akong gusto sa buhay. Sa sobrang dami iba kinalimutan ko na. Iilang tao lang ang masasabi nating masaya sa ginagawa nila. Walo sa sampung katao tinitiis nalang kung saan sila ngayon. Maniwala kayo sa statistics ko. Nakuha ko yan sa nagitinda ng taho.

Minsan, may nagtanong sakin kung bakit hindi ko kayang magmahal ng iba. Na mahalin siya.

Alam niyo kung bakit?

Kaya kong mag-inarte. Pero kahit kalian, hindi napepeke ang puso.

Single Post Navigation

24 thoughts on “Plastic Bigote

  1. lols sa eksena… wahihihhi. bibi…. ayusin mo ang bigote. naks

  2. sa haba ng drama, comedy at action mauuwi lng pala sa nagiinarteng puso mo ang lahat hahaha kainaman na yan!

  3. tsk! tama nga ang sabi nila, magaling magpatawa ang mga malulungkot… lalong lalo na pag nag-eemote sa lablayp…

    okay lang yan pre, dami mo namang babae. lolsjooke!

  4. Wow! Andami pang sinabi sa usapang lablayp lang din napunta… Akalain mo yun?! LOL

  5. waaahhh the best ka talaga ginoong maldito… nangalay na naman ang panga ko kakangiti…

    agree ako sa huling mensahe mo, kahit kailan hindi napepeke ang puso… PUSON pede pa… ahihihihi

  6. Tama ka idol kailan man hindi mapepeke ang puso. So simplify your life follow your heart!

  7. char pamatay last line ha…

  8. sigurado ka bang artista ang gusto mo, hindi direktor, parang mas bagay yun sa’yo. hehehe

    at naniniwala ako na di ka magaling magpatawa. lolz

  9. natumbok mo sa last part chong!

  10. gi atay!!! nakabuhakhak napud ko…animas ka!!

    kawawang melai, sya ba si bibi? ahahaha

    nagdrama sa ending? weh? puso talaga?

  11. oo nga, hindi talaga bagay sayo comedy… pag drama talaga ang istilo mo kung magiging artista ka eh. saka yung bibi mo mo, baka naman kailangan lang ng konti pang oras para hindi na maging peke. Malay mo lang naman 😀

  12. lols parang nameke lang ng orgasm ang lintik. hahaha! o sya ahitin na lang natin yang bigote mo para hindi na kelangan pang ayus ayusin.

  13. Bat di kaya kinuha ni Aljur na Manager si Anabel noh? Dahil kaya ang galing galing nyang umarte pag ang role nya eh kahoy, marmol, o kaya tao pero constipated.

    Shets. Naawa ako kay Melai, baka magulpi mo o kaya mapasigaw sa seahorse. Hahahaha.

    Wagi ang Cancer of the Eyelashes. Pwede na ngang gawing title yan! O kaya, “Bukol.. sa pilikmata”

    Bungga ka sa last line. Hagisan kita ng matres eh. Haha.

  14. Naks.. May landi pa lang aral kuno sa dulo. Fine! Hahaha. Sana ngumunguya siya ng pansit habang umiiyak. Pang-academy awards ang ideas mo. Steven Spielberg ang dating. Hahaha.

  15. kaigat sa ending statement. nakahilak kog pancit. ako hipuson para magamit nimu sa inyong scene ni melai.w ahahah

  16. Pag-aartista? Minsan tawag namin dyan eh “pambansang pangarap” Lahat kasi parang gusto maging artista eh. Kaya ganun na lang ang pila sa mga reality TV shows. Pero Idol winnur ang last line mo

    “Kaya kong mag-inarte. Pero kahit kalian, hindi napepeke ang puso.”

    hooong torooy!

  17. Hahahahaha! ‘Kala ko seryoso na!

    “Kaya siguro hanggang ngayon wala pang kumontra sa pag-arte ni Richard Gutierez. Kung maka facial expression kasi parang na stroke lang. Hindi mo alam kung malungkot ba o masaya. O di kaya nilalabasan na pero malungkot parin.”

    TOMOH!

    Ang tawa ko lang kay Melai.

    Pwede po ba akong mag-apply na maging P.A.?🙂

  18. kung magiging artista ka. siguradong siguradong sisikat ka. kagaya ng ibang indie actors. iba kasi ang banat mo sa akting. :-))

  19. Gusto ko sumali sa PBB. Derecho naren yan pa artista. Haha. Kita mo si Melai oh. :p

    Panalo ang banat mo sa huli. Pwede na gawan ng Wooden Heart award.😀

  20. hahha..

    tamang emote at pamatay na litanya sa dulo.

    nakaka”ngiti”ng post.

  21. Ako rin pag naging artista gusto kong kunin si Anabelle Rama! Bukod sa walang maka-kwestiyon sa pag-arte ni Richard, wala ring maka-kwestiyon kay Raymond! HAHAHA. Ni minsan di pa napag-tsismisan si Mond di ba! Powerful!

  22. bakit ganun noh di talaga pwedeng mag inarte ang puso haa..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: