The Great Maldito

Thou shall not bitch

Masamang tao

Dalawang araw akong nagkulong sa kwarto at nanood ng Hellraiser. Simula pa sa unang pinalabas siya noong 1987 hanggang sa huling pelikula niya noong 2005. Hindi ako tumigil sa kakanood kahit na nasusuka na ako sa mga nagliliparang karne ng tao, utak na ginagansilyo at kung ano pang pangpadisturb ng pananalampataya. May pinapatunayan kasi ako.

Sabi sa pelikula, lahat ng tao may kasamaan at kabutihan. Depende nalang sa atin kung saan ang mas mabigat. We create our own demons.We are our own demons.

Hindi ako nabigla. Kinapa ko ang noo ko at baka may sungay na na nakaumbok. Baka kasi nagpaparinig lang ang potangenang narrator.

Alam kong mabuti akong tao. Ipupusta ko ang lahat ng natitirang puri ko.Pero hindi ibig sabihin na mabuti akong tao hindi na ako marunong gumawa ng masama. Marunong din naman ako mag poke back pag pinopoke. Facebook lang kuya?

Sabi ng nanay ko marami daw kaibigan si tatay na masasama. Yung isa nangutang daw sa kanya ng malaking pera. Pero kung sisingilin mo na, hindi na nakakakilala ng tao. Automatic may amnesia. Kaya noong namatay siya, hindi rin namin siya kilala. Ni anino namin hindi nagpakita sa burol.

Nakakasira talaga ng relasyon ang pera.  Kadalasan, ang kasamaan ay sinusuklian rin ng kasamaan. Kaya hindi natatapos ang laban. Paulit-ulit. Buti nalang walang pera ang pamilya ko. Kaya minsan lang kami mag away. Usually, ang pinag-aawayan namin ay kung sino ang maghuhugas ng pinggan. Yun lang. Thank God for making us poor.

Nawalan ako ng 2 kaibigan. Mali, hindi ko sila pinatay. Ako nalang mismo ang nagdesisyon na tanggalin at iblock sila sa Facebook. Potah lang kasi, ang lakas makautang tapos ako pa yung nahihirapang maningil. The nerve!

Masisisi ba nila ako? Nagalit daw sila sakin.

Nagpost kasi ako sa wall nila na wag nalang nilang bayaran ang kanilang utang total eh wala rin naman silang planong magbayad. Abuloy ko nalang sa kanila yun.

Anong masama sa abuloy? Eh ako na nga nag offer.

Hanggang ngayon hindi parin ako makaget –over sa nangyari sa pamilyang Revilla. Kunwari close lang at sobrang affected. Paano kaya magagawa ng isang kapatid ang ipapatay ang sarili niyang kuya? Dahil lang sa pera.

Natapos ko ang Hellraiser ng dalawang araw. At ang resulta ng gusto kong patunayan?

Potah. Takot parin ako sa dugo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Single Post Navigation

22 thoughts on “Masamang tao

  1. wahahahahaah. wagas!

    a for abuloy…… :p

  2. ganon talga pare kayo…”money is the root of all evil”😉

  3. weeh!? may puri ka pa bang maipupusta? lols!

  4. errrrrm. di ko alam kung saan ako magkukumento.

    Di pa ako nakakapanuod ng Hellraiser.

    Gusto ko gawin yung ginawa mo sa FB, kaya lang inunfriend na niya ako.

    No comment sa mga Revilla, mas interesado ako ngayon kay Arroyo.

    Dugo = Ewww

  5. hahaha.. ayos sa pagkaka shift sa pamilyang Revilla. lels.

    kasalanan di ba ang pagkaroon ng sama ng loob? kaya ako ang ginagawa ko para hindi madagdagan sama ng loob ko kinakalimutan ko na lang yung mga taong nakasasakit sakin.

    pero minsan parang gusto ko mamaril sa loob ng sm malls.. -ako na masama lels.

  6. haha tama lang na iblock mo ang mga friend mong inam kung mangutan at inam kung makalimutan ang utang..lolz..

    pahabaan ng sungay ang uso ngayon…. pero wala pa din ako … buntot meron an..wahhaha

    dugo?? peyborit ko yan… haarrr!

  7. Ganda ng train of thought mo dito, ang gulo pero malinaw. Hahaha.

  8. kaya pala nawala ka na sa friends list ko. lols! ayan kasi madala ka na sa pagpapautang. ako nga hanggang 500 lang kaya ko ipagkatiwala. haha! syempre hindi naman tayo tumatae ng pera. mahirap din kaya mag abang ng payday.

  9. hello🙂 buhay na naman ulit ako. lol nakarelate ako tungkol sa utang na hindi nabayaran.😀 ibig sabihin siguro pareho tayong mapera? lol o madami lang talaga ang makapal ang leps. anyway, better to free ourselves from all the hate at bahala na si karma ang maningil sa kanila. bitter??? LOL

  10. Hahaha. Rock and roll naman pala ginawa mo eh. Pinost pa sa wall? Hahaha. Parang may kakilala din akong ganyan, nagtext siya na sa umutang na wag na magbayad at kawang-gawa na lang daw niya dahil naaawa siya. Tinext niya at ginawang GM. Si Ate oo.

  11. kaninis yung mga umuutang, nagkaka amnesia tuwing deadlines!

    ong somo somo tologo!

    di pa ako nakanood ng hellraiser…gonna watch that nga!

    -napadaan here ^_^

  12. Putah! Iconnect ang lahat sa Hellraiser! Yung mga pinautang nyo isipin mo na lang Fundraiser! LOL.

  13. ang taray ng pinost mo sa wall ha. unkabogable drama ang wit nang pepeysungan at a for abuloy na lang. KABOGERO!

    marami din akong mga kaibigang ganyan hanggang sa huli kinakalimutan ko na lang. minsan nga ako pa ang na giguilty pag kasama sila. bongga diba? sa kanila parang wala lang. patay-malisya ever o sadyang kinalimutan. mga shupal peslak lang dava!

  14. Merong blogger na nakipag-close sa maraming blogger para utangan tapos hindi na uli nagpakita at nagparamdam. Sarado na din ang blog nya. Deactivated na ang Twitter at Facebook. Hindi ko alam kung nahihiya lang sya dahil marami syang naperahan o nagtatago lang talaga sya sa mga inutangan nya o both.

    Edi magkalimutan na lang! Sayang hindi ko nagawa yang ginawa mo sa friend mo, pero magandang ideya yan. I will take note.

  15. Me theory ako dyan sa kasamaan na yan. makapagsulat nga ng me bago naman sa blog ko.hehehe

  16. oo naman depende na lang yan sa nagdadala kung trip nya sa buhay ang pagpatay eh trip nya yun eh… hahaha…naku takot ka sa dugo, di ka pala pwede sa medical field. kasi everyday yun ang lagi kong nakikita…

  17. “We create our own demons.We are our own demons.” Yea.😀

  18. o siya, para hindi na pumutok ang bayag mo sa sobrang galit, pautang na lang. walang interes; friends naman tayo, di ba? :p

  19. nakakasira talaga ng pagkakaibigan ang dugo.. este nakakatakot talaga ang utang.. gusto kong pinopoke ako… amfpt nice post po…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: