The Great Maldito

Thou shall not bitch

Para kay G

Dati parating nagmimisa si nanay tuwing almusal bago pumunta ng skul.Parati niyang sinasabi habang naghahain ng ulam ..

” Ang hirap na ng buhay ngayon. Lahat nagtataasan ng presyo. Bigas,kuryente at gasolina. Tapos ikaw panay ang tulog. Hay nako!”

Minsan sumagot ako.

“Eh di gasolina nalang ang ulamin natin. Pareho lang naman ng presyo sa pagkain”.

At hulaan niyo kung sino ang pumasok sa skul na walang laman ang tiyan. Hu hu hu. Ang minsan ay hindi na naulit.

Hindi ako interesado sa ekonimiya noon. Ang naiinitindihan ko lang ay mahirap kami. Simple. Kahit gaano kataas ang mga bilihin kung wala ka namang pambili, wala rin namang kwenta yung pag-emote sa balitang tumaas ang presyo ng gatas. Tandaan, hindi lang suso, I mean sa dudo ng cow makakakuha ng gatas. Maraming paraan pag resourceful ka.

Naiinis ako sa mga taong lakas makarelate. Yung kapitbahay namin na si Pebi (in Bisaya ) or Phoebe (in tagalog) ay isang born again. Born again dahil kada buwan may bagong personality. Isang umaga humihingal na nagkwento kay nanay habang naglalaba.

” Nako madam! Narinig mo ba ang balita kagabi na tumaas naman ang presyo ng gasolina dahil sa gyera sa middle east? Problema na naman kung pano tayo makakabili ng gasolina. ”   Tanong ni Pebi.

” Wala. Dati pa naman tumataas ang presyo ng gasolina. Wala nang bago sa balita na yan.” Sagot ni nanay.

Likas na joiner ako. Kaya tinanong ko si Ate Pebi.

” May kotse ba kayo teh at kung makarelate ka sa balita kulang nalang lumuha ka ng tanso?”

” Wala. Hi hi hi” sabay walk out.

Hindi ko masyadong naiintidihan noon kung gaano kahirap kumita ng pera. Mababa lang ang sahod ng nanay ko kaya kung pwde lang hiwain sa lima ang isang strand ng pancit gagawin niya. Tapos tig-iisang butil lang ng kanin. Ganun lang bro. Ganyan.

Kung tutuusuin kahit gaano kabigat ang problema natin sa buhay lahat nalalampasan kung maparaan lang tayo. Nagtataka nga ako kung pano ko nalampasan ang mga shitty things na nangyari sakin. Kunting beer, bukas makalawa solb na.

Ngayong may trabaho na ako at tumutulong kay nanay, baliktad na ang mundo. Ako na yung panay litanya na bigyan importansya ang pera dahil mahirap kumita. Ramdam na ramdam ko yung paghihirap na naranasan niya noon. Naiisip ko nga minsan kung bubuo pa ba ako ng pamilya dahil takot ako na balang araw gagawin ko yung sinabi ko. Yung ulamin ang gasolina.

 

PS: This is my entry for Gasdude’s blog writing contest.  Go join here!

Single Post Navigation

15 thoughts on “Para kay G

  1. Isa itong tribute sa building ka kuya? na si GasDude. Hahaha. Oo nga, ang strong nga ng faith ni Kuya Alex parang ako lang. LOL. Binanggit ko lang para lalo ka mainggit. Hahaha.

  2. sa hirap na ngang kumita ngayon… ano nga kaya ang lasa ng gasolina? ehehehe.. nice post.. at goodluck sa pagsali mo sa pa-contest ni gasdude..

  3. ang mahal naman ng ulam niyo .. gasolina.. sosyal pa yan .. hehhe

    gudlak sa entry mong ito…

    magsimba ka naman minsan ..hahaha joke🙂

  4. mabuhay ka pre! nanakarelate din ako kasi tukad mo, madami ding umaasa sa akin noon. buti na lang, tapos na mga kapatid ko sa pag-aaral kaya okay na ngayon. yey!

  5. bilib na sana ako sa umpisa, at handa nang sumuko sa pacontest ni Gasul, tas humirit pa sa ending.

    buti na lang di siya mag-isang judge. parang love letter kay gasul tong post na ‘to eh. lolz

    good luck Maldits!!!

  6. Sana manalo ka! Ang awesome ng prizes!

  7. at least nakikita mo na may pinupuntahan ang mga sakripisyo’t paghihirap mo. mabuhay ang mga panalong tinapay na tulad natin, kuya glen!

    merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms! \m/

  8. before ako mag comment eh.. pabati ng maligayang pasko at manibagong bagong taon sayo maldito haha..

    2 kayo ni lioloco ang susuporthan ko dito haha.. pero kung susuhulan mo ko pwedeng ikaw lang lels.

    katawa si ate pebi kala mo may jaguar lng sya haha.. wagas maka react eh haha.. :))

  9. ngayon lang ako nadako sa bahay mo at sa palagay ko e mapapadalas ako🙂 good luck sa pakulo ni gasdud, happy new year!!

  10. Di ako nakahabol sa pakontest ni Gasul, sobrang busy kasi nung December 30 at 31.

    Isa akong Pinoy na madalas sa deadline kung gumalaw. Ayan tuloy walang entry.

    Kelan kaya bababa ang presyo ng gasolina? Siguro kapag pwedeng kumuha ng gasolina mula sa dudu ng cow! hehehe!

  11. Haha.. ano ba ang lasa ng gasolina. maisagot nga iyan sa nanay ko, baka mapalayas ako haha😄 cheers! ang gagaling naman ng sumasali😄

  12. Ay wala pang bago… =)

  13. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: