The Great Maldito

Thou shall not bitch

Pakitigil lang please

Hindi ko alam kung sino talaga ang nagpauso ng public display of affection. Kung bakit kailangan ipamukha sa mga tao na sila na ang may lovelife at kung makalampungan sa loob ng jeep ay parang ito na ang huling sakay patungo sa walang hanggan.

Kailangan balatan, igapos sa ilalim ng puno ng kamote at ipakain sa langgam ang nagpasimuno nito. Makakaya kong patawarin ang salarin kung sana nakakatulong ang PDA sa pag-sagip sa mga taong nawawalan ng landas o maingat ang annual gross income ng lahat ng manggagawa. Pero hindi. Dapat ko rin bang sisihin ang pangulo?

Ang sagwa. Yan ang nasa isip ko habang tinitignan ang dalawang malalandi na nasa harapan ko sa loob ng jeep. Kung maka-akbay ang lalaki mahihiya ang hangin na dumaan. Compress na compress. Mahihirapan kang maghanap ng butas. At si babae, nag-iinarte. Kunwari tulog at nasa dibdib ni lalaki ang ulo. May tulog bang panay ang ngiti at galaw ng mga kamay? Sarap sipain ang panga para matauhan. Kulang nalang talaga gawin motel ang jeep.

Okay lang sana kung cute tignan. Eh potah, sa mukha ng dalawa kahit na mag bembangan pa sila sa harapan ko hindi ka titigasan. Mapipilitan kang humingi ng pasensya sa mga kasalanang nagawa mo at maglaslas gamit ang hair clip. Byaheng impyerno ata ang nasakyan ko.

Kelan pa nag extend ang Sogo motel sa mga jeepneys?

Dugyot. Yan na siguro ang pinaka dabest na salita na kaya kong ikumpara sa kanila. Dugyot times to the nth power.

Lahat ng bagay may binabagayan. Umayos ayun sa lugar, oras, panahon at kung ano ang dapat. Pero minsan, iba sa atin kapal ng mukha lang talaga ang puhonan.

Hindi naman ako bitter. Hindi rin ako yung tipong maghihimasan sa harap ng maraming tao.  Naniniwala kasi ako na ang mga ganyang bagay ay dapat gawin sa loob ng kwarto.

Im totally back. Kamusta kayo?

Single Post Navigation

31 thoughts on “Pakitigil lang please

  1. hahaha naiimagine ko ang mukhang snatcher at hindi naliligo na pokpok na naglalampungan sa harapan ko shaks ka tlga maldito kang tunay hahaha

  2. asan ang picture?
    para naman magandang mag imagine

  3. hmmmm alam nyo ba kong ako ang naka kita eh kong sinewerti pa nag sabihin sakin na i finger mo pare naku nagmamadali pako bakit saan ka ba naka kita ng ganun sa araw araw kaya panoorin muna lang wag kang mainggit,kasi nakikipanood ka nang libre naangas ka pa?

    • Naiintidihan kita dahil sa Qatar hindi normal ang ganito. Kung bakit ko alam? Ha ha ha…Pero sana wag kang magpahalata na tigang na tigang ka na. Halata na kasi e. Salamat. At gudluck sa pamiminger mo. Sana hindi ka masipa ng camel.

  4. Charantia! Haha porke’t malapit ng mag-Balentayms. Wala ka bang date?

  5. so kelangan talaga naka-google translate? wazzup brothah! \m/

  6. ay tae. naka-automatic translate pala ‘tong chrome ko. pakidelete na lang ‘yung unang comment. hehe.

    kung maka-react naman ‘to parang nag-live show na ‘yung mag-syota. nagpi-pda rin kaya kami ni dude. hihihi!

    wazzup brothah!

  7. bwahahah, dapat tinitigan mo ng wagas at umubo-ubo…*sogo *sogo *sogo

  8. welcome back! namiss kita bruha ka. pahug nga. lols!

  9. Maglenatividad on said:

    Kow. Ganito din po dito kuya. Lintek. Sarap pagjojombagin ng patola sa mukha.

  10. dear maldito,

    you have no idea kung gano kita namiss!!! nwala ka na lang bigla! araw-araw kung chini-check kung may bago kang entry at sa mahigit isang buwan araw-araw at paulit-ulit akong nabibigo. marahil eto ang unang beses na nakita mo akong nag-comment sa blog mo pero mula nung nadiscover kita–pinanganak ang ung BIGGEST FAN. sana lang… kung mawawala ka man sa mga susunod na araw…

    please email me your number. txt txt na lang tau. hahaha! un lang naman talga ang gusto kong sabihin. peace!

    seriously, i so missed you…–and your blog.

  11. di kaya bitter ka lang at wala kang kayakap sa dyip?😛

    welcome back maldits!!!

  12. natawa ako naalala ko ung dating narinig ko na pag dalawang mukang artista ang nag PPDA ang sasabihin ng iba.

    Iba: wow ang sweet😀

    pag parehas dugyot ang sasabihin ng iba.

    Iba: kadiri! di man lang nilugar ang kakatihan. hahaha

    welcome back !

  13. buti nalang ganyan lang ang ginawa ng nakita mo..i got a similar experience with this inside public transportation..yun talagang nakita ko is nag lip locking! LOL lips to lips to the gross level..hahaha sarap paghambalusin ng bag yung dalawa..akala mo kung sinong maganda at gwapo..LOL

  14. ganon talga maldito. Likas na siguro na ipakita sa ibang tao ang kanilang pagmamahalan. Di mo rin masabe kung tawag ba ng laman kung hanggang sa mga pampublikong lugar eh hindi nila mapigilan ang makamundong pagnanasa ng bawat isa…tsk tsk tsk..dapat talaga nasa tamang lugar..oras at panahon…welcome back brad!.;-)

  15. Madalas ko din tong ma-feel. Ewan ko ba, naiinis din ako pag nakakakita ng mga masyadong PDA, yung tipo kala mo aagawan ng jowa. Matatanggap ko pa yung akbay or holding hands pero yung uber sa yakapan ng parang you and me against the world ang drama at parang nakakahiya sa kanila dahil napapansin mo sila .. ay kaloka. Hahaha.😀

  16. Ayoko maging judgmental pero hindi rin maganda yung itsura nung navisualize ko. Hahaha. Parang naimagine ko din ang mga nakakasakay ko dati sa jeep. Kung bakit naman may magsyota talagang ganyan? Hindi rin ako sang-ayon sa PDA at tama ka na may kwarto naman para sa ganyang lampungan kaya sana ilagay sa lugar. Hindi ba madaan sa holding hands na lang sa jeep para mas pormal at hindi eksena? Kailangan talaga akap-akap na parang titanic… sa jeep? Nagalit dun tuloy ako. Hahaha.

  17. I’m first! ;P Ako ang unang nag-like kahit marami nang nag-comment. LOL!

    Sang-ayon ako sa comment ni Lyzius, dapat piniktyuran mo o di kaya ni-video para ma-post in public nang mahiya naman ang gumagawa nyan. Tsk! Tsk!

    Kahit ako nanggagaliiti pag nakakakita ng PDA na wala sa lugar. Grr!🙂

  18. Pag nakakita ka ng ganyan, maglabas ka ng Biblia tapos, titigan mo yung mga nagP-PDA tapos isigaw mo:

    “Galacia kapitulo singko kabanata disinuebe hanggang bente uno: Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan. Ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

    Manalangin tayo.”

    Rakenrol!

  19. asus. morason pa gyud. bitter ra ka dong.😛

  20. Baka naman inggit ka lang. (:

  21. hehe..uu nga nkakakasar nga…hmmmmp..ako nga sweet lang ngdidilim n paningin ko..lolz..tgal n kasi wla kaholding hands..lolz!

  22. hello, maldito,

    what to do, eh? ang mabuti sigurong gawin, mag-exercise muna ng leeg – stretching activity, ahaha. hold it on the left side, eight counts. tapos, eght counts uli, on the right naman. tapos, tungo. tapos, do’n na… kasi, pag tumingala, maaalibadbaran ka uli, ahaha.

    ano kaya kung isumbong mo kay bonggang-bonggang bongbong? ^^ nakikiraan lang po. magandang araw! 🙂

  23. Idol para kang ibon sa iyong pagbabalik… kasi ang angry… Angry Bird mo! =)

    Ok lang yan malay mo happy sila sa ganun. Saka malapit na araw ng mga puso… Sensya wala ako macomment… PDA din ksi ako… dati. =)

  24. dapat nga sila ang mahiya. pinagtitinginan na sila ng mga tao. grabe! merong similar experience dito, mag-asawa naman na sila. Pero ganun din ang imaginin mo, yung babae “voluptuous”, yung lalaki, ala Jose ng Eat Bulaga. Naglalaplapan everywhere… talaga naman! ikaw ang mahihiya na kasama sila.

    Sana makaramdam din yung mga nagpi-PDA. Di pwedeng strike anywhere. sila na nga ‘tong inappropriate, sila pa ‘tong defensive. Pag pinagsabihan mo, sila pa ang galit. bitterness! hahahaha! :))

  25. hahaha ayus naman.. hahaha

  26. Alam mo ba, gusto kong gawing trip yang PDA. Todo halikan ng garapalan sa public. Yung tipong lahat sila ma aawkwardan tapos hahagisan nila kame ng ice cream ganon. Ang mahirap na part lang dyan eh ang paghahanap ng boyfriend. Punyetang mga lalake yan masyadong mailap! Haha.

    Hamishu na Maldits! LOL

  27. ang buong akala ko kaming mga magkakaibigan lang ang gumagamit ng salitang “bembangan.”😀

    Tama ka, sarap ngang bangasan ng mga taong mahilig sa PDA!!

  28. Pingback: Random Rants: 17 February 2012 « Pano ba mag-blog?

  29. Ha! Kala ako lang na iimbyerna sa mga ganitong kung makaligkis parang wala ng bukas. Haha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: